Your Ad Here

Sunday, March 28, 2010

Andrea, sulit na sulit ang pagbubuntis!


Nasa US pa rin ngayon si Andrea del Rosario at doon na nga siya manganganak.

Eight months na raw ang ipinagbubuntis niya, at marami raw siyang aayusin na mga papeles doon kapag nailuwal na niya ang kanyang baby.


Marami ngang naisakripisyo si Andrea dahil sa hangad niyang magkaroon na ng baby. Marami siyang na-turn down na mga trabaho, pero tinapos pa rin niya ang ilang eksena niya sa pelikulang Working Girls 2010 ng Viva Films at GMA Films.


“‘Yun talaga ang mangyayari. Maraming sacrifices talaga. Pero everything naman is worth it kasi I am bringing a baby sa mundong ito. Buhay ang kapalit ng mga tinanggihan kong mga trabaho.


“At saka, bago ko naman pinagdesisyunan ito, handa naman na ako. May ipon na ako, may negosyo na ako at marami na akong investments. So I feel na it’s time. At saka, ilang taon naman na ako? I’m in my early 30’s na. Gusto ko naman na habang lumalaki ang anak ko ay para kaming magbarkada lang,” kuwento ni Andrea sa mensahe niya sa amin sa Facebook.


Tungkol naman sa ama ng kanyang magi­ging baby, nabanggit ni Andrea na in due time ay ipapakilala niya ito. Sa ngayon ay quiet na lang muna siya dahil hindi naman daw taga-showbiz ang ama ng kanyang baby.


“Darating din tayo riyan. Siyempre, proud ako sa daddy ng baby ko. Siya na rin kasi ang nagsabi na huwag ko na siyang pag-usapan muna. He’s a private person kasi at ayoko rin na maguluhan siya.


“What’s important is nandiyan siya parati for us. Nasabi nga niya na he will be here sa US in time sa pagkapanganak ko. So mabubuo pa rin kaming dalawa when the baby comes out to the world,” ngiti pa niya.


Kelan ang balak nilang pagpapakasal?


“Siyempre, isa-isa muna tayo. Paplanuhin muna namin ‘yan. Right now, itong baby ang inu­una namin. We are both praying for a healthy and happy baby.


“Hindi nga ako makapaniwala na magiging mother na ako! Imagine that? After lahat nang mga pinaggagawa ko sa sarili ko all these years, heto at mabubuntis din pala ako. But no regrets. Ito na siguro ang tinakda sa akin ni Lord and this is something that you will have forever.


“Mawala na ang lahat, huwag lang itong baby ko kasi ito ang masasabi kong akin talaga dahil galing siya sa akin. Kaya hindi pa man siya pinapanganak, love na love ko na siya,” pagtatapos pa ni Andrea.

0 comments:

Post a Comment