Your Ad Here
Showing posts with label Ruffa Gutierrez. Show all posts
Showing posts with label Ruffa Gutierrez. Show all posts

Friday, March 26, 2010

Beauty queen din, Yilmaz ni Ruffa pakakasal na sa iba


Nakabantay sa mga international airport ang mga reporter at TV crew dahil sa pag-asa na darating si Yilmaz Bektas pero walang makapagsabi kung natu­loy o matutuloy ang kanyang pagdating.

Ganyan ang eksena, ilang taon na ang nakalilipas. Nagpuyat ang mga TV crew sa pagbabantay sa NAIA at sa condo building na dating tinitirhan ni Ruffa Gu­tierrez sa The Fort pero walang lumitaw na Yilmaz.

In fairness, dumating naman noon ang ex-hus­band ni Ruffa pero ibang araw nga lang at pumayag siya na magpainterbyu sa mga reporter na nag-abang sa airport.

Hot copy si Yilmaz dahil sa news na lumabas na isang newspaper sa Turkey na magpapakasal sila ni Zuleyka Rivera sa June 21.

The who si Zuleyka? Siya ang nanalo ng Miss Universe crown noong 2006. Mahilig talaga si Yilmaz sa mga beauty queen dahil ex-beauty queen si Ruffa.

Matagal nang naka-move forward si Ruffa. Sa ti­ngin ko, hindi na siya maaapektuhan ng balita na magpapakasal uli si Yilmaz. Para que pa’t ipinapa-an­­nul niya ang kasal nila ni Yilmaz kung type niya na magkabalikan sila?


Pang-showbiz talaga si Ruffa. Gustuhin man niyang manahimik, hindi puwede dahil siya ang hinahabol ng mga intriga at kontrobersiya.

Ilang linggo nang siya ang laman ng mga ent­er­tain­­ment page at columns at karamihan sa mga isyu, hindi niya kagustuhan na mangyari. Mali ang akala ng ibang mga intrigera na gumigimik si Ruffa para ma­pag-usapan.

Sino ba ang umiyak sa The Buzz? Si Ruffa ba? Kitang-kita naman sa video clip na uminom ng kape si Ruffa bago tumayo dahil ayaw nga niya na makita sa TV ang kanyang pag-iyak dahil sa mga pambabara ni Kris.

Hindi nanggaling kay Ruffa ang balita na mag­pa­pa­kasal si Yilmaz dahil lumabas ito sa mga diyaryo sa Turkey. Gustong malaman ng media ang kanyang re­ak­­siyon dahil ex-wife siya ni Yilmaz at meron silang dalawang anak.
read more "Beauty queen din, Yilmaz ni Ruffa pakakasal na sa iba"

Thursday, March 18, 2010

Ruffa, wagi sa sole custody kina Lorin at Venice


Ang pagkakaloob sa kanya ng korte ng sole custody ng mga anak na sina Lorin at Venice ang good news na natanggap ni Ruffa Gutierrez noong Martes.


Ikinatuwa ni Ruffa ang desisyon ni Quezon City RTC Branch 107 Presiding Judge Jose L. Bautista Jr., at sa pamamagitan ng text message, sinabi niya sa kanyang mga kaibigan ang magandang balita:


“Judgement is hereby rendered granting the SOLE CUSTODY of Lorin Bektas and Venezia Bektas to petitioner, Sharmaine Gutierrez-Bektas, subject to visitation rights of respondent Yilmaz Bektas.”


Naka-post sa Twitter account ni Ruffa ang kanyang reaksyon sa naging pasya ng korte. Ayon sa kanya, “The QC Regional Trial Court awarded me sole custody of Lorin & Venice. I’ve been supporting them on my own but now its official!”
read more "Ruffa, wagi sa sole custody kina Lorin at Venice"

Friday, March 12, 2010

Ruffa, ‘di na sisipot sa ‘The Buzz’!


GOOD for three years ang exclusive contracts sa GMA Network na pinirmahan kahapon ng mga talent ni Annabelle Rama. Sabay-sabay na pumirma ng kontrata sina Raymond Gutierrez, TJ Tri­nidad, Ehra Madrigal, Ynna Asistio at Bubbles Paraiso.


Present sa contract signing sina GMA 7 big bosses Atty. Felipe Gozon at Jimmy Duavit.


Sa naturang contract signing, sinabi ni Annabelle na maganda ang relasyon nila ng kanyang mga alaga sa GMA Network management kaya nag-renew sila ng kontrata.


Pinabulaanan din ni Annabelle ang balita na magre-report pa rin si Ruffa Gutierrez sa The Buzz sa darating na Linggo. Ayon kay Annabelle, hindi na mapapanood nang live sa The Buzz ang kanyang anak.
read more "Ruffa, ‘di na sisipot sa ‘The Buzz’!"

Wednesday, March 10, 2010

Si Maricel at ‘di si Ruffa ang tunay na reyna ng TV5!


SIGURADONG magiging masaya si Ruffa Gutierrez sa TV5 partikular sa bago niyang showbiz talk program na Paparazzi, lalo at welcome sa kanya ang magiging co-host niya sa show na si Cristy Fermin.


Bago pa sumabog ang ‘walk-out incident’ ni Ruffa sa The Buzz dahil sa pagkapikon niya sa ex-co-host niya na si Kris Aquino, nakatsikahan na namin si Ruffa sa Talentadong Pinoy, Battle of the Champions.


Buong ningning na tinanggap ni Ruffa sa puso niya si Cristy, na hanggang ngayon ay maituturing na kaaway ng mommy niyang si Annabelle Rama.


“Nagkasama na kami sa The Buzz ni Cristy at wala namang problema. And I’m really happy she’s back.

I’m sure napakarami niyang scoop at napakarami niyang maibibigay sa show, kasi alam mo naman ako hindi ako masyadong tsismosa kaya siya ang magbabalita sa akin,” nangingiting pahayag ni Ruffa.


Kinumpirma ni Ruffa na okey sa kanyang Mommy Annabelle ang pagsasama nila ni Cristy sa nasabing show sa TV5.


“With us naman kasi, we’re all professionals. Kung may problema o pinipersonal ng mommy ko, ‘di sana noon pa lang sa The Buzz inalis na niya ako. And even si Mo Twister, na nilalait niya si Jun Lalin (publicist ng mga Gutierrez’s) at tinawag niyang Bacon, feel ko na rin siya.


“I’m looking forward na makatrabaho sina Mo and Cristy,” pahayag pa ni Ruffa.


Ayaw tanggapin ni Ruffa ang comment ng ibang mga kaibigan sa press na posibleng siya na ang tanghaling Reyna ng TV5?


“Naku, huwag naman. Princess na lang. Hahahaha!


“Well, nandiyan naman si Ate Maricel (Soriano). Ayo­ko naman siyang sagasaan. Mahal na mahal ko ‘yun. Siya ang Reyna ng TV5 at ako ang Princess.”


Anyway, iwas na si Ruffa na pag-usapan si John Lloyd Cruz. Sabi nga niya sa amin, may bago na siyang tahanan kaya hindi na dapat pag-usapan pa si John Lloyd.


“Huwag na natin siyang pag-usapan sa aking bagong tahanan. Ang masasabi ko lang, kahit saan ako magpunta mananatiling magkaibigan pa rin kami.”


Lalong umiwas si Ruffa nang mabanggit ang naba­litang paghaharap nila ni Shaina Magdayao.

Nagdahilan na lang itong uuwi na at tatawagan pa ang kaibigang si Gretchen Baretto para batiin ng Happy Birthday nu’ng mga oras na `yon.
read more "Si Maricel at ‘di si Ruffa ang tunay na reyna ng TV5!"

Ruffa, welcome na welcome sa TV5


Tumanggi si Perci Intalan (Entertainment TV Head ng TV5) na magbigay ng comment tungkol sa isyu na kinasasangkutan nina Ruffa Gutierrez at Kris Aquino.


Nadawit ang TV5 sa pag-alis ni Ruffa sa studio noong Linggo dahil sa sinabi ni Kris na mas masaya sa The Buzz kumpara sa network na kanyang lilipatan. Ayon kay Perci, ayaw niya na mag-comment dahil wala sila (TV5) sa posisyon.


“It’s an issue between Ruffa and Kris. Basta ang posisyon namin, we welcome Ruffa with open arms and nag-uusap kami ni Tita Annabelle.


“Obviously things have fallen in to place. We told Ruffa, nandito lang kami. Hinihintay ka namin na mag-transfer.”


Kinumpirma ni Perci na kasama na si Ruffa sa mga talent scout ng Ta­lentadong Pinoy sa bagong season nito. Binanggit din niya na magiging nationwide na ang audition para sa popular talent search show ng TV5.


Ikinatuwa ni Perci at ng Talentadong Pinoy host na si Ryan Agoncillo ang mataas na rating (47.8% audience share) ng Battle of the Champions na ginanap sa Cuneta Astrodome noong nakaraang Sabado.


“We are happy about the ratings but this is actually the first time in two years that we congratulated each other about the rating,” ang masaya na sabi ni Ryan.


“Ang gusto lang namin, we just wanted to be like Sing-Galing na umabot ng 7 seasons. Kami, ang running joke namin, umabot ng limang season at within six months, sana maka-double digit ratings.”


Nagkatotoo ang running joke nina Ryan at napasubo siya sa staff ng Talentadong Pinoy, dahil nang umakyat noon sa 20% ang rating ng kanilang programa, tinupad niya ang pangako na maglilibre siya ng pizza.
read more "Ruffa, welcome na welcome sa TV5"

Monday, March 8, 2010

Ruffa Gutierrez gets pulled out of ‘The Buzz’


A furious Annabelle Rama pulled out her daughter Ruffa Gutierrez from “The Buzz” (March 7 episode).

“Nagpaalam ako kay Charo [Santos, ABS-CBN President], kay Cory [Vidanes, Channel Head] at kay Linggit Tan [Entertainment Head] na ipu-pull out ko na si Ruffa. I didn’t tell them what the reason [was]. Pero ngayon, dahil sa ginawa niya [Kris] kay Ruffa, I have to tell the taong bayan: Kaya ko pinull-out si Ruffa sa ‘The Buzz,’ unang-una, [‘yung] pambabara ni Kris kay Ruffa, hindi ko na ma-take!” the Gutierrez matriarch blurted on “Showbiz Central,” via phone patch.

“Ako nagsabi na, ‘Umalis ka na diyan.’ Gusto pa niyang magtrabaho, sabi ko ‘Hindi! Umalis ka na ngayon din diyan. Aapihin ka na naman ni Kris Aquino, wag na!’” she added.

The two female hosts, together with Boy Abunda, were exchanging opinions on the “P.O.V. (Points, Opinions, Violent reactions)” segment when Kris teased the former beauty queen, “Ruffa, aminin mo, ibang level ang saya dito.”

Kris was seemingly referring to Ruffa’s supposed transfer to TV5, where she was offered to do a showbiz talk show with entertainment writer and former “The Buzz” host Cristy Fermin.

Ruffa, turning teary-eyed, told the Queen of All Media: “I know. You don’t have to rub it in, Kris. Siyempre, I’m sad din. ‘Wag mo naman sana, you know, dagdagan.”

Real life BFFs Kris and Boy were chuckling, while Ruffa turned a bit more emotional.

“We run in circles, we don’t say goodbye,” quipped Boy.

“And ano ka ba, we’re neighbors!” added Kris, directing to Ruffa.

According to Annabelle, it’s not the first time that Kris cut her daughter off.

“Ako, nanay ako. Ako, nagdurugo ang puso ko kapag si Ruffa umiyak na sa bahay. ‘Pag uwi ng bahay ni Ruffa, umiyak na ‘yan sa’kin sabi, ‘Ma, binabara na naman ako ni Kris.’ Siya nga lagi kong inaaway, ‘Bakit hindi ka lumalaban Ruffa? Bakit hindi ka lumalaban sa Kris Aquino na ‘yan? Sino ba siya?’

“Hindi pa nga nanalo ‘yung kapatid niya ang yabang-yabang na niya! What more kung mananalo ‘yang si Noynoy, lalong ang buong showbiz aapi-apihin niya. Hindi naman tama ‘yung ganyan!” she bellowed.

The sharp-tongued talent manager went on to insinuate that Kris, whom she alleged feels jealous of Ruffa, asked her daughter to campaign for her brother Noynoy, pro-bono.

“Biro mo kinukuha niya si Ruffa mangampanya kay Noynoy. Walang bayad, um-oo na ko. Wala akong komisyon, um-oo na rin ko. Dapat makisama siya kay Ruffa. Wala na ngang bayad ang pagkakampanya [ni] Ruffa, inaapi-api pa niya!”

When “Showbiz Central” host Pia Guanio asked Annabelle to air her message for her daughter, she hinted that she’s better off with “the other station” because “walang naiinggit sa kanya doon.”

“Ruffa, alam ko adik ka sa trabaho. Alam ko ‘yan. Pero sa ‘pag trabaho mo naman, ginaganun-ganun ka [ng] mga kasama mo, hindi na rin tama ‘yan. Kaya tama na ‘yung pinaalis kita. Mabuti na nakinig ka sa nanay mo. At least naalis ka na.

“Doon sa kabilang istasyon, meron doong peace of mind. Walang naiinggit sa kanya doon. Walang mambabara-bara sa kanya doon. Kaya okay na rin ‘yun na hindi siya babalik sa ‘The Buzz’,” she said.

An hour or so before Annabelle’s interview, Ruffa tweeted, “:'((,“ which is an emoticon for “crying.”

Her brother, Raymond, also intimidated about the ruckus on their rival show during one of his spiels:

“Ako po ay masaya dahil kami po dito sa ‘Showbiz Central’ po ay may unity at lahat po kami dito ay may respeto sa isa’t-isa. Lahat po ng mga co-host ko dito tinatrato ko bilang kaibigan at ‘yan po ay walang halong kaplastikan.”

At around 7 p.m., Ruffa updated her Twitter account, saying:

“Just got home...my babies gave me the biggest hug when I walked in. This is what truly matters. Family n loved ones :)

“Finally smiling while watching ‘Going Bulilit’ with the kiddies. Thank u for all the love twitterworld! Mahal na mahal ko kayong lahat!”

Kris has also aired her side on the matter via the social microblogging site.

“I invite everybody to review Buzz- my comment was said w/ affection & a sense of fun. Now if they will choose to lambast my brother... who wasn't even on the Buzz, makes me wonder what the true agenda is- para siraan si Noy? I'd like to believe Filipino voters r intelligent & will continue supporting Noy because he is the best man for the job,” said the host-actress.

Ruffa again tweeted around more or less a quarter after 8 p.m., saying she wished she was able to give a “proper goodbye” on the show.

“Sana man lang I was given the chance to say goodbye properly to my colleagues on the Buzz who I've grown to love like family over the... Last 3yrs. Kung may ayaw sa akin sa the Buzz, may mga may gusto din po sa akin. Sana nabigyan po ako ng chance para magpaalam sa mga.. Nagmamahal din po sa akin. Kahit dalawang piraso pa sila, karapatan ko rin namang magpaalam ng maayos. I'm just trying to do my job...

She also admitted that the atmosphere on the set “was far from pleasant.”

“This is not the first time. I'm also very diplomatic n can laugh about anything. Off-cam, the situation was far from pleasant,” Ruffa said.

In spite of the brouhaha, Ruffa assured that she is still with “Team Noynoy.”

“Yes, registered…Voters like me will certainly vote wisely. No need to make sira...I AM TEAM NOYNOY! But between now n the May elections many things can... still happen. Its what name I will write that will clearly matter in the end.”

She ended with: “I would like to enjoy my time w/loved ones now. Salamat po… sa lahat ng tumawag, nag txt. Thank u. I leave everything up to God. Peace and love to all!!! I love you Twitterworld! :)”

Meanwhile, ABS-CBN, via their Corporate Communications department, released this statement:

“Sa tatlong taon na pagsasama ni Kris at Ruffa sa The BUZZ, nakita namin ang pagiging magkaibigan nila. Walang intensyon si Kris na saktan si Ruffa sa programa. Pero kung hindi man nagustuhan ni Ruffa ang nangyari, walang dudang maaayos nila ang anumang isyu sa pagitan nila sa isang mahusay na pag-uusap.”

Ruffa’s supposed final appearance on “The Buzz” will be on March 14
read more "Ruffa Gutierrez gets pulled out of ‘The Buzz’"

Sunday, March 7, 2010

Ruffa, maayos na nagpaalam sa ABS-CBN


Maayos ang pagpapaalam ni Ruffa Gutierrez sa management ng ABS-CBN.

Nagpadala ng sulat at nakipag-dinner ang kanyang nanay na si Annabelle Rama sa mga executive ng ABS-CBN para pormal na sabihin na tinanggap nila ang alok ng TV5.


Naintriga ang Twitter followers ni Ruffa nang mabasa nila ang entry ng aktres noong February 22, 11:53 pm: “Just read a letter. Okay. I read it again.

Suddenly it hit me... I begin to tremble. Tears well up... (Need time to think n do what’s best).”


Sa presscon ng TV5 para kay Ruffa noong Biyernes, ipinagtapat niya na ang sulat na ipinadala nila sa ABS-CBN executives ang dahilan ng kanyang pag-iyak. Hindi madali para kay Ruffa na iwanan ang TV network na nagbigay sa kanya ng malaking break nang bumalik siya sa Pilipinas mula sa Istanbul noong February 2007.


Mananatili si Ruffa bilang co-host ng The Buzz hanggang March 14, 2010 dahil ito ang nakalagay sa sulat na ipinadala ni Annabelle sa ABS-CBN management.


Nang matapos ang presscon, nag-post uli si Ruffa ng saloobin nito sa kanyang Twitter account tungkol sa nalalapit na paglipat niya sa TV5:


“TV5 is pouring P7 billion this year 2 beef up the network’s menu of shows, distribution reach and build 2 new state-of-the art studios.


“To all the TFC subscribers who will miss me...don’t be sad! : (It won’t be for long. You will see me again one day soon. Believe & trust me. Yes I will be on the BUZZ for 2 more Sundays. My gosh, I think I’m gonna cry a river on my last episode. I hate it when I’m so emotional.”
read more "Ruffa, maayos na nagpaalam sa ABS-CBN"

Friday, March 5, 2010

Ruffa, emosyonal ang paglayas sa Dos


Habang pumipirma ng kontrata si Richard sa GMA 7, iniinterbyu naman ng entertainment press ang kanyang kapatid na si Ruffa Gutierrez sa presscon na ipinatawag ng TV5.


Si Percy Intalan (Entertainment TV head ng TV 5) ang nag-announce na opisyal na ang paglipat ni Ruffa sa TV 5. Three-years ang non-exclusive contract na pinirmahan ni Ruffa at tatlong programa ang gagawin niya sa TV5 network.


Kasama ni Ruffa ang kanyang ina nang pumunta siya sa opisina nina TV5 Chairman Manny V. Pangi­linan at TV5 CEO and President Atty. Ray Espinosa nang pirmahan niya ang kanyang kontrata.


Gaganapin ngayong gabi sa Cuneta Astrodome ang Talentadong Pinoy Battle of the Champions at ang pagiging talent scout ng programa ang unang task ni Ruffa bilang contract star ng TV 5. Makakasama ni Ruffa sina Joey Reyes, Audie Gemora, Alessandra de Rossi at Judy Ann Santos.

Hindi napigilan ni Ruffa ang mapaluha nang pasa­lamatan nito ang kanyang mga kasamahan at boss sa ABS-CBN. Hindi raw madali sa kanya na iwan ang mga tao at network na napamahal sa kanya.


“I would like to thank my Kapamilya network for giving me the break, a really well-managed comeback after I left my home in Istanbul in February 2007.


“Nang malaman nila na aalis na ako, nalungkot sila, nalungkot din ako. Nag-iyakan kami nang konti.

Naging emotional na rin ako. You know, I have to grow as an artist and I also have to secure my children’s future because I am a single working mom so this is a very big decision for me,” ang naluluha na sabi ni Ruffa.


“Paparazzi” ang pamagat ng showbiz-oriented talk show ni Ruffa sa TV5 at mga co-host niya sina Cristy Fermin at DJ Mo.


Hindi pa alam ni Ruffa ang araw at timeslot ng Paparazzi pero ikinuwento nila ni Percy na magkakaroon ng grand launch ang TV5 sa 3rd week ng March.
read more "Ruffa, emosyonal ang paglayas sa Dos"

Thursday, March 4, 2010

Ruffa, bagong reyna ng TV5!


Si Ruffa Gutierrez na nga raw ang magiging bagong Reyna ng TV5. Kahit masasabing maganda naman ang mga nangyayari sa kanya sa ABS-CBN especially bilang co-host ng The Buzz, nakapagdesisyon na nga ito at noong Miyerkules ng 4:30 ng hapon ay pumirma na ng kontrata sa TV5.

Kasama ni Ruffa na dumating sa PLDT Main Building sa Makati ang kanyang ina at tumatayong manager na si Annabelle Rama. Present sa naturang contract signing ang bagong may-ari ng TV5 na si Manny V. Pangilinan.

Ine-expect ng ilang nakasaksi ng contract signing na kasama na rin ni Ruffa si JC de Vera, another Royale Era talent sa signing of contract, pero, wala ang huli.

Anyway, non-exclusive naman daw ang kontratang pinirmahan ni Ruffa sa TV5. Ibig sabihin, puwede pa rin siyang mapanood sa ibang network. ‘Yun nga lang, pagdating sa The Buzz, mawawala na ito at ang nakarating sa aming balita, hanggang sa susunod na Linggo na lang siya mapapanood doon.

Hindi pa masabi sa amin kung ano ang mga programang gagawin ni Ruffa sa TV5, pero, sigurado raw na bukod sa TV, may movie rin itong gagawin. Puwede naman daw mag-guest si Ruffa sa ibang network as long as hindi kasabay ng magiging shows niya sa network.
read more "Ruffa, bagong reyna ng TV5!"

Monday, February 22, 2010

Ruffa, ‘binastos-binaboy’ sa text messages!


NAPILITAN si Ruffa Gutierrez na magpalit ng cellphone number dahil sa mga nasty text message na kanyang natatanggap. Hindi masabi ni Ruffa ang mga text message na ipinadala sa kanya dahil masyado itong bastos at baboy.

Walang binanggit na pangalan si Ruffa pero tiniyak niya na babae ang nanggugulo sa kanya.
“Vulgar ang text messages. It came to a point na I had to change my phone. Talagang itinapon ko na ‘yung sim card ko na ‘yon. Kumuha ako ng bagong line kasi ayo­kong naha-harass ako.
“Whenever I receive messages, nasisira ‘yung araw ko. It’s either patulan mo ‘yon and then, magiging low-life ka naman kung patulan mo,” ang pagtatapat ni Ruffa.Tatlong linggo nang nakakatanggap si Ruffa ng mga text message ng paninira. Nagkaroon siya ng idea sa katauhan ng sender dahil iisang tao ang topic nito.

“May idea na ako. It’s strange, ‘yung topic na ipinadadala niya sa akin about this certain topic.
“The whole last year naman, wala akong natanggap na bad text messages. In three weeks time, ang dami kong nakukuha na mga nasty text messages regarding this topic,” ani Ruffa.
May mensahe si Ruffa para sa tao na kanyang tinutukoy, ang tigilan na ang pagpapadala sa kanya ng mga malalaswang text message.

“Hindi ‘yon galing kung kani-kanino eh, kasi kokonti lang ang tao na nakakaalam sa number ng phone ko.
“Sana doon sa mga nagpapadala ng text messages, whoever you are, sana tigilan mo na. Small world (ang showbiz). It’s a small industry. I believe people should still peacefully co-exist.
“Wala akong sinasabing name. Basta, alam na niya kung sino siya. Kung hindi naman siya, si­guro ‘yung mga kasamahan niya, mga alalay niya.

“Alam na rin ng mga tao na nasa paligid ko. Alam na rin ng mommy ko. Alam na rin ng mga kapatid ko. Mabuti na lang, ‘wag kong patulan so nagpalit na lang ako ng number.”
Walang maisip na dahilan si Ruffa para guluhin siya ng suspect.

“Hindi ko talaga alam. Ayoko na lang patulan. Super cheap.
“Basta ako, Im doing my job. I’m taking care of my kids. I really told myself, ang mantra ko for 2010 is to work and alagaan ‘yung mga anak ko.Wala munang pag-ibig whatsoever dahil nakakasira lang ‘yon sa concentration ng gusto kong marating sa buhay ko. It’s all about work.

“For me, ang gusto ko lang talaga peace. Huwag naman akong i-harass dahil hindi naman ako papatol kasi I choose my battle. When I choose my battle, they’re for the right reasons.”
read more "Ruffa, ‘binastos-binaboy’ sa text messages!"