Your Ad Here

Sunday, January 10, 2010

Rayver Cruz says Sarah Geronimo is worth waiting for


Maganda ang pagsalubong ni Rayver Cruz sa bagong taon dahil may bago siyang afternoon series, ang Magkano ang Iyong Dangal? para sa ABS-CBN. He will be paired with Bangs Garcia at ka-triangle nila si Sid Lucero.



Matatandaang naging malungkot para kay Rayver at sa pamilya niya ang pagtatapos ng 2009 dahil sa pagkamatay ng ama nito. Pero ayon kay Rayver na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Magkano sa Riverbanks, Marikina, naging maayos naman daw ang ang kanilang Kapaskuhan at New Year.



"Sinubukan pa rin naming i-enjoy kahit kulang na kami. Ganun pa rin, noche buena. Tapos ngayon, nag-invite na lang kami ng mga cousins namin para mas marami kami, at least hindi masyadong malungkot. Masaya pa rin ngayong Christmas dahil mas marami kami...



"Pero siyempre, lahat nakaka-miss sa papa ko. Kung kakain kayo, kumpleto kayo. Tapos, magbabatian kayo, di ba? Magbubukasan kayo ng mga regalo. E, ngayon, kulang na, e. Pero, ganun naman talaga, di ba? Nandiyan pa rin naman siya. Nanonood lang siya."



MISSING DAD. Noong mismong December 25, binisita nila ang ama sa sementeryo.



Every year, nakakakuha daw siya ng gift sa daddy niya. "Kahit naman hindi Christmas or hindi ko birthday, binibigyan ako niyan. Ganun kasi siya, e. Very thoughtful so, nakaka-miss."



Kapag nami-miss daw niya ang daddy niya ay nagdadasal siya or binibisita ito sa sementeryo.



"Pero minsan, hindi mo rin talaga mapigilan. Siyempre, tatay mo yun. Kaya minsan, hindi na lang ako nagpapakita sa mga utol ko. Ewan ko sila... kapag umiiyak sila. Siguro, hindi na lang kami nagpapakita. Hindi damayan, e. Siguro nga, dahil na rin kay Mama, ganun na lang.



"Kaya kay Mama, since tatlo kaming magkakapatid, hindi namin hinahayaang naiiwan siyang mag-isa sa bahay. Siyempre, kailangang alagaan namin si Mama. Yun din ang mga huling bilin ni Papa. 'Magpakabait kayo at alagaan niyo nanay niyo.'"



FIRST MATURE ROLE. Pero sa isang banda, masaya rin naman daw siya dahil sa pagpasok ng 2010 may bago siyang show.



"Itong bagong show na ginagawa namin, enjoy ako kasi nga, first time kong gumawa ng ganitong role na kahit paano, more mature.



"Ako si Troy. Magkababata talaga kaming tatlo nina Bangs at saka ni Sid. Tapos, medyo lampa kasi ako noong bata ako. Parang nerdy type. Si Sid, astig talaga siya. Sila talaga. So, noong nagpunta 'ko ng States, pagbalik ko, medyo iba na... Kaya ko nang alagaan ang sarili ko ngayon.



"At simula noong bata kami, in love pa rin ako kay Bangs."



May mga adjustments daw siyang ginawa para magampanan ang first mature role niya.



"Sa porma mas ibahin na. Iba naman yung pang-ASAP at saka dito. At siyempre, habang nagpo-progress ang palabas, since ang New Year's resolution ko, usapan namin ni Matt [Evans], 'Tara, magpaganda na tayo ng katawan.'"



Natutuwa rin si Rayver na naging daan ang Magkano Ang Iyong Dangal? para magkasama uli sila ni Direk Chito Roño.



"First time kong nakatrabaho si Direk sa Spirits noon. Kaya noong malaman ko na si Direk, sobrang na-excite ako na makatrabaho siya ulit. At saka, yun ang pinakauna kong show sa ABS, yung Spirits, so ang dami talagang naituro sa akin ni Direk Chito. Ang dami kong nakuha sa kanya na nagamit ko talaga sa aking pagtratrabaho."



WAITING FOR SARAH. Di maiwasang kumustahin namin si Rayver tungkol kay Sarah Geronimo dahil lantad na may gusto ang binata sa Pop Princess.



"Okey naman po, friends naman po... Hindi pa naman po ako officially nanliligaw kasi nga, alam naman nating bawal pa siya, di ba?... Pero kung darating ang araw na talagang okey na okey na lahat, oo naman, basta puwede na siya, di ba?"



Nalaman ng PEP kay Sarah na niregaluhan niya ito ng paboritong pabango noong Pasko.

"Nag-thank you naman siya... Sabi nga niya, 'Hindi mo naman kailangang magbigay. Ang importante, nakabati ka naman.' Ang bait nga ni Sarah, sobra," giliw sa pagkuwento ang binata.



Willing nga ba siyang maghintay nang napakatagal para maligawan si Sarah?



"Si Sarah kasi, siya ang tipo ng babaeng puwedeng hintayin, very worth it."



Parang nagulat si Rayver nang sabihin naming four years pa raw bago magpapaligaw si Sarah.



Pero optimistic ang binata. "E, ngayon nga lang nagugulat tayo, mam'ya, biglang Christmas na ulit. Hindi naman siguro ganun katagal 'yan. Tingnan lang natin. Mahirap din kasing magsalita, any time can happen."



Wala ba siyang ibang dine-date or nililigawan? Kumbaga, exclusively na ba kay Sarah ang puso niya?



"Hindi ko naman sinasabing si Sarah all the way. Kasi, mahirap magbitiw ng salita. Sasabihin ko sa ngayon, Sarah 'ko, tapos, maraming puwedeng mangyari. Pero masasabi kong special talaga siya sa akin. Yun naman ang importante."
read more "Rayver Cruz says Sarah Geronimo is worth waiting for"

Jennylyn Mercado gives singing career more attention this year

Last year nawalan ng malaking halaga si Jennylyn Mercado at kinasuhan niya ng qualified theft ang dati niyang personal assistant na si Mel Pulmano. Dahil dito ay natuto ang aktres na hawakan ang sarili niyang pera.



"Yes! Hindi tulad noon na panay utos ako, ako ngayon hands-on ako. Tapos once a week nag-te-take time talaga ako na pumunta sa bangko.



"Ako na yung lahat, inaasikaso ko na checks ko, lahat! Na-praning na ako, e. May accountant na ako na nag-aano, nag-aayos lahat, sa BIR [Bureau of Internal Revenue]. Pero sa lahat ng bagay ako na talaga."



Nakapag-move on na raw siya sa karanasang 'yon.



"Ang pera naman, kikitain yun, e, kaya ayoko na lang isipin pa yung mga nawala sa akin."



BLESSINGS. Ang tinitingnan na lang niya ay ang mga blessings na di naman napatid ang pagdating sa kanya.



"Kahit papaano, yung show ko sa GMA 'tsaka yung mga out of town, nakakatulong rin, malaking tulong talaga."



Ang tinutukoy niyang show ay ang Ikaw Sana ng Siyete, kung saan kasama niya si Mark Herras at Pauleen Luna.



Naging cover din siya ng FHM magazine noong November 2009. Hudyat na ba ito ng tuluy-tuloy niyang pagpapaseksi, tulad ng kapwa StarStruck alumna na si Cristine Reyes?



"Hindi naman, wholesome pa din, hindi sobrang sexy," sagot ni Jennylyn.



"Iba naman si Cristine, napakakinis nung tao na yun at napaka-sexy talaga. Ako kahit papaano mommy na ako, e. Naiisip ko pa din yung baby ko."



Ongoing ang season 5 ng StarStruck at pabor si Jennylyn na magkaroon ulit ng mga bagong discoveries ang naturang artista search.



Ang maa-advise si Jennylyn sa mga magiging bagong survivors at avengers ay, "Galingan nila, mahalin nila yung talent nila, matuto silang mag-explore, huwag silang hihintong matuto, at dapat marunong silang makisama sa mga tao, at iwasan ang bisyo."



Pinapayuhan rin ba niya ang mga ito na huwag munang i-prioritize ang lovelife?



"Hindi naman mapipigilan 'yan. Meron akong lovelife nung nasa StarStruck ako pero hindi naging hadlang yun sa trabaho ko."



SINGING CAREER. Napadako naman ang usapan tungkol sa leading man niyang si Mark Herras at agree si Jennylyn sa obserbasyon ng marami na gumuwapo lalo ang dati niya boyfriend.



"Oo naman, tsaka yung katawan niya, nag-improve talaga."



Balita noon na babaero si Mark. Ganyan ba rin ba siya sa tingin ni Jennylyn?



"Hindi ko alam," sagot ng aktres. "Ang tao naman kasi nagbabago, siguro nagbago na siya. Habang nagma-mature naman ang isang tao, nagbabago."



This year, bukod sa pag-aartista ay haharapin rin ni Jennylyn ang pagiging recording artist. Sa end of January ay ire-release ang bago niyang album sa ilalim ng Viva Records.
Bakit nag-decide siyang asikasuhin muli ang kanyang singing career?



"Desisyon naming dalawa ni Tita Becky [Aguila, Jennylyn's manager], kasi parang nakakalimutan na din ng mga tao na kumakanta ako, so makakatulong yung album kong bago para maging active ulit ako as a singer."
read more "Jennylyn Mercado gives singing career more attention this year"

GMA-7 reportedly offering Ryan Agoncillo four shows in exchange for leaving TV5's Talentadong Pinoy


Iba't ibang pangalan ang nabanggit sa mga report tungkol sa offer ng GMA-7 para sa pag-host ng Season 3 ng Survivor Philippines.



Nabanggit sina Chris Tiu, JC Tiuseco, Paolo Abrera, at Dingdong Dantes sa diumano'y kinukunsidera bilang kapalit ni Paolo Bediones to host Survivor Philippines Season 3. Lumipat na kasi si Paolo sa TV 5 kung saan bukod sa paglabas sa TV ay may managerial position din ito sa naturang network.



Hindi nababanggit si Ryan Agoncillo as one of those being considered to replace Paolo gayong siya ang alam naming pormal na binigyan ng offer to host Survivor Philippines Season 3. In fact, isa lang ang naturang reality show sa maraming offers kay Ryan once pumayag siyang pumirma ng one-year exclusive contract sa Kapuso network.



Sa pagkakaalam ng PEP (Philippine Entertainment Portal), in-offer din kay Ryan ang role na Andrew sa Pinoy adaptation ng Endless Love: Autumn In My Heart, na balik-tambalan nina Marian Rivera bilang Jenny at Dingdong Dantes bilang Johnny.



Kasama rin sa offer ng GMA-7 kay Ryan ang isang regular weekend News & Public Affairs program at isang game show.



Lahat ng offers ay matamang pinag-iisipan at pinag-aaralan ni Ryan. Ang kapalit nito'y iwanan niya ang top-rating talent show na Talentadong Pinoy ng TV5, na alam ng lahat na kasabay niyang nagsimula.



Tama kayang iwan ni Ryan ang Talentadong Pinoy kapalit ang four shows na in-offer sa kanya ng GMA-7 at exclusive contract for one year? Hindi ba siya lalabas na walang utang na loob sa TV5 dahil mas nakilala ang husay niyang mag-host nang kunin siyang host Philippine Idol at Talentadong Pinoy, at ngayon ay posibleng iwan niya para bumalik sa GMA-7?



In fairness, bagay kay Ryan ang title na "Pinoy TV's Crossover King" dahil siya lang ang bukod-tanging nakakapagtrabaho ngayon sa tatlong networks: ABS-CBN (George and Cecil), TV5 (Talentadong Pinoy), at GMA-7 (Eat Bulaga!).



Siguradong marami ang magre-react na si Ryan ang gusto ng GMA-7 na gumanap sa role ni Andrew sa Endless Love dahil wala rin siya sa list ng Kapuso viewers na gusto nila sa nasabing role. Ang pangalan nina Mark Anthony Fernandez, Wendell Ramos, at pati si Diether Ocampo ang sina-suggest ng viewers. Pero pare-parehong hindi puwede ang tatlo, lalo na si Diether na isang ABS-CBN exclusive talent.



Ang hindi alam ng fans, hindi ang Autumn In My Heart ang unang soap na in-offer kay Ryan. Kinunsidera rin siya sa isang mahalagang papel sa Captain Barbell dati.



Tingnan natin kung this time, matutuloy na ang pagbabalik ni Ryan sa Kapuso network.
read more "GMA-7 reportedly offering Ryan Agoncillo four shows in exchange for leaving TV5's Talentadong Pinoy"