Your Ad Here
Showing posts with label Jennylyn Mercado. Show all posts
Showing posts with label Jennylyn Mercado. Show all posts

Wednesday, March 31, 2010

Dennis at Jennylyn magkasama sa Cebu?!


Kasama pa rin si Dennis Trillo sa Party Pilipinas, pero semi-regular na lang ang labas nito o twice a month. Ito ang napag-usapan ng kam­po ng aktor at ng mga taga-Party Pilipinas.

Walang publicity photo si Dennis at wala rin siya sa TV plugging ng show dahil after the shoot at pictorial ng Party Pilipinas na lang nito tinanggap ang offer na mag-semi regular siya sa show.

Hindi pa namin natatanong si Dennis sa tsikang nagka­kamabutihan sila ni Jennylyn Mercado mula nang magkasama sa Gumapang Ka Sa Lusak, nag-deny na si Jennylyn, nali-link daw sila dahil magkasama sa show. After niyang mag-deny, nakita silang magkasamang nanood ng basketball sa The Arena sa San Juan City, after Party Pilipinas. Nasa Cebu si Jennylyn this Holy Week, ‘di kami magugulat ‘pag nalamang pumunta rin sa Cebu si Dennis?
read more "Dennis at Jennylyn magkasama sa Cebu?!"

Saturday, March 20, 2010

Jennylyn, open makatrabaho si Patrick Garcia


Open naman si Jennylyn Mercado sa posibilidad na makatrabaho ang dating karelasyon na si Patrick Garcia. Wala rin naman siyang pagtutol kung magkalapit ito at ang kanilang anak na si Alex Jazz. Pero parang ang pagkukulang ay na kay Patrick. Panay ang pagsasabi nito tungkol sa pagnanais niyang mapalapit sa anak pero wala naman yata siyang ginagawang paraan ukol dito. Katunayan ni konting sustento sa anak ay wala siyang ibinibigay. Makakatanggi ba si Jennylyn kung bibigyan niya ng ipon sa bangko ang bata bilang paghahanda sa kinabukasan nito? Huwag na siyang mag-isip pa, gawin na lamang niya at maa-appreciate pa ito ng kanyang mag-ina.
read more "Jennylyn, open makatrabaho si Patrick Garcia"

Friday, March 12, 2010

Jennylyn, desididong layasan si Becky


BALITANG iiwan na rin ni Jennylyn Mercado ang kanyang manager na si Becky Aguila. Tatapusin na lang daw ni Jennylyn ang kanyang kontrata sa longtime manager niya at tuluyan na raw siyang magpapa-manage sa Viva Artist Agency.


Mula sa aming source ay napagdesisyunan na raw ni Jennylyn na bumitiw na kay Becky. Marami na raw kasi silang hindi napagkakasunduan at siguro raw ay panahon na para makagawa na ng sariling desisyon si Jennylyn sa kanyang career.Inamin noon ni Jennylyn na pinapaubaya niya lahat ang mga desisyon sa kanyang manager. Noon daw kasi ay marami siyang hindi alam sa nangyayari sa showbiz. Pero ngayon at mature na ang pag-iisip ni Jennylyn, naisipan na raw nitong dumiskarte para na rin sa kanyang career.


Pero noong tinanong nga noon ang paglisan niya sa kanyang manager, nag-deny pa si Jennylyn dahil nga may existing contract pa siya, pero co-ma­naged na siya ng VAA. Tumatanaw pa rin daw siya ng malaking utang na loob kay Becky.


Kung matuloy nga ang pag-alis ni Jennylyn sa poder ni Becky, isa na ito sa kanyang prized talents na mawawala. Kabilang nga sa mga nawala na kay Becky ay sina Angel Locsin, Joross Gamboa, Ella Cruz at ang kauna-unahan niyang talent na si Karen delos Reyes.
read more "Jennylyn, desididong layasan si Becky"

Monday, March 1, 2010

Jennylyn Mercado laughs off rumor that she is often seen in front of Gerald Anderson's house


Kapuso actress Jennylyn Mercado just laughed off rumors saying that she is often seen in front of the house of Kapamilya actor Gerald Anderson.



In a phone-patch interview with John "Sweet" Lapus of Showbiz Central yesterday, February 28, Jennylyn said: "Natatawa ako! Ano ba gagawin ko at kapitbahay ko siya? Pero kasi ako naman, e, lagi akong nagba-bike sa village namin. Siyempre, lahat ng bahay doon madadaanan ko, di ba?"



She added, "Nakakahiya na i-link ako sa tao na nanahimik naman at ako din naman, nananahimik sa buhay ko. Huwag naman nilang gawin 'yan at magagalit din ang fans nila. Ayokong madamay sa ganyan."



Sweet asked Jennylyn if she and Gerald know each other?



"Yes," she answered before adding, "Huwag na lang sana nilang gawan ng intriga kasi ang panget ng balitang ganyan."



Jennylyn and Gerald live in the same subdivision in Quezon City. Gerald's house is featured in this month's issue of YES! magazine.
read more "Jennylyn Mercado laughs off rumor that she is often seen in front of Gerald Anderson's house"

Friday, February 12, 2010

Jennylyn Mercado can now joke about her rift with Patrick Garcia


Jennylyn Mercado admitted that at one point in her life, she experienced what it's like to "gumapang ka sa lusak." For reel or real?



The first StarStruck Ultimate Female Survivor returns to the afternoon block of GMA via Gumapang Ka Sa Lusak, a Lino Brocka classic now being helmed for television by Maryo J. Delos Reyes. She is paired for the second time with multi-awarded actor Dennis Trillo, and together they recreate the role originally played on the big screen by Dina Bonnevie and Christopher de Leon.



It will be recalled that the first team-up of Dennis and Jennylyn was in the last story arc of the Now and Forever umbrella titled "Dangal." They also worked together in the primetime fantasy Super Twins but not as partners.



Jennylyn said she is comfortable working with Dennis, but still feels uneasy in the love scenes and the kissing scenes.



"Alam niyo, kinakabahan pa rin ako. Sabihin na nating matagal-tagal na ako sa showbiz pero kahit kay Mark [Herras], kapag love scenes na, may kaba pa rin ako. Pero kailangan, e. Mabuti na lang si Dennis 'yan. Kumportable kami ni Dennis," she explained.



During the presscon for Gumapang Ka Sa Lusak, a general question was asked to all those seated at the presidential table: To whom will they say "gumapang ka sa lusak?"



Almost everyone answered no one except Jennylyn who joked, "Kilala niyo kung sino yun."



Later that day, she clarified that she was just joking.



"Nagbibiro lang ako noon, Tito. Para masaya. Ang serious-serious kasi, e, o di ba natawa sila? Hindi ko naman ito sasabihin sa kahit kanino, kahit sa kanya," she says, referring to Patrick Garcia, the dad of her one-year-old baby.



People might construe this as bitterness on her part and a sign that she has not moved on yet.



"Naku, sila ang hindi makapag-move on, 'no? Tanong sila nang tanong sa akin tungkol kay Patrick, wala na bang ibang matanong sa akin. Parang hindi niyo ba ako nakikita, masaya na ako, o. Tumigil na sana sila, closed book na yun. Nadyu-joke ko na nga, e."



Jennylyn is rearing her child Alex Jazz alone, and she is content being a single mom. One thing she would like to clarify, however, is the rumor that she is not accepting any financial help from Patrick's family for her baby.



"Hindi naman totoo yun. For the record, Tito, wala pong offer kaya wala akong tinatanggihan."



It's a good thing that work continuously pours in, and she feels blessed.



On a separate note, she points out that she is not leaving her manager Becky Aguila.



"Si Tita Becky pa rin ang manager ko. May contract kami hanggang April next year."



What happens after April next year?



"Tanungin niyo ako ulit after next year."
read more "Jennylyn Mercado can now joke about her rift with Patrick Garcia"

Sunday, January 10, 2010

Jennylyn Mercado gives singing career more attention this year

Last year nawalan ng malaking halaga si Jennylyn Mercado at kinasuhan niya ng qualified theft ang dati niyang personal assistant na si Mel Pulmano. Dahil dito ay natuto ang aktres na hawakan ang sarili niyang pera.



"Yes! Hindi tulad noon na panay utos ako, ako ngayon hands-on ako. Tapos once a week nag-te-take time talaga ako na pumunta sa bangko.



"Ako na yung lahat, inaasikaso ko na checks ko, lahat! Na-praning na ako, e. May accountant na ako na nag-aano, nag-aayos lahat, sa BIR [Bureau of Internal Revenue]. Pero sa lahat ng bagay ako na talaga."



Nakapag-move on na raw siya sa karanasang 'yon.



"Ang pera naman, kikitain yun, e, kaya ayoko na lang isipin pa yung mga nawala sa akin."



BLESSINGS. Ang tinitingnan na lang niya ay ang mga blessings na di naman napatid ang pagdating sa kanya.



"Kahit papaano, yung show ko sa GMA 'tsaka yung mga out of town, nakakatulong rin, malaking tulong talaga."



Ang tinutukoy niyang show ay ang Ikaw Sana ng Siyete, kung saan kasama niya si Mark Herras at Pauleen Luna.



Naging cover din siya ng FHM magazine noong November 2009. Hudyat na ba ito ng tuluy-tuloy niyang pagpapaseksi, tulad ng kapwa StarStruck alumna na si Cristine Reyes?



"Hindi naman, wholesome pa din, hindi sobrang sexy," sagot ni Jennylyn.



"Iba naman si Cristine, napakakinis nung tao na yun at napaka-sexy talaga. Ako kahit papaano mommy na ako, e. Naiisip ko pa din yung baby ko."



Ongoing ang season 5 ng StarStruck at pabor si Jennylyn na magkaroon ulit ng mga bagong discoveries ang naturang artista search.



Ang maa-advise si Jennylyn sa mga magiging bagong survivors at avengers ay, "Galingan nila, mahalin nila yung talent nila, matuto silang mag-explore, huwag silang hihintong matuto, at dapat marunong silang makisama sa mga tao, at iwasan ang bisyo."



Pinapayuhan rin ba niya ang mga ito na huwag munang i-prioritize ang lovelife?



"Hindi naman mapipigilan 'yan. Meron akong lovelife nung nasa StarStruck ako pero hindi naging hadlang yun sa trabaho ko."



SINGING CAREER. Napadako naman ang usapan tungkol sa leading man niyang si Mark Herras at agree si Jennylyn sa obserbasyon ng marami na gumuwapo lalo ang dati niya boyfriend.



"Oo naman, tsaka yung katawan niya, nag-improve talaga."



Balita noon na babaero si Mark. Ganyan ba rin ba siya sa tingin ni Jennylyn?



"Hindi ko alam," sagot ng aktres. "Ang tao naman kasi nagbabago, siguro nagbago na siya. Habang nagma-mature naman ang isang tao, nagbabago."



This year, bukod sa pag-aartista ay haharapin rin ni Jennylyn ang pagiging recording artist. Sa end of January ay ire-release ang bago niyang album sa ilalim ng Viva Records.
Bakit nag-decide siyang asikasuhin muli ang kanyang singing career?



"Desisyon naming dalawa ni Tita Becky [Aguila, Jennylyn's manager], kasi parang nakakalimutan na din ng mga tao na kumakanta ako, so makakatulong yung album kong bago para maging active ulit ako as a singer."
read more "Jennylyn Mercado gives singing career more attention this year"

Wednesday, December 23, 2009

Jennylyn Mercado says son with Patrick Garcia will bear the surname of whoever she marries


Parehong visible sa Kapuso network ang dating magkarelasyon na sina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado, pero kahit papano ay hindi pa rin sila nagkukrus ng landas. Hindi pa sila nagkakausap at nagkikita simula nang magkaroon ng malaking hidwaan sa pagitan nila, at kahit halos isang taon na ang anak nilang si Alex Jazz or AJ, hindi pa rin ito nasisilayan ni Patrick.



Patuloy lang ang takbo ng buhay ng dalawa na busy sa kani-kanyang career.



Si Jennylyn ay featured sa cover ng FHM magazine ngayong November habang si Patrick naman ay kasama sa bagong series ng GMA-7 na Fullhaus.



Ayon kay Jennylyn, iisa lang daw ang mensahe niya sa pagpo-pose nang sexy sa FHM: "Kahit na mommy ka na, hindi naman ibig sabihin na papabayaan mo na ang katawan mo. Kailangan, di ba, palagi kang fresh, palagi kang maganda, maganda ang skin, yung katawan mo slim. O kahit hindi masyadong payat, kailangan fit ka, di ba?"



Loveless raw si Jennylyn, pero wala raw masama kung mag-date man siya. "Single naman ako. Open ako. Pero, wala pa naman."



CHILD'S LAST NAME. Bukod sa trabaho, priority raw ni Jennylyn ang pag-aasikaso kay Alex Jazz. Pero handa na ba siyang ipakilala ang anak sa ama?



"Darating din naman ang time na yun, pero, ayoko nang isipin. Pinaghahandaan ko naman yun."



Napag-isipan na raw niya na mas gusto niyang ipagamit sa anak ang apelyido ng kung sinumang lalaking pakakasalan niya at hindi ang "Garcia."



"I'm sure darating din yung time na maghahanap si AJ ng father figure. Sasabihin ko ang totoo. Walang reason para magsinungaling."



What if makasalubong nilang mag-ina si Patrick?



"Ano, I'll say... 'Anak, say hi na lang,'" at saka tumawa siya.



PATRICK REMAINS OPTIMISTIC. Positive naman si Patrick na isang araw, makikita rin niya nang personal ang anak.



"I'm optimistic that one day, mari-realize niya na it's not about both of us anymore, it's about our son. I may have failed so many things in my life, pero, in being a father, at least, give me a chance to be a father."



May binili raw siyang birthday gift para sa anak.



"Actually, meron ako sa bahay for him. Pero I'll just give it na lang once na maging okey na. Siguro isipin na lang niya ang anak namin na one day, baka makilala ko rin."



Gumagawa ba siya ng hakbang para makita ang bata?



"Well, I have those thinking... pero, baka masamain pa if I'll do any moves. I might just find it in a news that I'm harassing her, you know... Gusto ko, kusang loob niya, bukal sa puso niya na makilala ko na ang anak namin."



Anong reaksiyon niya sa tinuran ni Jennylyn na hindi apelyido niya ang gagamitin ng anak.



Aniya, "Well, kung yun ang gusto niyang mangyari. Basta sana naman siguro, she won't be... na hindi ipakilala [si AJ] sa tunay niyang ama. Siguro ngayon, pero, I don't know. As of now, I just wanna be quiet about it."



What if makasalubong niya ang mag-ina or si Jennylyn, lalo pa nga't pareho silang Kapuso?

"Ako naman anytime, I'm ready to talk to her. Wala naman akong galit na itinatago."
read more "Jennylyn Mercado says son with Patrick Garcia will bear the surname of whoever she marries"