Your Ad Here
Showing posts with label Manny Pacquiao. Show all posts
Showing posts with label Manny Pacquiao. Show all posts

Friday, March 12, 2010

Pacman shoes, mabibili sa halagang US$1100


Ikinuwento ng isa nating kababayan mula sa Arlington, Texas na mainit ang pagtanggap ng audience kay Manny Pacquiao nang dumating ito sa malawak na The Dallas Cowboy Stadium noong Miyerkules nang hapon (Thursday morning sa Pilipinas) para sa presscon ng laban nila ni Joshua Clottey.


Mula sa LA, lumipad si Manny sa Dallas noong Lunes at dahil sa kanyang hectic sche­dule, idinaos ang send-off party sa private terminal na malapit sa international airport ng Los Angeles. Isang chartered plane na may nakalagay na Pacquiao 1 ang sinakyan ni Manny at ng kanyang entourage, papunta sa Texas.


Meanwhile, available na sa Nike stores sa Amerika ang limited edition ng Manny Pacquiao training shoes.

Tumawag kami kahapon sa Wilshire Beverly Hills branch ng Niketown para alamin ang presyo ng Pacman shoes. Sinabi ng Niketown personnel na mabibili sa halagang US$1100 ang Pacman training shoes at US$80 ang selling price ng Pacquiao jackets.


May pitong stars ang Pacman shoes dahil nire-represent nito ang pitong boxing title ni Manny.


Tulad ng nakagawian pagkatapos ng mga laban niya, magkakaroon si Manny ng after-fight party at kakanta uli siya, kasama ang kanyang banda.


Sa presscon ng laban nila ni Clottey, nagkuwento si Manny tungkol sa kanyang kandidatura, singing career, at ang band rehearsals nila para sa after-fight party.


Ikinuwento ng isang eyewitness na kalmante at puno ng kumpiyansa sa sarili si Manny sa presscon na kapwa nila dinaluhan ni Clottey.
read more "Pacman shoes, mabibili sa halagang US$1100"

Wednesday, March 10, 2010

Pacman hindi mahusay na boxer, kundi celebrity fighter, ayon sa respetadong trainer


aliwas sa sinasabi ng nakararami, isang nire­res­petong trainer ang nagpahayag na hindi dapat ikonsidera si Manny Pacquiao bilang pinakamahusay na boksingero sa panahong ito.

Si Hector Roca, ang 65-anyos na tubong Panamian na trainer na hinawakan ang careers ng mga kilalang champions tulad nina Buddy McGrit, Arturo Gatti at Iran Barkley ang nagsabi na natapat lamang si Pacquiao sa panahong walang nakasabay na mahuhusay na boksingero.

“Many say that Manny Pacquiao is the best today but I’m not sure. He is what we call at the right moment,” wika ni Roca nang nakapanayam ng Dog­house­boxing.com.

Aniya, ang telebisyon ang nagpasikat kay Pacquiao at hindi dahil sa na­­kalaban niya ang mga ma­bibigat na boksingero sa kanyang kapanahunan kaya’t hindi niya ito maikokonsiderang pinakamahusay sa kanyang kapanahunan.

“He’s not a good fighter but a celebrity fighter,” ba­nat pa ni Roca . “He was a good featherweight and moved up and has fought easy fights, now he is figh­ting easy welterweight figh­ters and that will make him millions because television made him famous.”Marami ang tiyak na ‘di sa­sang-ayon sa pahayag na ito ng batikang trainer lalo nga’t ang huling dalawang laban ni Pacquiao ay laban sa matitikas sa ka­nilang dibisyon na sina Ricky Hatton at Miguel Cotto na pareho ngang natulog sa kamao ni Pacman.

Laban kay Joshua Clottey, aminado si Roca na ma­gandang laban ito at na­kikita niya na masusukat ng tunay si Pacquiao sa kanyang katatagan na tumanggap ng mga malalakas na suntok buhat sa lehitimong 147-pound fighters.

Ang laban sa Linggo (Sa­bado sa US ) sa Cowboy’s Stadium sa Arlington, Texas ay unang pagdepensa ni Pacquiao sa titulong inagaw kay Cotto.

“That’s not an easy fight for Pacquiao like so many think. Clottey is not easy, he has power and he is very strong, Pacquiao has to be real careful and not leave himself open for an easy punch from Clottey,” may paalalang pahayag pa ni Roca.
read more "Pacman hindi mahusay na boxer, kundi celebrity fighter, ayon sa respetadong trainer"

PACQUIAO AYAW MAGTIWALA


Buo ang kumpyansa ni world’s pound-for-pound king Manny Pacquiao sa kanyang sarili, pero ayaw niyang magtiwala sa maaaring ibigay na laban sa kanya ni African Joshua Clottey sa kanilang paghaharap sa ‘The Event’ sa Marso 13 (Marso 14 sa Manila) sa Dallas Cowboys Stadium dito.


Masaya at puno ng kumpyansang dumating dito si Pacquiao, kasama ang asawang si Jinkee, trainer na si Freddie Roach at marami pang miyembro ng Team Pacquiao sakay ng chartered plane bandang alas-diyes ng gabi.


Handang-handa na ang boksingero sa kanyang laban. Pero, mas pinaghahandaan umano niya ang ginawang ensayo ni Clottey, na makikita pa lamang niya sa sandali ng kanilang laban.


“Ako, walang duda, kundisyon na ako, handa na sa laban, ilang araw na lang, bakbakan na,” wika ni Pacquiao. “Pero, hindi ko alam kung anong laban ang ibigay ni Clottey sa akin, kaya ‘yun ang aaba­ngan ko.”


Kung pagbabasehan ang pustahan para sa kanilang laban, lalong lumalaki ang bentahe ni Pacquiao sa pagi­ging liyamado, at noong Linggo, umabot na sa -800 na pabor sa Filipino ring icon ang odds, kumpara sa +550 para kay Clottey.


Ibig sabihin, ang pustang $800 kay Pacquiao ay mananalo lamang ng $100, habang ang $100 na pusta kay Clottey ay kakabig ng $550.


“Kahit naman liyamado ako sa laban, hindi ako nagkukumpiyansa, boksing ‘yan, susuntok ang kalaban, naghanda rin ang kalaban, kaya mahirap magpabaya,” sambit pa ng 32 anyos na pambato mula sa GenSan.


Idagdag pa rito ang umano’y mahilig na pang­he-headbutt ni Clottey sa bawat laban, gaya ng ginawa kay Miguel Cotto.


“Kaya kailangan kong mag-ingat, iba kasi kapag me putok ka sa laban, parang nag-iiba ang galaw mo, pati fight plan nababago, kaya dapat ingat,” dagdag pa ni Pacquiao.


Kabaligtaran naman ito ng kanyang trainer na si Freddie Roach, na hindi binibigyan ng tsansa si Clottey laban kay Pacquiao.


Sinabi ni Clottey sa isang panayam, na matibay ang kanyang panga kaya’t hindi pa siya nakakatikim ng knockout , bagama’t may ilang talo na siya.


Pero, para kay Roach, kahit matibay ang panga ni Clottey, mahina naman aniya ang bodega nito.


“Yeah, he has a hard chin, that’s why we studied and look for his body as target,” komento ni Roach.


Ayon pa kay Roach, walang bagay na ginagawa o ginawa si Clottey sa ensayo nito na maaaring tumakot kay Pacquiao.


“Nope, [he doesn’t scare us]. He’s very predictable. We know every move he makes. We’ve studied him for the last month. I’m tired of watching Clottey, but I’ll maybe watch a bit more so I don’t miss nothing,” wika pa ni Roach sa isang boxing website.
read more "PACQUIAO AYAW MAGTIWALA"