Your Ad Here

Thursday, April 1, 2010

Cristine Reyes in Green Paradise


Cinema One sparks the passion in every viewer when Green Paradise makes its cable premiere on Blockbuster Sunday this April 4 at 8 p.m..

Directed by Esmeraldo “Bing” Santos and Kant Leung, the sex-drama also features Joel Torre, Rio Locsin, Charee Pineda, Jiro Manio, Juan Rodrigo; with the men who desire and compete for the heart of Cristine Reyes (photo), like Paolo Serrano, Justine de Leon, Chris Martinez and Andrew Schimmer.

Shot mostly on a rural beach area, Green Paradise takes the arresting provincial sceneries that become the backdrop of the movie’s provocative story.

Kristina (Cristine), a breathtakingly beautiful young lady sells fresh fruits at her province every Saturday. She only wants a simple life but her ambitious father, Ronaldo (Torre), obliges Kristina to go to the nearest beach resort to try to sell fresh fruits, with the hope that she would find a wealthy man who can hoist them from their impoverished life.

In one of her visits to the resort, fate, she crosses paths with vacationer Louie (Schimmer) who is attracted to her. But Kristina is in love with someone else. Who will Kristina love? Will her father’s hope ever come true?
read more "Cristine Reyes in Green Paradise"

T.Y. ngayong Holy Week


APRIL 1 na! HOLY Thursday nga­yon at April Fools din, huh!

Araw para mag-Visita Iglesia sa mga Katoliko at ‘yung namamanata tuwing Mahal na Araw.

Ayon sa iba, 14 na simbahan daw dapat ang bisitahin dahil nga 14 ang bilang ng Station of the Cross. Pero mag-ingat din dahil unang araw rin ng Abril ngayon! Ingat sa manloloko at huwag ding magpaloko, huh!
Pero sa mga walang pakialam at bakasyon lang ang nasa utak, keber ba sila kung Holy Thursday ngayon at Good Friday bukas. Basta, mag-enjoy lang ang nasa utak nila dahil after ng Easter Sunday sa April 4, back to normal lang ang lahat sa Metro Manila. So, wala munang regular programming sa mga networks kaya ang mga artistang halos buong linggo ay trabaho ang ginagawa, ang Semana Santa ang excuse nilang para magpahinga.

Pahinga rin ang manonood sa sunud-sunod na commercials, infomercials, plugging at sari-saring kaek-ekan ng mga pulitiko, huh! Ceasefire muna kasing lahat ng kandidato simula ngayon hanggang bukas.

Pero sa Sabado, for sure, maririndi tayong lahat sa pagbabalik ng mga presidentiables, vice presidentiables at senatoriables sa telebisyon! Tapos na kasi ang two-day ban pati na sa local candidates na maya’t maya ay umiikot ang sasakyan na pinatutugtog ang kanilang jingles, huh!
Kami naman, ilang taon nang nandito sa Manila. At least, maluwag ang daan dahil bakasyon din ang traffic. Makapapanood na rin kami ng DVDs bago kami sumabak sa pag-aayos ng Salubong sa Sabado na gagamitin sa madaling-araw ng Sunday.

Napanood na namin ang Shutter Island ni Leonardo DiCaprio. Mystery-psycho thriller ang dating pero hindi kami gaanong impressed kahit si Martin Scorsese ang nagdirek. Thrilling sa simula pero towards the end, lumaylay ang movie. Kasi naman, ang tagal-tagal ng resolusyon ng conflicts, huh!
Pero kung fan ka ni Leonardo, magugustuhan mo ang acting niya lalo na sa eksenang…Ay, huwag na at baka magalit sa amin ang mga fans niya.

Next in line sa amin ang The Book of Eli ni Denzel Washington. Ahh, bagay ang mo­vie ngayong Holy Week dahil ayon sa isa naming friend sa Facebook, it will strengthen your faith once mapanood mo ang movie.

Of course, ngayong Holy Week, it’s time to clean up our mess. ‘Yung maliliit na basura na hindi na kailangan, itapon na ‘yan para clean ta­yong lahat after ng holidays, di ba?

Kanya-kanya tayong paniniwala pagdating ng Holy Week devoted man tayong Katoliko o hindi. Pero ang mahalaga, sa pagdating ng araw na ito, take time out to reflect and thank the Lord.

Ayon nga sa isang pari, tingnan nating mabuti ang image ni Lord na nakapako sa krus. Ipinako Siya sa krus na letter T ang hitsura at ang pagkakapako naman niya ay parang letter Y. So, isaisip natin ang letrang TY ngayong week na ito na sa kahulugan ng nakararami ay – THANK YOU!
Have a blessed Len­ten Season.
read more "T.Y. ngayong Holy Week"

Jay-R, disappointed sa pagsama ni Krista kay Julio Iglesias!


HINDI ikinatuwa ni Jay-R ang biglaang pag-alis ng kanyang girlfriend na si Krista Arrietta Kleiner dahil hindi na sila nagkita. Madalian ang pag-alis ni Krista dahil napaaga ang pag­lipad nila ni Julio Iglesias sa Australia.

Sumakay si Krista sa private plane ni Julio kaya hindi na siya nakatupad sa usapan nila ni Jay-R na magkikita sila.

Napaaga ang pag-uwi ni Jay-R mula sa Amerika dahil gusto niya na magkita sila ni Krista bago ito umalis ng Pilipinas. Napili ni Julio ang current Bb. Pilipinas-International title holder na maging performer sa kanyang world concert tour.Edited ang interbyu kay Jay-R na ipinalabas sa Showbiz Central noong Linggo. Sa un­edited version ng interview, nagpakita at nagpahayag ng disappointment si Jay-R sa desisyon ng kanyang girlfriend na sumama kay Julio.
read more "Jay-R, disappointed sa pagsama ni Krista kay Julio Iglesias!"

Marian-Dingdong, super-kayod ngayong Holy Week


ABA, at kahit Holy Week pala ay walang pahinga ang mag-boyfriend na Dingdong Dantes at Marian Rivera, dahil heto nga at super-shooting pa rin sila para sa movie nilang You To Me Are Everything, na prodyus ng GMA Films at ng Regal Films ni Mother Lily Monteverde.

Pero, para makapag-muni-muni na rin ang dalawa, sa Sagada sila nagsyuting. At least, hindi sila tulad ng iba riyan na hayun at nagpapakaligaya na sa Boracay.
read more "Marian-Dingdong, super-kayod ngayong Holy Week"

Katrina, katakam-takam na ulit ang kaseksihan


BAGO pa magbakasyon ang mga Kapuso stars, hayun at nag-taping na muna sila ng Party Pilipinas sa Araneta Coliseum last Tuesday, na ipalalabas sa Easter Sunday.

Hitik na hitik ang mga eksena sa Araneta, dahil sa opening number pa lang nila ay ipinakita agad nila ang husay nila sa sayawan. Aba, maiiwan ka nga sa eksena kung hindi ka makikipagsabayan sa mga bonggang steps nila.

Pero siyempre, hindi naman puro sayawan lang ang Party Pilipinas, dahil sina Jay-R at Kris Lawrence ay nag-launch ng kanilang mga album. Makiki-party rin si Rochelle Pangilinan kasama ang buong grupo ng Sexbomb dancers para mag-promote ng bagong season ng Daisy Siete.

Pero, ang pinaka-bongga ay ang pakikipag-jamming ng tatlo sa pinakasikat na banda sa Pilipinas, ang Kamikazee, Chicosci at Bamboo – kaya siguradong titindi ang kasiyahan sa Party Pilipinas. Pero, isa sa napansin namin sa taping ng Party Pi­lipinas ay ang pagbabalik ng kaseksihan ni Katrina Halili. Sa opening number na kasama siya, kitang-kita na mas sumeksi siya, at mas maganda na ang aura niya ngayon.

At sa totoo lang, hindi pa rin nawawala ang pantas­ya kay Katrina ng mga barako, ha! Siya pa rin ang tinitilian ng mga lalaking nanonood sa Party Pilipinas. Sabi nga, katakam-takam na naman ulit ang kaseksihan ni Katrina.

Anyway, tama lang siguro na hindi lumayas si Katrina sa GMA, dahil binibigyan naman siya ng importansiya ng Kapuso Network. Kung ang ibang girls ng Kapuso ay sama-sama sa paggi­ling sa stage, si Katrina nga ay binibigyan ng solo spot.
read more "Katrina, katakam-takam na ulit ang kaseksihan"