HINDI tumangging magkuwento si Sunshine Dizon tungkol sa kanyang naganap na pagpapakasal last March 20 nang ma-corner namin siya sa kanyang rehearsal for Party Pilipinas sa GMA Network Studio.
Masayang kinuwento ni Sunshine ang ilang detalye ng kanyang pagpapakasal kay Timothy Tan at kung bakit nga bigla niyang naisipan na mag-settle down.
“Many are saying na masyado raw maaga or kung pinag-isipan ba namin ba ang pagpapakasal na iyon? Kasi nga ilang months pa lang kami ni Timo (nickname ng mister ni Sunshine), so parang whirlwind romance ang lahat.
“May sinabi nga si mommy (Dorothy Laforteza) noon sa akin na huwag kong hanapin ang lalake na para sa akin. Darating daw siya sa oras na hindi ko ini-expect.
“Siyempre, para sa akin, kasabihan ‘yan noong araw pa. Parang hindi ako naniniwala kay Mommy noon. Pero oo lang ako nang oo sa kanya. Pero talagang ngayon ko na-realize ang sinabi sa akin ni Mommy.
“Kasi nga si Timo, dumating siya talaga sa buhay ko na hindi ako prepared na magkaroon ulit ng bagong relasyon. He was just my friend. Wala kaming anumang kasunduan or anything. He was just there for me and gusto siya ng buong pamilya ko.
“At si Timo lang ang tanging lalakeng nakilala nang husto ng Daddy ko noong umuwi siya dito from the US. As in never nakilala ni dad ang mga past relationships ko. Eh that time noong ma-meet niya si Daddy, magkaibigan lang kami talaga. Kaya it’s weird pero nakakatuwang isipin na we ended up together,” nakangiting kuwento ni Shine.
Simpleng kasal lang daw talaga ang gusto nina Sunshine at Timothy. Na sampung tao lang ang imbitado.
“Yun ang original plan namin ni Timo. Sampu lang ang guest namin. Kaso nakakahiya naman sa catering, ‘di ba? Magpapa-cater ka for ten people lang!
“So ang ginawa namin ni mommy, we called up ‘yung ibang relatives namin. May mga cousins ako na nandito sa Manila na very close sa akin tapos ‘yung ibang tita ko na naging very supportive sa akin noong bata pa ako.
“Kaya umabot sa like 20 people ang tao sa kasal namin. Okey lang ‘yung number na iyon kasi nga we want to be with people na kilala namin at ‘yung alam naming masaya for us doing it. Walang taga-showbiz noong wedding namin. It’s all close relatives and friends.
“Sa side ni Timo, hindi nakarating ang father niya kasi nga he was out of the country. Pati na yung mother niya. Kaya ang naging representative ng family niya was his cousin and few other relatives.
“Gano’n lang kasimple ang gusto namin. Walang hassle, walang masyadong fanfare. Kaya it was a very meaningful affair para sa amin.”
Anyway, itinanggi ni Sunshine na siya ay buntis kaya siya nagpakasal kaagad.“Natatawa ako sa iniisip parati ng ibang tao. Kailangan ba buntis ako para lang maikasal? Natawa lang talaga ako kasi ilang beses na akong nabalitang nabuntis, ‘di ba? Sana ang dami ko nang anak!
“Pinaplano pa namin ni Timo ‘yung magiging pamilya namin. Siyempre, we want a big family. Si Timo kasi only child lang siya sa pamilya nila. Ako naman, iilan lang din kami. So kung magpapamilya kami, gusto namin malaki na.
“But I am still going to school kasi. I have nine months to go pa sa culinary arts course ko. Mahirap ang mga ginagawa ko kaya parang imposible muna akong mabuntis. Sa school pa naman namin ay bawal ang mag-absent, bawal ang ma-late. Eh kinukuha ko na nga siya in a span of nine months lang. Kaya I can’t afford to stop my studies.
“Si Timo naman, he also has his own job. He’s a pilot and he has a lot in his hands right now. Kaya kung magpapamilya kami, we need to plan it. Pero kung ipagkakaloob ni God na mabuntis ako agad, wala na kaming magagawa. It will be a blessing for both of us kung mangyari nga iyon.”
Ang church wedding daw ay baka mangyari within the year.
“We are hoping sa December. Kasi nga it depends sa pag-uwi ng dad ko. Gusto ko kasi na nandiyan siya para siya ang maghatid sa akin sa altar. Once in a lifetime lang ito mangyayari and gusto namin ay kumpleto kami,” pagtatapos pa ni Sunshine Dizon-Tan.