Your Ad Here

Monday, March 29, 2010

Juday, sunud-sunod ang suwerte


Nagkataon nga lang ba o sadyang malaking swerte ang hatid ng teleseryeng Habang May Buhay para kina Juday, Joem Bascon, De­rek Ramsay, at Gladys Reyes?

Mula kasi nang umere ang nasabing primetime soap, nagkasunod-sunod na ang magagandang pangyayari sa buhay ng mga pangunahing karak­ter ng programa. Si Joem, nakatakdang maging bahagi ng isang bagong indie movie. Si De­rek, tinaguriang “Universal Leading Man” ng local showbiz dahil sa dami ng kanyang movie at TV projects, bukod pa sa dumaraming product endorsements.

Si Gladys naman, mula nang muling lumabas bilang kontrabida ay sunod-sunod na ang TV guestings at isa na rito ang pagiging isa sa mga hurados ng Showtime. Syempre, sino pa bang hindi nakaaalam ng masayang pagbubuntis ni Juday matapos ang pagpapakasal noong nakaraang taon?

Nagkataon man o hindi, walang dudang wala na ngang bumibitaw sa top-rating show ng Queen of Pinoy Soap Opera Ms. Judy Ann Santos. At ngayong linggo sa Habang May Buhay, tiyak na ikagugulat ng lahat ng loyal viewers nito ang mga susunod na pangyayari sa buhay nina Nurse Jane (Judy Ann Santos), David (De­rek Ramsay), Raon (Joem Bascon) at Clarissa (Gladys Reyes).

Matapos ang mga maiiinit na kumprontasyon sa pagitan nina Jane, David at Clarissa kaugnay ng pagbubuntis ng doktora, isang hindi inaasahang tagpo sa ospital ang maglalantad sa itinatagong sikreto ni Clarissa.

Malalaman ni Jane na hindi si David, kundi ang kasintahan ng doktora na si Rod, ang tunay na ama ng pinagbubuntis nito.

Sa pagpapatuloy ng kwento, tuluyan na ka­yang sumuko si Clarissa sa pag-ibig niya kay David o isang malupit na higanti ang ihahanda niya para matuloy ang mga plano niya?

Anong magiging reaksyon ni Ellen Corpuz (Tetchie Agbayani) sa ginawang pagsisinungaling ni Clarissa—kakalabanin ba niya ito o makiki­pagsabwatan upang patuloy pa ring paghiwalayin sina Jane at David?

At sa paglabas ng katotohanan, mahanap kayang muli ni Jane sa puso niya ang pagpapatawad sa lalaking kanyang minamahal?

Patuloy na pakatutu­kan ang programang gabi-gabing nagpapakilig, nagpapaluha at nagbibigay-pag-asa sa mga manonood.

0 comments:

Post a Comment