Your Ad Here
Showing posts with label Angel Locsin. Show all posts
Showing posts with label Angel Locsin. Show all posts

Monday, March 29, 2010

Angel Locsin had misunderstanding with dad over alcoholic rumor


The rumors about Angel Locsin turning alcoholic have bred misunderstanding between the actress and her father, Angel Colmenares.

“Actually kami ni Daddy ngayon, medyo may hindi kami pagkakaunawaan kasi medyo naniniwala siya dun sa alcoholic na issue,” Angel tearfully related on “The Buzz.”

Write-ups have been saying that the Emmy-nominated actress is being influenced by her peers to drink too much.

While Angel confirmed that she indeed goes to bars with her friends to drink, she clarified that it is in preparation for her Japayuki role in the movie with Aga Muhlach.

“Sabi ko [sa] Dad [ko] kailangan ko rin ‘to para sa trabaho ko eh. Kasi magtu-25 na ‘ko, never ko pang na-experience malasing. Kailangan ko rin ‘to para sa growth ko, sa friends ko, and sa career ko, kasi may mga bagay na hindi mo naman puwedeng imbentuhin ‘yung emosyon, ‘di ba?” she explained.

In spite of the misunderstanding, the 24-year-old actress and philanthropist said she and her father are okay now.

“Okay naman po kami. Siyempre tatay ko pa rin siya, anak pa rin naman niya ko. Ilang taon ko tinrabaho na makuha ko ‘yung trust ng Daddy ko, tapos biglang mababahiran ng duda dahil sa isang issue na hindi mo alam kung saan nagmula,” said Angel.

Angel also belied reports that she left their home, quipping, “Pa’no ka naman maglalayas sa sarili mong bahay?”

In her interview, she confirmed going to Hong Kong with her best friend to get some rest. She also confirmed that she still takes taxis, jeepneys, and tricycles.

“Yes nagho-Hong Kong ako. Kahit ngayon puwede akong pumunta ng Hong Kong kasi kaya ko. Yes nagta-taxi ako, jeep, kahit tricycle, hanggang ngayon ginagawa ko pa rin naman dahil kaya ko,” she said, adding that she took the cab going to the airport because her driver took his day off.

“May pamilya rin naman ‘yung driver ko.”

She was also surprised with chinwags that her personal assistant left her because she was a good girl gone bad; and that she has commitments she did not honor.

“Nakakagulat pati ‘yung sa PA ko, na hanggang ngayon kasama ko naman, na nilayasan daw ako. Tapos may mga trabaho daw akong hindi sinisipot eh wala pa naman akong ginagawa ngayon kaya ano ‘yung hindi ko nasisipot?” she said.

Another thing that surprised her is how even her non-showbiz friends have gone out of their way to defend her against the malicious rumors.

“Na-down lang din talaga ako sa issue kasi nagulat ako na may mga taong naniwala. Tapos ‘pag nakakarinig ka ng taong minamahal ka, pinagtatanggol ka, iba pa rin ‘yung dating,” a grateful Angel said.
read more "Angel Locsin had misunderstanding with dad over alcoholic rumor"

Wednesday, March 17, 2010

Angel, naglayas at madalas tumambay sa bar?


MUKHANG marami na namang isyu si Angel Locsin na sasagutin kapag nakaharap siya ng press. May kumakalat kasing balita na kesyo naglayas daw ito sa bahay nila, sumakay ng taxi at may isyu pang kesyo madalas daw napagkikita sa mga bar?


Pero, ‘di kaya kamukha lang ng young actress ang nakita nang kung sinumang nagpasimula ng isyu?

Kung may isa man kasing artista na masasabi naming napakaaktibo ng kanyang Twitter account, si Angel na yata ‘yun bukod sa kanyang kaibigang si Anne Curtis.


Updated ni Angel palagi ang kanyang Twitter account kaya kahit paano, may ideya ang mga followers niya kung ano ang pinagkakaabala­han ng young actress.


Nang araw na luma­bas ang balitang kesyo naglayas daw ito sa kanilang taha­nan, may naka-post si Angel sa kanyang Twitter na dahil na pack-up daw ang supposedly workshop niya with Direk Chito Rono, maitutuloy niya ang kanyang pagdye-general cleaning ng bahay. At ika-day 2 na raw niya ‘yun ng paglilinis.


Sey nga ni Angel sa kanyang Twitter status, “Ge­neral cleaning mode. Ang dami palang gamit sa bahay na hindi na nagagamit, sayang naman. Ayoko talaga ng tambak.”


So, kung ibe-based sa kanyang Twitter post, mukhang ni wala man lang ideya si Angel na may isyu na pala sa kanyang naglayas or even tumatambay sa mga bar, huh!


Bukod dito, sinagot na rin niya ang hindi niya pagkakatuloy sa seryeng Kokey sa pamamagitan pa rin ng kanyang Twitter account. Ayon kay Angel, totoo nga raw na nakapag stroycon, trade launch, pictorial na siya for Kokey, pero kinailangan daw siyang i-pull-out ng management dahil kailangan na rin simulan ang mo­vie niya sa Star Cinema and her new soap-opera with John Lloyd Cruz.


Masaya rin daw siya para kay Toni Gonzaga na siyang humalili sa kanya for the role. At naniniwala rin si Angel na bukod daw sa maganda ang team-up nina Toni at Vhong Navarro, mas bagay pa nga raw ang role sa Kokey kay Toni kesa sa kanya.
read more "Angel, naglayas at madalas tumambay sa bar?"

Saturday, March 13, 2010

Nag-iipon na, Angel bibili ng sariling eroplano!


Mukhang bus ang nauusong sasakyan ng mga artista ngayon.

Nung araw may bus kaming sinasakyan nina Imelda Papin kapag pumupunta kami ng mga pro­binsiya para sa kanyang mga concerts. May kama at comfort room ito sa loob pero walang kit­chen na tulad ng mga nauusong personal buses ngayon na nadidibisyunan ng bedroom /kitchen/dining at living rooms combined.

Mayroon na nito sina Jolina Magdangal, Judy Ann Santos, Kris Aquino at Gretchen Barretto. Pinaka-huling nagpagawa ng kanilang mga bus sina Angel Locsin at Diether Ocampo.

Parehong madadala nina Angel at Diet ang ka­nilang mga bus sa kanilang mga shooting at tapings. Habang nag-iipon pa si Angel ng pambili ng private plane na need niya sa pagdi-distribute ng mga goods kung may kalamidad, ang bus na muna niya ang sasakyan niya para sa ganitong pangangailangan.
read more "Nag-iipon na, Angel bibili ng sariling eroplano!"

Thursday, February 11, 2010

Professional differences led Becky Aguila to part ways with Angel Locsin


Talent manager Becky Aguila acknowledged the statement of her former ward Angel Locsin that their separation was done amicably.



In an article published earlier today, February 11, here in PEP (Philippine Entertainment Portal), actress Angel Locsin confirmed that she is no longer under Becky's watch. The talent-manager relationship between the two had been a source of speculation in the past few months.



Initially, some thought that Angel would join Viva Artist Agency, given Becky's decision to sign a co-management deal with the said group in overseeing the careers of Jennylyn Mercado and Valerie Concepcion. Talent manager-host Boy Abunda was also mentioned as a possible candidate to assume Becky's role.



Angel's new manager, however, turned out to be veteran entertainment columnist Ethel Ramos, who is also widely known in the showbiz circuit as the manager of Aga Muhlach.



MUTUAL DECISION. "Nag-usap kami nang maayos ni Angel. Napagkasunduan naming dalawa ang maghiwalay. Mutual decision," Becky informed PEP through a text message sent earlier today, February 11.



Obviously, the decision to let go of the partnership was a tough choice, especially for Becky. She and Angel had a long history together starting from Angel's rise to stardom as part of GMA-7's roster of young talents to her controversial transfer to rival network ABS-CBN. The sudden shift in network alliance earned both Angel and Becky a lot of harsh criticism.



"Magkasama kami sa hirap at ginhawa for eight years. Marami kaming pagsubok na dinaanan. May hangganan ang lahat. Nothing permanent except change. Basta ang imporante ay nagkahiwalay kami nang maayos," continued Becky's text message.



Becky proudly mentioned that she was still able to secure certain pending deals for Angel, including a network contract and product endorsements, before they parted ways.



"For the rest of the commercial inquiries and endorsement renewals, ipanasa ko na kay Angel para si Manay Ethel na ang makipag-negotiate with the clients."



GROWING DIFFERENCES. "Nothing to do with money matters," Becky said about the decision to end the partnership.



Rather, they agreed to disagree. According to Becky, she and Angel have contrasting visions on the actress's career path: "Marami na kaming di napagkakasunduan. May sarili nang ideas at konsepto si Angel na naiintindihan ko naman because she's young... Life goes on."



No hard feelings, declared the talent manager, despite their growing differences. Becky is even confident that Angel will be in "good hands" with Ethel as her manager.



"Isa ring kagalang-galang na haligi ng showbiz si Manay Ethel, kaya alam ko na maaalagaan niya si Angel, kagaya ng pagmamahal at pag-aaruga ng ibinigay ko sa kanya nung kami pa."



In closing, Becky stressed her good wishes. "Ang importante sa isang samahan ay ang meeting of the hearts and minds. It's time to let go and move on. Part ways as friends and wish each other good luck for good karma."
read more "Professional differences led Becky Aguila to part ways with Angel Locsin"

Angel Locsin gets a new manager: Ethel Ramos in, Becky Aguila out


Sa wakas ay nagsalita na rin si Angel Locsin tungkol sa pinag-uusapang pag-alis niya sa poder ng dating manager na si Becky Aguila at pagkakaroon ng bagong manager na tutulong sa kanyang career.



Nauna nang napabalita na ang bago raw manager ni Angel ay si Boy Abunda. Pero kapwa nila itinanggi ang balitang ito. At muli nga itong nilinaw ni Angel nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press pagkatapos ng presscon na ibinigay ng Mosbeau sa kanya bilang first celebrity endorser ng naturang whitening product. Ginanap ang presscon kahapon ng tanghali, February 10, sa C3 Events Place sa Greenhills, San Juan.



"Hindi po kami nag-usap ni Tito Boy," paglilinaw ni Angel. "Ang tagal ko rin naman pong hindi nagpunta ng ABS, di ba? Nakapunta lang ako noong nag-Wowowee ako, nung birthday ni Kuya Willie."



ANGEL'S NEW MANAGER. Hindi pala si Boy kundi ang veteran columnist at talent manager na si Ethel Ramos ang bagong manager ni Angel. Magkasama na sila ngayon ni Aga Muhlach sa poder ni Manay Ethel. Nakiusap naman si Angel na hindi na muna idetalye ang tungkol sa kanilang naging pag-uusap ni Manay Ethel. Basta masaya raw siya sa bago niyang manager.



Maayos ba ang naging paghihiwalay nila ni Becky, na naging manager niya sa mahabang panahon?



"Nagkausap kami, pero siyempre ayaw muna sana niyang lumabas," sagot ni Angel. "Pero walang isyu sa amin. Sana hindi rin maging isyu sa ibang tao yun. Okay din naman po sa kanya na kay Manay Ethel na ako ngayon."



Wala ba siyang kontrata kay Becky?



"Actually, may mga kontrata po kami na magkasama kami, yung sa mga endorsements. Kasi wala naman po kaming kontrata [managerial] talaga. Matagal na po kaming walang kontrata. So right now, yung mga old contracts ko po sa endorsements sa kanya pa po hanggang sa matapos ko po yung kontrata. Pero may mga bago naman na kay Manay Ethel na. Pero hindi ko pa po puwedeng sabihin," saad niya.



Bakit siya kumuha ng bagong manager?



"Sa akin kasi, ayokong ano, e...kasi may pinagsamahan kami ni Tita Becky. Siyempre si Manay din naman inirerespeto niya rin naman si Tita Becky. Ayaw naming pag-usapan kung why, why. Basta siyempre lahat naman parang moving on lang naman lahat. Pero walang isyu sa amin."



May kinalaman ba ang Star Cinema executive na si Malou Santos sa pagpili niya kay Manay Ethel bilang bagong manager?



"Lahat naman ng ginagawa ko ipinapaalam ko kay Tita Malou bilang respeto dahil sila po yung boss ko, di ba?" sabi ni Angel. "Kung anuman po yung ginagawa kong desisyon sa buhay ko ngayon sa career ko, may basbas naman po ang ABS-CBN.



"Ang totoo po, matagal na rin po namin itong inaayos. Baka kasi isipin biglaan lang. Matagal na po naming inaayos ito kaya lang naghahanap lang po kami ng proper timing. Kaya lang siguro, wala pang lumalabas kasi parang ayaw naman naming parang magmukhang nag-aaway kami ni Tita Becky."



Wala bang sama ng loob si Becky sa kanyang naging desisyon?



"Nagtatampo si Tita Becky," pag-amin niya. "Siyempre, di ba, tao lang? Pero hindi naman kami magkaaway."



AGA MUHLACH. Timing naman na sa paglipat ni Angel sa poder ni Manay Ethel ay may gagawin siyang pelikula sa Star Cinema, kasama si Aga Muhlach, na matagal nang alaga ng bago niyang manager. Dream project ba niya ang gagawin nilang movie ni Aga?



"Actually, yung kay Kuya Aga, hindi ko masasabing noon, ha, na ito ang dream project ko. Kasi lahat ng ayokong gawin, nandito sa pelikulang ito. As in siya yung kailangan kong gawin. Tapos na-realize ko na dahil dream kong makatrabaho si Kuya Aga, si Inang Olive Lamasan dream ko talagang makatrabaho, naisip ko na bakit hindi ko i-challenge yung sarili ko? Tutal, pelikula lang naman ito. Hindi naman ako as Angel dito. So, bakit hindi ako gumawa ng mahirap talaga.



"Excited ako na yun nga kung papaano ko magagawa ito. Tingnan nga natin. Pero bago yun, nagsabi na ako kay Inang. Sabi ko, 'Inang, ngayon pa lang magso-sorry na ako sa iyo kasi alam kong sisigawan mo ako.' Sabi niya, 'Huwag kang mag-alala, sisigawan talaga kita!'" natatawa niyang kuwento.



Nag-start na ba sila ng shooting?



"Hindi pa. Pero nai-present na sa akin yung story. Inaayos pa namin ni Manay yung schedule ko kung papaano."

Sa ngayon daw ay wala pang title ang movie nila ni Aga. By March 15 pa raw ang simula ng shooting nila.
read more "Angel Locsin gets a new manager: Ethel Ramos in, Becky Aguila out"

Wednesday, February 10, 2010

Angel Locsin discourages ex-boyfriend Luis Manzano from courting her again


Nilinaw ni Angel Locsin na walang katotohanan ang balitang boyfriend na niya ang vocalist ng Parokya Ni Edgar na si Chito Miranda.



"Nagulat nga ako kung bakit may mga naglalabasang balita na kami na raw ni Chito. Kagagaling ko lang din sa breakup, so ayoko naman ng ganoon. Hindi ako dapat magsalita pero respeto lang din sa kung sino man ang nakarelasyon niya before, di ba? Basta ako, enjoy lang sa pagiging single. Parang hindi ko naman minamadali yung sarili ko. Hindi naman ganoon kadali," saad ng aktres.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Angel kaninang hapon sa presscon ng Mosbeau, isang whitening product, kung saan siya ang image model.



Pero bakit may nakakita raw sa kanilang dalawa ni Chito habang "nagde-date sa Malate"?



"Anong Malate? Hindi pa ako nakakapunta ng Malate," tanggi ni Angel.



Ayon sa balita, costume party raw ang dinaluhan nila doon ni Chito.



"Ang costume party lang na napuntahan ko, yung Halloween party nung November. Yun yung unang beses kaming nagkita. Kumain kami sa isang restaurant sa may P. Burgos. Malate ba yun? Hindi naman siya Malate, di ba? So yun lang?" sabi niya.



Pero type niya ba si Chito? Kung sakaling ligawan siya nito, may maasahan ba ito sa kanya?



"Basta kami, parang wala namang ligawan talaga na nangyayari. Walang ganoon," aniya.



LUIS MANZANO. Ang ex-boyfriend naman ni Angel na si Luis Manzano ay inaming nakikipagbalikan siya sa aktres. Ginagawa na raw niya ang lahat—kumbaga todo-effort na nga raw siya—para muli niyang mapasagot si Angel. Pero mukhang wala ring patutunguhan ang muling panunuyo ni Luis kay Angel.



"Sabi ko sa kanya, 'Huwag kang mag-effort. Kasi baka kawawa ka naman. Ayoko naman na sabihin mo pinahihirapan kita o ano.' Sobrang times fifty mo yung effort na ginagawa niya para sa akin. Sobra!" banggit ni Angel.



Paanong effort ba ang ginagawa ni Luis?



"Siyempre, kapag sinabihan ka ng babae na, 'Masaya na ako sa buhay ko ngayon. Kung tayo, tayo naman.' Di ba, parang medyo bad trip yun? Pero, 'A, hindi, gusto ko lang gawin.' Ganyan ang sagot niya sa akin.



"Lagi siyang nasa bahay. Nagdadala siya ng pagkain, ganoon. Minsan naghihintay pa siya sa akin sa ibaba kasi meron akong ginagawa sa itaas. Okey lang naman na pinupuntahan niya ako sa bahay, pero ayoko nang lalabas kami. Kasi para sa akin, date na yung tawag dun pag lumabas kami na kaming dalawa lang, e."



Kinikilig pa ba siya pag dinadalaw siya ni Luis?



"Hindi ganoong kilig na... Kasi para kang nag-e-expect kung kinikilig ka. Sabi ko nga sa kanya, no efforts, no expectations. Basta ganito, ganoon lang."



Ano sa tingin niya ang dahilan at gusto siyang balikan ni Luis?



"Napag-usapan naman namin yun. Sinabi naman niya na parang gusto lang kasi niyang ayusin. Ganoon," sagot ni Angel.



Sabi ni Angel noon, kapag nakipaghiwalay na siya sa mga nagiging boyfriend niya ay hindi na siya nakikipagbalikan pa. So, anong tsansa o wala na bang tsansa ang panliligaw ulit sa kanya ni Luis?



"Ayoko kasing isipin, e. As in ayoko talagang mag-isip," maiksing tugon niya.
read more "Angel Locsin discourages ex-boyfriend Luis Manzano from courting her again"

Tuesday, December 22, 2009

Angel Locsin nangingitim na ang kilikili dahil walang show



Tignan mabuti ang larawan alin alin ang naiba..piliin kung alin ang naiba....
read more "Angel Locsin nangingitim na ang kilikili dahil walang show"