May kumakalat na text message ngayon sa showbiz circles tungkol sa "panunugod" diumano ng TV host-actress na si Kris Aquino sa isang babae na sinasabing nauugnay sa kanyang mister, ang Purefoods basketball player na si James Yap.
Galing diumano sa isang nagngangalang Mayen Austria, o sa kampo nito, ang text message.
Narito ang kabuuang text message na nakarating sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ngayong umaga:
Published as is: "To everyone. Kris Aquino passed by house to make me sugod. She spoke to my mom. Very mad, berating us saying i always text and call james. That my mom didn't bring me up right. That we shouldn't be talking to married men. She said she's leaving james and to know that i am the last straw and the reason for their break-up. My family has great respect for Teopacos who are our family friend. Mrs. Teopaco is Cory's youngest sister. My mom raised us right. My mom didn't deserve all that. James missed called and texted na he warned me pupunta siya [Kris] sa house. He called me to apologize and say sorry. Kris said we had something going on. I don't deserve this. Most especially my mom. I have chemical depression and could have easily taken an overdose of pills because of the incident. With the hugs and love of my mom and sisters, and tranquilizers, i'm okay. Do you want Kris to be in malacanang."
BACKGROUND. Bago pa man lumabas sa media ang isyung ito ay nagkausap na sa telepono ang editor-in-chief ng YES! na si Jo-Ann Maglipon at ang prized talent ng ABS-CBN na si Kris Aquino, noong Huwebes ng tanghali, January 14.
Sa pag-uusap na iyon, sinabi ni Kris ay ayaw niyang lumaki ang isyu, kaya't hindi niya ipinalalathala ang usapan nila ni Jo-Ann. Gusto lang daw niyang ipaalam sa magazine editor ang panig niya dahil nakaabot na sa kanya ang mapanirang text message na diumano'y galing kay Mayen Austria.
Idinagdag ni Kris na ang text message ay unang bumagsak sa telepono ng isa sa mga ate niya, na siyang nagpadala nito kay Kris. Ayon din sa TV host, wala siyang ideya kung kani-kanino na ito nakarating at kung sino sa media ang pinadalhan na ng gumawa ng original text.
"It reached my sister," sabi ni Kris sa telepono. "I imagine it could've been sent to more people, including the media."
Kung siya lang daw, hindi na ito dapat lumabas pa. "You won't see me putting this out on SNN. I'm not the one to start, and make this an issue. It's a domestic thing. But I can't control what others will do with this. I don't know if other editors and reporters have already been sent this text." Ang SNN, o Showbiz News Ngayon, ay ang Monday-to-Friday evening program ni Kris at Boy Abunda sa ABS-CBN, kung saan ang mga kaganapan sa local showbiz ay mabilis na naibo-broadcast.
Ang idinaramdam daw ni Kris ay ginagawang "political issue" ang isang bagay na para sa kanya ay isang "domestic issue."
Hindi maikakaila na sa kampanya para sa pagka-presidente ng Pilipinas ng kanyang kapatid na si Benigno Aquino III—o mas kilalang Noynoy—sa eleksyon sa Mayo, kakabit ang pangalan ni Kris. Sinabi na sa telebisyon ni Kris na all-out siya sa pagtulong sa kampanya ni Noynoy. Kasama na rito ang pagbebenta niya ng bahay nila ni James sa Valle Verde upang mapondohan pa ang national campaign ng kapatid. Tulong-tulong daw silang magkakapatid, lalo na ngayong yumao na ang ina nila, ang dating Presidente Corazon Aquino.
Kaya't kung sakali raw at makarating sa PEP ang text message na tinitira siya, pinahihintulutan niya ang PEP na ilabas na ang kanyang pakikipag-usap kay Jo-Ann.
Hindi nga inilabas ng PEP ang usapan nina Kris at Jo-Ann hanggang sa araw na ito, Biyernes, January 15—nang lumabas na ang isyu sa ibang media outlets, at matapos kuhanan ng pahayag ang kampo ni Mayen Austria.
KRIS'S STORY. Totoo raw na pinuntahan ni Kris si Mayen Austria sa bahay ng huli sa Valle Verde 2 sa Pasig City nung January 13, bandang 4:00 p.m. Ayon mismo sa TV host-actress, "two streets away" lang ang layo ng bahay nila ni James dito, at sinadya talaga niyang kausapin si Mayen.
Pero taliwas daw sa isinaad sa text message, hindi "inaway" o "ininsulto" ni Kris si Mayen at ang ina nito. Sa paglalahad ni Kris ng naging exchange nila, ito raw ay naging "frank" but "polite," "honest" but "civil."
Nabanggit ni Kris na kilala niya si Mayen dahil pareho silang galing sa Poveda Learning Center, isang exclusive high school for girls. Fan din daw si Mayen ng kinabibilangang koponan ni James sa Philippine Basketball Association, ang Purefoods, kaya't nagkikita sila sa mga games.
Inilahad ni Kris kay Jo-Ann ang pagkakatanda niya sa mga pangyayari noong Miyerkules ng hapon.
Kuwento ni Kris, kumakain daw sila ni James ng late lunch bandang alas-dos o alas-dos y medya ng hapon, January 13, sa Valle Verde home nila, nang mag-ring ang cell phone ni James. Sinagot daw ng kanyang asawa ang tawag sa harap niya, kaya dinig na dinig ni Kris ang nasa kabilang linya.
Babae raw ang boses. At may sinasabi raw na, "James, what's wrong with me? Ginawa ko na ang lahat, pero wala pa rin..." Tapos ay umiiyak na raw ito. Sumagot daw si James ng, "Kung ayaw sa iyo, huwag mo nang ipilit pa..."
Nagtaka at naguluhan daw si Kris sa narinig. Nang ibaba ni James ang linya, tinanong ni Kris kung tungkol saan ang tawag na yun. Dito na nalaman ni Kris na ang kausap ni James ay si Mayen Austria, na ayon sa cager ay nagko-confide sa kanya dahil iniwanan daw ito ng kanyang boyfriend.
Hindi naging maganda sa pandinig ni Kris ang narinig sa asawa. Tinanong daw nito nang diretsa si James: "May problema siya? Ano naman ang kinalaman mo doon? Ano ang pakialam mo sa buhay niya? Bakit ikaw ang guguluhin niya?"
Ipinaliwanag naman daw ni James na matagal na niyang kakilala si Mayen, dahil sa pagpunta-punta nito sa games ng Purefoods, at kumokonsulta nga raw ito sa kanya paminsang may problema ito.
Dito, ang sagot ni Kris ay pumapalaot sa ganito: Hindi yata tama na ang isang babae ay tumatawag sa lalaking may asawa para magsabi ng mga problema nito. Dapat ay guidance counsellor, isang malapit na kaibigang babae, kapatid, magulang, o iba pang may direktang kinalaman sa buhay niya ang konsultahin niya. Mas maraming alam ang mga ito tungkol sa history niya at mas makakatulong ang mga ito sa kanya.
Ginawa raw halimbawa ni Kris ang sarili nilang buhay. Sinabi nito kay James, "Sa dami ng pinagdaanan natin, sa dami ng gusto kong ilabas noon, noong kailangan ko ng makikinig sa akin, wala akong iniyakan na lalake. Wala. Inisip ko kasi na hindi makabubuti iyon. Maaaring panggalingan lang ng gulo."
Dugtong niya, "Tama ba na iyakan ko si Gabby [Concepcion], na kasama ko sa soap ngayon? Hindi, di ba?" Si Gabby at Kris ay magkasama ngayon sa teleserye ng ABS-CBN na Kung Tayo'y Magkakalayo ngayon, at nang single pa sila ay minsang na-link sa isa't isa.
MARITAL HISTORY. Hindi kaila sa marami ang mga pinagdaanan ng major showbiz celebrity na si Kris at ng major basketball celebrity na si James mula nang ikasal sila sa isang civil ceremony noong July 10, 2005.
Noon pa man, marami na ang nagsabing sa edad at background pa lang ng dalawa, mahirap nang maging successful ang match nila. Pati raw ang yumaong si Cory Aquino, ayon sa usap-usapan, ay nagsabi kay Kris na maraming pupunuan ang dalawa pag sila ay nagkatuluyan. Gayunpaman, nasunod ang gusto ni Kris.
Ito ang sinasabi nilang pupunuan: Si Kris ay galing sa isang landed at political family, nag-aral sa exclusive schools, malaki ang exposure sa mundo, at isa nang malaking star na may isang anak nang makilala si James. Si James ay galing sa pamilya ng magsasaka, laking probinsiya, umangat ang kabuhayan dahil sa basketball, at isa nang rising basketball star nang makilala si Kris.
Si Kris ay matatas magsalita kahit saang forum, mabilis magdisisyon at kumilos, at tinatawag na media savvy. Alam na alam ni Kris ang laro ng press at kaya nitong depensahan ang sarili. Si James ay kalimitang walang imik, kumportable sa iilang malapit sa kanya, naka-focus sa basketball, at sinasabing media shy. Ayaw na ayaw nitong tinututukan siya ng press, lalo na sa personal niyang buhay, at mukhang hindi pa niya gagap na kalakip na ng buhay nila ni Kris ang media scrutiny.
Si Kris ay 39 years old nitong Pebrero 14; si James ay 28 years old sa Pebrero 15.
Noong February 2007, o wala pang dalawang taon silang nagsasama, pumutok ang malaking isyu ng pagkakaugnay ni James sa isang empleyado ng Belo Medical Group. Dahil dito ay ilang linggong nagkahiwalay sina Kris at James, sa panahong buntis si Kris sa magiging anak nila. Nayanig ang publiko. Ngunit sa bandang huli ay naipaglaban nila ang kanilang unyon at nagkabalikan din sila.
Mula noon ay may ilang insidente pang naibalita ng muntik-muntikanang paghihiwalay ng mag-asawa. Ang pinakahuli nga ay noong nakaraang Pasko, kung saan ang naging isyu raw ay ang mabigat na showbiz iskedyul ni Kris at kawalan na ng panahon nito para kay James. Ngunit, gaya ng dati, nagbati rin sina Kris at James. Ito ay dahil na rin sa pagkilos, ayon sa isang Aquino family friend, ni Noynoy na desididong maisaayos ang pamilya ni Kris.
Sa isyu ni Mayen Austria ngayon, ayon kay Kris, sinabihan niya nang malinaw si James na hindi dapat tumatawag si Mayen sa isang pamilyadong tao upang mag-confide ng kanyang lovelife.
Dagdag pa niya, okay lang sana kung magkasintahan pa lang sina Kris at James. Baka matanggap pa niya kung may ibang babaeng tumatawag dito at iyakan siya ng lovelife nito. Pero ibang usapan na raw ngayong kasal na sila.
Sa salita ng TV host-actress: "I told James, 'You married me. You made this commitment to me. I am your wife. I have my rights as a wife. I will use those rights to protect myself and our children. I will protect my territory.'"
THE ENCOUNTER. Sa pag-uusap nila Kris at James, nabanggit ni Kris na dapat yata ay kausapin na niya si Mayen. Ang intensyon daw niya ay para ipaalam na, bilang asawa, hindi siya sang-ayon sa pagtawag-tawag ng ibang babae sa mister niya, kahit na wala pang masamang intensyon ito. Siyempre pa, hindi gusto ni James ang ganitong ideya. Ngunit walang naipirmi sa usapang ito.
Nakaalis na si James para samahan ang anak nilang si Baby James manood ng Alvin and the Chipmunks nang nakatanggap ng tawag si Kris mula sa kanyang pinsan na si Rina Teopaco, na ninang din ni Baby James. Nagkataong magkakilala naman sina Rina at Mayen.
Sa pagkakakuwento ng Kapamilya star, napag-alaman ni Rina na kumontak si James kay Mayen noong araw ding iyon. Sinabihan daw ni James si Mayen na galit si Kris kaya mag-apologize na si Mayen kay Kris para matapos na ang lahat.
Hindi nagustuhan ni Kris ang pangyayaring kumontak si James kay Mayen para mag-abiso rito. Dito na siya nagdesisyon na puntahan nga si Mayen sa tahanan nitong dalawang kalye lang ang layo. Kasama ni Kris na nagpunta sa bahay ng mga Austria ang isang kaibigan at ang make-up artist na si Bambbi Fuentes, na nang panahong iyon ay nasa bahay ni Kris upang make-apan siya para sa taping ng kanyang teleserye.
Ang buong balak ni Kris ay manatili lang siya sa may labas ng pinto ng bahay ng mga Austria. Gusto rin daw niyang natatanaw siya nina Bambbi na nanatili sa van. Gusto lang daw kasi niya nang maayos na pag-uusap, nang magkalinawan nang walang "awayan," "sigawan," o "iskandalo." At ito nga raw ang nangyari.
Kaya nang nagbukas ng pinto ang ina ni Mayen, at pinapapasok siya, tumanggi raw ito at sinabing doon na lamang siya sa labas. Sabi ni Kris, "The mom knows me because another daughter had a charity before and I donated to it. And they know my cousins." Cordial daw ang lahat.
Kalmado raw ngunit klarong ipinaliwanag ni Kris sa ina ni Mayen ang kanyang sadya. Sinabi niyang nababahala siya sa pagtawag-tawag ng anak nito sa kanyang asawa. Wala man daw itong ibig sabihin, hindi raw ito nakakatulong sa pagsasama nila ni James bilang husband and wife. Hindi raw niya pinagtakpan ang mga problema nila ni James. Sinabi niyang alam naman ng lahat ang pinagdaanan nila ni James, na hanggang ngayon ay may mga isinasaayos pa sila sa kanilang marriage.
Kaya nga raw ang ginagawang pagtawag-tawag ng anak nito kay James ay baka makasulong pa sa "demise of this marriage." Sinabi rin daw ni Kris sa ina ni Mayen na gusto niya talagang patatagin ang kanilang union at nang magkaroon ng kumpletong pamilya sina Baby James at Josh. Nilinaw ni Kris na, ganunpaman, ayaw niyang gumawa ng gulo, kaya raw personal siyang nakikipagpaliwanagan.
Ang sabi raw ng ina ni Mayen ay, "There must be a misunderstanding. Wait, I will call her..."
Sa puntong ito ay lumabas daw si Mayen. Ayon kay Kris, iba raw ang tono ni Mayen nang nagsalita ito sa kanya ng: "James said I should say sorry. But why should I? I didn't do anything wrong!"
Sinabihan naman daw ni Kris si Mayen na pumunta sa isang guidance "counselor" kung gusto niyang humingi ng payo tungkol sa lovelife niya "and not to a married man."
Nang sumagot daw si Mayen na matagal na niyang kaibigan si James, inamin ni Kris na umabot siya sa puntong sinabihan niya si Mayen ng: "Don't cross the line!"
Sinabi raw si Mayen sa kanya na hindi naman daw ganoon kadalas niyang tinatawagan si James. Mula rito ay may ilan pang matatas na exchange ang dalawa, pabalik-balik sa punto ni Kris na huwag nang gambalain ang asawa at sa punto ni Mayen na wala siyang ginagawang masama.
Ngunit sa huli, satisfied daw si Kris na maganda ang inasal niya. Pati nang paalis na raw siya ay maayos daw siyang nakapagpaalam. Nagpasalamat pa raw siya sa ina ni Mayen sa pakikinig sa kanyang saloobin. Ang sa kanya raw ay gumawa siya ng hakbang upang ipaglaban ang kanyang asawa at mga anak, na dapat lang daw gawin ng isang wife and mother.
MAYEN'S WITNESSES. Sinubukan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kunin ang panig ni Mayen mula pa nitong umaga.
Tatlong beses tinawagan ni PEP managing editor Karen Pagsolingan ngayong araw, January 15, ang nakuha naming landline number ng mga Austria. Nakakasiguro kami sa numero dahil galing ito sa isang kaibigan ng pamilya na gradweyt din ng Poveda.
Ang unang tawag ng PEP ay naganap bandang 10:45 a.m., at isang babae ang sumagot. Nang tanungin namin kung puwede naming makausap si Mayen, sinabi nitong: "Wala po, e, umalis."
Tumawag uli kami kaninang 12:15 ng tanghali, pero walang sumasagot ng telepono.
Sinubukan ulit naming tumawag kaninang 1:16 ng hapon, at sa pagkakataong ito ay isang babae uli ang sumagot, pero hindi ito ang una naming nakausap. Nang ipakilala ni Karen ang kanyang sarili at sinabing taga-PEP siya, sinabi ng babae na: "We're not granting interviews. I'm sorry."
Kaugnay nito, isang text message pa ang natanggap ng PEP mula sa isang nagsasabing malapit siya sa pamilya ni Mayen. Si Kris at Mayen daw ay magkaklase dati sa Poveda Learning Center. Sa pamilya raw ng huli nag-o-order ng mga cake para sa birthday ng mga anak si Kris.
Ayon sa text message: "Nag-eskandalo daw [si Kris]. Saksi ang mga teacher ng Poveda na nandun sa house [nina Mayen]."
Dagdag pa ng source, ang January 13 text message daw, na tinitira si Kris, na galing sa sinasabing numero ni Mayen, ay ipinadala umano ng "kapatid nitong si Mia."
Sinubukan naming kumpirmahin ang datos na ito sa pamamagitan ng pagpapadala ng text message sa cellphone number ni Mayen, pero ang sinasabi ng voice prompt ay "the number you have dialled is incorrect."
Ayon naman sa isang broadsheet, kinumpirma ng uncle ni Mayen, na nagpakilalang si Gabby Lopez (hindi konektado sa chairman ng ABS-CBN), ang "panunugod" ni Kris. Si Lopez ay nagbigay ng panayam sa broadsheet. Sampung minuto raw nanatili sa gate ng tahanan ng mga Austria si Kris sa Valle Verde 2 sa Pasig City.
Nasa bahay raw ng mga Austria si Lopez, kasama si Legazpi City Bishop Joel Baylon, nang dumating si Kris. Nakausap din ng naturang broadsheet si Bishop Baylon. Kinumpirma rin niya na nandun nga siya sa bahay ng mga Austria nang dumating si Kris.
Nalaman lang daw ni Bishop Baylon ang nangyari "when Mayen, between sobs, related to us the incident immediately after Kris left."
Ngunit hindi raw niya aktuwal na nakita ang insidente dahil nasa loob siya ng bahay kasama ang isa pang bisita.
Tumanggi namang magbigay ng ibang detalye si Lopez sa insidente. Ayaw na raw nitong makadagdag pa sa "trauma" na dinaranas ng kanyang pamangkin. "All I can say is God sides with who is right and tells the truth," sabi ni Lopez.
Nang hingan pa ng karagdagang detalye, ito ang isinagot ng uncle ni Mayen: "I don't want to answer that, but I now know who I will not vote for."
LAST WORD. Nang balikan ng PEP si Kris nitong hapon, tumanggi na itong magsalita. Nasa taping siya noon ng kanyang teleserye. Sana maintindihan na lang daw namin na, kung siya lang, kakayanin daw niya ang isyung ito. Alam daw niya ang totoong nangyari. Pero nadadamay na daw ang kapatid niyang si Noynoy at ang kandidatura nito.
Nagkapaliwanagan na nga raw sila sa text messages ni Noynoy. Hindi lang daw niya mai-share ang nilalaman ng mga texts dahil pribado talagang mga tao ang kanyang mga kapatid, kahit nakasuong na sa pulitika.
Isa lamang daw ang malinaw. Ipinaramdam daw nang husto ni Noynoy, sa kalagitnaan ng pangangampanya nito for the biggest goal in his life, na mahal niya si Kris at ang buong pamilya nito.
Nang sinabi raw ni Kris na, "Pasensya ka na that my marital crisis is now being used to attack you," sinagot daw siya ni Noynoy, "Let me reiterate, prioritize your family, never mind the campaign."