Your Ad Here
Showing posts with label Judy Ann Santos Agoncillo. Show all posts
Showing posts with label Judy Ann Santos Agoncillo. Show all posts

Tuesday, May 4, 2010

Juday, busog na busog sa karanasan


Kuwento ni Juday, ibang-iba na raw ang tsikahan nila ngayon sa taping ng Gimik 2010, kesa nu’ng mga bagets sila. Siyempre naman, halos lahat sila ay may kanya-kanyang pamilya na, kaya dapat lang na mag-iba na ang tsikahan nila sa taping.


“Iba na, pero nandoon pa rin ‘yung iniisip namin kung sino ba ang madalas na inaasar namin sa set, kung sino ang palaging taya. Syempre si Marvin Agustin ang laging taya noon.


“Nakakatawang isipin na nandun si direk Lauren Dyogi, nandun lahat mga writers, mga na­ging guests namin. Nakakatuwa na meron pa ring nag-i-exist na magandang samahan after all this time,” sey ni Juday.


Ngayong “Gimik” reunion, gaano na kalaki ang ipinagbago mo in terms of career, lovelife and outlook in life?


“Hayun, pumayat, tumaba, pumayat at tuma­ba na naman uli. Marami na kasing nagdaan sa akin, marami nang experiences, nandun na ‘yung marami na rin namang achievements, nakapag-produced na ako ng “Ploning”, nakarating sa Hollywood, nagpakasal na rin ako at buntis na ngayon na sa October pa makikita ang baby namin ni Ryan.


“Kumbaga, ang haba na ng tinakbo ng buhay ko! Siguro, mas malaman at masyadong busog sa experience pati ‘yung mga nakasama ko sa “Gimik” dahil colorful din naman ang buhay nila lalo na sa ibang bansa sila.


“All throughout the time na nandito ako sa showbiz hanggang nga­yon puwede na akong magtayo ng museum, siguro sa dami ng napaka­sayang moments ko sa mundong ito,” patuloy na kuwento ni Juday.


Teka, ano naman ang masasabi mo sa mga younger batch na co-stars niyo ngayon sa “Gimik 2010”?

Sino sa tingin mo ang may future sa kanila?


“Bigyan lang sila ng konti pang panahon at atensyon pagdating sa pag-arte, malayo naman siguro ang mararating nila, kung maalagaan sila tulad nu’ng naging pag-aalaga sa akin.


“Sa totoo lang, tamang pag-aalaga at breaks at pag-aralan lang nilang mabuti ang trabahong pinasok nila, may pag-asa sila. Mga bata pa kasi sila, so they have all the time to improve their crafts. May mga times na naglalaro sila, pero ‘pag take na, nakikinig naman sila sa instructions, nauuna lang ang nerbyos.


“Siguro dahil nandun sina My­lene Dizon, kaming mga artistang matatabil, syempre medyo takot sila at naaalangan. Kailangan pa nila ng confidence, but in due time they will improve hopefully.”


Eh sa mga boys ng Gimik ngayon, anong wish mo for them?


“Magkaroon lang sila ng enough confidence sa sarili nila at seryosohin ang ginagawa nila at ilabas nila ang natural nila, alisin ang nerbyos, don’t suppress their emotions, ilabas nila, isigaw nila, let loose, kasi overwhelmed sila sa mga kasama nila sa dami ng mga nakikita nila, maging inspirasyon sana nila na masarap ang buhay artista, mahirap lang talaga magsimula but in due time they will earn their rewards, sana!” payo pa ni Juday sa mga boys ng Gimik.
read more "Juday, busog na busog sa karanasan"

Friday, April 23, 2010

Juday, inalalayan ni Claudine sa pagbubuntis Ryan, antukin at tulog nang tulog


SOBRANG happy nga si Juday na nagkasama-sama sila ulit ng mga dati niyang kasamahan sa Gimik, na palabas na bukas. Sabi nga ni Juday, parang biglang bumalik sa alaala niya ang lahat.
Ang dami-rami raw niyang hindi malilimutang karanasan sa Gimik noon.“Every taping noon, hindi talaga makakali­mutan, lalo na ‘yung nag-Baguio kami. Kasi first time akong nakasama noon sa trip ng Gimik sa Baguio. I mean, out of town palaging hindi ako nakakasama, kasi palagi akong may trabaho at hindi ako pinapayagan at that time.


“Nu’ng Baguio, nakiusap talaga ko na pasamahin ako. Masaya `yung part na `yon sa akin bilang artista, dahil parang nag-outing lang kami sa Baguio noon, na nagkataon na nagtatrabaho kayo pero most of the time tawanan lang kami nang tawanan. Eh, ang lamig ng panahon, at biglang bubuhos ang ulan at nagtatakbuhan kami sa itaas ng bundok. Nakakatuwang isi­pin na nu’ng time na ‘yon walang artistang maarte,” say ni Juday.


Siyempre, hindi rin naawat si Juday na magkuwento tungkol sa kanyang pagbubuntis. Tingin daw niya, hanggang ngayon ay naglilihi pa rin si Ryan A­goncillo.


“Ayaw n’yang aminin, pero siya ‘yung naglilihi hanggang ngayon. Kasi siya ‘yung may ayaw ng mga pabango ko, tapos siya ‘yung naghahanap ng siomai, tapos antok na antok siya at tulog nang tulog.


“Ako mas madalas lang ako kumain kasi madalas ako magutom, pero hindi naman malakas ‘yung appetite talaga, pero madalas akong kumain at saka hindi lang ako nakakakain ng mga malalansa noon.

Pero ngayon ok na, unti-unti nakakakain na ko uli ng mga isda, ng mga shellfish.”


Ano ba ang paghahandang ginagawa nila ni Ryan ngayon?


“Sa ngayon todo-basa ako ng mga books tungkol sa pagiging mother, tapos nakikinig sa mga advice ng mga tao. May mga fans na nagpadala ng mga regalo nila for the baby, at tinatanong pa nila ako kung anong gusto ko. Pero, nagsisimula na akong mag-online kung ano ba talaga ‘yung kailangan.


“May mga words of wisdom din sa akin si Claudine na ‘wag daw akong bumili masyado ng mga damit ng new born kasi nga ang bilis lumaki ng bata, at masasayang lang. Na tama naman kung iisi­pin mo, na gagastos ka ng bonggang-bongga tapos ilang linggo lang magagamit ng bata dahil mabilis ngang lumaki ang mga bata lately.


“So tama lang ding maging praktikal talaga. Ang hirap din naman ng buhay ngayon. Hindi naman porke artista ka eh mabilis na ang pera,” sey pa ni Juday.
read more "Juday, inalalayan ni Claudine sa pagbubuntis Ryan, antukin at tulog nang tulog"

Tuesday, April 13, 2010

Juday, hindi takot lumobo!


HINDI natatakot si Judy Ann Santos na mu­ling lumobo ang katawan niya dahil nga nagdadalang-tao siya. Na-enjoy naman daw niya ng ilang taon ang pagiging sexy kaya this time ay ang baby na dinadala niya ang importante.


Nagbiro pa nga si Juday na nami-miss na raw niya ang dating katawan niya noong panahon na nagbibida siya sa soap drama na Esperanza. Kung noon daw ay tinanggap siya ng marami sa katawan niyang iyon, what more ngayon at buntis siya?


“May rason naman para tumaba talaga ulit ako. Hindi ko gugutumin ang sarili ko o ang baby para lang magmukha akong payat. Buntis ako at importante sa akin ang health ng baby namin ni Ryan (Agoncillo). Kahit ano ang gusto kong kainin, kakainin ko. Paba­yaan naman nila akong mag-enjoy sa pagbubuntis ko,” ngiti pa ni Juday.


Kelan lang nga ay nag-last taping na si Juday para sa drama series niya na Habang May Buhay.

Kailangan na raw kasing ipahinga ni Juday ang kanyang katawan para maging maayos ang pagbubuntis niya.


“Nalungkot nga ako kasi matatapos na ang Habang May Buhay. Parang kelan lang nagsimula kami after ng ilang years na tinatapos namin ‘yan.


“Mami-miss ko ang lahat na involve sa show. Kasi sila rin ang unang natuwa nang malaman nilang buntis ako at sila na rin ang nagsabi na I need to rest para ma-enjoy ko ang pagbubuntis ko.”


Kinatuwa nga ni Juday na pareho pa sila ng co-star niyang si Gla­dys Reyes na nabuntis habang ginagawa nila ang Habang May Buhay.


“Kaya nga tawag namin sa mga anak namin ay mga Habang May Buhay Babes. Kasi nga sabay kami sa lahat ng bagay ni Gladys. Mula pa noong Mara Clara na sabay kaming nagbida hanggang sa pagbubuntis ko. At least siya, may dalawang anak na. Ako una pa lang ito. Kaya magandang sign nga ang pagbubuntis namin. Blessing para sa aming dalawa ang taong ito.”


Tinatapos na lang nga ni Juday ang ilang eksena pa niya sa pelikula nila ni Sarah Geronimo na Hating Kapatid. Pagkatapos noon ay diretso na sa pagpapahi­nga si Juday hanggang sa manganak ito. And due date nga ni Juday ay sa October 2010.


Siyangapala, sa April 28 ay ise-celebrate nina Juday at Ryan ang first year wedding anniversary nila.
read more "Juday, hindi takot lumobo!"

Monday, April 12, 2010

Juday nakalagare sa GMA 7 at TV5


Masuwerte ang TV5 kay Judy Ann Santos. Itsurang buntis, umapir si Juday sa birthday celebration kahapon ni Ryan Agoncillo sa PO5. Nanood din siya ng taping birthday celebration ni Ryan sa Talentadong Pinoy na ipinalabas kagabi.

Contract star si Juday ng ABS-CBN pero siya lang ang artista na can afford na lumabas sa mga rival network. Pinuntahan din ni Juday ang birthday celebration ni Ryan sa Eat Bulaga noong Sabado. She’s enjoying the best of both worlds ‘huh!
read more "Juday nakalagare sa GMA 7 at TV5"

Wednesday, March 31, 2010

Juday, hindi violent ang paglilihi!


AYAW i-entertain pa ni Ryan Agoncillo ang tungkol sa taong walang magawa sa Twitter account. Kaya kung mapapansin, walang anumang reaction na narinig both from Ryan and Judy Ann Santos kahit may mga friends sila na nag-worry rin noong una.


Agree kami sa dahilan ni Ryan kung bakit ayaw na nga naman nila itong pa­tulan pa.


Anyway, sabi ni Ryan, instead na matuloy ang supposedly plano sana nila ni Juday na parang second honeymoon na rin nila sa ibang bansa, mas minabuti na nga lang nila na mag-stay na lang sa bansa at huwag nang magbiyahe pa ng out-of-the country.Hindi naman daw sila pinagbawalan ng O.B. Gyne ni Juday na magbiyahe, pero siyempre, nag-decide na rin silang mag-asawa not to take any risk pa nga naman lalo pa nga’t three months na rin ang baby na nasa tummy ni Juday ngayon.


“Hindi muna!” sey niya.


“The way pregnancy goes, sabi naman ng doctor, puwede namang mag-travel. Hindi naman ‘yan 100% sure na may mangyayari at hindi rin naman niya maibigay na 100% sure, walang mangyayari.

So, all the risk is our own. So, didiskartehan mo lang.


“Naubusan kami ng resort for Holy Week. Dapat naka-booked na kami by this time. Medyo hindi kasi madali ang requirements namin. We need a pool for Yohan. At hindi puwedeng public pool ang buntis.

‘Yung iba naman may private, masyadong mahaba ang biyahe, may lipad na, may boat pa.”


By this time, posible namang nakahanap na rin ang mag-asawa ng perfect place for them and with Yohan, of course.


Masaya naman si Ryan sa pagbubuntis ni Juday. Hindi naman daw ito maselang magbuntis.


“’Yung pagsusuka niya, hindi naman madalas, hindi naman violent. Pero, madali lang siyang antukin ngayon which I think is usual. Merong mga cravings at mga amoy na hindi niya ma-take. She doesn’t eat beef and pork. Now, she does. Biglang ayaw niya ng fish,” kuwento ni Ryan.


May mga balitang lumalabas na kahit magti-three months pa lang ang baby sa tummy ni Juday, inuulan na raw ito ng mga endorsement offers at TV commercial. Pero sey ni Ryan, wala pa naman daw nakakarating sa kanya.


“Well, kung meron man, hindi pa nakakarating sa akin. Hindi ko pa alam sa totoo lang. Baka nasa level pa lang na hindi pa tinatanong ni Juday sa akin.”


If ever, okay ba sa kanya na mag-TV commercial agad ang baby nila? “Naku, pag-aralan na lang natin kapag nandiyan na, ‘di ba?”


Sa isang banda, masaya si Ryan na nakikita niyang growing na ang TV5 bilang isa sa mga pioneer na artistang nagtiwala sa network.


“Gusto ko nga mas marami pang artista, masaya! Nu’ng nag-launched kami noon, kami-kami lang.

Now, you see more faces. So, it’s a little happier. Masaya kasi nakikita ko na lumalaki ang pamilya ng TV5.”


Naniniwala si Ryan na kakayanin ng TV5 under Manny V. Pangilinan na makipag-compete with two giant networks. Sa ngayon, patuloy pa rin mapapanood si Ryan sa Talentadong Pinoy every Sa­turday and Sunday na at ang Sunday variety show na PO5.
read more "Juday, hindi violent ang paglilihi!"

Monday, March 29, 2010

Judy Ann’s miscarriage rumor irks Mommy Carol


Mommy Carol Santos was irked with the news that broke out last week concerning her daughter Judy Ann supposedly having a miscarriage.

“Alam mo ‘yun nga ‘yung gusto kong i-klaro. Nag-text sa’kin si TinTin Bersola (wife of TV and radio anchor Julius Babao) eh. Sabi niya ‘Mommy is it true na na-miscarriage si Juday?’ Kasi nasa DZMM daw.

“Sabi ko, eh ka-text ko lang si Juday ngayon. She’s on her way to a meeting with [ABS-CBN] sa Greenbelt sa Makati. Alangan namang nagte-text siya sa’kin nang nagmi-miscarriage siya?” Mommy Carol clarified in a taped interview on “Cinema News,” March 27.

The rumor was initially fanned via Twitter on March 22 by a certain “@marie0702,” who is said to have tweeted to various showbiz personalities, “Pls RT Judy Anne Santos got miscarriage 2 hours ago.....”

The tweet alarmed many fans as well as most of the couple's close friends.

Actress Sunshine Cruz, wife of Cesar Montano, immediately dispelled the malicious post, via twitter writing, “Dear, wag ganyan!!! Hindi po ito totoo tweeps!”

She warned her followers not to believe “Marie.”

“Tweeps! A certain maria here on twitter is spreading that judy anne had a miscarriage.. NOT TRUE fyi! Wag sana ganun. Hindi nakakatawa,” she posted.

Newscaster Julius Babao, who is also friends with the couple, said he immediately tried to reach Ryan [Judy Ann's husband] after he had spotted the post.

“Ang una kong ginawa is to confirm it with Ryan. Ang sabi niya there is no threat to her pregnancy at all. So walang katotohanan na si Juday ay nakunan,” he said in a separate interview.

When sought, the showbiz couple refused to personally comment.

Mommy Carol surmised that the report was fabricated by some fans seemingly disapproving of Judy Ann and Ryan’s relationship.

“Hindi talaga tumitigil ‘tong mga taong ito. May mga fans eh, na I don’t know if [it’s because] they don’t want Juday for Ryan or it’s the other way na they don’t want Ryan naman for Juday,” she said.

While the “Habang May Buhay” lead actress seems unaffected by the issue, Mommy Carol confessed that she is "irritated," particularly because her still-unborn innocent grandchild is getting dragged into gossip.

“Ini-involve nila ‘yung sanggol na wala pang malay. Alam mo ‘yun? Hindi pa ba kayo natuwa na si Judy Ann, happily married? Na merong isang taong nagmamahal… talagang nagka-inlaban ‘yung dalawa. I mean, there’s no question about it.

“Alam naman namin ‘yung totoo. Pero ako as a mother, ako ‘yung nag-iinit eh. Ako ‘yung naiirita dito sa mga taong walang magawa. Maawa naman kayo,” said she.

For those behind the spreading of the malicious rumor, Mrs. Santos has five words:

“Wake up and move on!”
read more "Judy Ann’s miscarriage rumor irks Mommy Carol"

Juday, sunud-sunod ang suwerte


Nagkataon nga lang ba o sadyang malaking swerte ang hatid ng teleseryeng Habang May Buhay para kina Juday, Joem Bascon, De­rek Ramsay, at Gladys Reyes?

Mula kasi nang umere ang nasabing primetime soap, nagkasunod-sunod na ang magagandang pangyayari sa buhay ng mga pangunahing karak­ter ng programa. Si Joem, nakatakdang maging bahagi ng isang bagong indie movie. Si De­rek, tinaguriang “Universal Leading Man” ng local showbiz dahil sa dami ng kanyang movie at TV projects, bukod pa sa dumaraming product endorsements.

Si Gladys naman, mula nang muling lumabas bilang kontrabida ay sunod-sunod na ang TV guestings at isa na rito ang pagiging isa sa mga hurados ng Showtime. Syempre, sino pa bang hindi nakaaalam ng masayang pagbubuntis ni Juday matapos ang pagpapakasal noong nakaraang taon?

Nagkataon man o hindi, walang dudang wala na ngang bumibitaw sa top-rating show ng Queen of Pinoy Soap Opera Ms. Judy Ann Santos. At ngayong linggo sa Habang May Buhay, tiyak na ikagugulat ng lahat ng loyal viewers nito ang mga susunod na pangyayari sa buhay nina Nurse Jane (Judy Ann Santos), David (De­rek Ramsay), Raon (Joem Bascon) at Clarissa (Gladys Reyes).

Matapos ang mga maiiinit na kumprontasyon sa pagitan nina Jane, David at Clarissa kaugnay ng pagbubuntis ng doktora, isang hindi inaasahang tagpo sa ospital ang maglalantad sa itinatagong sikreto ni Clarissa.

Malalaman ni Jane na hindi si David, kundi ang kasintahan ng doktora na si Rod, ang tunay na ama ng pinagbubuntis nito.

Sa pagpapatuloy ng kwento, tuluyan na ka­yang sumuko si Clarissa sa pag-ibig niya kay David o isang malupit na higanti ang ihahanda niya para matuloy ang mga plano niya?

Anong magiging reaksyon ni Ellen Corpuz (Tetchie Agbayani) sa ginawang pagsisinungaling ni Clarissa—kakalabanin ba niya ito o makiki­pagsabwatan upang patuloy pa ring paghiwalayin sina Jane at David?

At sa paglabas ng katotohanan, mahanap kayang muli ni Jane sa puso niya ang pagpapatawad sa lalaking kanyang minamahal?

Patuloy na pakatutu­kan ang programang gabi-gabing nagpapakilig, nagpapaluha at nagbibigay-pag-asa sa mga manonood.
read more "Juday, sunud-sunod ang suwerte"

Friday, March 19, 2010

Why Juday delayed announcement of pregnancy


Judy Ann Santos is now two months pregnant. Juday and husband Ryan Agoncillo are ecstatic about the good news. “I am so very happy. I have been waiting for this for so long after our wedding. I think timing has to do with it and here it is,” said Juday.

Juday was extremely judicious with her statements about her condition because “My OB-Gyne told me wala pang heartbeat so mahirap naman mag-announce. We wanted to be sure because we did not want to give false hope to the public.”

Juday who is working on two movie projects and a television series, admits she would slow down on her projects. “I should be extra careful.”

Juday’s friends and family are very happy about her forthcoming baby. “I am really happy that my sister is pregnant. Thank you for sharing this excitement with us,” said Jeffrey Santos, Juday’s older brother.

“I have seen how you love Yohan and I know how you are as a parent to her. I know that you will love your baby ng bonggang bonga. If you need my advice, I am just here,” said Jackie, Juday’s older sister.

Even Sharon Cuneta is euphoric with the news. ”My heart is so full for you and you deserve talaga this blessing. It is a precious gift from God and so if there’s a couple in this world who deserves a child it’s Juday and Ryan. Congratulations and I will be here with you every step of the way.”

Juday’s mom, Mommy Carol shared her thoughts, “’Yung pinagdaanan niya sa pagpapagamot, ’yung during the time na may diperensiya nga. Naaawa nga ako. Diyos ko, mukhang si Juday pa ang hindi mabubuntis! Eto pa naman pinakamahilig sa bata. Juday took folic acid to strengthen the egg cells. She found it difficult to take in food when she was taking the medication. But despite all the hardships, Juday followed what the doctor told her. So this baby that Juday is carrying now, pinaghirapan niya talaga.”

Juday isn’t just the queen of teleserye. She is also a much loved friend and queen.
read more "Why Juday delayed announcement of pregnancy"

Saturday, March 13, 2010

Juday a mother in seven months


udy Ann “Juday” Santos is more than two months pregnant. This was confirmed yesterday by Juday’s husband Ryan Agoncillo on Eat, Bulaga! where he’s a co-host.

According to this paper’s Allure section assistant editor Bum Tenorio, the couple’s friend, Ryan is ecstatic that in seven months, he will be a brand-new dad.

“Juday is just cool about it,” said Bum, “or it has not sunk in yet that yes, she is two months pregnant.”

“Ayos!” was Ryan’s first reaction when he first heard the heartbeat of their baby in Juday’s womb. Juday was tested positive in her pregnancy test at the Asian Hospital two weeks ago but the couple waited until yesterday to make the announcement.

“We wanted to make sure before we made the announcement,” Bum quoted Ryan as saying. “So, when we were at Asian and I heard the baby’s heartbeat, that was really the time we confirmed that Juday is pregnant. I’m beyond words. There is no single word that I can think of to describe how happy I am.”

While Ryan was making the happy announcement on Eat, Bulaga! yesterday, Juday was at home preparing barbecue for their dinner with friends.

Added Ryan in jest, “Doble kayod ako nito,” hinting that Juday will take it slow at the showbiz front.

The couple’s five-year-old adopted daughter Yohan is so excited that she’s the one breaking the news to her grandparents and other relatives.

“Excited siya maging big sister,” Ryan said
read more "Juday a mother in seven months"

Friday, March 12, 2010

Juday Dalawang Buwan ng buntis!!


Kinumpirama na sa wakas ni Ryan Agoncillo kanina sa Eat Bulaga na dalawang buwan ng buntis ang asawang si Judy Ann.. sa wakas tinuldukan na nila ang issue at nalaman na ng publiko ang tunay na kundisyon ni Judy Ann.. CONGRATS
read more "Juday Dalawang Buwan ng buntis!!"

Tuesday, March 9, 2010

Juday, nahihirapan sa sitwasyon niya ngayon


“Maghintay,” ang pahayag ni Judy Ann Santos sa mga nagtatanong kung tala­gang buntis na siya, na siyang bulung-bulungan sa ngayon sa showbiz.


Nu’ng makatsikahan namin sandali ang Drama Queen ng ABS CBN 2 matapos siyang mag-judge sa Talentadong Pinoy last Saturday sa Cuneta Astrodome, panay ang ulit niyang ‘pa-wait na lang po’ na ang ibig sabihin ay abangan nga ang kanyang magiging statement sa tsismis na buntis na siya ngayon.


Kung tutuusin, nu’ng mga oras na katsikahan namin siya ay puwede na niyang i- deny o kumpirmahin ang tsismis, pero sabi nga, sila man daw ni Ryan Agoncillo ay naghihintay rin sa kung ano na ba talaga ang sitwasyon niya ngayon.


Sabi nga ni Juday, mas magandang manahimik na lang muna sila ngayon ni Ryan.


“Kasi paulit-ulit na lang. Kasi sabi naman namin, sasabihin naman namin. Hindi naman namin itatago. Kaya wait na lang, ‘yun muna ang masasabi ko. Wait na lang po from us, dahil sasabihin din naman namin sa inyong lahat,” nakangiting pahayag ni Juday.


Inamin ni Juday na nahihirapan din siya sa sitwasyon niya ngayon, dahil alam niyang marami ang naga-abang sa kanyang pagbubuntis.


“Hindi ako mag­di-deny at hindi ako magku-confirm. Kasi nga, ang hirap ‘di ba? Wait na lang for the right time, pag nakakuha na kami ng tamang resulta. Kasi wala pa talaga akong masasabi ngayon. Sasabihin naman namin kung meron,” patuloy na lahad pa ni Juday.

Anyway, maging ang bestfriend niyang si Gla­dys Reyes ay nadadawit din sa isyu na siya raw nagpa­kalat ng isyung buntis siya sa Twitter account at Facebook account nito.


“Wala siyang sinasabi sa akin. Wala siyang Twitter. Meron siyang Facebook, pero wala naman siyang sinasabi doon. So, sana huwag na lang gamitin ang ibang tao. Magku-confirm naman kami at sa­sabihin naman na­min kung ano ang totoo,” natatawa pa ring pahayag ni Juday.


Well, sa halip na maapektuhan ay tinatawa­nan na lang ni Juday ang isyung buntis siya. Mabuti na lang daw at sanay na siya sa ganyang isyu kaya ipinagkikibit- balikat na lang niya ito.


Ang kinumpirma lang ni Juday ay ang bakasyon nila ni Ryan sa susunod na buwan. Ang nasabing bakasyon ay isasabay na rin daw sa kanilang first wedding anniversary at honeymoon na rin.


Isa raw sa kinukunsidera nilang puntahan ay ang Europe, pero hindi pa raw sigurado.


Siyanga pala, anim na shooting days na lang ang bubunuin ni Juday para sa pagtatapos ng pelikula nila ni Sarah Geronimo, ang Hating Kapatid. Tuloy parin daw ang career niya sa ABS-CBN dahil may mga tapings pa siya para sa kanyang serye na Habang May Buhay.


Sa totoo lang, tumaba ng konti si Juday ngayon, kaya kung titingnan mo siya, mukhang totoo ngang buntis na siya. Pero hirit niya, nakabakasyon daw siya ngayon at magana raw siyang kumain.
read more "Juday, nahihirapan sa sitwasyon niya ngayon"

Sunday, March 7, 2010

Itanong niyo sa mga manghuhula kung buntis si Juday!


Mga TV talk shows at mga magazines at iba pang babasahin ang nangu­ngulit sa akin. Iisa naman ang tanong nila:

Buntis na ba si Juday? Aba, eh itanong ninyo sa mga manghuhula.


Nu’ng dalaga pa at virgin pa si Juday ay every year may mga manghuhula na humuhula sa kanya na mabubuntis siya taun-taon!


Ngayong kasal na at may asawa na si Juday - asan na ang mga magagaling na mga manghu­hulang ‘yan at ‘di nila mahulaan kung buntis na nga o hinde si Juda y?


Ako, ewan ko? Hindi ako nagtatanong. Ibi­nibigay ko sa mag-asawa ang katuwaang sila ang magbalita ng good news if ever. Syempre, sila ang magbabalita sa akin kung may apo na ako o waiting list pa, debah?


It will come in time. Pag gusto na ni Lord, pigilin man magkakasunud-sunod ‘yan! Wait na lang kayo, hane.
read more "Itanong niyo sa mga manghuhula kung buntis si Juday!"

Thursday, March 4, 2010

GAWAD PARANGAL SA MGA NATATANGING BITUIN NG PELIKULANG PILIPINO, PANGUNGUNAHAN NI JUDAY


GAWAD Parangal sa mga ginintuang bituin ng pelikulang Pilipino, reads the brochure sent to me by event organizer director Nick Lizaso honoring 8 decades of the lead stars of their Golden Era as in the 1930’s pa to the pre­sent. Wala pang pormal na katawagan ang unang parangal na ito like Oscar or Famas.

A historic first in the field of cinema, the awards will pay tribute to acting talents who not only contributed to the golden age of Philippine cinema, but who also epitomize such values as dedication, discipline, excellence and professional integrity. They are being extolled to provide models and exemplars for the new generation to emulate.
The event is hosted by our friend Butch Francisco with Nick J. Lizaso as exe­cutive director. It will be held today, Friday, March 5, 2010 at the Mo. Consuelo Barcelo Theatre, La Consolacion College Manila, Mendiola Manila.
Judy Ann Santos was given the single honor to hand the awards to all the honorees since Judy Ann is the only one representing her generation of today. Such honor ay ipinagpapasalamat ni Juday as another blessings na bumubuhos pa rin sa kanya.

From the 1930s stars Mila del Sol, Anita Linda, Delia Razon, Rosa Rosal, Gloria Romero, Lolita Rodriguez, Marlene Dauden, Lilia Dizon, Emma Alegre, Gloria Sevilla, Perla Bautista, Caridad Sanchez.

Isang dosenang bituin na naging kinatawan ng kani-kanilang dekada.

***

Sa palagay ko naman sa loob ng dalawang dekada ay namemorya na ninyo o napansin na ‘pag naka­tambal ni Juday sa TV man o sa movies ay nagiging sikat at matindi rin ang staying power ‘pag inalagaan ng la­lake ng tamang diskarte.

Siguro naman ay alam na rin ninyo na mula kay Wowie de Guzman to Derek Ram­say ay nabigyan na ang ABS-CBN at Star Cinema ng mga leading men na pinakikinabangan nila until now. Si Derek na huling nakatambal ni Juday sa teleserye na “Ysabella” at nga­yon ay sa “Habang May Buhay” ay buhay na buhay pa rin at naging ultimate international leading man na. Kasi tanging si Derek among Juday’s leading men ang very vocal sa pagsasabing kundi kay Juday ay wala sana siyang tinatamasa ngayong tagumpay.

Kung nangyayari man ang “milagro” nga­yon ng sobra-sobra sa mga kasama niya ngayon sa “Habang May Buhay” ‘yun ay dahil sa tumagal ng two years and one month bago naisa-himpapawid ang nurserye nila. Dapat kasi taun-taon ay may bagong napapasikat si Juday, pero naipon nga ngayon kumbaga parang every year din ang dating ng grasya.

Si Bangs Garcia na introducing dapat sa “Habang May Buhay” ay nainip na yata kaya humayo na at nagparami ng raket kaya hayan at may sarili na ring afternoon soap at bida na sa “Magkano Ang Iyong Dangal?”

“Extra” pa lang sa “Habang May Buhay” si PBB big winner Ejay Falcon, hayun at nauna pa siyang nakatapos ng “Katorse” at may “Ta­nging Yaman” na ngayon!

Sumikat na rin si Joem Bascon at nagbida na sa indie films and thru direk Jerry Sineneng’s gui­dance ay humusay na sa pag-arte.

Si Will Devaughn na akala eh hindi lalabasan, hayan siya at bida na rin sa “Loving Me, Loving You” at nahasa na rin sa Tagalog niya.

Pati si Marc Abaya ay may “Pilipinas Got More talents”, ha! Extra lang din si Marc sa “Habang May Buhay”.

Wish ko lang kay direk Jerry na pati sana si Josh Superdakota ay mabigyan na rin ng big break sa ABS. Uhum, baka naman nagmamaramot si direk Jerry?

Ha! Ha! Ha! Ha!

Mula sa “George & Cecil” ay natangay pa ni Juday ang “Mara Clara” kontrabida niyang si Gladys Reyes dito sa “Habang May Buhay”. At ang direktor niya sa “Habang May Buhay” na si Wenn Deramas ay siya pa ring direktor niya ngayon sa Juday-Sarah movie nilang “Hating Kapatid” sa Viva Films at kabi-kabila na ang iba pang movies at teleserye ang dinidirek ngayon ni Wenndy.

Ang lahat ng mga ‘yan ay nagdaan sa pinagpalang mga kamay ni Juday! So, ano pang mga proofs ang kailangan para mawala na ang pag-aalinlangan ninyo sa sinasabi kong good luck na dala ni Juday sa TV at pelikula?

Ah, kailangan nga pala “with my blessings” or else may maghahain ng isang platong kamote! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!
read more "GAWAD PARANGAL SA MGA NATATANGING BITUIN NG PELIKULANG PILIPINO, PANGUNGUNAHAN NI JUDAY"

Saturday, February 20, 2010

At last, kinilala ng ABS ang pagiging reyna ni Juday!


WELL, since finally and at last ay kinilala na ng ABS-CBN ang tunay na reyna ng teleserye na si Judy Ann Santos, na sa totoo lang naman ay da­lawang dekada na ring nagrereyna sa mga teleserye ng Dos - ipinakita ng mga solid Juday fans and friends na kahit anong oras pa ipalabas sa ere ang “Habang May Buhay” na tatlong taon nilang hinintay ay nanduon pa rin ang ipinanangakong suporta ng mga doctors and nurses association around the world.

Kaya itong Juday-Derek Ramsay nur­serye ang toprater ngayon ng ABS-CBN. Hindi kami ang maysabi niyan, huh. Kundi ang Dos na rin mismo dahil sa kabi-kabilang pagbati ng iba pang mga programa sa Dos, una na nga ang SNN at The Buzz, plus pinatunayan ng thank you party na idinaos sa Il Terrazo bilang pagdiriwang dahil sa natamo nilang high ratings gabi-gabi.


Dalangin namin sa Sto. Niño at Mahal na Na­zareno ko na wala na sanang bad elements ang makilam at mainggit sa high ratings ng “Habang May Buhay” para wala nang mag-imbento ng pekeng ra­tings at gawing kulelat ang “Habang May Buhay”.


Eh, para na ngang nangyari sa tunay na buhay ‘yung role ni Juday sa nurserye dahil nu’ng dalhin ako sa ospital with Juday so much worried eh, ‘yun ang first time na aapir na siya as nurse sa “Habang May Buhay” at duty na siya sa ospital.


Hayun nga ang Juday at ako ang inaasikaso niya sa St. Luke’s. Oh debah, art imitates life, debah Elvie and Hong Kong fighters?
read more "At last, kinilala ng ABS ang pagiging reyna ni Juday!"

Friday, February 19, 2010

Juday-Derek, binihag ang puso ng Pinoy


TULUYAN na ngang nabihag ng teleserye nina Juday at Derek Ramsay, ang Habang May Buhay, ang buong bansa! Aba, panalung-panalo ito sa nationwide ratings mula sa TNS survey kung saan nakakuha ito ng 33.9 vs 22.7 ng katapat na prog­rama samantalang 30.7 vs 28.9 sa Mega at 33.9 vs 28.2 sa Metro Manila.


Pinanabikan talaga nang husto ang balik-tambalan nina Juday at Derek, kaya naman ang bawat eksena nila ay kinakikiligan. Dapat ding aba­ngan ang mga bangayan nina Juday at ang pinanggigigilang kontrabida na si Gladys Reyes. Eh, palaban na ngayon si Juday sa mga sapak ni Gladys, ha!
At sa pagpapatuloy ng number one serye sa bansa, mahanap na kaya ni Jane (Juday) ang kanyang ina (Gina Alajar) sa tulong ni Raon (Joem Bascon)? Ngayong may nabubuong pagtitinginan sina Jane at David (De­rek), ano kayang masamang plano ang gagawin ng nagseselos na si Dra. Clarissa (Gladys)?

Naku, huwag palampasin ang mga maiinit na eksena. Kayo rin, baka maiwan kayo sa pansitan!
read more "Juday-Derek, binihag ang puso ng Pinoy"

Wednesday, February 17, 2010

Judy Ann Santos on being Jamby’s ‘folly’: 'I was deeply hurt'


Actress Judy Ann Santos admits she was “deeply hurt” with the recent statement made by Sen. Maria Ana Consuelo "Jamby" Madrigal about the use of actors in election campaigns being “an insult to the Filipino intelligence.”

"Honestly...[I was hurt] with the words she used [and how she said] she regrets getting my services... Of course, I am not callous. I got hurt because I really believed she got my services [then] because she actually believed in me and it was a sincere offer," Judy Ann said.

Madrigal made her statement at the "Inquirer First Edition: Presidential Debates," organized by the Philippine Daily Inquirer and co-sponsored by Globe Telecom and the UP College of Mass Communication.

Without naming Santos, a celebrity she enlisted during her senatorial campaign in 2004, the re-electionist senator was quoted as saying thus: "I have seen the folly of my ways... I will not repeat [getting a celebrity endorser] because I do not believe you [must] repeat a mistake. But I also don't believe you should perpetuate lies that are perpetuated by a big budget."

Santos said she respects Madrigal’s opinion.

“I won’t prevent [her from sharing her opinion] nor will I pick a fight [with her], or even answer [the seeming challenge] as if I have no sense of gratitude. I am an educated person."

Asked how she found herself supporting Madrigal, who was then widely perceived as a mere unknown running solely on big bucks, Santos gave a succinct answer.

“I thought that it's okay. We were friends and she belongs to the same party as that of my Tatay Ron [the late Fernando Poe, Jr.]."

Santos denied it was all about the money. Madrigal reportedly paid her a hefty sum to appear in ads and join in political sorties.

“[My career] is not all about money. It’s not as if because I am from show business, there’s always money involved [with the services I give], no. Not all actors are the same. Please don’t lump us all in the same boat. It’s like saying that we weren’t brought up properly, schooled properly…and that we will only act, do something, when we get paid.”

Santos said she does not regret campaigning for the former senatorial candidate.

“I did it because I believed in her. It's just that, [I didn’t realize] she didn’t believe in me."

“Maybe before one endorses a politician, it is best that one should get to really know them first.”

Meanwhile, in a recent interview with DZMM, Madrigal clarified her stand on the matter saying she did not regret getting Santos' service during the 2004 senatorial campaign.

She made it clear that she is grateful for the part Santos played in that election, which allowed her to win a seat in the august halls of the senate.

Madrigal said she already thanked Santos personally twice—right after winning in 2004 and before announcing her candidacy for the May 2010 polls.

As to making a statement that decried the use of celebrity endorsers, Madrigal said she was simply emphasizing the need for people to focus more on the candidates' actual plans or platforms.
read more "Judy Ann Santos on being Jamby’s ‘folly’: 'I was deeply hurt'"

Monday, February 1, 2010

Judy Ann Santos: "Pag totoo ka sa sarili mo, masarap yung pakiramdam kasi alam mong wala kang itinatago."


Sa selebrasyon ng ABS-CBN ng 60 years of soap opera, kinilala bilang Reyna ng Pinoy Teleserye si Judy Ann Santos. Kaya naman isang "royal welcome" ang ibinigay sa kanya ng mga hosts na sina Boy Abunda at Kris Aquino sa live guesting ni Juday sa The Buzz kahapon, January 31.



Bago ito ay ipinakita muna ang VTR ng mga teleseryeng nagawa na ni Juday simula noong bata pa lamang siya hanggang noong taong 2007—Ula (1988), Mara Clara (1992), Esperanza (1997), Sa Puso Ko Iingatan Ka (2001), Basta't Kasama Kita (2003), Krystala (2004), Sa Piling Mo (2006), at Ysabella (2007).



Matapos ang tatlong taon na hindi napanood sa primetime soap si Juday, ngayong taon ay nagbabalik-primetime siya sa pamamagitan ng Nurserye na Habang May Buhay, na lalong magpapatingkad sa pagiging reyna niya ng soap opera.



"How does it feel pag tinatawag kang queen?" bungad na tanong ni Kris kay Juday.



"Nate-tense, nate-tense pa rin ako," sagot niya. "Of course, flattered, very, very flattered. Pero nandun pa rin yung tanong na, 'Tama ba? Ako ba?' Hindi e, hindi. Kasi along the way, habang nag-aartista ako, marami talaga akong mga taong nakasama. Hindi ko man nakasama...sini-share ko sa kanila. Like Gladys [Reyes] and Claudine [Barretto], I will always say that kasi sila yung mga tumulong sa akin, lalung-lalo na si Gladys. Si Claudine, hindi pa man kami nagkakatrabaho, I'm looking forward to work with her."



MOST IMPORTANT LESSON. Nang dumako ang usapan tungkol sa mga nagawa niyang teleserye, kinorek ni Juday na hindi Ula ang unang teleserye na ginawa niya kundi ang Kaming Mga Ulila noong 1984 sa GMA-7.



Ang tanong ni Boy, "Sa lahat ng mga pinagdaanan mo... sa lahat ng mga teleseryeng ito, what is the most important lesson you've learned?"



"Be humble. Always be humble."



Why do you say that?



"Ang dami ko kasing nakasama na lumilipad, nawawala sa wisyo... yung nawawala sa sarili kapagka nakakaranas at nakakatikim ng tagumpay. Nakakalungkot kasi baka isipin ng ibang tao na, 'E, kasi porke't artista 'yan.' Hindi, e. Hindi po. Ako, nagkataon lang na pinaghirapan ko talaga ito at ayoko siyang mawala nang ganun-ganun na lang. Kasi ang hirap din naman ng pinagdaanan ko."



BEAUTY SECRETS. Pinag-usapan din nila ang pagbu-bloom ni Juday. Ayon kay Juday, hindi niya raw makakalimutan ang panahon na nilalait siya at inaalipusta dahil na rin sa kanyang pisikal na kaanyuan na may katabaan noong umpisa.



"Hindi ko naman makakalimutan yun. Hinding-hindi po."



From an ugly duckling siya ay naging swan. Paano siya naging swan ?



"Ako naman po kasi nag-enjoy lang talaga ako sa pagkabata. In-enjoy ko yung mga damit na gusto kong isuot, mapa-uso man o hindi. Basta kumportable. Hindi ko lang din naman talaga pinansin yung mga sinasabi sa akin. Siguro hindi lang ako yung ganun, sensitive. Hinayaan ko lang sila. E, kung mas masaya kayo sa pagsusulat nila, e, di, go! Kung diyan ba kayo kikita, e, di sige."



Sino ang nagsabi sa kanya na, 'O, Juday, let's dress up?'



"Juan Sarte and Raymund Isaac," sagot ng aktres. "Sila yung unang-unang nagsabi sa Metro, I think, or Mega na i-makeover ako. Nung nagpaikli na ako ng buhok, sila talaga."



Si Juan Sarte naman ang nagpakilala kay Juday sa fashion designer na si Paul Cabral.



"Noong first time akong nag-host ng awards night, first time din ako mabihisan ni Paul Cabral. And then si Juan Sarte. And then, nabigyan ako ng award na Star of the Night. Pagkatapos noon, hindi ko na sila binitawan. Confident kasi ako pag kasama ko sila."



Bukod sa mga nagpapaganda sa kanya, na-involve din sa mga physical activities si Juday gaya ng boxing, Muay Thai, pilates.



"Hindi naman ako nag-workout because I had to. It's because I want it. Yun ang mahalaga, e, kung ano ang gusto mo," sabi niya.

MORE OPEN AND CONFIDENT NOW. Kapansin-pansin din daw na noong naging asawa ni Juday si Ryan Agoncillo, sa tuwing kinakausap siya ngayon ay mas open at confident na raw si Juday na mag-share ng kanyang views.



"Kasi yun ang isang naituro sa akin ni Rye, e, kung ano ang gusto mong sabihin, sabihin mo. But make sure na wala ka rin namang maaapakang tao. Wala kang masasagasaan. Be true to yourself. Totoo nga po, e, di ba po? Pag totoo ka sa sarili mo, masarap yung pakiramdam kasi alam mong wala kang itinatago."



Naging isyu rin na diumano'y iiwan na ni Juday ang showbiz pagkatapos ng Habang May Buhay. Pero ito naman ay pinabulaanan ni Juday at sinabi niyang magli-leave lang daw siya sa trabaho para harapin ang isang panibagong proyekto para sa kanilang pamilya ni Ryan, ang sikaping magbuntis ngayon taon para magkaroon na ang kapatid ang ampon nilang si Yohan.



Magsisimula nang mapanood ngayong gabi, February 1, ang Habang May Buhay sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng Kung Tayo'y Magkakalayo.
read more "Judy Ann Santos: "Pag totoo ka sa sarili mo, masarap yung pakiramdam kasi alam mong wala kang itinatago.""

Thursday, January 28, 2010

Judy Ann Santos: "Kung sa paglilipat lang [ng network], baka apat na beses ko pong naisip 'yan!"


Judy Ann Santos admits that she thought of leaving her mother network, ABS-CBN, a number of times. It's almost been three years since she last did a TV series (Ysabella in 2007). Now, she stars in a new primetime series, Habang May Buhay.



"Maraming beses ko inisip 'yan," said the young superstar during the press conference of her upcoming teleserye at Fernwood Gardens in Quezon City last Tuesday, January 26.



However, every time Juday thinks of transferring, the bigwigs of ABS-CBN talk to her to explain things.



"Siyempre, sa bawat desisyon mo na ganyan, magpapaalam at magpapaalam ka," she said. "Sa bawat paalam, parang mag-ina lang 'yan, e, may mga pagkakataon na misunderstanding, miscommunication ng nanay mo. Sa akin naman po, tuwing magkakaroon ako ng tampo or sama ng loob sa ABS-CBN, nakikita ko rin naman na gumagawa sila ng paraan para mapaliwanagan kung ano ang nangyayari. I'm very honest with them na kung sa paglilipat lang, baka apat na beses ko pong naisip 'yan."



So, Juday stayed with ABS-CBN despite the long delay of her next TV series Habang May Buhay, which took almost three years before it finally gets airtime on ABS-CBN's Primetime Bida block. It will premiere on February 1.



The actress said it was still worth the wait. She exlplained, "Worth it siya kasi natapos ko siya, e. Never kong naging ugali na mag-uumpisa ng isang project 'tapos bibitawan in the end, in the middle part, kasi nainip. Basta sinimulan ko, I make it sure na tapusin 'yan. Magkasakit man ako o ano, tatapusin at tatapusin ko 'yan. It's well worth waiting for because I was able to meet Direk Wenn Deramas, I was able to renew my ties with Gladys Reyes.



"I mean, totoo naman, di ba, everything happens for a reason? The main reason why Habang May Buhay took so long was because sininsin naming mabuti ang bawat eksena, ang bawat istorya. So, sana kapag pinalabas siya, ma-appreciate ng tao kung gaano namin kinarir ito para sa mga nurses."



Does she already have another project after Habang May Buhay?



"Mayroon pa kasi akong contract sa kanila until 2011," Juday replied. "Nagtanong lang kung ano ang mga projects na gusto kong gawin in the future after Habang May Buhay. Ano naman, very apologetic naman sila sa pag-e-explain sa akin ng mga nangyari, naa-appreciate ko naman 'yon.



"Gaya nga ng sabi ko, hindi naman mawawala ang tampo ng isang artista sa isang network, talagang ganyan 'yan. Nagkataon lang siguro na palaging ako lang ang napapansin na may tampo. Marami sila, hindi n'yo lang alam. Marami kami, ako lang siguro ang may lakas ng loob na magsalita."



THE QUEEN OF TELESERYE. Earlier this month, Judy Ann was launched as the face of ABS-CBN's celebration of the 60th Year of Pinoy Soap Opera. Aside from this, she was also tagged as the "Queen of Teleserye."



She accepted these recognitions with some hesitations.



"Sa totoong salita, hindi ko naman masasabi na kumportable ako," Juday said. "Nandoon pa rin 'yong parang naninibago, pagtatanong sa sarili kung dapat ba talaga. Siyempre, nandoon din ang pag-iisip na, 'Seryoso ba 'yan?' In-explain naman po sa akin, nagtanong din po ako sa higher bosses kung totoo talaga ito. In-explain naman nila sa akin ang mga kaganapan, ang mga pangyayari. Na-appreciate ko naman po 'yong meeting na nangyari sa amin. Lahat-lahat 'yan dinaanan, mula Ula hanggang Mara Clara."



She also told the media that such titles remind her to always keep her feet on the ground.



"Settled naman ako kung nasaan ako ngayon, e. Hindi naman ako kailangang tawagin ng kung ano pa man para malaman kung saan ako nakalugar sa industriyang ito. Pinaghirapan ko nang mabuti kung nasaan ako ngayon at mahal ko ang trabaho ko.



"May titulo o wala, pagbubutihan ko ang trabaho ko kasi ang buhay ng isang artista ay hindi naman talaga madali ang parte ng bawat galaw. So, thank you kasi naisip nilang bigyan ako ng ganyang pangalan. Pero palagi ko naman siyang sine-share sa lahat ng mga nakasama ko sa trabaho kasi they deserve it also."
read more "Judy Ann Santos: "Kung sa paglilipat lang [ng network], baka apat na beses ko pong naisip 'yan!""

Wednesday, January 27, 2010

Judy Ann Santos wants to prove that a show can be a hit even without kissing scenes


Pagkatapos ng ilang taon ay maipalalabas na rin sa wakas ang Nurserye ng ABS-CBN na Habang May Buhay. Tampok dito si Judy Ann Santos bilang isang nurse, si Jane Alcantara.



Tatlo ang leading men ni Juday sa Habang May Buhay—sina Joem Bascon, Will Devaughn, at Derek Ramsay. Sa presscon ng primetime series na ito kagabi, January 26, tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktres kung ano ang masasabi niya sa tatlong leading men niya.



"In fairness sa kanilang tatlo, nakikitaan ko talaga sila na mahusay, na may potensiyal pagdating sa pag-arte. Ito yung mga taong ito na hindi mo kakikitaan ng reklamo pagdating sa eksena. Napaka-professional nila. Hindi nila nilalaro yung pag-aartista nila, isinasapuso nila. At natutuwa ako na nakasama ko sila na naging parte ako ng pag-aartista nila. So sana, wish kong magtuluy-tuloy sila kasi konting-konti na lang yung mga bagong artistang dumarating na isinasapuso ang pag-aartista," papuri ni Juday sa kanyang mga kapareha.



May intimate scenes ba siya sa tatlo?



"Meron," sagot ni Juday. "Pero konting-konti lang yung intimate scenes... Pinakamalapit na yung nahalikan ako ni Derek sa balikat. Yun na ang pinaka-intimate na nagawa namin."



Nagpaalam pa ba si Juday sa kanyang mister na si Ryan Agoncillo bago niya gawin ang eksenang ito sa Habang May Buhay?



"Kami naman ni Ryan, pagdating naman sa trabaho, hindi naman namin kailangang magpaalam sa isa't isa," sabi niya. "Basta ako, alam ko kung hanggang saan ang limitasyon ko bilang asawa. At alam din niya ang limitasyon niya bilang asawa at aktor. Aktor naman siya at naiintindihan niya 'yan.



"So ako naman, may mga ginawa lang akong restrictions sa sarili ko kasi ayoko namang mapanood din ng anak ko 'yan na isang five-year-old na babae, at hindi ko alam kung paano kong ie-explain. Ngayon, ginagawa ko lang yung trabaho ko at gusto ko lang ding ipakita sa mga manonood na maitatawid ko ang kahit na anong proyekto na kaya kong gawin, na hindi ko kailangang makipaghalikan."



GLADYS REYES. Kasama rin sa Habang May Buhay ang isa sa mga best friends ni Juday na si Gladys Reyes, na gumaganap bilang isang doktora. Si Gladys ang kontrabida sa buhay ni Juday rito.



Unang nagsama sina Juday at Gladys sa teleseryeng Mara Clara nung teenagers pa sila. Sumikat ang Mara Clara at isinalin pa nga ito sa pelikula. Paano ba ikukumpara ni Juday ang pagsasama nila ngayon ni Gladys sa Habang May Buhay sa pagsasama nila noon sa Mara Clara?



"Hinahapo na po kami sa fight scenes namin!" tawa ng young superstar. "Hindi na po namin kayang magtagal magsabunutan kasi hingal na hingal na kami. Pero sa totoo lang po, bilang matagal kaming hindi nagsama ni Gladys sa isang teleserye, na-miss namin yung ganitong tandem. Kaya nung unang eksena naming dalawa na sabunutan at sampalan, at parang nagsapakan talaga kami, intense masyado. Yung hindi namin nakontrol yung mga sarili namin, yung gusto lang naming mapaganda yung eksena.



"At saka ang hindi po nagbago sa amin mula pa nung bata kami at hanggang ngayon, wala po kaming fight director pagdating sa mga ganyang sapakan. Bahala na si Lord kumbaga. Bago na lang mag-take, 'Sis, sorry ha!' Nagsosorihan na po agad kami kasi alam namin in one way or another, magkakasakitan talaga kami. Lahat naman po na yun, pure trabaho lang. At yun ang pinaka-namiss ko talaga sa pagsasama namin ni Gladys. Yung walang kashowbisan, yung hindi ka matatakot gawin yung gusto mong gawin sa kaeksena mo kasi alam mong hindi siya mag-iinarte. Walang magtsitsismis na sinadya yung sampal, very professional."



TELESERYE QUEEN. Dahil marami nang nagawang serye si Judy Ann Santos sa ABS-CBN at lahat ng ito ay tinangkilik ng publiko, lalo na ng kanyang fans, kaya naman siya ang binansagang Teleserye Queen ng Kapamilya network. Ano ang masasabi ni Juday sa titulong ibinigay sa kanya ng ABS-CBN?



"Sa totoong salita, hindi ko naman puwedeng sabihin na kumportable ako sa titulong yun dahil nandoon pa rin yung paninibago, yung pagtatanong sa sarili na, 'Dapat ba talaga?' Siyempre nandoon din yung pag-iisip na, 'Seryoso ba 'yan o kunwa-kunwari lang?'



"In-explain naman sa akin dahil ako, nagtanong din ako sa higher bosses kung totoo po ba talaga ito. In-explain naman nila sa akin yung mga kaganapan. Na-appreciate ko naman yung meeting na nangyari sa amin na, 'Historically speaking, ganyan lahat-lahat 'yan...' Dinaan nila mula pa po nung Ula hanggang Mara Clara.



"Nagpapasalamat naman po ako, pero siyempre nahihiya dahil one way or another, sana kami ni Claudine [Barretto] yung nasabihan. Maaaring kaming dalawa dapat. Kaya palagi ko pong sinasabi sa bawat interviews ko, maliban kay Gladys na tumulong talaga sa akin na makilala ako, kasama ko rin po dito si Claudine.



"Ngayon, sa paglipat ni Claudine sa kabilang istasyon [GMA-7], siyempre kung sa nagulat, nagulat po. Pero sa kabilang banda, naiintindihan ko siya. Kasi kahit sinong tao na pagdadaanan yung kung ano man yung sitwasyon na meron si Claudine ngayon, na hindi naman alam ng karamihan yun, maiintindihan nila kung bakit niya ginawa yun. Pamilyado siya, kailangan niya ng trabaho at saludo ako sa ginawa niya dahil napanindigan niya," tuluy-tuloy na sabi ni Juday.



Binalak din ba niya noon na lumipat sa ibang istasyon?



"Alam niyo namang honest ako sa pagsasabing oo naman. At maraming beses kong inisip 'yan," pag-amin ni Juday. "Pero, siyempre, sa bawat desisyon mo na ganyan, magpapaalam at magpapaalam ka. Sa bawat pagpapaalam... Parang mag-ina lang 'yan, e, may mga pagkakataon na nagkakaroon kayo ng misunderstanding. Sa akin naman po, tuwing nagkakaroon ako ng tampo o sama ng loob sa ABS, nakikita ko naman na sila mismo ang gumagawa ng paraan para mapaliwanagan ako kung anong nangyayari."



Ang Habang May Buhay ay ipalalabas simula February 1 sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Mula ito sa direksiyon ni Wenn Deramas.
read more "Judy Ann Santos wants to prove that a show can be a hit even without kissing scenes"

Tuesday, January 19, 2010

Judy Ann Santos admits that she got impatient while waiting for Habang May Buhay


After working on this soap opera for a few years and after being handled by five different directors, Judy Ann Santos will finally topbill another soap opera in her home network, ABS-CBN. Her last dramatic TV project was Ysabella, which aired in 2007. This time, Juday trades her chef's hat for a white uniform as she brings life to a penniless nurse who struggled to finish her studies so she could take care of her ailing mother (portrayed by Gina Alajar).

"I play the role of Jane Alcantara. Ako yung batang nangarap maging nurse, para maalagaan yung nanay niya," says Juday (Judy Ann's nickname) "And at the same time nag-nurse siya kasi maliban sa gusto niyang matupad yung mag pangarap niya, meron siyang mga taong hinahanap para makapaghiganti at makahanap ng hustisya."

To prepare for her role, Juday was trained by the Philippine Nurses Association and they had doctors and nurses present during their taping days so they could ensure that the medical procedures done were accurate. This training proved to be a memorable experience for Juday.


"Memorable para sa 'kin yung nag-immerse ako with the nurses. Kasi natuto akong kumuha ng BP [blood pressure], natuto akong humawak ng injection, natuto akong kumuha ng dugo. So, yung buong proseso ko na nag-crash course ako ng Nursing nailagay ko siya ng maayos dito. So sana makita ng mga tao yung effort namin na maibigay sa kanila yung tamang mga impormasyon na mga hinahanap nila pag nagkakasakit."

Habang May Buhay was shot mostly in the Mt. Sinai hospital in Sta. Rosa, Laguna.

PEP (Philippine Entertainment Portal) asked Juday how this soap opera changed her thoughts on nurses.

"Ang tindi ng respeto sa kanila at ang laki ng bilib ko sa kanila kasi sa ganun kaliit na suweldo, mabigay mo ang buong puso mo sa pag-aalaga ng tao. Hindi lang pera talaga ang hinahanap mo kundi yung talagang maglingkod ka sa mga tao...mapagaling mo sila. Hindi talaga biro ang ginagawa nila kasi bawat word na sasabihin nila, yun yung paniniwalaan ng tao. Kaya maingat sila sa pananalita nila. Nakakabilib kasi ang haba ng pasensiya nila.

"Dito mo makikita kung bakit mga Pilipino ang nasa ibang bansa kasi Pilipino lang ang talagang buong pusong naglilingkod sa hindi nila kadugo at alam mong dedicated sila talaga sa trabaho nila."

There were other directors who handled this project before it was finally completed by Wenn Deramas. These included Mark Meily, Jerry Sineneng, Andoy Ranay, and Malou Sevilla.

Juday revealed that 70 percent of the pilot episode was changed and they removed some scenes that they shot in the United States.


GLADYS REYES AS KONTRABIDA. How does it feel to be trading slaps with her former archenemy in Mara Clara, Gladys Reyes?



"Sa totoo lang wlang naiba sa pagsasama namin ni Gladys maliban sa siguro sa edad namin at sa height namin. Pero other than that, yung rapport namin when it comes to doing things together mas feeling ko mas gumanda. Kasi kami dati sa Mara Clara pag nagfa-fight scene kami hindi kami nag-uusap, wala kaming fight director. Ganun din kami dito. May mga ilan-ilan kaming eksena together na may sampalan, sabunutan.

"Kumbaga sorry-han muna bago kami nag-eksena tas nagtawanan na after. At pareho naming inamin na matatanda na kami kasi hingal na hingal kami pagkatapos ginawa yung sabunutan. Parang mapuputulan ako ng ugat!

"Excited ako kasi magkaibang magkaiba yung ginagwa namin ni Gladys from George and Cecil [their sitcom on ABS-CBN]. Parang ang dami naring nage-email sa 'kin, 'Sana ibalik yung tandem naming dalawa.' At ngayon na ibinalik ni Direk Wenn yung tandem namin together, sana kung sinu-sino yung nanood ng Mara Clara noon manuod din sila nito."



What are the unforgettable scenes that she did for this series?

"Unang-una na yung scene namin ni Gladys, kasi ang tagal naming hindi talaga nagsabunutan! Ang tagal na nangyari...parang ang lulutong na ng mga buto namin. Natutumba na, yung wala ng balance!"


ON HER SUPPOSED TRANSFER. The wife of actor Ryan Agoncillo also took this opportunity to clarify rumors stating that she wanted to transfer to rival station GMA-7 in the past.


"Yun yata yung time na nag-offer ang GMA-7 noong time na magre-renew din ako ng kontrata sa ABS-CBN. Nag-usap din naman kami ng ABS-CBN about it. And if ever naman na dumating yung time na mag-i-ibang bakuran ako or something it will all [pass through] a formal process. Yung siguradong nagpaalam, siguradong walang bahid na kung ano pa man. Pero sa ngayon naman e, bilang mother studio hindi mo naman talagang maiiwasan na kung minsan may sama ka ng loob, kung minsan may tampo ka. But at the end of the day, you make a point to clear things out. So okay na."



Since there was a long delay before this soap opera was aired, did she feel impatient about it?


"Siyempre, hindi naman ako magpapaka-ipokritang sabihing okay lang di ba? Siyempre magiging honest naman ako sa pagsasabing nainip din naman ako. Pero naniniwala din naman ako dun sa proseso na kung hindi bilib ang management ibig sabihin may kulang pa. So naniniwala ako na kailangan pang pagandahin. Dapat gawan talaga ng paraan. Medyo natagalan lang talaga...Sayang yung ilang taon na nagdaan na I could have done a lot, more series or kung ano man. Pero ganun talaga. May mga pagkakataong dumarating sa buhay mo na tine-test ang patience mo. So isa ito sa mga yun."


Why did she decide to stay with the Kapamilya Network?

"Mahal ko staff ko, e. Naniniwala ako sa projects...sa project ko na ito. And at the same time hindi ko talaga nagging ugali na umalis ng hindi ko tinatapos yung proyektong inumpishan ko. Hindi ko naman itatanggi na, oo, maraming beses na naisip mo yun. Yes, naiisip mo yun. Alam naman ng buong mundo na maraming beses ako nagkarooon ng misunderstanding sa management.


"Pero in fairness to the management, they make it a point naman to talk to me and parang patch things up...Make it up and meet halfway. May ganun naman. Pero yun nga e, parang sa mag-ina... Sa bawat mag-ina hindi mo maiiwasang magkaroon ng miscommunication or something. So konting himas, konting salita ng sama ng loob. Basta maging honest ka lang naman sa kanila, sasabihin naman nila sayo kung ano yung nangyayari," said Judy Ann with a smile.



SYNOPSIS. Judy Ann Santos breathes life into Jane Alcantara's character, a caring and loving friend and daughter. Jane has dreamed of becoming a nurse just like her mother Rose (Gina Alajar) ever since she was a child. But her world will fall apart when her mother and two close friends, Sam and Nathan, face a drastic tragedy. Jane then lives in misery and suffering. She vows to rise from her situation and seek justice that was never given to them.



As time passes, Jane will fulfill her ultimate dream of being a nurse. She will then meet David, the heir of the hospital where she works and the man whom she falls in love with. She will also be linked to Raon, her friend and rescuer.



What connection do the two have with Jane's past? Will love rule over the search for truth and healing?



Helmed by Wenn Deramas, Habang May Buhay is the one of the offerings of ABS-CBN in time for the the 60th anniversary of Pinoy soap opera. Also starring Rio Locsin, Tetchie Agbayani, Gladys Reyes, Will Devaughn, John Arcilla and with the very special participation of Sid Lucero, this soap opera will air starting February 1, 2010 on ABS-CBN's Primetime Bida.
read more "Judy Ann Santos admits that she got impatient while waiting for Habang May Buhay"