Your Ad Here
Showing posts with label Mark Herras. Show all posts
Showing posts with label Mark Herras. Show all posts

Friday, April 16, 2010

Mark, respetado ang relasyon nina Jennylyn at Dennis!


NAGULAT din pala si Mark Herras nang biglang malaman niyang nagkakamabutihan na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Hindi pa raw kasi niya nakakausap si Jennylyn o maging si Dennis, pero ang gusto niyang sabihin sa dalawa ay sana maging masaya ang dalawa at huwag na nilang alalahanin ang sasabihin ng ibang tao.


“Wala ta­laga akong alam tungkol sa kanilang dalawa. Si Jen kasi, tuwing may work lang naman kami nagkakausap. Hindi kami madalas magkumustahan. Si Dennis naman, close rin kami niyan pero kapag may trabaho lang kami sa GMA nagkakausap.


“Marami nga ang nagsasabi na bagay sila. Totoo naman iyon. Bagay silang dalawa at sigu­ro nga sila ang pinagsama talaga. Kaya ma­ging masaya tayo para sa kanilang dalawa,” naka­ngiting sabi pa ni Mark.


May mga fans nga sina Mark at Jennylyn na hindi pabor kay Dennis. Gusto pa rin kasi nila na si Mark ang makatuluyan ni Jennylyn.


“Ang mga fans naman namin ni Jen, nagpa­pasalamat ako at nandiyan pa rin sila. Kahit na noong kami pa at hanggang sa magkahiwalay kami, very loyal sila sa amin at tuwing may pro­ject kami, nandiyan sila para sumuporta.


“Pero sinasabi naman namin sa kanila na hindi naman for­ever ay magiging kami ni Jen. Darating ang time na may ibang ipapareha sa amin at ibang tao rin ang makakatuluyan namin sa totoong buhay.

Kaya dapat tanggapin nila ‘yon.


“Basta ang hiling lang namin ni Jen sa kanila ay huwag silang magsawa na suportahan kami. Ma­ging kami man in the future o hindi, ipagpapasalamat namin na nandiyan pa rin sila.”


Wala raw balak na tanungin ni Mark sina Jen at Dennis tungkol sa kanilang relasyon ngayon. Tama na raw ‘yung alam niyang may relasyon sila at hindi na niya kailangan pang mag-usisa pa.


“Personal na bagay na iyon, eh. Ayokong sabihin nila na tsismoso ako! Ha! Ha! Ha! Ha! Tama ba naman iyon? Na ako pa ang magtanong sa kanila, ‘di ba? Hindi bagay! Ha! Ha! Ha! Ha!


“Kung magkuwento man si Jen or si Dennis sa akin, makikinig ako. Nirerespeto ko ang personal na buhay nila. Pero tulad nang sabi ko, masaya ako para sa kanilang dalawa,” pagtatapos pa ni Mark Herras.
read more "Mark, respetado ang relasyon nina Jennylyn at Dennis!"

Saturday, April 3, 2010

Mark parang tunay na anak na ni Nadia


Magkasama na nagbakasyon sa Subic sina Mark Herras at Ynna Asistio. Walang dapat ipag-alala ang mga fans ni Mark dahil marami silang kasama ni Ynna.

Ka-join sa Subic vacation ang madir ni Ynna na si Nadia Montenegro at ang mga anak nito. Parang tunay na anak na rin ang trato nina Nadia at Boy Asistio kay Mark.

Madalas si Mark sa kanilang bahay sa White Plains at malaki ang tiwala nila sa special friend ni Ynna. Special friend daw o! Kahit hindi umamin o magsalita sina Mark at Ynna, halatang-halata na in love sila sa isa’t isa.
read more "Mark parang tunay na anak na ni Nadia"

Saturday, March 20, 2010

Mark Herras, mukhang extra sa ‘Diva’!


Marami ang nanghihinayang kay Mark Herras dahil sa role na binigay sa kanya sa Diva. Mukha raw kasing extra at halos wala raw ginagawa sa Diva si Mark.


Nagagalit nga ang mga fans ni Mark dahil binigyan ito ng supporting role sa Diva, eh nagbibida na raw ito.


Pero nang tanungin si Mark ay okey lang daw sa kanya ang role niya sa Diva. Mabibigyan daw siya ng magagandang eksena pero hindi pa raw ito nakukunan. At masaya raw siya na nakatrabaho niya ulit si Regine Velasquez na una niyang naging kapatid sa drama series na Forever In My Heart noong 2004.


“Wala naman akong reklamo sa mga shows na binibigay nila sa akin. Alam ko naman na hindi ako bibigyan ng GMA-7 ng show na hindi ako magagamit nang husto.


“Nagsisimula pa lang naman ang Diva at marami pang mangyayari. May sa­rili akong kuwento sa series kaya abangan nila ‘yon. Sa ngayon, ‘yung mga dance portions ng show, sa akin nakatoka.


“Enjoy naman kami sa taping ng Diva. Masa­yang kasama si Ate Regine. Naging kapatid ko na siya before sa Forever In My Heart. Mabait siya at napaka-supportive sa aming mga baguhan noon.


“Hanggang ngayon ay napakamatulungin pa rin niya. Kaya noong sabihin sa akin na gaganap akong kapatid niya, natuwa ako kasi masarap siyang katrabaho,” nakangiting sabi pa ni Mark.


Sa pagiging Bad Boy on the Dance Floor niya, mukhang may mga makakalaban na siya sa pagsayaw dahil mahuhusay sa sayawan ang mga bagong Starstruck stars na sina Rocco Nacino at Enzo Pineda.


“Parati namang ganyan. May bago at lahat naman sila ay welcome sa aming lahat. Ang maganda rito ay walang bad competition. Pakikisama lang lahat at magtulungan tayo.


“Sina Rocco at Enzo, magagaling silang suma­yaw at may sarili silang mga moves na nakaka-impress.

Magkakasama naman kami sa Party Pilipinas, kaya doon kami magkakaroon ng magandang samahan, lalo na’t pare-pareho kaming mahilig sa pagsayaw,” pagtatapos pa ni Mark.
read more "Mark Herras, mukhang extra sa ‘Diva’!"

Tuesday, March 2, 2010

Tuta ni Mark, katabi sa pagtulog ni Ynna!


NAKAKALOKA si Ynna Asisitio, dahil itinatabi talaga niya sa pagtulog si Choco, ang tuta na Chihuahua na regalo sa kanya ng special friend niyang si Mark Herras, na kapareha niya ngayon sa Diva ni Regine Velasquez.


So, pag niyayakap at hinihimas niya si Choco, para na ring si Mark ang kayakap at hinihimas niya?


“Hindi naman po! Ha! Ha! Ha! Natuwa lang ako kasi naikuwento ko sa kanya na gusto kong bumili ng aso na ako ang mag-a­alaga. Eh, masyadong napadali at niregaluhan niya ako kaya dapat ko lang alagaan ang aso!” sabi ni Ynna.


Ano ba ang ugali ni Mark na gustung-gusto niya?


“Sobrang understanding at sobrang sweet niya!”Eh, ano naman ang gusto niyang baguhin sa aktor?


“Nabago na, eh! Ha! Ha! Ha! ‘Yung pagkaka-addict niya sa internet. Sa computer games,” sagot ni Ynna.


Ano pa ba ang hinihintay niya para maging opisyal na niyang boyfriend si Mark?


“Hindi sa merong hinihintay. Ini-enjoy namin kung ano ang meron kami ngayon. Mas maganda ‘yung hindi namin minamadali. Mas natatakot ako kapag mina­dali ko dahil baka masira ‘yung relasyong meron kami.”


Ano ba ang madalas nilang pagtampuhan ni Mark?


“’Yung paglalaro niya sa internet ang pinag-aawayan namin. Hindi sa ayaw ko pero naiintindihan ko naman dahil after work, ‘yun ang way niya para mawala ang stress niya. So, bakit ako magagalit?

Nagkaroon lang ng time na pinaghintay kami sa bahay dahil doon! Ha! Ha! Ha! Pero nabago na ‘yon!”


Ano naman ang sinasabi ng mga parents niya kay Mark?


“Nag-usap sina Mark at mommy (Nadia Montenegro) at kung ano ang pinag-usapan nila, wala akong alam doon. Hindi nila sinasabi sa akin ang pinag-usapan nila. Si daddy naman, okey sa kanya si Mark.

Three years nang pabalik-balik sa bahay si Mark. Eh, wala namang ginagawang masama si Mark sa akin kaya walang dahilan para maging masama rin ang tingin sa kanya ng daddy ko.”


Para kay Ynna, kulang pa rin ang 3-years na friendship nila ni Mark upang makilala niya ito nang husto.


“Bawat araw kasi, may nakikita kang bago sa kanya. Takot lang niya sa nanay at tatay ko! Ha! Ha! Ha!”
So, hindi na siya nagpapaligaw sa iba dahil kay Mark?


“Hindi naman po talaga ako nagpapaligaw. Walang nagta-try o nag-a-attempt! Baka takot sila sa magulang ko! Ha! Ha! Ha! Si Mark lang kasi ang nagpapakita sa bahay!” sagot ni Ynna.


Teka, magkakaroon ba sila ni Mark ng kissing scene sa Diva?


“Hindi ko po alam, pero pinayagan ako ni daddy sa ganyan pagdating sa work. Naka-kissing scene ko na sina JC de Vera at Joross Gamboa. So feeling ko, hindi naman magiging iba kung si Mark naman ang ka-kissing scene ko!” paliwanag ni Ynna.


Eh, off-screen, may kissing scene na sila?


“Hi! Hi! Hi! Hi!” tugon lang ng anak ni Nadia.
read more "Tuta ni Mark, katabi sa pagtulog ni Ynna!"

Monday, March 1, 2010

Mark Herras admits courting Ynna Asistio


Young actor and dancer Mark Herras appeared live on Showbiz Central yesterday, February 28, to answer the current issues involving him; particularly the status of his relationship with young actress Ynna Asistio and his thoughts on the new StarStruck winners.



SC host John "Sweet" Lapus and his three puppet co-hosts, the Echoserang Frogs, interviewed Mark for the "Sweet Talk" segment. Sweet was only there to lay in the questions, but the three puppets will serves as the analyzers, meaning that they would exclaim the word "Echos!" if they think that Mark would be giving a showbiz answer.



Mark was asked by Sweet if he at any way felt threatened by the growing number of StarStruck winners, the latest of which are Steven Silva and Sarah Lahbati.



"Hindi naman," answered Mark. "Para sa akin kasi, unang-una, natutuwa ako every time na nagkakaroon ng bagong batch na StarStruck kasi nga kumbaga, ang grupo ng StarStruck, e, lumalaki. Sa akin, hindi naman ako natatakot kasi challenge 'yon, e. Kung tingin ko na mate-threaten ako sa kanila, e, ibig sabihin dina-down ko sarili ko."



For Mark, it should be a motivation for him to do better instead.



When he was done with his answer, the three frogs screamed "Echosera!" in unison.



"Bakit n'yo naman sinabi na echosera ang sagot niya na hindi siya nate-threaten?" Sweet asked the three frogs.



"Kasi girl, I have a follow-up question," said one of the frogs. "Before, sa isang interview when Mark was asked about Sarah and Steven, sabi niya 'No comment.' Bakit ganoon?"



"Meron? Saan 'yon?" Mark asked back. "Lahat ng seniors tinanong kung sino mga bet sa StarStruck." Then he explained that he did not give a comment.



YNNA ASISTIO. The discussion now concentrated on Ynna Asistio. "Nililigawan mo na ba officially si Ynna?" asked Sweet.



"Yes po," admitted Mark.



But again, his answer was met with a unified "Echosera!" Apparently, one the frogs was farming on Facebook's Farmville and saw the accounts of Mark and Ynna and it appeared that both of their status showed "Married."



When asked to explain, Mark said, "Iyong Facebook, maraming applications at maraming puwedeng gawin. So, puwede ka naman maglaro in the meantime sa status mo. Once nag-iba ka ng status, e, marami nagre-react. Masarap lang basahin mga comments ng mga tao!"



"Actually, ang follow-up ko diyan," started Sweet, "kaya daw dinedenay n'yo na kayo na daw ay may mga Mark-Jennylyn fans daw na nagagalit kay Ynna. Ano comment mo diyan?"



"Every time talaga na nagkakaroon ako ng partner na iba, e, talagang nagre-react [ang fans]," said Mark. "Hindi mo naman sila masisisi, pero siguro din na hindi naman habambuhay at dapat matuto silang makisabay."



Well rumor has it that Mark is once again trying to get back with ex-girlfriend Jennylyn Mercado and that he supposedly gave flowers to her last February 14.



"Baka hindi ako!" laughed Mark.



But his answer was met once again with "Echosera!" and whispered something Sweet's ear. "Madalas ka daw dumalaw sa taping ng Gumapang Ka sa Lusak?" asked Sweet. (Gumapang Ka Sa Lusak is Jennylyn's afternoon soap with Dennis Trillo.)



"Noong pumunta ako doon sa taping nila, e, wala doon si Jen," explained Mark. "Ang pinuntahan ko, e, sila Mart Escudero. Kasi ang location nila ay tatlong tumbling lang mula sa bahay namin. Noong second time naman, naglalaro ako ng basketball at umagang-umaga, pinuntahan ako ng second unit director nila at sinamahan ko siya sa set, tapos biglang may isang eksena si Jen."



JENNYLYN ON-LINE. After explaining his side on his supposed visits to Jennylyn's tapings, the actress was immediately available for a reaction throgh phone patch.



But Sweet asked Jennylyn first about her reaction to the fans being hurt when she and Mark are paired or linked to other stars?



"Well, sa buhay naman namin, e, hindi ka sa isa lang napa-partner," said Jen. "Iyong iba, nag-e-experiment, at okay lang 'yon. Sana maintindihan din nila."



When asked to give a message to Mark, Jen said: "Ituloy lang niya ang magandang takbo ng kanyang trabaho. Nag-i-improve siya at galingan niya. Alagaan niya si Ynna."



So what's her comment that Mark is finally courting Ynna?



"I'm happy for him at nakahanap na siya ng tamang girl para sa kanya," said Jen. "Kung saan siya sasaya, e, nandito lang kami susuporta namin silang dalawa."
read more "Mark Herras admits courting Ynna Asistio"