Your Ad Here

Wednesday, January 27, 2010

Kim Chiu and Gerald Anderson agree that they're still too young to enter a relationship


Tuwang-tuwa sina Kim Chiu at Gerald Anderson dahil sa matagumpay na premiere ng kanilang second major movie under Star Cinema, ang Paano Na Kaya?, na ginanap kagabi, January 26, sa Cinema 10 ng SM Megamall.



Na-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang press sina Kim at Gerald sa cast party ng Paano Na Kaya? sa H.K. Choi restaurant sa Megamall pagkatapos ng premiere night. Labis nga ang pasasalamat ng dalawa sa lahat ng mga nanood at sumuporta sa premiere nila.



"Sobra kaming nagpapasalamat sa mga fans namin, sa mga kaibigan namin, sa mga family namin, sa lahat ng mga sumuporta dito sa premiere night. Sana ganito rin kainit ang pagtanggap ng mga manononood bukas [Jan. 27] sa showing ng Paano Na Kaya?," masayang bulalas ni Gerald.



Dagdag naman ni Kim, "Ang saya-saya po namin ni Gerald dahil ang dami-daming tao. Thank you sa Star Cinema at binigyan nila ulit kami ng another movie para sa mga fans namin."



Ano ang naramdaman nila habang pinapanood nila ang kabuuan ng pelikula?



"Sobra kaming kinakabahan dahil sabay-sabay tayo, e," sabi ni Gerald. "First time din naming mapanood nang buo. At saka iba, e... pag nakikita ko yung sarili ko sa screen, iba, e. Masaya naman kami dahil maganda naman yung outcome. Maganda yung ginawa ni Direk Ruel Bayani. Sobra kaming masaya at confident para bukas o maya-maya sa first day ng showing namin. We're very, very excited."



Ayon naman kay Kim, "Kinabahan kami siyempre dahil alam namin yung mga eksena na mahihirap. Talagang naka-cross fingers na ako. Pero nakakahinga kami nang maluwag dahil pinapalakpakan siya, tinitilian siya ng mga tao. So, parang ang gaan ng feeling, 'Ay, gusto pala nila.' Buti na lang."



IMPROVED ACTORS. Ano ang reaksiyon nila kapag sinasabing aktres na aktres at aktor na aktor na sila sa pelikulang ito?



"Maganda, good feedback, siyempre masaya," sagot ni Gerald. "Kasi pinaghirapan namin itong movie na ito. Sobrang kaming natutuwa na natutuwa rin yung mga tao."



Bakit sa tingin nila click na click ang loveteam nila?



"Well, sa amin ha, hindi sa acting ha... kung kami lang dalawa kumbaga, very natural kami pag magkasama kami. Totoo yung mga ipinapakita namin sa isa't isa. Hindi lang kami basta loveteam na ipinapares. Talagang mula PBB (Pinoy Big Brother Teen Edition) magkasama na kami. So, yun," sabi ni Gerald.



SUPPORT FROM KAPAMILYA STARS. Nanood ng premiere ang co-star nila sa ABS-CBN primetime soap na Kung Tayo'y Magkakalayo na si Kris Aquino, kasama ang asawa nitong si James Yap at anak na si Baby James. Ano ang feeling nila na todo-suporta si Kris sa loveteam nila?



"Oo nga, e, tinupad niya yung pangako niya sa amin," sabi ni Kim. "Pumunta talaga siya. Siyempre, masayang-masaya kami at nakapanood siya. Lagi siyang nakasuporta sa loveteam namin. Kaya thank you talaga, Ate Kris."



Bukod kay Kris namataan din ng PEP sa premiere night ang mga Kapamilya stars na sina Jericho Rosales, Karylle, Jake Cuenca, Angelica Panganiban, Coco Martin, Maricar Reyes, Carmen Soo, Jason Abalos, Kitkat, Arron Villaflor, Aldred Gatchalian, Beauty Gonzales, Fred Payawan, at ang mga direktor na sina Rory Quintos, Trina Dayrit at Erick Salud. Nandun din ang mga ABS-CBN at Star Cinema executives na sina Malou Santos, Cory Vidanes, at Deo Endrinal.



Bukod kina Kim at Gerald, in full force din ang cast ng Paano Na Kaya? na sina Zsa Zsa Padilla, Ricky Davao, Melissa Ricks, Robi Domingo, Bernard Palanca, Jon Avila, Janus del Prado, Guji Lorenzana, IC Mendoza, Cai Cortez, at siyempre ang direktor na si Ruel Bayani.



Bago magsimula ang screening ay live namang kinanta ni Bugoy Drilon ang kanyang hit song na "Paano Na Kaya?" na ginawa ring title ng movie na ito.



EMOTIONAL GERALD. Naging emosyonal naman si Gerald pagkatapos ng screening at niyakap niya nang mahigpit ang mga magulang niya na present sa premiere night.



"Siyempre, sobrang masaya ako kanina dahil napakaganda ng moment, palakpakan yung mga tao. Tapos nakita ko yung pamilya ko, yung mga magulang ko at niyakap ko sila. Sobrang saya!" wika ni Gerald.



Bakit parang maluha-luha siya?



"Siyempre, noong bata pa ako... tapos nung nag-showbiz ako, hindi ko na sila nakakasama lagi. So, nung makita ko sila, sobrang saya. Siyempre, na-miss ko sila. Tapos nakita ko yung tatay ko naka-suit. E, buong buhay nun hindi ko pa siya nakitang naka-suit. Laging naka-U.S. Navy uniform yun. So, nung nag-suit siya iba yung nakita ko," lahad niya.

GERALD'S MOM APPROVES OF KIM. Boto raw ang mommy ni Gerald kay Kim, ano ang reaksiyon nila rito?



"Oo, hindi na ako nagugulat dahil napakabait ni Kim. Magkasundo silang dalawa," sambit ni Gerald.



Ano naman ang masasabi ni Kim tungkol dito?



"Nakakahiya... ano, thank you, thank you. Mabait naman si Tita, pinagluluto niya kami minsan pag nandiyan siya. Pinapapunta niya kami sa bahay nila tapos kumakain kami ng dinner doon," sabi ng young actress.



Sabi ng mommy ni Gerald, bata pa raw sila kaya sana huwag muna nilang madaliin ang pagkakaroon ng relasyon. Si Gerald ay 20 samantalang si Kim naman ay 19.



Ano ang comment nila rito?



"Oo siyempre," sagot ng young actor. "Tama naman yung sinabi ng nanay ko. Bata pa kami, bata pa si Kim. Marami pa kaming gustong gawin."



Sumang-ayon din naman si Kim. Aniya, "Oo, tama naman yun. Siyempre, bata pa kami. Dapat mag-enjoy lang kami sa kung anuman meron kami ngayon."



HARD TO SEPARATE. Paano na kaya... kung paghihiwalayin na sila at ipapareha sa iba sa mga susunod nilang projects ?



"Paano na kaya kung maghihiwalay na kami?" balik-tanong ni Gerald. "Mahirap, siyempre mahirap. Kasi sanay na ako kay Kim, sanay na rin siya sa akin. And sobrang kumportable yung trabaho ko pag siya ang kaeksena ko, pag siya ang kasama ko. Mahirap, mahirap talaga."



Sumang-ayon din si Kim dito. "Tama yun, mahirap," sabi niya. "Kasi bagong adjustment, bagong friendship ang bubuuin para magkaroon ng kilig moments. Para magkaroon ng spark yung pagsasama. And another start pag ganun. Nagsisimula ka ulit sa simula."



Ano ang pakiramdam ni Gerald na maraming artistang babae ngayon ang gusto siyang makapareha?



"Wow, flattering, overwhelming!" sagot niya. "Pero sa ngayon, nagpo-focus ako sa trabaho ko ngayon. At kung sino man ang magiging katrabaho ko or ka-loveteam ko in the future, okay lang yun. Pero sa ngayon, I'm very, very happy with Kim."



Hindi ba nate-threaten si Kim sa mga babaeng gustong makapareha si Gerald?



"Ganun naman po talaga yung trabaho, e. Hindi mo alam kung kanino ka ipa-partner ulit, kung hanggang kailan yung loveteam niyo. Wala, kailangan niyo na lang tanggapin. Ganun talaga ang trabaho, e," wika ng dalaga.



Sa ngayon, tila mahirap buwagin ang loveteam nila, lalo na't ang lakas-lakas nito at patuloy na dumarami ang kanilang mga fans.



Showing na sa mga sinehan ang Paano Na Kaya? under Star Cinema simula ngayong araw, January 27. Magkakaroon din ito ng international screenings sa susunod na mga araw.
read more "Kim Chiu and Gerald Anderson agree that they're still too young to enter a relationship"

Gladys Reyes clarifies issue between husband Christopher Roxas and Derek Ramsay


"Wala na 'yon, wala na 'yon," Gladys Reyes repeatedly told PEP (Philippine Entertainment Portal) when asked about the reaction of her husband Christopher Roxas on learning about her intimate scene with Habang May Buhay co-actor Derek Ramsay.



Showbiz News Ngayon (SNN) reported recently that Christopher showed disappointment when he found out that his wife had an intimate scene with Derek without his knowledge. Apparently, his reaction was caught on tape while SNN was doing an interview with the couple.



"Actually, ayaw ko na nga pag-usapan kasi baka akala nila pinapalaki pa, e. Wala na 'yon, talagang nag-usap na kami [ni Christopher] and hindi naman siya seryosong nagalit doon," Gladys clarified after the press conference of Habang May Buhay last night, January 26, at Fernwood Gardens in Quezon City.



In a separate interview, Gladys explained that there was just a little misunderstanding about the issue.



"Akala nila siguro parang seryosong nagalit si Christopher," Gladys said. "Hindi, more of nabigla lang siya... kaya noong nakunan, ganun ang reaksiyon niya. Pero nabigla lang siya doon sa term na ginamit na 'love scene.' Hindi naman kasi 'yon love scene talaga kundi more of, para bang... kasi, obsessed ako, e, kunwari kay Derek. Pero alam mo 'yon, puro suggestive lang, pero wala naman talaga, ni walang kissing scene."



The 32-year-old actress also stressed, "Nagulat lang siya kasi never naman akong nakipag-love scene kahit noong mas bata pa kami, sa pelikula man o sa TV. Nagulat lang siya na parang ngayon pa, ngayon pa ako makikipag-love scene. Parang hindi naman yata timing."



"NAHIHIYA AKO KAY DEREK." Another reason Gladys did not want to talk about it anymore is that her co-actor Derek is being dragged into the issue.



"Nakakahiya nga kasi baka kung ano isipin niya, nung mga nakanood," she said.



Although Gladys is grateful that Derek just shrugged off the issue. "Nagkausap kami kanina. Nagkatawanan kami about the situation. Siya din, sabi nga niya, hindi seryoso. Medyo naging big deal lang, pero wala naman."



Gladys was also apologetic in saying, "Actually, nahihiya talaga ako kay Derek kasi hindi na rin naman dapat mag-explain. Basta nagkatawanan na lang kami ni Derek kanina nang magkita kami dito sa presscon."



"HINDI NAGING ISYU ANG TRABAHO." As Gladys earlier stated, work never became an issue in her relationship with Christopher. This is the first time that Christopher reacted because of a misunderstanding, she said.



"Never naging issue sa amin ni Christopher ang trabaho," she told PEP. "Never talaga na makakasira sa relasyon namin ang trabaho. Ngayon pa? Seventeen years na kami together at six years old pa lang ako, umaarte na ako. Ito na ang passion ko, alam niya 'yon. Alam ko naman kung hanggang saan ako, kaya walang dapat ika-worry ang sinuman."



With this issue coming out, does Gladys make some adjustments to avoid such problems?



"May bawal, siyempre," she replied. "Mayroon din akong iniingatan na religion and may mga limitation. Alam ko naman kung hanggang saan lang ako. Hindi tayo puwedeng sumugod nang sumugod. Parang katulad ng sinabi ni Judy Ann, na-recognize naman tayo ng tao nang hindi nakikipag-kissing scene at love scene, so bakit naman ngayon pa? Parang hindi naman yata kailangang gawin 'yon."



Gladys is a devout member of Iglesia Ni Cristo.
read more "Gladys Reyes clarifies issue between husband Christopher Roxas and Derek Ramsay"

Judy Ann Santos wants to prove that a show can be a hit even without kissing scenes


Pagkatapos ng ilang taon ay maipalalabas na rin sa wakas ang Nurserye ng ABS-CBN na Habang May Buhay. Tampok dito si Judy Ann Santos bilang isang nurse, si Jane Alcantara.



Tatlo ang leading men ni Juday sa Habang May Buhay—sina Joem Bascon, Will Devaughn, at Derek Ramsay. Sa presscon ng primetime series na ito kagabi, January 26, tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktres kung ano ang masasabi niya sa tatlong leading men niya.



"In fairness sa kanilang tatlo, nakikitaan ko talaga sila na mahusay, na may potensiyal pagdating sa pag-arte. Ito yung mga taong ito na hindi mo kakikitaan ng reklamo pagdating sa eksena. Napaka-professional nila. Hindi nila nilalaro yung pag-aartista nila, isinasapuso nila. At natutuwa ako na nakasama ko sila na naging parte ako ng pag-aartista nila. So sana, wish kong magtuluy-tuloy sila kasi konting-konti na lang yung mga bagong artistang dumarating na isinasapuso ang pag-aartista," papuri ni Juday sa kanyang mga kapareha.



May intimate scenes ba siya sa tatlo?



"Meron," sagot ni Juday. "Pero konting-konti lang yung intimate scenes... Pinakamalapit na yung nahalikan ako ni Derek sa balikat. Yun na ang pinaka-intimate na nagawa namin."



Nagpaalam pa ba si Juday sa kanyang mister na si Ryan Agoncillo bago niya gawin ang eksenang ito sa Habang May Buhay?



"Kami naman ni Ryan, pagdating naman sa trabaho, hindi naman namin kailangang magpaalam sa isa't isa," sabi niya. "Basta ako, alam ko kung hanggang saan ang limitasyon ko bilang asawa. At alam din niya ang limitasyon niya bilang asawa at aktor. Aktor naman siya at naiintindihan niya 'yan.



"So ako naman, may mga ginawa lang akong restrictions sa sarili ko kasi ayoko namang mapanood din ng anak ko 'yan na isang five-year-old na babae, at hindi ko alam kung paano kong ie-explain. Ngayon, ginagawa ko lang yung trabaho ko at gusto ko lang ding ipakita sa mga manonood na maitatawid ko ang kahit na anong proyekto na kaya kong gawin, na hindi ko kailangang makipaghalikan."



GLADYS REYES. Kasama rin sa Habang May Buhay ang isa sa mga best friends ni Juday na si Gladys Reyes, na gumaganap bilang isang doktora. Si Gladys ang kontrabida sa buhay ni Juday rito.



Unang nagsama sina Juday at Gladys sa teleseryeng Mara Clara nung teenagers pa sila. Sumikat ang Mara Clara at isinalin pa nga ito sa pelikula. Paano ba ikukumpara ni Juday ang pagsasama nila ngayon ni Gladys sa Habang May Buhay sa pagsasama nila noon sa Mara Clara?



"Hinahapo na po kami sa fight scenes namin!" tawa ng young superstar. "Hindi na po namin kayang magtagal magsabunutan kasi hingal na hingal na kami. Pero sa totoo lang po, bilang matagal kaming hindi nagsama ni Gladys sa isang teleserye, na-miss namin yung ganitong tandem. Kaya nung unang eksena naming dalawa na sabunutan at sampalan, at parang nagsapakan talaga kami, intense masyado. Yung hindi namin nakontrol yung mga sarili namin, yung gusto lang naming mapaganda yung eksena.



"At saka ang hindi po nagbago sa amin mula pa nung bata kami at hanggang ngayon, wala po kaming fight director pagdating sa mga ganyang sapakan. Bahala na si Lord kumbaga. Bago na lang mag-take, 'Sis, sorry ha!' Nagsosorihan na po agad kami kasi alam namin in one way or another, magkakasakitan talaga kami. Lahat naman po na yun, pure trabaho lang. At yun ang pinaka-namiss ko talaga sa pagsasama namin ni Gladys. Yung walang kashowbisan, yung hindi ka matatakot gawin yung gusto mong gawin sa kaeksena mo kasi alam mong hindi siya mag-iinarte. Walang magtsitsismis na sinadya yung sampal, very professional."



TELESERYE QUEEN. Dahil marami nang nagawang serye si Judy Ann Santos sa ABS-CBN at lahat ng ito ay tinangkilik ng publiko, lalo na ng kanyang fans, kaya naman siya ang binansagang Teleserye Queen ng Kapamilya network. Ano ang masasabi ni Juday sa titulong ibinigay sa kanya ng ABS-CBN?



"Sa totoong salita, hindi ko naman puwedeng sabihin na kumportable ako sa titulong yun dahil nandoon pa rin yung paninibago, yung pagtatanong sa sarili na, 'Dapat ba talaga?' Siyempre nandoon din yung pag-iisip na, 'Seryoso ba 'yan o kunwa-kunwari lang?'



"In-explain naman sa akin dahil ako, nagtanong din ako sa higher bosses kung totoo po ba talaga ito. In-explain naman nila sa akin yung mga kaganapan. Na-appreciate ko naman yung meeting na nangyari sa amin na, 'Historically speaking, ganyan lahat-lahat 'yan...' Dinaan nila mula pa po nung Ula hanggang Mara Clara.



"Nagpapasalamat naman po ako, pero siyempre nahihiya dahil one way or another, sana kami ni Claudine [Barretto] yung nasabihan. Maaaring kaming dalawa dapat. Kaya palagi ko pong sinasabi sa bawat interviews ko, maliban kay Gladys na tumulong talaga sa akin na makilala ako, kasama ko rin po dito si Claudine.



"Ngayon, sa paglipat ni Claudine sa kabilang istasyon [GMA-7], siyempre kung sa nagulat, nagulat po. Pero sa kabilang banda, naiintindihan ko siya. Kasi kahit sinong tao na pagdadaanan yung kung ano man yung sitwasyon na meron si Claudine ngayon, na hindi naman alam ng karamihan yun, maiintindihan nila kung bakit niya ginawa yun. Pamilyado siya, kailangan niya ng trabaho at saludo ako sa ginawa niya dahil napanindigan niya," tuluy-tuloy na sabi ni Juday.



Binalak din ba niya noon na lumipat sa ibang istasyon?



"Alam niyo namang honest ako sa pagsasabing oo naman. At maraming beses kong inisip 'yan," pag-amin ni Juday. "Pero, siyempre, sa bawat desisyon mo na ganyan, magpapaalam at magpapaalam ka. Sa bawat pagpapaalam... Parang mag-ina lang 'yan, e, may mga pagkakataon na nagkakaroon kayo ng misunderstanding. Sa akin naman po, tuwing nagkakaroon ako ng tampo o sama ng loob sa ABS, nakikita ko naman na sila mismo ang gumagawa ng paraan para mapaliwanagan ako kung anong nangyayari."



Ang Habang May Buhay ay ipalalabas simula February 1 sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Mula ito sa direksiyon ni Wenn Deramas.
read more "Judy Ann Santos wants to prove that a show can be a hit even without kissing scenes"

Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo plan their second honeymoon abroad


oung superstar Judy Ann Santos was surprised how the media came to know about her and husband Ryan Agoncillo's plan to have a second honeymoon, which could either be a Mediterranean or Carribean trip.



In an interview with PEP (Philippine Entertainment Portal) and other members of the press at grand press conference of Habang May Buhay, which was held at Fernwood Gardens in Quezon City last night, January 26, the 31-year-old actress admitted that they are planning to take a break from show business and spend quality time together.



"Wala pa pong definite date, nasa pagpaplano pa lang," Juday said. "Siyempre, marami pang trabaho, sayang naman kung hindi niya tatapusin ang mga trabaho niya ngayon. Tatapusin muna lahat ng commitments, ako din tatapusin muna ang Juday-Sarah [Geronimo] movie bago ako umalis."



This month-long, out-of-the-country trip will be a triple celebration for the couple—Ryan is celebrating his 31st birthday on April 10, Judy Ann is turning 32 on May 11, and their first wedding anniversary is on April 28.



"Hindi na kami maghahanap ng iba pang regalo for anniversary, birthday niya, at birthday ko, 'yon na 'yon!" Judy Ann said with a laugh.



However, she stressed, "Siyempre, bina-budget pa lang namin kung saan kami makakarating sa pera na mayroon kami ngayon. Ako, excited ako ngayon kasi nakita ko si Ryan kung paano siya magtrabaho nang todo-todo, e, wala talaga siyang pahinga. So, I'm really looking forward to this trip."



When asked if they would bring along their adopted daughter Yohan with them, Judy Ann said that they might not travel with her if the plan pushes through.



"Kasi after naman ng wedding namin, 'yong honeymoon namin ay sinama talaga namin si Yohan para makita niya talaga ang Boracay, ma-enjoy niya ang beach. So, basically, ito pa lang ang honeymoon," she explained.



Their trip is not an easy decision, said Juday. "Pero siyempre, hindi ko alam kung paano ko hihiwalay ang aking anak. Kasi, ngayon pa lang namin iniisip na kung mawawala ako ng isang buwan, ang hirap!"



PLANNING TO HAVE A BABY. The actress admitted that aside from getting some rest abroad, they also hope that this trip would give them an opportunity to have a baby of their own.



"Kasi ngayon na lang ulit kami makakaalis ng Pilipinas, ngayon lang ulit kami makakapagbakasyon. 'Yong two months na preparation na ginawa namin for the wedding, hindi naman kami umalis, nagtratrabaho pa rin talaga kami," she said.



The "queen of teleseryes" also related that it's been almost a year since she started her "pregnancy work-up," which was suggested by her doctor.



"Nasa work-up stage po ako ngayon," she told the media. "Ayaw ko munang i-subject si Ryan sa mga check-ups kasi ibang usapan na 'yon, e. Sa ngayon, kung puwedeng ako na lang muna, ako na muna."



As part of this program, Judy Ann explained, "You'll take medications like folic acid in preparation ng buong pangangatawan mo, pati na rin sa utak ng bata. 'Yon ang explanation sa akin bilang first time naman akong magbubuntis, hindi ko naman talaga alam ang mga 'yan. Isa rin 'yong mapabilis [ang pagbubuntis], para maging fertile ka."



Meanwhile, the Kapamilya star is also consistent in saying that she wants to have twins on her first pregnancy.



"Gusto ko talaga kambal kasi... Siyempre, sinasabi ko lang na para isang bugahan na lang. Hindi, e, mas masaya kasi kapag marami, di ba? Mas masaya 'yong aligaga ka, hindi mo alam kung sino ang uunahin, gusto kong ma-experience," Juday said.
read more "Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo plan their second honeymoon abroad"