Your Ad Here

Saturday, February 27, 2010

Regine, spoiled na spoiled sa GMA!


MASAYANG-MASAYA si Regine Velasquez sa bago niyang kantaserye, ang Diva, sa GMA 7. Unang-una, konsepto raw niya `yon, kaya ganun na lang siya kaligaya ngayong ipalalabas na ito.


“‘Yung basic concept lang ang akin. Because I’ve always wanted to do a musical. Kasi before Totoy Bato, medyo nag-hesitate akong gawin ‘yon, kinausap nila ako to do it. I wanted to do this first.
Matagal na ito. Eh, hindi pa kami ready for it kaya nag-Totoy Bato muna kami. Now that we’re ready sa kantaserye, heto na nga! Ha! Ha! Ha!” pahayag ni Regine.


So, ini-spoil siya ng GMA sa bago niyang series dahil base sa plug, maraming kantahan at production numbers.


“Actually, lagi naman akong binibigyan ng chance to voice out any idea. Always naman akong may idea. Lagi naman nila akong pinagbibigyan, so I’m just happy na given the opportunity to voice out what’s in my head. Minsan din kasi, nakaka-frustrate din ‘yung may gusto kang gawin pero hindi mo nagagawa,” paliwa­nag ng singer-actress.


Spoiled daw siya sa Diva para hindi na siya lumipat sa TV 5?


“Sabi! Ha! Ha! Ha! Parang nabuntis din ‘yon! Eve­ry year, nabubuntis ako! Ang dami ko nang anak! Ha! Ha! Ha!


“Bago matapos ang contract, for some reasons, may nakakaalam pag matatapos na ang kontrata ko! Ha! Ha! Ha! Lilipat na ako agad ang tsismis.


“Pero hindi naman. Mas malaki dito! Loko lang! Ha! Ha! Ha! Ahh, of course, both Ogie and I are staying here. We’re happy naman here. As artists, meron kang minamahal na isang show and you want to improve on it!” deklara ni Regine.


Kung bongga ang ideas niya sa Diva, bakit hindi niya ibahagi ‘yon sa SOP?


“Nabibigyan naman ang ideas ko doon. Doon kasi, hindi lang naman ako ang involved. Lahat naman kami nabibigyan ng pagkakataon to voice out our ideas,” sagot niya.


Malungkot ba siya’t mawawala na ang Sunday show nila?


“It’s sad and at the same time, I’m also excited for the upcoming show. Actually, sa SOP, hindi naman ako original na nandiyan. Mas nararamdaman mo ‘yung lungkot kina Ogie at Janno (Gibbs) kasi sila ang original diyan. Originally, I was asked to do it but I didn’t do it because, I felt I wasn’t ready to do TV that time. It was my sister Cacai who did it. But when she left, I took over. And I loved it. I had fun doing the show and I still have fun doing it. It’s really sad, it’s going to say goodbye already. But, just like everything else, everything has its beginnings and it has to end also. Ganoon lang ‘yon,” rason ng Asia’s Songbird.


Pero itinanggi ni Regine na desisyon niyang palitan na ang SOP ng ibang show.


“It wasn’t my decision to do that. Like I’ve said, SOP is a fun show to do. It’s sad that I’m not always there kasi nga, madami akong raket. Now, they will probably see me more in the new show. Kinakarir talaga namin!” tugon niya.


Party Pilipinas ang magiging kapalit na title ng SOP at sey ni Reg, “Happy ako doon. That’s the title na talaga.”


Same people pa rin ba ang mapapanood?


“It will still be the four of us. Jay-R will still be there and Kyla. La Diva, Vocalistas. May ibang look! Maraming mababago sa show pero alam kong napakalaki ng expectations pero sa akin, mas gusto ko lang mag-enjoy. Pinapanood nila kami dahil nag-e-enjoy kami. Minsan lang kasi, hindi masyadong enjoyable!” katwiran niya.


Hindi na siya magkakasakit?


“Sa albularyo kasi ako nagpupunta! Ha! Ha! Ha!” tugon ni Regine.


Ano na nga pala ang balita sa movie nila ni Aga Muhlach?


“We’re still doing it! Epic na ito! Ha! Ha! Ha! Hindi mo ba alam? We’re really trying our best to finish it.

Kinakasya-kasya namin ‘yung schedule. Na-bu­sy ka­ming lahat!” sabi na lang ni Regine.
read more "Regine, spoiled na spoiled sa GMA!"

Bong, biktima ng audio recording scandal!


ITINANGGI na ni Senator Bong Revilla na boses niya ang naririnig sa 45-second audio recording na ginawan ng video, kalat na kalat sa Internet at mapapanood din sa Youtube.


Sa report ni Jun Lalin ng Abante Tonite, sinabi ni Bong na paninira ang voice clip dahil sa mga kandidatura sa Cavite ng kanyang kapatid na si Strike Revilla at misis na si Lani Mercado. Ang mga nakakakilala raw sa kanya ang makapagsasabi kung boses nga niya ang maririnig sa controversial audio recording.


Napakinggan at napanood na namin sa Youtube ang voice clip. Ipauubaya namin sa mga expert ang pag-iimbestiga sa authenticity ng audio recording pero bilang senador, may kakayahan si Bong na malaman ang pinagmulan ng paninira sa kanya.


May dapat ikatakot ang source ng voice clip dahil kung nagawa niya na ipakalat ‘yon, may kapasidad si Bong na magpaim­bestiga at makilala siya.


Kung na-trace ng FBI sa Pilipinas ang Filipino author ng I Love You virus na nag-paralyze sa mara­ming computer sa buong mundo noong May 2000 at natukoy ng NBI ang nag-upload sa Internet ng sex videos ni Hayden Kho, Jr., capable si Bong na hingin ang tulong ng awtoridad para makilala ang mga naninira sa kanya.


***


Hindi lahat ng tao sa Pilipinas ay computer literate. Hindi lahat ng Pilipino ay pamilyar sa Youtube, lalo na ang mga senior citizen at para sa kapakanan ng aming mga tinutukoy, ang mga sumusunod ang mapapakinggan sa voice clip na ibinibintang kay Bong:


“Kaya itong labanan na ito, siguraduhan. Hindi tayo patatalo dito. Nakataya dito ang pangalang Bong Revilla, ang pangalan ko. Nakataya dito ang 2010 ko. Araw-araw nakatutok na ko sa Bacoor at hindi ko hahayaang matalo ang kapatid ko.


“Atin ang pulis. Hepe ng Bacoor, papalitan na ‘yan. Ang COMELEC, mahirap mang sabihin, kung hindi neutral pero hindi tayo papadaya diyan, malamang tayo pa ang mandaya. Matikman nila na sila’y madaya, putangina nila. Hindi kayo nagkamali ng taya at siguradong panalo ito. MalacaƱang, nakasuporta din sa atin.


“Kung sino man nangha-harass sa inyo, kunin nyo ‘yung pangalan, taga-saan at kami na ang bahala dun.”


Hindi si Bong ang una at kilalang personalidad na biktima ng audio recording scandal. Malamlam ang mga mata at parang bata na humihingi ng pang-unawa si President Gloria Macapagal-Arroyo nang magsabi ito sa bayan ng “I am sorry” dahil sa involvement niya sa Hello Garci scandal.


Nasangkot din sa ganitong eskandalo si Lolit Solis, ang manager ni Bong. Ipinadala sa mga radio station at newspaper office ang tape ng pakikipag-meeting ni Lolit sa kampo ni Hayden noong kainitan ng sex video scandal ng doktor na binawian ng lisensya.


Ang pagkakaiba lang, hindi nag-deny si Lolit at lalong hindi siya nag-sorry. Nairita pa si Lolit dahil edited ang audio recordings na ikinalat ng kanyang detractors.
read more "Bong, biktima ng audio recording scandal!"