Your Ad Here

Saturday, March 27, 2010

JC de Vera is grateful for TV5's spotlight on him


Overwhelmed si JC de Vera sa special treatment na nakukuha niya mula sa nilipatang network, ang TV5, lalo na sa very warm welcome na ibinigay sa kanya sa trade launch ng estasyon noong March 25 sa World Trade Center sa Pasay City.



"Para akong ipinanganak ulit... yung excitement kakaiba... Feeling ko espesyal talaga ako," masayang bungad ni JC nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



Grateful daw siya sa "konting spotlight" na ibinibigay sa kanya.



"Ang dami kaagad shows na ibinigay sa akin. Nakakagulat kasi apat na shows agad ang naka-line up. Tapos ginawa kaagad nila akong lead kahit kalilipat ko lang."



DIFFERENT EXCITEMENT. Nasabi niyang kakaiba ang excitement sa TV5, "siguro dahil marami akong gagawin dito na hindi ko ginagawa before like yung hosting. Tapos babalik-sayaw ulit ako. Kakanta ako. Yung mga hindi ko usual na nagagawa, magagawa ko ngayon sa P.O.5."



Ang tinutukoy ni JC na P.O.5 ay ang bagong Sunday noontime variety show ng TV5 kung saan kasama niya sina Lucy Torres-Gomez, Ryan Agoncillo, John Estrada, Alex Gonzaga, Mr. Fu, Tuesday Vargas, Mocha Uson, Chris Cayzer, Gloc 9, at marami pang iba. Magsisimula itong mapanood by second week of April after Holy Week.



Katapat ng P.O.5 ang ASAP XV ng ABS-CBN at ang Party Pilipinas ng GMA-7. Pero ang pagkakaiba nito sa kapwa Sunday variety shows ay hinaluan ito ng games.



"So, parang naging interactive siya," paliwanag ni JC, at "merong ipamimigay na prizes sa mga audience, lucky texters, lucky viewers."



Bukod sa P.O.5, may tatlo pang shows si JC. Aniya, "Lokomoko U. Tapos, gagawin ko yung 5-Star Specials, at isa pang action-fantasy show by May. Hindi pa siya tapos i-develop kaya hindi pa ako makapagdetalye. Inaaral pa nila kung paano nila ito gustong gawin. Teleserye siya."



May naramdaman ba siyang lungkot sa pag-alis niya sa Panday Kids ng GMA-7?



"May lungkot din kasi kasama ako sa pagsisimula ng show. Pero iniwan ko naman yung show na meron akong kapalit. Alam ko na nagawan naman ng paraan ang pag-exit ko."



FIRST TAPING. Nag-start na raw siyang mag-taping last Saturday, March 20, ng Lokomoko U. Kumusta naman ang first taping?



"Masaya. Ni-reformat nila yung show. Halos lahat ng segments kasama ako. Nag-enjoy ako sa taping. Tuwang-tuwa ako sa mga pinaggagawa namin."



Ayon kay JC, ang Lokomoko U ang first regular gag show niya. Kasi guesting lang daw ang ginawa niya sa Bubble Gang noon. Kasama niya sa Lokomoko U sina Alex Gonzaga, Pauleen Luna, Valeen Montenegro, Tuesday Vargas, Caloy Alde, Empoy at Voyz Avenue.



Ano ang feeling na kasama niya sa show ang ex-girlfriend niyang si Pauleen?



"Okay lang kasi nag-work na rin kami before sa GMA. Meron kaming ginawang dalawang shows together, e. Pero for Lokomoko, sa Tuesday pa kasi siya magte-taping, e. Okay naman kami. Wala kaming problema on working together."



Wala na raw ilangan sa pagitan nila. "I'm happy to work with her. Pag may chance talaga, okay agad ako sa kanya, e."



BIG CHALLENGE. Excited si JC sa 5-Star Specials dahil siya raw ang pangatlo na itatampok sa naturang drama anthology, pagkatapos nina Maricel Soriano at Ruffa Gutierrez.



"Tine-take ko siya as a big challenge talaga. Kasi alam kong mahirap yung palabas na yun. At saka medyo similar sa ginawa ko sa kabila [Obra for GMA-7]. And nung time na ginawa ko yung show na yun hirap na hirap talaga ako. As in, doon ko nailabas yung pagod at hirap pagdating sa acting.



"So, this time, very happy ako na meron ulit ganun kasi it's a big challenge for an artist like me na mag-explore ng mga iba't ibang characters na gusto kong gampanan. So, kung ano man yung hindi ko pa nagagawa, makakapag-suggest ako na eto ang gusto kong gawin. So, malaking factor iyon para sa isang aktor."


Mas may pressure ba ngayon to make a bigger name sa TV5?



"Mahirap, yeah, kasi parang sugal, e, hindi mo alam kung ano ang mangyayari. Pero, of course, I'm hoping na makasama ako sa pag-angat ng network, sa pagiging successful nila. Yun lang ang nasa isip ko ngayon.



"For now, gagawin ko lang muna yung mga shows na binibigay nila sa akin. I'm praying na mag-hit ito. May tiwala naman ako sa TV5 na magiging mas malaki pa sila at sana makasama ako sa paglaking ito, sa success na makukuha nila."



Umaasa siyang sa TV5 ay maabot niya rin ang status na naabot nina Richard Gutierrez, Dingdong Dantes at Piolo Pascual.



"Pinagpe-pray ko yun. Gaya nga ng sabi ko, sana sa mas paglaki pa ng TV5 ay makasabay din akong lumaki. Lahat naman ng artist nabibigyan ng chance na i-prove yung sarili nila, kung ano ba talaga ang kaya nilang gawin."



NO MORE HARD FEELINGS. May hinanakit pa ba siya sa GMA-7?



"Wala, wala... yun nga, sabi ko parang reborn, e. Whatever happens noon, iniwan ko na rin doon. Brand new life, fresh start ito para sa akin. Different environment, different people, different bosses and staff, but most probably mas magiging magaan yung pakiramdam ko dito."



Ano talaga ang nagtulak sa kanya para lumipat sa TV5?



"Aside doon sa feud ni Tita Annabelle [Rama, his manager] kay Ma'am Wilma [Galvante, GMA's SVP for Entertainment], isang factor din yung career growth."



Nagpaalam ba siya kay Ms. Wilma bago siya lumipat sa TV5?



"Hindi na ako nagpaalam. Pero kina Ms. Annette [Abrogar], Sir [Felipe] Gozon, Sir [Jimmy] Duavit, nagpaalam po kami. Magpapadala rin po kami ng letter. Pero yung message ko for them idinaan ko na kay Tita Annabelle. So, nakapagpaalam naman kami nang maayos na wala kaming problema at wala kaming nasagasaan. And besides natapos na yung contract ko noong March 14 pa."



Kahit nasa TV5 na siya, malaki pa rin ang pasasalamat ni JC sa GMA.



"Malaki ang utang na loob ko sa GMA dahil nagkapangalan ako at ipinagpapasalamat ko yun. Nakilala ako dahil sa kanila. At ngayong nasa TV5 ako, gagamitin ko ang mga natutunan ko para mas maging magaling na artista."
read more "JC de Vera is grateful for TV5's spotlight on him"

Heart ayaw layasan ang Kapuso


Hindi gagaya si Heart Evangelista sa mga kapwa niya artista na nasa ilalim ng pagkalinga ng talent manager na si Mama Ananabelle Rama na lumipat ng TV5, hindi niya iiwan ang GMA 7. Katunayan, malapit na siyang mag-ren­ew ng kanyang kontrata sa Kapuso network. Sina­bi niyang hinding-hindi niya iiwan ang Siete dahil ito lamang ang kumalinga sa kanya nung mga panahong down siya at ayaw sa kanya ng kapwa niya artista at maging ng ibang istas­yon.

Sa GMA, binigyan siya ng pagpapahalaga at pagtitiwala dahil magkakasunod ang mga programa niya.

May magandang partisipasyon na naman siya sa sisimulang Party Pilipinas sa Linggo. Bu­­­kod sa mapa-praktis niya rito ang kanyang pagkanta ay makakapagsayaw pa rin siya.
read more "Heart ayaw layasan ang Kapuso"

Mark B at Mark H, patalbugan sa kanta at sayaw!


NGAYON pa lang, sinisiguro na nina Mark Bautista at Mark Herras na magiging reMARKable ang performances nila sa Party Pilipinas, na magsisimula na bukas.


At bagama’t parehong Mark ang mga pangalan nila, magkaibang eksena nga ang ipakikita nila.


Ayon sa Pop Heartthrob na si Mark B., handang-handa na siyang mag-enjoy kasama ang mga Kapuso stars sa Party Pilipinas.


“I’m ready to party and I am here to enjoy every minute of the show.”


Samantalang si Mark H. naman ay nangangako na pabibilibin niya nang husto ang audience sa mga bagong dance steps at routines na gagawin niya.


“Maraming bagong dapat mapanood. Saka talagang pangalan pa lang ng show party at celebration na ang ibig sabihin. Kaya siguradong mapapa­sayaw at makiki-party ang mga viewers kahit nasa bahay sila.”


Bukod sa pagkakapareho ng pangalan at pagiging matagumpay sa kani-kaniyang larangan, matatandaan na ang da­lawang Kapuso na ito ay kapwa produkto ng reality-based talent search programs sa telebisyon. Si Bautista ay unang nakita sa telebisyon sa Star for a Night, isang singing contest hosted by Regine Velasquez noong 2003. At si Herras naman ay nakilala bilang kauna-unahan at orihinal na Male Ultimate Survivor sa rea­lity-based artista search ng GMA-7, ang Starstruck.


Pareho ring mabenta ang mga album nina Bautista at Herras.
read more "Mark B at Mark H, patalbugan sa kanta at sayaw!"

Anne, genuine at hindi Belo-made ang boobs!


Bilang contract star ng Viva films, tama lang naman na mag-isyu sila ng statement/ pakiusap na tantanan na ang paga-upload ng single breast exposure ni Anne Curtis.


As if naman may Pinoy na susunod sa pakiusap! Eh ‘di ba naman may reputation ang mga sexy stars ng Viva films noon na lahat sila eh nagkaroon ng breast exposures, like Sunshine Cruz, Dindi Gallardo, Rica Peralejo, Joyce Jimenez, etc? Sina Sharon at Juday lang ang nakaligtas diyan, eh! Muntik na ba, Baby Gil? Hahahaha!


Tulad lang ‘yan ng sigaw ng marami kay Ate Glo na: “Bumaba ka na!” As if naman susundin sila ng Ate Glo ko, noh!


Hayan, now that sunud-sunod na naman ang banat sa Ate Glo ko at pamilya niya, may sympathy even na namang dumating: Ang pagdadala kay FG Mike Arroyo sa St. Luke’s Global City Hospital.
Syempre mangingilin na naman ang mga walang puso at titigil muna sa pagbanat sa Ate Glo kong genius ng school nila ni Bill Clinton!


Well, things do happen in showbiz. ‘Yung iba madalas eh sinasadya para sa limelight.


Nag-iiba lang ng anggulo ‘pag ‘di sinadya at unexpected kaya naiiba ang slant ng news! Pero news pa rin! Good or bad, debah naman?


Kelan naman napakiusapan ang mga excited at mayayabang na nakauna sa scoop? Ay napapakiusapan din naman nga pala sila pag nakiusap kang, “i-send mo naman sa akin oh!”


Don’t worry Ms. Australia, at least napatunayan genuine naman pala ang boobs mo at hindi Belo-made! Hahahaha!
read more "Anne, genuine at hindi Belo-made ang boobs!"

Daiana Meneses, type sipsipin ang dugo ni Piolo!


SI Daiana Meneses ang bagong babae sa buhay ngayon ni Vic Sotto. Hindi na siya ang simpleng co-host ng komedyante sa Eat Bulaga dahil ang Brazilian model na ang “Darling” niya sa comedy program nilang My Darling Aswang na mapapanood sa Kapatid Network, ang TV5. Present nga si Amiga (tawag kay Daiana) sa trade and press launch na inihandog ng agresibong network sa World Trade Center na dinaluhan ng mga bago at dati nang stars ng network. “Exci­ted siyempre ako. Nag-taping na kami ng tatlong epi­sodes. Yes, exciting and very, very challenging for me,” pahayag ni Daiana na matatas nang magsalita ng Tagalog, huh!Kumusta naman si Bossing? “Of course, it’s not my first time to work with him. Aside from Bulaga, because I did Dobol Trobol before. But now, being leading lady, he’s helping me. Kasi, minsan, I don’t know how to project. Paano ‘yung arte ko. Tinutulungan niya ako lahat. He’s very good to work with.

Siyempre, it’s a new family kaya he’s helping me!” paliwanag ni Amiga. Kumusta naman ang pagiging aswang niya?


“Aswang talaga ako eversince. Mukhang vampire talaga ako! Ha! Ha! Ha! So bagay na bagay!” bulalas niya.


Aba, sumisipsip ba siya ng dugo? “Oo, gusto ko ng dugo! Ha! Ha! Ha! Lalo ‘pag Pilipino ang dugo, hay naku! Ha! Ha! Ha! Gustung-gusto ko ‘yan,” pabirong sambit ni Daina.


Marami na ba siyang Pinoy na nasipsipan ng dugo?


“Hay naku, maski half-Pinoy! Ha! Ha! Ha! Ayyy, kayo talaga! Pati Indian! Ha! Ha! Ha! Pero sa ta­ping lang ‘yon,” sambit niya. Teka, ano ba talaga ang totoo sa kanila ni Sam YG o Shivaker? “Well, actually, kahit ako, hindi naniniwala na hindi pa kami! Ha! Ha! Ha! Hindi. We go out. We’re always together. He’s my best friend. But, wala! I don’t wanna have a relationship right now and he knows that. I wanna concentrate in my career and I don’t wanna get hurt! I’m in showbiz,” paliwanag ni Daiana. So, sarado muna ang puso niya sa isang bagong relasyon?


“Alam naman ninyo ang mga guys ngayon, malikot! So, ayaw ko ng relationship ngayon,” sey pa niya.

Baka naman ayaw lang nilang aminin ang kanilang relasyon? “Hindi talaga kami. I don’t have a boyfriend. We go out, we hang out, always together. He’s a very nice person to be with but no commitment! Sa part ko, exclusive dating lang. Naku, ‘pag may tsismis sa kanya, sabihin mo, huh! Ha! Ha! Okey lang ‘yon basta malaman ko ang totoo!” dahilan niya. Hindi naman kaya pagselo­san siya ni Pia Guanio?


“She was the one who sugges­ted me. Isa siya sa closest friends ko sa showbiz. So I end up getting the role,” balita niya.


May kissing scene sila ni Bossing Vic? “Naku, wala naman kaming isyu ni Bossing! He is my friend! He’s very, very professional! Sexy aswang ako rito! Bella ang pangalan ko! Ha! Ha! Ha! Her goal is always to save Vic. Totally, different from the movie!” sambit niya.


Kung real aswang siya, sinong actor ang gusto niyang kagatin at sipsipin ang dugo? “Hala! Ang da­ming guwapo rito sa Pilipinas! Ayokong mag-drop ng name. Huwag na lang! Ang arte ninyo! Ha! Ha! Ha! Teka, kagatin ko si Piolo Pascual! Ha! Ha! Ha! Kung aswang ako, huh! Ang guwapo-guwapo niya. Kagatin ko rin si…Wala.

“Dalawa pa? Sa GMA? Sino ba ang guwapo sa GMA? Meron pero you’re putting me in a situation! ‘Yun na ‘yon! Piolo na lang! Ha! Ha!Ha!” halakhak pa ni Daiana.


Bukod kina Vic at Daiana, nasa cast din ng My Darling Aswang sina Ces Quesada, Wally Bayola, at Jose Manalo.
read more "Daiana Meneses, type sipsipin ang dugo ni Piolo!"

Matteo, tulala sa alindog ni Andi!


PARANG kailan lang, ang taba pa ni Andi Eigenmann, anak nina Jaclyn Jose at Mark Gil. Reaksiyon nga namin nu’ng makita namin noon si Andi, sa­yang ang mukha, na sobrang ganda, dahil sa malusog na katawan.


Pero heto na nga si Andi, nawala na `yung bilbil sa katawan, kaya mas lumutang ang ganda ng mukha niya sa Agua Bendita ng ABS CBN.


Kaya naman ang leading man niyang si Matteo Guidicelli, hindi talaga naiwasang mapa-WOW nang makita ang kaseksihan ngayon ni Andi.


Para kay Matteo, isang malaking karangalan ang maipareha sa isa sa pinakamagandang mukha sa showbiz ngayon.


“Ang ganda ni Andi talaga. I’m so much privileged to be paired up with a fine lady like her. Mesmerizing kasi ang presence niya. There were scenes na natutulala ako sa kanya. I’m also amazed how she handles pressure… with grace I must say,” sabi ni Matteo.


Siyempre, kilig-kiligan naman si Andi sa mga papuri sa kanya ni Matteo. Kung titingnan mo nga si Andi, parang inlab-inlaban na siya kay Matteo.


Pero, bago raw ang inlab-inlaban na `yan, mas gusto ni Andi na ituon muna ang atensiyon sa Agua Bendita.


“Sa totoo lang po, hindi ko po ma-explain ‘yung pakiramdam na finally heto na, napapanood na ako sa Agua Bendita. Both pressured and excited po siguro ako. The whole production team of Agua Bendita waited for the right time. And it has arrived. No turning back na po talaga,” kwento ni Andi.


Anyway, sa paglabas ni Andi, mas marami pang kurot sa puso na mga eksena at mga maka­bagbag-damdaming mga tagpo ang tiyak na kukumpleto sa inyong gabi.
read more "Matteo, tulala sa alindog ni Andi!"