Your Ad Here

Thursday, January 14, 2010

TNS National TV Ratings (January 7-11): Tanging Yaman and The Last Prince off to a good start


Here are the comparative ratings of ABS-CBN and GMA-7 programs from January 7 to 11, based on the overnight ratings of Taylor Nelson Sofres (TNS) among National households.



January 7, Thursday

Non-Primetime:

Umagang Kay Ganda (ABS-CBN) 6.3%; Unang Hirit (GMA-7) 4.6%

Mr. Bean (ABS-CBN) 6.8%; Hunter X Hunter (GMA-7) 5.9%

The Prince and the Pauper (ABS-CBN) 9.5%; Pokemon Master Quest (GMA-7) 6.3%

Naruto Shippuuden (ABS-CBN) 10.9%; Bleach (GMA-7) 7.4%

Three Dads With One Mommy (ABS-CBN) 9.5%; Knock Out (GMA-7) 11.2%

Showtime (ABS-CBN) 19.9%; Kapuso Movie Festival (GMA-7) 14.5%

Wowowee (ABS-CBN) 24.2%; Eat Bulaga! (GMA-7) 15.9%; Daisy Siete: Bebe & Me (GMA-7) 12.5%

Nagsimula Sa Puso (ABS-CBN) 17.7%; Kaya Kong Abutin ang Langit (GMA-7) 11.3%

Maria de Jesus: Ang Anghel Sa Lansangan (ABS-CBN) 15.2%; Tinik Sa Dibdib (GMA-7) 11.9%

Banana Split Daily Servings (ABS-CBN) 13.6%; Slamdunk (GMA-7) 6.4%

Pinoy Big Brother Double Up Uber (ABS-CBN) 15.7%; One Piece (GMA-7) 6.2%

My Cheating Heart (ABS-CBN) 18.4%; Family Feud (GMA-7) 8.9%



Primetime:

Katorse (ABS-CBN) 31.7%; Ikaw Sana (GMA-7) 14.4%

TV Patrol World (ABS-CBN) 35.5%; 24 Oras (GMA-7) 22.5%

May Bukas Pa (ABS-CBN) 34.5%; Darna (GMA-7) 28%

Dahil May Isang Ikaw (ABS-CBN) 32.2%; Full House (GMA-7) 25.9%

Pinoy Big Brother Double Up (ABS-CBN) 29.8%; Sana Ngayong Pasko (GMA-7) 20.5%

Boys Over Flowers (ABS-CBN) 21.5%; Queen Seon Deok (GMA-7) 17.3

SNN: Showbiz News Ngayon (ABS-CBN) 10.5%; Shining Inheritance (GMA-7) 13.4%; SRO Cinemaserye Presents Exchange Gift (GMA-7) 9.6%

Bandila (ABS-CBN) 6%; Saksi (GMA-7) 5.7%

I Survived (ABS-CBN) 4.1%; Pinoy Big Brother Double Up Late (ABS-CBN) 1.5%; Case Unclosed (GMA-7) 3.5%



January 8, Friday

Non-Primetime:

Umagang Kay Ganda (ABS-CBN) 6.4%; Unang Hirit (GMA-7) 4.8%

Mr. Bean (ABS-CBN) 6.5%; Hunter X Hunter (GMA-7) 6.3%

Mulan (ABS-CBN) 8%; Pokemon Master Quest (GMA-7) 7.8%

Naruto Shippuuden (ABS-CBN) 10.5%; Bleach (GMA-7) 8.3%

Three Dads With One Mommy (ABS-CBN) 9.9%; Knock Out (GMA-7) 10.4%

Showtime (ABS-CBN) 19.2%; Kapuso Movie Festival (GMA-7) 15.7%

Wowowee (ABS-CBN) 24.2%; Eat Bulaga! (GMA-7) 15.9%; Daisy Siete: Bebe & Me (GMA-7) 13.2%

Nagsimula Sa Puso (ABS-CBN) 19.8%; Kaya Kong Abutin ang Langit (GMA-7) 11.3%

Maria de Jesus: Anghel Sa Lansangan (ABS-CBN) 16.2%; Tinik Sa Dibdib (GMA-7) 10.6%

Banana Split Daily Servings (ABS-CBN) 14.8%; Slamdunk (GMA-7) 6.1%

Pinoy Big Brother Double Up Uber (ABS-CBN) 17.1%; One Piece (GMA-7) 6.1% My Cheating Heart (ABS-CBN) 17.8%; Family Feud (GMA-7) 7.9%



Primetime:

Katorse (ABS-CBN) 34.8%; Ikaw Sana (GMA-7) 13.6%

TV Patrol World (ABS-CBN) 34.2%; 24 Oras (GMA-7) 22.6%

May Bukas Pa (ABS-CBN) 37.4%; Darna (GMA-7) 25%

Dahil May Isang Ikaw (ABS-CBN) 32.8%; Full House (GMA-7) 24.7%

Pinoy Big Brother Double Up (ABS-CBN) 33.9%; Sana Ngayong Pasko (GMA-7) 20.8%

Boys Over Flowers One More Time (ABS-CBN) 22.4%; Queen Seon Deok (GMA-7) 18.7%; Shining Inheritance (GMA-7) 16.6%

SNN: Showbiz News Ngayon (ABS-CBN) 10.7%; Bubble Gang (GMA-7) 11.6%

Bandila (ABS-CBN) 6.1%; S.O.C.O. (ABS-CBN) 5.9%; Saksi (GMA-7) 4.2%

Trip Na Trip (ABS-CBN) 1.9%; Pinoy Big Brother Double Up Late (ABS-CBN) 0.9%; OFW Diaries (GMA-7) 2%



January 9, Saturday

Non-Primetime:

Salamat Dok (ABS-CBN) 4.1%; Kapwa Ko, Mahal Ko (GMA-7) 1.5%; Sazer X (GMA-7) 2.6%

Kabuhayang Swak Na Swak (ABS-CBN) 4.3%; Shonen Onmiyoji (GMA-7) 4.2%

Wanted Perfect Husband (ABS-CBN) 4%; Race-Tin Flash and Dash (GMA-7) 5.9%

Math Tinik (ABS-CBN) 4.5%; Art Angel (GMA-7) 6.6%

Teenage Mutant Ninja Turtles Fast Forward (ABS-CBN) 7.6%; Happy Land (GMA-7) 6.7%

Power Rangers Jungle Fury (ABS-CBN) 8.8%; Ka-Blog (GMA-7) 6.2%

Santa Apprentice (ABS-CBN) 7.8%; Kulilits (ABS-CBN) 6.5%; Maynila (GMA-7) 6.6%

Showtime (ABS-CBN) 20.9%; Kapuso Movie Festival (GMA-7) 12.3%

Wowowee (ABS-CBN) 23.4%; Eat Bulaga! (GMA-7) 18.5%

Entertainment Live (ABS-CBN) 13.7%; Startalk (GMA-7) 9.8%

Cinema FPJ: Da King on ABS-CBN (ABS-CBN) 18.9%; Wish Ko Lang (GMA-7) 12.1%



Primetime:

Failon Ngayon (ABS-CBN) 28.1%; Pinoy Records (GMA-7) 12.9%

TV Patrol Sabado (ABS-CBN) 31.4%; Pepeng Agimat (ABS-CBN) 30.5%; StarStruck V: Dream Believe Survive (GMA-7) 15%

The Singing Bee (ABS-CBN) 24.5%; Bitoy's ShoWWWtime (GMA-7) 15.5%

Maalaala Mo Kaya (ABS-CBN) 30.2%; Kapuso Mo Jessica Soho (GMA-7) 18.2%

Pinoy Big Brother Double Up (ABS-CBN) 28.1%; Imbestigador (GMA-7) 14.5%

Banana Split (ABS-CBN) 13.5%; Cool Center (GMA-7) 6.5%

The Bottom Line With Boy Abunda (ABS-CBN) 6.9%; GMA Weekend Report (GMA-7) 4.4%

Sports Unlimited (ABS-CBN) 3.9%; Pinoy Big Brother Double Up Late (ABS-CBN) 1.9%; Walang Tulugan With The Master Showman (GMA-7) 2%



January 10, Sunday

Non-Primetime:

Kabuhayang Swak Na Swak (ABS-CBN) 4.9%; In Touch With Dr. Stanley (GMA-7) 1.1%

Salamat Dok (ABS-CBN) 4.9%; Race-Tin Flash and Dash (GMA-7) 5.8%

Totally Spies! Undercover (ABS-CBN) 5.8%; Ryukendo (GMA-7) 7.2%

Santa's Apprentice (ABS-CBN) 7.5%; Team Galaxy (GMA-7) 7.1%; Dragonball GT (GMA-7) 7.6%

Power Rangers Jungle Fury (ABS-CBN) 7%; Pokemon Specials (GMA-7) 8.7%

Super Inggo at ang Super Tropa (ABS-CBN) 9.8%; Bleach (GMA-7) 9.8%

Matanglawin (ABS-CBN) 14.9%; Joey's Quirky World (GMA-7) 8.3%

ASAP XV (ABS-CBN) 19.6%; SOP Fully Charged (GMA-7) 10.5%

Your Song Presents My Last Romance (ABS-CBN) 15.2%; Dear Friend: Bakasyunistas (GMA-7) 7.8%

The Buzz (ABS-CBN) 14.5%; Showbiz Central (GMA-7) 8.9%



Primetime:

Goin' Bulilit (ABS-CBN) 22.7%; Kap's Amazing Stories (GMA-7) 20%

Rated K (ABS-CBN) 28.1%; StarStruck V: Dream Believe Survive (GMA-7) 19.8%

Sharon (ABS-CBN) 26%; Mel & Joey (GMA-7) 17%

George & Cecil (ABS-CBN) 25.5%; Bandaoke (GMA-7) 12.7%

Pinoy Big Brother Double Up (ABS-CBN) 25.6%; TV Patrol Linggo (ABS-CBN) 12.9%; Show Me Da Manny (GMA-7) 9.5%

Sunday's Best: Freaky Friday (ABS-CBN) 6.2%; 50: Limang Dekada (GMA-7) 7%

Urban Zone (ABS-CBN) 1%; GMA Weekend Report (GMA-7) 2%; Diyos at Bayan (GMA-7) 0.7%



January 11, Monday

Non-Primetime:

Umagang Kay Ganda (ABS-CBN) 6.2%; Unang Hirit (GMA-7) 4.6%

Mr. Bean (ABS-CBN) 6.9%; Merry Morning Tunes (ABS-CBN) 8.2%; Hunter X Hunter (GMA-7) 6.8%

Naruto Shippuuden (ABS-CBN) 9.5%; Pokemon Master Quest (GMA-7) 8.4%; Bleach (GMA-7) 10.1%

Miss No Good (ABS-CBN) 8.7%; Knock Out (GMA-7) 11.3%

Showtime (ABS-CBN) 19.8%; Kapuso Movie Festival (GMA-7) 14.9%

Wowowee (ABS-CBN) 25%; Eat Bulaga! (GMA-7) 16.4%; Daisy Siete: Bebe & Me (GMA-7) 12%

Nagsimula Sa Puso (ABS-CBN) 19.3%; Kaya Kong Abutin ang Langit (GMA-7) 11%

Maria de Jesus: Ang Anghel sa Lansangan (ABS-CBN) 14.8%; Tinik Sa Dibdib (GMA-7) 11.1%

Banana Split Daily Servings (ABS-CBN) 13.6%; Slamdunk (GMA-7) 6.9%

Pinoy Big Brother Double Up Uber (ABS-CBN) 14.7%; One Piece (GMA-7) 8.2%

My Cheating Heart (ABS-CBN) 16%; Family Feud (GMA-7) 9.4%



Primetime:

Tanging Yaman (ABS-CBN) 30.4%; Ikaw Sana (GMA-7) 13.6%

TV Patrol World (ABS-CBN) 35%; 24 Oras (GMA-7) 23%

May Bukas Pa (ABS-CBN) 36.8%; Darna (GMA-7) 28.3%

Dahil May Isang Ikaw (ABS-CBN) 34.4%; The Last Prince (GMA-7) 27%

Pinoy Big Brother Double Up (ABS-CBN) 30.9%; Full House (GMA-7) 20.4%

Boys Over Flowers One More Time (ABS-CBN) 20.6%; Queen Seon Deok (GMA-7) 15.3%

SNN: Showbiz News Ngayon (ABS-CBN) 10.3%; Saksi (GMA-7) 7.3%

Bandila (ABS-CBN) 6.1%; XXX Exklusibong Explosibong Expose (ABS-CBN) 5.5%; Pinoy Big Brother Double Up Late (ABS-CBN) 2%; I Witness (GMA-7) 3.2%
read more "TNS National TV Ratings (January 7-11): Tanging Yaman and The Last Prince off to a good start"

Dingdong Dantes and Yes Pinoy Foundation to launch "Book Run"


Hands-on talaga ang aktor na si Dingdong Dantes sa kanyang Yes Pinoy Foundation (YPF). Kuwento nga ng YPF staff sa PEP (Philippine Entertainment Portal), kahit wala na raw halos tulog sa kanyang showbiz commitments si Dingdong, tutok pa rin ito sa pangunguna sa mga meeting para sa kanilang foundation, na inaabot kadalasan ng ilang oras.



Since YPF was launched last August 21, 2009, tuloy-tuloy ang pagsasagawa nila ng mga makabuluhang proyekto. Ngayong 2010, ang pagkakaroon ng Book Run, na gaganapin sa Bonifacio High Street sa January 31, ang unang project ng YPF, kasama ang Beowulf Mediaworks, Inc. at sa pakikipagtulungan ng National Bookstore.



Kaugnay ng event na ito, isang presscon ang ipinatawag ng YPF kahapon, January 12, sa Centerstage, Timog Avenue, Quezon City.



RUN FOR A CAUSE. Maagang dumating si Dingdong sa press conference upang ipaliwanag kung para saan ang "Book Run" na ilulunsad nila.



"We plan to receive donations ng books from the runners, yung mga magre-register," sabi ni Dingdong. "On top of 400 pesos na ire-register nila, magdo-donate sila ng books para sa Foundation. With that, lahat ng proceeds na makukuha namin at madye-generate namin from this fun run will go to Yes Pinoy Foundation Oplan: Restore Paaralan."



Ayon kasi sa Department of Education (DepEd), humigit-kumulang sa P3 billion, o tatlong milyong libro, ang halagang nawala dahil sa mga bagyong Ondoy at Pepeng.



"Siguro, when all the while we thought tapos na lahat ng naging epekto ng calamities, hindi tayo aware that there are public schools who still don't recover from the loss, especially dun sa mga nasirang libraries, nasirang classroom. Much more na binahang mga libro. So, that's what we plan to donate sa mga public school na nangangailangan ng libro. Much more, yung mga nangangailangang mag-rebuild ng structures ng educational institution," pahayag ng aktor.



Consistent si Dingdong sa pagsasabi kung ano ba talaga ang goal niya in putting up YPF—education for the youth.



"I believe kasi, education ang pinakamalakas na tool at pinakamalakas na katangian na pupuwedeng ibigay sa isang kabataan. So, it's one thing that I would like to protect," saad niya.



YPF hopes to gather at least 2,000 runners na maaring pumili sa 3K, 5K, at 10K legs for the men's and women's divisions. May nakahanda rin daw silang prizes from their sponsors para sa mga mananalo.



Dugtong pa ni Dingdong, "Puwedeng mag-log on at www.yespinoy.org, or puwede rin personal na mag-register sa R.O.X. store on Bonifacio High Street."



MARIAN WILL RUN. May mga ilang kapwa-artista na ring kinausap si Dingdong para makasama sa Book Run. Ilan sa mga ito ay ang mga kasamahan niya sa PPL management ng manager niyang si Perry Lansigan, at siyempre, ang girlfriend niyang si Marian Rivera.



"Actually, marami pa," sambit ni Dingdong. "Nagte-text pa lang ako ngayon. So, kung sinuman ang gustong magising ng alas-singko at tumakbo for a good cause and, at the same time, for their own good health, e, very welcome."



Noon pa man ay sinasabi na ni Dingdong na si Marian ang isa sa inspirasyon ng YPF. Kaya naman sa halos lahat ng projects and events ng Foundation ay nandoon ang actress.



"Well, dapat may taping siya. So, I think ite-taping na niya lahat ng episodes niya bago mag-31st. Kasi pagdating ng February 1, aalis na rin kami for Dubai. So, dapat matapos na rin lahat. Siguro, bilang last day na rin niya ng 30 [para sa Darna], she will try to be there," ani Dingdong.



After Dubai, matutuloy ba ang plano nila ni Marian, na sasamahan niya sa Spain, para makilala ang ama nito nang personal?



"Balak talaga namin yun," sabi ni Dingdong. "Pero hanggang ngayon, wala pang necessary documents. So, hangga't hindi ko pa hawak yun, siyempre, hindi ko pa masasabing tuloy na tuloy na siya."



May mga relatives din daw si Dingdong sa Spain na puwede niyang puntahan at bisitahin at ma-meet din nila ni Marian.



"I'm also excited to see kung paano sila dun, di ba? Yung kapatid din ng Mommy ko has been living there for over 30 years, so gusto ko rin makita siya."
read more "Dingdong Dantes and Yes Pinoy Foundation to launch "Book Run""

Dingdong Dantes has yet to complete replicas of Marian Rivera's TV characters


During the pocket press conference para sa Book Run ng Yes Pinoy Foundation last Tuesday, January 12, hindi pa rin maiwasang tanungin ang aktor sa mga naging aktibidades niya noong nakaraang holiday season. At kakambal na tanong sa kanya ay ang naging bonding time nila ng rumored girlfriend niyang si Marian Rivera.



Aminado naman si Dingdong na sa mga panahon na yun, madalas na si Marian ang nakasama niya.



"Well, noong araw ng Pasko, may time na pumunta ako sa kanila at pumunta rin siya sa amin noong kalagitnaan ng Christmas at New Year. Yun lang, konting bakasyon," sabi ni Dingdong.



Inamin din ng aktor na naibigay na niya kay Marian ang Christmas gift niya rito na replica ng characters na ginampanan nito sa iba't ibang primetime series ng GMA-7. Pero hindi pa raw niya naibibigay lahat.



"Naibigay ko na. Pero isa pa lang dahil apat yun. Yung Darna pa lang. Yung tatlo, ginagawa na siya," nakangiting sabi ni Dingdong.



Bukod sa Darna, ang tatlo pang replica na ipinapagawa ni Dingdong ay ang mga role ni Marian sa Marimar, Dyesebel, at Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang (Proserfina).



Ano ang naging reaction ni Marian nang makita ang ipinagawa niya?



"Parang ang laki ng mata!" natatawang kuwento ni Dingdong. "Pero totoo naman, ina-adjust pa. Pero sa unang tingin, talagang kamukhang-kamukha. Mahirap lang ma-perfect ang one-fourth scale model na statue. Pero ngayon, nasa bahay ko pa. Kasi yung ipinagawang glass na patungan, hindi pa tapos. Pero pag gawa na siya, ililipat na dun sa bahay niya [Marian]."



What about Marian, ano naman ang naging Christmas gift sa kanya nito?



"Isang magandang necklace," nakangiti niyang sabi.



Yun ba ang talagang gusto niyang matanggap?



"Ako naman, kahit ano, wala naman akong... hindi naman ako mapili sa ganyan. Kahit lutuan mo lang ako ng adobo, okey na ako," sabi ni Dingdong.



As early as now, marami na ang nae-excite at nag-aabang sa pagbabalik-tambalan nina Dingdong at Marian sa telebisyon. Ito ay magaganap sa Pinoy remake ng Koreanovela na Endless Love. Maging si Dingdong ay looking forward na rin daw sa mga pagsasamahan nilang projects ni Marian ngayong taon.



"Very warm, e. Alam na rin siguro ng mga manonood how successful it went sa previous run ng Endless Love, much more na mga Pinoy ang magsasadula. Pero ako, personally, parang fresh. Hindi ko rin napanood yung Stairway to Heaven, so hindi ko rin napanood yung original [Endless Love]," sabi niya.
read more "Dingdong Dantes has yet to complete replicas of Marian Rivera's TV characters"

Judy Ann Santos sees one complication that may hinder reunion project with Piolo Pascual


Itinanggi ni Judy Ann Santos na sa kanya unang in-offer ang papel para gumanap bilang si dating Pangulong Cory Aquino sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya, kung saan ilalarawan ang buhay ng namayapang dating Pangulo at ng asawa nitong si Senator Benigno "Ninoy" Aquino Sr.



"Ha? Hindi, hindi ko alam yun. Ang alam ko, yung movie, pero hindi MMK. Wala, walang in-offer sa akin. May pahaging, pero walang formal usapan about the project," paglilinaw ni Judy Ann nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



Ang gaganap na Cory sa naturang episode ng Maalaala Mo Kaya ay si Bea Alonzo, samantalang si Piolo Pascual naman ang gaganap bilang Ninoy.



Tinanggap na ba ni Juday ang sinasabi niyang film project na inu-offer sa kanya, kung saan si Piolo rin ang napapabalitang gaganap bilang Ninoy?



"Siguro it would much be better if we talk about it na walang kamerang nakaharap, yung talagang... Ayoko kasing sabihin ng ibang tao na ngayon pa lang nagpo-promote na kami ng pelikula dahil it's a project with Piolo.



"And everything can happen as of now, kaya I cannot say na this year, I will be doing a project with Piolo, or this year I may not be doing a project with Piolo. Anything can happen. Hindi imposible. Hindi pa rin naman sure kung posible... Alam mo yun, pag-iisipan pa, basta maganda yung proyekto," saad niya.



OPEN TO WORK WITH PIOLO AGAIN. Hindi rin totoong tinanggihan ni Juday ang proyekto dahil ayaw niyang makasama sa trabaho si Piolo.Wala raw rason para umayaw siyang makatrabaho si Piolo. Matagal na raw naman silang in good terms ulit matapos magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila noon, pati ng mister ng aktres na si Ryan Agoncillo.



"Oo naman, matagal na!" bulalas ng aktres. "Matagal na kaming okay mula nung napabalita na nag-usap na sila ni Ryan, and nag-usap na rin naman kaming tatlo. Ang tagal-tagal na ng balita 'yan. Hindi lang nakikita ng mga tao na we're friends.



"May mga times na nagkakasalubong kami, let's say sa kung saang restaurant. Madalas kaming nagkakasalubong, or minsan nagge-guest ako sa ASAP. Nag-uusap kami, wala nang isyu. Noon pa yun at iba na ang buhay ko ngayon, iba na rin ang buhay niya ngayon."



So, okay na sa kanyang makatrabaho si Piolo?



"Yung sa pagtatrabaho, ang kumplikasyon lang naman diyan, yung mga taong nag-iisip na may iba pang nagaganap sa amin ni Piolo maliban sa pagiging magkaibigan. So, hangga't hindi sila nagma-mature, hindi muna ako gagawa ng pelikula [kasama si Piolo]. Ako mature, sila hindi... Hoy, hindi si Piolo, ha! Yung mga kung sino na nag-iisip ng kung anu-ano," paglilinaw niya.



NOT TAKING DRUGS TO BECOME PREGNANT. Nilinaw rin ni Judy Ann ang tungkol sa balitang may mga gamot siya diumanong iniinom para mabuntis siya agad. Mag-iisang taon na silang kasal ni Ryan at hindi pa rin nagdadalang-tao ang aktres.



"Ano po siya, I've been taking medications since after the wedding. Ano lang, for preparation lang, like folic acid, ganyan. Para lang sa pagpapatibay ng immune system. Pero other than that, wala namang ano.



"Gusto ko lang fully prepared yung sistema ko bilang dalawang dekada akong nagtatrabaho, baka hindi siya... At, first time kong magbubuntis kung saka-sakali, so kailangang maghanda," saad niya.



Speaking of trabaho, sa February 1 ay muling mapapanood si Judy Ann sa isang teleserye. Ito ay sa pamamagitan ng Nurserye na Habang May Buhay sa ABS-CBN. Makakasama niya rito sina Derek Ramsay, Will Devaughn, Joem Bascon, Gina Alajar, Rio Locsin, Tetchie Agbayani, John Arcilla, at Sid Lucero.
read more "Judy Ann Santos sees one complication that may hinder reunion project with Piolo Pascual"