AYAW i-entertain pa ni Ryan Agoncillo ang tungkol sa taong walang magawa sa Twitter account. Kaya kung mapapansin, walang anumang reaction na narinig both from Ryan and Judy Ann Santos kahit may mga friends sila na nag-worry rin noong una.
Agree kami sa dahilan ni Ryan kung bakit ayaw na nga naman nila itong patulan pa.
Anyway, sabi ni Ryan, instead na matuloy ang supposedly plano sana nila ni Juday na parang second honeymoon na rin nila sa ibang bansa, mas minabuti na nga lang nila na mag-stay na lang sa bansa at huwag nang magbiyahe pa ng out-of-the country.Hindi naman daw sila pinagbawalan ng O.B. Gyne ni Juday na magbiyahe, pero siyempre, nag-decide na rin silang mag-asawa not to take any risk pa nga naman lalo pa nga’t three months na rin ang baby na nasa tummy ni Juday ngayon.
“Hindi muna!” sey niya.
“The way pregnancy goes, sabi naman ng doctor, puwede namang mag-travel. Hindi naman ‘yan 100% sure na may mangyayari at hindi rin naman niya maibigay na 100% sure, walang mangyayari.
So, all the risk is our own. So, didiskartehan mo lang.
“Naubusan kami ng resort for Holy Week. Dapat naka-booked na kami by this time. Medyo hindi kasi madali ang requirements namin. We need a pool for Yohan. At hindi puwedeng public pool ang buntis.
‘Yung iba naman may private, masyadong mahaba ang biyahe, may lipad na, may boat pa.”
By this time, posible namang nakahanap na rin ang mag-asawa ng perfect place for them and with Yohan, of course.
Masaya naman si Ryan sa pagbubuntis ni Juday. Hindi naman daw ito maselang magbuntis.
“’Yung pagsusuka niya, hindi naman madalas, hindi naman violent. Pero, madali lang siyang antukin ngayon which I think is usual. Merong mga cravings at mga amoy na hindi niya ma-take. She doesn’t eat beef and pork. Now, she does. Biglang ayaw niya ng fish,” kuwento ni Ryan.
May mga balitang lumalabas na kahit magti-three months pa lang ang baby sa tummy ni Juday, inuulan na raw ito ng mga endorsement offers at TV commercial. Pero sey ni Ryan, wala pa naman daw nakakarating sa kanya.
“Well, kung meron man, hindi pa nakakarating sa akin. Hindi ko pa alam sa totoo lang. Baka nasa level pa lang na hindi pa tinatanong ni Juday sa akin.”
If ever, okay ba sa kanya na mag-TV commercial agad ang baby nila? “Naku, pag-aralan na lang natin kapag nandiyan na, ‘di ba?”
Sa isang banda, masaya si Ryan na nakikita niyang growing na ang TV5 bilang isa sa mga pioneer na artistang nagtiwala sa network.
“Gusto ko nga mas marami pang artista, masaya! Nu’ng nag-launched kami noon, kami-kami lang.
Now, you see more faces. So, it’s a little happier. Masaya kasi nakikita ko na lumalaki ang pamilya ng TV5.”
Naniniwala si Ryan na kakayanin ng TV5 under Manny V. Pangilinan na makipag-compete with two giant networks. Sa ngayon, patuloy pa rin mapapanood si Ryan sa Talentadong Pinoy every Saturday and Sunday na at ang Sunday variety show na PO5.