Your Ad Here

Friday, April 9, 2010

Young actor buking ang panunulsol sa nililigawang young actress


May pagkabastos pala ang isang young actor. Nakatsikahan ko ang isang taong malapit sa young actress na balitang-balitang nililigawan ng nasabing young actor.

As in hindi pala alam ng young actor ang salitang respeto.

At ang the height, sinusulsulan pa nitong luma­ban sa magulang ang kanyang nililigawan.

Mabuti na lang daw at naagapan ng magulang ang young actress bago tuluyang na-implu­wen­siyahan ng young actor.

Bukod sa bad influence ang nasabing young actor sa nililigawang young actress, nadiskubre nilang plano lang nitong paglaruan ang young actress dahil nanliligaw pa ito sa isa pang young actress.

Pasalamat sila na maagang nagkabukingan or else, baka napahamak pa ang dalawang young actresses na plinaplano sanang paglaruan lang ng young actor na nag-uumpisa pa lang sanang sumikat.

Alam ng lahat ang panliligaw ng young actor kay young actress dahil parati niya itong ginagamit sa lahat ng interview na parang pure and sincere ang kanyang intention.
read more "Young actor buking ang panunulsol sa nililigawang young actress"

Jewel dedma pa rin ng GMAAC?


Nakaabot na kay Ms. Ida Henares ng GMA Artist Center (GMAAC) ang na-tweet ni Jewel Mische na kung wala pang project na ibibigay sa kanya ang GMA7, kinu-consider niyang magtra­baho sa ibang network. Ipinabasa umano kay Ms. Ida ang kopya ng column namin dito sa PSN kung saan inilabas namin ang message ni Jewel at hintayin natin ang aksyon ng GMAAC.

Sa comment ng isang follower ni Jewel na may Captain Barbell siya, ang sagot nito sa Twitter pa rin ay “CB is pushed till later this year. If in case am goin’ to be part of it will I have to remain jobless until then? What about the present?”

Nauna rito, nag-react na rin si Shirley Pizarro ng GMAAC kay Jewel at tinanong ito sa Twitter, “So, have you talked to GMAAC about this pos­sibility? I should hope so, because you are already making this public.”

Ang sagot ni Jewel dito, “Hi, Ms. Shirley! I have already availed my side to the person upstairs. And I trust for a graceful resolution in this regard.”

Nabanggit din ni Jewel na “I have reached out to the management to tell them I want to work. I have an existing contract with GMA which means my station is bound to that occurring responsibility to give me a job.”
read more "Jewel dedma pa rin ng GMAAC?"

Gretchen hindi nagpatalbog, nag-walk out din




SEEN : Marami ang nagbibigay ng tulong sa veteran co­median na si Palito.

Naka-confine si Palito sa Philippine General Hospital dahil sa kanyang karamdaman sa baga.

SCENE : Hindi nakakatawa ang mga gags ng Loko­moko U, ang gag show ng TV 5.

SEEN : Ang pagluha at walk out drama ni Gretchen Barretto nang tanungin ito tungkol sa tampuhan nila ni Clau­dine. Hindi nagpa­talbog si Ate...

SCENE : Pinapanood ni Cheryl Cosim ang Salamat Dok kapag nagigising siya ng maaga.

Si Bernadette Sembrano ang bagong host ng Salamat Dok dahil lumipat si Cheryl sa TV 5.

SEEN : Sina Pokwang at Sam Milby sa Ninoy Aquino International Airport noong Miyerkules ng gabi.

Galing sina Sam at Pokwang mula sa US concert tour ng Heartthrobs & Friends.

SCENE : Insensitive ang pagpapakita sa telebisyon ng video ni Philip Medel na hirap na hirap sa paghinga habang naka-confine sa ospital.

Si Philip ang suspect sa pagpatay kay Nida Blanca noong November 2001.

Namatay si Philip noong Miyerkules ng gabi.

SEEN : May tamang scripted ang mga eksena sa Melason in the City.

SCENE : May kulang sa teaser ng Working Girls 2010. Dapat idagdag sa trailer ang mga wackier scene ng pelikula.
read more "Gretchen hindi nagpatalbog, nag-walk out din"

Claudine mas dapat isipin ang timbang kesa kay Greta


Worried si Claudine Barretto dahil pagtatapatin sila ng kanyang Ate Gretchen Barretto na hindi pa niya nakakabati ay malamang makagalit niyang muli. Wish niya na sana hindi magamit ang kapatid niya laban sa kanya. Kung magagawa niyang iatras ang Claudine, sana ginawa na niya. Ang kaso, can’t affrord na itong ma-postpone muli.

Pero kung ako silang magkapatid, hindi ko na bibigyang bigat ang pagiging magkapatid, basta I will do my best para mapaganda ang trabaho ko. Kahit sino pa ang makakatapat ko, trabaho lang ’yun, walang personalan.

Ang maipapayo ko kay Claudine, she should lose some weight. Sayang ang galing at ang mukha kung sa halip na mag-compliment ang katawan at talento ay mag-clash pa ito.
read more "Claudine mas dapat isipin ang timbang kesa kay Greta"

Marian, feeling nanay sa alagang baboy!


PUSPUSAN ang ginagawang pagsu-shooting nina Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa kanilang comeback movie na rom-com ang tema, ang You To Me Are Everything kung saan, last Holy Week nga ay nag-shooting pa sila sa Benguet at dumiretso sa Baguio para mag-shooting.


Sa trailer ng movie nila ni Dingdong, kapansin-pansin ang maliit na baboy na palaging bitbit ni Marian. Kaloka dahil maliit na baboy o biik talaga ang pet ni Marian sa pelikula at tila naaliw na ito sa alagang biik, at gayundin ang biik sa kanya, dahil sa kanya lang din daw ito sumasama. Kasi naman, feeling nanay talaga si Ma­rian sa alagang baboy, na madalas nga niya itong kargahin, at parang baby talaga ang turing niya.


By second week of May ay mawawala sa bansa ang dalawa kasama sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez para sa kanilang US at Canada tour na tatagal hanggang June. Kasabay rin halos ng pagtatapos nila ng shooting ng movie ay ang pagsisimula naman ng taping for their 4th primetime series, ang Endless Love.


Hindi na kami magtataka kung sa pagkakataong makakausap na ng press people si Marian, isa sa siguradong itatanong at papagreakin ito ay sa titulong Drama Queen na ibinigay ng GMA-7 kay Claudine Barretto.


May naglalabasan na rin kasi at nagsasabing kesyo sa pagpasok daw ni Claudine sa GMA, hindi na si Ma­rian ang reyna. Pero kung pakasusuriin naman, tama lang din ang title bilang si Claudine ay drama naman talaga ang linya while Marian can do anything mapa-drama or comedy.


Feeling namin, posible pang magkaisyu kung sakali’t primetime series na ang ginawa ni Claudine at ang pagiging Primetime Queen ang ibinansag dito dahil sa ngayon, ang naturang title ay maia-apply pa lang nga ng Kapuso network kay Marian.
read more "Marian, feeling nanay sa alagang baboy!"

Kris Aquino, gustong bumalik sa GMA 7?


Naku, dahil daw sa paulit-ulit na pagpapalabas ng ABS CBN sa video footage na kung saan ay binanggit ni Baby James ang pangalan ni Villar o Vilyay sa kampaniya ni Noynoy, habang karga-karga ito ni Kris Aquino, nagbabalak na raw si Kris na layasan ang Dos?


Tsika lang ito na kesyo may tinawagan na si Kris na isang tao na puwedeng maging tulay para makabalik siya sa Siyete, at sinabi nga raw ni Kris sa taong `yon na “Ibalik mo na ako sa GMA”!


Pero, papayag naman ba ang Papa Gabby ko na uma­lis sa kanila si Kris?


Oh siya, wait na lang tayo sa mga susunod na chapter, ha!
read more "Kris Aquino, gustong bumalik sa GMA 7?"

Sarah, biktima ng magulong producer sa Japan!


NAGPALIWANAG si Sarah Geronimo tungkol sa hindi niya pagda­ting sa ginanap na Philippine Fiesta 2010 concert sa Tokyo, Japan.

Sabi ni Sarah, hindi dahil sa hindi sila nabigyan ng working visa kung kaya hindi sila nakapunta sa Japan, kundi dahil na rin sa producer na kumuha sa kanya at sa ibang performers.


Dapat pala ay kasama ni Sarah sina Jed Madela, Dra. Vicki Belo, Louie Ocampo at Rowell Santiago sa Exhibit Hall 3 ng Tokyo Big Sight. Pero pare-pareho nga silang hindi nabigyan ng working visa ng Japan Embassy.


Ayon sa singer-actress, naguguluhan daw sila sa producer na kumuha sa kanila. Hindi raw ito klaro sa mga dapat nilang gagawin sa show. Pero nakapag-submit naman daw sila ng mga requirements sa embassy.


“Lahat naman po naibigay namin. Hindi po kami nagkulang. Nasa producer po ‘yung problema. Sila na siguro ang dapat mag-explain kasi on our part, ginawa namin ang mga hinihiling nila,” sey ni Sarah.


Nalungkot lang si Sarah dahil napag-alaman niya na maraming mga Pinoy sa Tokyo ang bumili ng tickets dahil sinabi ngang darating siya kasama ang ibang celebrities mula sa Pilipinas. Noong mag-start na raw ang show, doon daw sinabi na hindi na sila makararating.


“Marami nga raw nadismaya kasi sinabi sa kanila na darating kami. Eh hindi pa nga maayos ang mga papers namin dito. Sana hindi nila pinaasa ang mga tao roon kasi alam kong may mga nagbiyahe at gumastos ng malaki para lang mapanood kami.


“Ayokong isipin ng mga tao roon na nambitin kami or inindyan namin ang show. Hindi namin gagawin iyon. Kung naayos lang ng maaga ang papers namin, makakarating kami roon para sa kanila.


“Hindi lang namin nagustuhan ‘yung pinaasa ang marami nating kababayan doon. Hindi maganda ‘yang ginawa nilang ‘yan.”


Kung mabibigyan daw ng pagkakataon si Sarah ay magsu-show siya sa Japan para sa mga Pinoy doon. Aayusin lang daw ang schedules niya dahil sobrang puno na raw ito hanggang kalagitnaan ng 2010.
read more "Sarah, biktima ng magulong producer sa Japan!"

PBB Teen Clash of 2010, mag-aapoy sa tag-init!


LALONG mag-aapoy ang tag-init sa pinaka­bagong edisyon ng Pinoy Big Brother (PBB). Bukas (Abril 10) ay magsi­simula na ang PBB Teen Clash of 2010 pero exci­ted na ang marami sa mga bagong sorpresa at pasa­bog ni Kuya.


Siyempre, hindi nagpahuli sa kasiyahan sina Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez at Bianca Gonzales.


“Kapag kasama ko sina Mariel at Bianca, parang di kami nagtratrabaho,” say ni Toni.


“It doesn’t feel like work at all kung kasama mo ‘yung mga bestfriends mo na halos sisters mo na talaga,” sambit naman ni Mariel.


“Iba yung bonding namin pag nasa PBB kami!” say naman ni Bianca.


Maliban sa mga hosts, siguradong maii­ntriga ang lahat sa kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng “Clash” sa Teen Clash of 2010. May mga hula na ang “Clash” ay ang pagba­balik-bahay ng mga ex-teen housemates, at may nagsabi rin na may iba’t ibang challengers ang mga makikipag-clash sa mga teen housemates every week.


“When you say clash, pagbabanggain. Siguro, pagsasama-samahin ‘yung mga pareho ang ugali,” hula ni Toni.


Well, malalaman ang ibig sabihin ng “clash” at makikilala na rin ang hi­git sa 12 teen housemates sa espesyal na kick-off na tina­tawag na “Let the Clash Begin.”
read more "PBB Teen Clash of 2010, mag-aapoy sa tag-init!"