Your Ad Here

Wednesday, March 31, 2010

Luis, bilib na bilib sa tapang ni Edu


DAHIL time-out muna sina Juday at Sarah Geronimo sa syuting ng Hating Kapatid, focus naman sa kani-kanilang work ang mga leading men nila.


Si Luis na leading man ni Sarah ay busy sa pagkakampanya sa tatay niyang si Edu Manzano, na tumatakbong vice-president ngayon.


Aminado si Luis, nagulat daw siya sa desisyon ng tatay niya na kumandidato bilang bise-presidente.“Nasa Las Vegas ako noon at nanonood ng laban nina Manny Pacquiao at Miguel Cotto sa MGM Garden Arena, when I got 50 text messages from friends. Sila ang nagsabi sa akin na tatakbo nga raw ang daddy ko,” kuwento ni Luis.


“Then, I got the text message from Dad, simply telling me that he’s running for vice-president. Sa text message niyang `yon, parang sina­sabi lang niya na pupunta siya sa grocery. Ganun lang kakaswal niyang sinabi sa akin,” dugtong na kuwento pa rin ni Luis.


Pag-amin pa rin ni Luis, hindi siya ready sa ibinalita sa kanya ng tatay niya noon. Pero, sure naman daw siya na alam na alam ng tatay niya ang pinasok nito, at bilib na bilib siya sa lakas ng loob at tapang ng tatay niya.


“My dad will not enter a battle na hindi siya ready. He is ready for its consequences. I believe in his integrity. I know his intentions. I believe he is sincere,” paliwanag pa rin ni Lusi.


Well, aware naman si Luis na hindi madali ang laban na ito na pinasok ng kanyang tatay. At kahit ako nga, sinabihan ko na si Edu na hindi talaga madali ang laban na ito.


Pero, bilang isang masunuring anak, suportado niya ang tatay niya. Unang-una, alam naman daw niya ang track record ng kanyang tatay.


Si Edu ay exposed to military discipline nu’ng 17-years old pa lang siya. Sumali nga siya sa U.S. military at apat na taon siyang nagsilbi roon.


He became first chair of Optical Media Board, a government agency tasked with combating optical media piracy. At pinaniniwalaan ko nga na ang mga Muslim na­ting kapatid ang nagpanalo kay Edu noon, ha!


Ipinagmalaki rin ni Luis ang mga awards ng kanyang tatay. Bilang public servant daw ay naparangalan si Edu bilang Outstanding and Unblemished Vice Ma­yor mula sa Natio­nal Press Club during his term as Makati vice-mayor.


Edu established the Anti-Child Abuse and Pornography (ACAP) Foundation after finding out that many of the pirated DVD materials the OMB had confiscated from retailers, featured children, including Pinoy and Pinay toddlers as young as five in lurid sex scenes.


Kung mananalo si Edu, ang edukasyon daw ang isa sa kanyang tututukan.


“To be globally competitive as a country, we must address head on the major challenges in our economy, particularly weak government finan­ces and low levels of investment, failure of economic growth to translate to poverty when elected, I will come up with a national strategy that would prioritize public spending on education, health and housing; improve quality of governance so cost of doing business is low and extend which account for 90 percent of labor employment,” say ni Edu.

0 comments:

Post a Comment