Overwhelmed si JC de Vera sa special treatment na nakukuha niya mula sa nilipatang network, ang TV5, lalo na sa very warm welcome na ibinigay sa kanya sa trade launch ng estasyon noong March 25 sa World Trade Center sa Pasay City.
"Para akong ipinanganak ulit... yung excitement kakaiba... Feeling ko espesyal talaga ako," masayang bungad ni JC nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
Grateful daw siya sa "konting spotlight" na ibinibigay sa kanya.
"Ang dami kaagad shows na ibinigay sa akin. Nakakagulat kasi apat na shows agad ang naka-line up. Tapos ginawa kaagad nila akong lead kahit kalilipat ko lang."
DIFFERENT EXCITEMENT. Nasabi niyang kakaiba ang excitement sa TV5, "siguro dahil marami akong gagawin dito na hindi ko ginagawa before like yung hosting. Tapos babalik-sayaw ulit ako. Kakanta ako. Yung mga hindi ko usual na nagagawa, magagawa ko ngayon sa P.O.5."
Ang tinutukoy ni JC na P.O.5 ay ang bagong Sunday noontime variety show ng TV5 kung saan kasama niya sina Lucy Torres-Gomez, Ryan Agoncillo, John Estrada, Alex Gonzaga, Mr. Fu, Tuesday Vargas, Mocha Uson, Chris Cayzer, Gloc 9, at marami pang iba. Magsisimula itong mapanood by second week of April after Holy Week.
Katapat ng P.O.5 ang ASAP XV ng ABS-CBN at ang Party Pilipinas ng GMA-7. Pero ang pagkakaiba nito sa kapwa Sunday variety shows ay hinaluan ito ng games.
"So, parang naging interactive siya," paliwanag ni JC, at "merong ipamimigay na prizes sa mga audience, lucky texters, lucky viewers."
Bukod sa P.O.5, may tatlo pang shows si JC. Aniya, "Lokomoko U. Tapos, gagawin ko yung 5-Star Specials, at isa pang action-fantasy show by May. Hindi pa siya tapos i-develop kaya hindi pa ako makapagdetalye. Inaaral pa nila kung paano nila ito gustong gawin. Teleserye siya."
May naramdaman ba siyang lungkot sa pag-alis niya sa Panday Kids ng GMA-7?
"May lungkot din kasi kasama ako sa pagsisimula ng show. Pero iniwan ko naman yung show na meron akong kapalit. Alam ko na nagawan naman ng paraan ang pag-exit ko."
FIRST TAPING. Nag-start na raw siyang mag-taping last Saturday, March 20, ng Lokomoko U. Kumusta naman ang first taping?
"Masaya. Ni-reformat nila yung show. Halos lahat ng segments kasama ako. Nag-enjoy ako sa taping. Tuwang-tuwa ako sa mga pinaggagawa namin."
Ayon kay JC, ang Lokomoko U ang first regular gag show niya. Kasi guesting lang daw ang ginawa niya sa Bubble Gang noon. Kasama niya sa Lokomoko U sina Alex Gonzaga, Pauleen Luna, Valeen Montenegro, Tuesday Vargas, Caloy Alde, Empoy at Voyz Avenue.
Ano ang feeling na kasama niya sa show ang ex-girlfriend niyang si Pauleen?
"Okay lang kasi nag-work na rin kami before sa GMA. Meron kaming ginawang dalawang shows together, e. Pero for Lokomoko, sa Tuesday pa kasi siya magte-taping, e. Okay naman kami. Wala kaming problema on working together."
Wala na raw ilangan sa pagitan nila. "I'm happy to work with her. Pag may chance talaga, okay agad ako sa kanya, e."
BIG CHALLENGE. Excited si JC sa 5-Star Specials dahil siya raw ang pangatlo na itatampok sa naturang drama anthology, pagkatapos nina Maricel Soriano at Ruffa Gutierrez.
"Tine-take ko siya as a big challenge talaga. Kasi alam kong mahirap yung palabas na yun. At saka medyo similar sa ginawa ko sa kabila [Obra for GMA-7]. And nung time na ginawa ko yung show na yun hirap na hirap talaga ako. As in, doon ko nailabas yung pagod at hirap pagdating sa acting.
"So, this time, very happy ako na meron ulit ganun kasi it's a big challenge for an artist like me na mag-explore ng mga iba't ibang characters na gusto kong gampanan. So, kung ano man yung hindi ko pa nagagawa, makakapag-suggest ako na eto ang gusto kong gawin. So, malaking factor iyon para sa isang aktor."
Mas may pressure ba ngayon to make a bigger name sa TV5?
"Mahirap, yeah, kasi parang sugal, e, hindi mo alam kung ano ang mangyayari. Pero, of course, I'm hoping na makasama ako sa pag-angat ng network, sa pagiging successful nila. Yun lang ang nasa isip ko ngayon.
"For now, gagawin ko lang muna yung mga shows na binibigay nila sa akin. I'm praying na mag-hit ito. May tiwala naman ako sa TV5 na magiging mas malaki pa sila at sana makasama ako sa paglaking ito, sa success na makukuha nila."
Umaasa siyang sa TV5 ay maabot niya rin ang status na naabot nina Richard Gutierrez, Dingdong Dantes at Piolo Pascual.
"Pinagpe-pray ko yun. Gaya nga ng sabi ko, sana sa mas paglaki pa ng TV5 ay makasabay din akong lumaki. Lahat naman ng artist nabibigyan ng chance na i-prove yung sarili nila, kung ano ba talaga ang kaya nilang gawin."
NO MORE HARD FEELINGS. May hinanakit pa ba siya sa GMA-7?
"Wala, wala... yun nga, sabi ko parang reborn, e. Whatever happens noon, iniwan ko na rin doon. Brand new life, fresh start ito para sa akin. Different environment, different people, different bosses and staff, but most probably mas magiging magaan yung pakiramdam ko dito."
Ano talaga ang nagtulak sa kanya para lumipat sa TV5?
"Aside doon sa feud ni Tita Annabelle [Rama, his manager] kay Ma'am Wilma [Galvante, GMA's SVP for Entertainment], isang factor din yung career growth."
Nagpaalam ba siya kay Ms. Wilma bago siya lumipat sa TV5?
"Hindi na ako nagpaalam. Pero kina Ms. Annette [Abrogar], Sir [Felipe] Gozon, Sir [Jimmy] Duavit, nagpaalam po kami. Magpapadala rin po kami ng letter. Pero yung message ko for them idinaan ko na kay Tita Annabelle. So, nakapagpaalam naman kami nang maayos na wala kaming problema at wala kaming nasagasaan. And besides natapos na yung contract ko noong March 14 pa."
Kahit nasa TV5 na siya, malaki pa rin ang pasasalamat ni JC sa GMA.
"Malaki ang utang na loob ko sa GMA dahil nagkapangalan ako at ipinagpapasalamat ko yun. Nakilala ako dahil sa kanila. At ngayong nasa TV5 ako, gagamitin ko ang mga natutunan ko para mas maging magaling na artista."