Your Ad Here
Showing posts with label Claudine Barreto. Show all posts
Showing posts with label Claudine Barreto. Show all posts

Thursday, April 15, 2010

Claudine, pinagsaluhan nina TJ at Wendell


PURING-PURI ng mga manonood ang u­nang episode ng Claudine noong nakaraang Sabado, matapos magbigay ng makabagbag-damdaming pagtatanghal sina Claudine Barretto at Raymart Santiago na siyang unang guest ng programa.


Sa susunod na episode, makakasama naman ni Claudine sina TJ Trinidad at Wendell Ramos sa isang madamdaming kwento ng pag-ibig at pagkakaibigan.


Sa episode na pinamagatang “Kahapon, Ngayon at Bukas”, biglang nagbago ang buhay ni Elena (Claudine) dahil sa pag­ka­matay ng asawa niyang si Lemuel (TJ Trini­dad) habang nagtatrabaho ito sa ibang bansa. Sa tulong ng bestfriend ng asawa niyang si Daniel (Wendell Ramos), unti-unti siyang makaka­bangon at makakali­mutan ang lungkot dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa. Sa paglipas ng panahon, di-maiiwasang mahulog ang loob nina Elena at Daniel sa isa’t isa, at sila ay magpapakasal.

Subalit isang araw ay big­lang babalik si Le­muel at madaratnan niyang pinagbubuntis ni Elena ang anak ng pinakamatalik niyang kaibigan. Sa pagbabalik ng lalaking una niyang minahal, magawa kayang iwan ni Elena ang lala­king nagbigay muli ng kulay sa kanyang buhay?


Oh, di ba, pabongga nang pabongga ang mga kuwento ng Claudine. Heto nga at dalawang la­laki naman ang nagsalo sa pag-ibig niya. Tutukan `yan sa Claudine ngayong Sabado pagkatapos ng Pinoy Records sa GMA-7.
read more "Claudine, pinagsaluhan nina TJ at Wendell"

Monday, April 12, 2010

Sige Gretchen, talbugan mo ang akting ni Claudine!


TINUTUKAN namin ang premiere telecast ng Claudine ni Claudine Barretto last Saturday at mas nauna itong umere kesa sa episode ni sister Gretchen sa Maalaala Mo Kaya?

Gayundin ang paglabas ng teen housemates sa bagong edisyon ng Pinoy Big Brother. For lack of better things to do on a Saturday night dahil maaga ang lakad namin kahapon, Linggo.

Sa eksenang nanliligaw na si Jomari Yllana sa role niyang pari na na-in love sa may dalawa nang anak na ginampanan ni La Greta ang inabutan namin sa MMK nang maglipat kami. Sa kabuuan, mas mahaba ang MMK kumpara sa Claudine na mahigit isang oras lang tumagal.

Aling drama ang mas maganda? Sino ang mas maga­ling sa Barretto sisters? Hmmm… Hindi kami cri­tic pero kahit paano, may mas angat sa dalawang shows pero pagdating sa aktingan, magkaiba ng atake ang sisters, huh!Pagdating sa production values, obvious ang angat ng MMK. Hindi tinipid pagdating sa locations. Marami ring supporting cast at kahit kay Greta nakasentro ang kuwento, may nga conflicts pa rin in between kaya kahit luma na ang kuwento tungkol sa babaeng na-in love sa isang pari, nabigyan naman ito ng bagong twist nang i-harass ni Jom ang anak na bagets ni Gretchen na sa bandang huli, pinatawad ng huli upang magkaroon ng katahimikan ang anak na nilapastangan.

Hindi man ipinakitang nagbigti si Jom, naloka lang kami sa eksenang ‘yon dahil parang paa ng babae ang nakabitin, huh! Hindi naman si Gretchen ‘yon dahil siya ang nagbasa ng iniwang sulat ng nag-suicide na asawa, huh!

Sa part na ‘yon nakulangan kami sa Claudine. Kokonti lang kasi ang cast kaya iilang tao ang nakikita sa bawat eksena. Kung hindi sina Claudine at Raymart, sina Isabel at Raymart o Isabel at Claudine ang nasa frame. Eh, si Matet de Leon na friend ni Claudine, ang role ay pasulput-sulpot lang!

Pagdating sa kuwento, very predictable dahil tungkol sa minahal na asawang nagkaroon ng sakit na Alzheimer ang kuwento! So ganoon lang ‘yon. Tumatak lang sa amin ang dayalog ni Claudine sa mother in law niyang si Isabel na, “Siya (Raymart) lang ang nakalimot, ako hindi!”

Limitado nga lang ang kuwento at konti lang ang conflicts. Ang naging feeling lang namin after watching it, ginawang drama ang version ng 50 First Dates nina Adam Sandler at Drew Barrymore! Sa halip kasi na ga­wing komedi ‘yung mga eksena, drinama ito at sa halip na videos ang ginamit ni Claudine sa pagpapaalala kay Raymart ng happy moments nila, mga pictures ng masasayang araw nila!

Pagdating sa aktingan, mas suwabe ang atake ni Claudine sa role. Kumbaga, restrained ang acting niya na very Nora Aunor, huh! Hindi naman kasi kailangan ng hysteria dahil limitado ang role niya.

Hindi kagaya ni La Greta na demanding ang role niya. Hysterical at restrained acting ang ipinamalas niya at may moments din siyang epektibo, huh! Hirap nga lang siya sa ilang Tagalog dayalog dahil hindi niya ito nasasabi nang tuwid.

Unlike Claudine na effortless sa madadramang dayalog, huh! Mas madali nga lang matandaan ang acting ni Gretchen dahil binigyan talaga siya ng mara­ming eksena na kailangan ng aktingan. Para bang gustong iparating ng nasa likod ng MMK na, “Sige, Gretchen, talbugan mo ang acting ng iyong younger sister! Last chance mo na itong MMK! ” Ha! Ha! Ha!

Hayan, hindi talaga napigilan ang sabong ng Barretto sisters nu’ng Sabado pero patikim pa lang ang nangyari nu’ng Sabado. Mas lamang nga lang si Claudine dahil 26 weeks tatakbo ang anthology niya habang si Gretchen, hindi pa alam kung kelan ipalala­bas ang kanyang teleserye!
read more "Sige Gretchen, talbugan mo ang akting ni Claudine!"

Sunday, April 11, 2010

Claudine, mas mahusay umarte kay Gretchen


INDI man sabay na umere ang Claudine ni Claudine Barretto at Maalaala Mo Kaya ni Gret­chen Barretto, nag-abot pa rin ang mga show ng da­lawa nu’ng Sabado nang gabi.

Mas maagang pumasok sa ere ang kay Claudine, at makalipas ang 30 minutes ay pumasok na ang show ni Gret­chen. Sa totoo lang, nahirapan kami na ilipat nang ilipat ang TV namin para lang matutukan ang performance ng magkapatid.

In fairness, parehong nagbigay ng intense ac­ting sina Claudine at Gret­chen sa kani-kanilang mga dramatic scenes. Mas lamang nga lang si Claudine sa kanyang ate pagdating sa husay sa pag-arte, dala na rin marahil nang pagi­ging mas matagal na niya sa circulation bilang talent ng Kapamilya Network at sunud-sunod na pagbibida sa mga series sa loob ng pitong taon.

Mas kontralado ni Claudine ang kanyang acting. Na-master na nito kung saang pagkakataon siya iiyak nang todo at kung saang moment lang tutulo ang kanyang luha na hindi niya kinakaila­ngang humagulgol.Samantalang luhaan ng bonggang-bongga si Gretchen sa mga dramatic highlights niya pero kailangan naman ‘yun sa sitwasyong pinagdaanan ng kanyang pamilya.

Nakatulong marahil ang problema sa pamilya ni Gretchen dahil feel na feel nito ang eksena nila ni Dexter Doria na gumanap na ina niya. Ito ‘yung sinasabi ni Gretchen kay Dexter ang pagpupumilit niyang ma­ging independent pero sa tuwing nadadapa ito ay la­ging nakaagapay ang kanyang pamilya sa kanya.

Maliban sa acting, kapuna-puna na mas lutang ang ganda ni Claudine kesa sa kanyang ate. Hindi namin alam kung dahil sa character ni Claudine na hindi poor sa kuwento kumpara kay Gretchen na ang character na ginagampanan ay mahirap.

May mga eksena si Gret­chen na maganda siya kahit walang make-up, pero may eksena siyang hindi talaga bagay ang pagkaka-pouty ng lips niya.

Well, in any case parehong pinatunayan ng Barretto sisters na may ibubuga sila sa acting at aminin man nila o hindi nakatulong ang isyu sa kanilang dalawa para panoorin ang kani-kanilang mga show.
Magkakaalaman na nga lang kung kaninong programa ang mas pinanood ng TV viewers, kung ang kay Claudine o kung kay Gretchen.
read more "Claudine, mas mahusay umarte kay Gretchen"

Claudine pinipigilang iyakan ang away nila ni Gretchen


Pigil na pigil ang pag-iyak ni Claudine Barretto nang mag-guest siya kahapon sa Startalk para i-promote ang kanyang drama anthology sa GMA 7 na nag-umpisa kagabi.

Muntik nang mapaluha si Claudine dahil napag-usapan ang tampuhan nila ng kanyang Ate Gretchen.

Tama ang kutob ng mga tao na may hidwaan ang magkapatid kaya naging emosyonal sila sa pagta­tapat kagabi ng kanilang mga show.

‘Yun nga lang, hindi natin malalaman ang da­hilan ng tampuhan nina Claudine at Greta dahil tumanggi ang una na magkuwento. Bago siya nagpunta sa Startalk, nakatanggap si Claudine ng text message mula sa kanyang mga magulang na nagbilin na huwag na siyang magsalita tungkol sa isyu.

Mahal ni Claudine ang kanyang ama at ina. Mahal din niya si Gretchen kaya hindi na nagsalita si Claudine para hindi na humaba ang isyu.
read more "Claudine pinipigilang iyakan ang away nila ni Gretchen"

Friday, April 9, 2010

Claudine mas dapat isipin ang timbang kesa kay Greta


Worried si Claudine Barretto dahil pagtatapatin sila ng kanyang Ate Gretchen Barretto na hindi pa niya nakakabati ay malamang makagalit niyang muli. Wish niya na sana hindi magamit ang kapatid niya laban sa kanya. Kung magagawa niyang iatras ang Claudine, sana ginawa na niya. Ang kaso, can’t affrord na itong ma-postpone muli.

Pero kung ako silang magkapatid, hindi ko na bibigyang bigat ang pagiging magkapatid, basta I will do my best para mapaganda ang trabaho ko. Kahit sino pa ang makakatapat ko, trabaho lang ’yun, walang personalan.

Ang maipapayo ko kay Claudine, she should lose some weight. Sayang ang galing at ang mukha kung sa halip na mag-compliment ang katawan at talento ay mag-clash pa ito.
read more "Claudine mas dapat isipin ang timbang kesa kay Greta"

Wednesday, April 7, 2010

Juday at Claudine, tuloy ang bombahan!


Initial telecast ng dramaserye ni Claudine Barretto sa GMA7 sa Sabado na ang unang kapareha niya sa tapusang episodes ay mismong mister niyang si Raymart Santiago. Pero dahil sa pagmamahal ni Gret­chen Barretto sa sister niya ay sasabayan niya ito ng MMK naman niyang kabit ng isang pari ang role niya.


Well, magtapatan man ang magkapatid na Barretto, sigurado namang isang victory for the Barretto clan ito dahil na-conquer ng magkapatid ang dalawang mag­kalabang network na GMA7 at ABS-CBN.

Na bihirang mangyari at ngayon lang mangyayari sa year 2010.


Marami naman ang nagtaka at nagulat kung bakit nanduon daw kami sa presscon ng Claudine? Bakit naman hindi? Eh suki naman ako ng lahat ng GMA presscons. Bakit maiiba pa ang kay Claudine? In fact, alas-kuwatro pa lang ng hapon ay nanduon na ako sa I-Republik where I had a meeting with Dindo Fernando’s widow Cory na sabik na akong makita uli after almost ten years na ‘di kami nagkita.

Doon namin pinalipas ang oras hanggang sa umabot kami ng 7:00 pm at naglakad na lang ako patungo sa Events 55 place kung saan idinaos ang solo presscon ni Claudine.


Nu’ng araw na ‘yun ay lumabas sa mga pahinang ito ang tungkol sa magkapatid na Barretto at ang hiyaw ng isang Juday fan na tantanan na ng mga Barretto si Juday. Akala pala ni Claudine ang presence ko doon ay may war freak stand. Ninerbyos daw si Claudine nu’ng makita ako. I was out smoking nu’ng pasalamatan daw ako ni Claudine over the microphone kaya ‘di ko nadinig ang mga sinabi niya.


Well, my presence sa presscon ni Claudine was nothing special except to prove to our colleagues in the writing field that nothing is ever personal sa mga birada namin sa mga artista kundi isang paalala ‘yun na its up to them kung pakikinggan nila o hindi.


Sundin man nila ang mga payo namin o hindi, it does serve others na ‘di namin pinatutungkulan pero nakagawa ng katulad na pagkakamali and thus repent and mend their ways.


Nu’ng mainterbyu naman ako with came­ras na nakatutok sa amin ni Claudine, ipinaliwa­nag ko namang alaga ko noon ang sister niyang si Gretchen nu’ng maliliit pa sina Claudine at Marjorie Barretto.

Kami ng mommy Inday nila at daddy Mike ang magkatsika.


Binanggit ko pa nga na nakasabay ko sa airport sina Inday at Mike Barretto nu’ng papunta kami ng London at madalas kaming magkita ni Mike sa Subic Bay International Hotel during the time na may business pa siya doon till 2007.

When I saw Claudine’s dad ay masigla na ito and healthy mula sa pagkakasakit niya.


Kahit ang mga fans ni Claudine desires to fight with Juday’s fans, I know na natural lang ‘yun sa mga fans, ang ipagtanggol ang idolo nila at ipag­yabang. Nangyayari din ‘yan sa tunay na buhay sa mga lalaking may kanya-kanyang syota na gusto eh mas maganda ang isa kesa doon sa syota ng bes­pren.


Ako naman ay tumanda na sa piling ng nagbabangayang mga fans mula pa kina Nida Blanca vs. Gloria Romero, Amalia vs. Susan, Nora vs. Vilma, Maricel vs. Sharon, hanggang kay Juday.


Natural lang sa local showbiz na dapat may katapat o kalaban ang isang artista para pag-usapan, pagtalunan, pag-awayan para mas sumikat at manatili sa public attention. The more na pinag-uusapan at pinag­tsismisan ay lalong nananatili sa public eye. Kundi na pinag-uusapan at pinagkukumpara, ‘yun ang panahong nakakatakot na dahil araw ng pag­lubog na ng buwan!


Nanduon si Raymart Santiago na sorpresa pala ang presence dahil nang tanungin ko si Claudine kung nasan si Raymart eh sinagot niyang nasa bahay raw at nagbebeybi sit. ‘Yun pala eh may surprise appearance si mister kasama ng mga anak nilang sina Sabina at Santino.


Nilapitan kami ni Ray­mart na komo la­king-showbiz ay hindi namersonal sa anumang isinulat namin laban sa misis niya. Raymart also grew under our very eyes dahil kaibigan namin ang ama niyang si direk Pablo Santiago at ka-mahjong namin ang mother niyang si Celing (Cielito Legaspi na dating artista ng Larry Santiago Productions, Larry being the brother of Pablo), so may malalim na pinagsama­han din kami ng mga Santiago.


Si Randy Santiago nu’ng nag-aaral pa ay nainterbyu din ako sa first talk show kong “Star Ka!” nu’ng 1980 na kaila­ngan daw sa isang subject niya in school. At si Ro­well naman ay naging alaga rin namin during his romance with Sharon Cuneta sa Viva Films. So what is there to fight about? I know where Juday stands at kung saan ang lugar naman ni Claudine.


Sorpresa rin pala ang message ni Juday for Claudine, eh nabanggit ko agad kay Claudine kaya ‘di na ito nagulat, pero ina­bangan niya ang sinabi ni Juday. So, all is well that ends well ba? Hindi pa. Active pa sina Juday at Claudine kaya wala pang katahimikan sa paligid at magpapa­tuloy pa rin ang bombahan.


Sa lahat ng mga presscons na dinaluhan ko, that was the only time na kami na lang nina Claudine at mga bossing ng GMA7 ang naiwan sa venue. Kahit na presscons pa ni Juday ay maaga akong tumatakas. First time lang ako hindi kinati ang mga paa para tumakas na. I even told Claudine na ‘yung mga floral arrangements na iniuwi ko ay iaalay ko sa altar ni Sto. NiƱo at Nazareno para ang dramaserye niya ay ma­ging toprater ng GMA. It will only happen kung susuportahan din ni Claudine ng dasal ‘yun para mas ma­ging epektibo ang alay namin sa ating Panginoong Diyos!


Oh ano, mas epek­tibo ba ang drama namin kesa Claudine dramaserye ng gabing ‘yun? Kaya abangan sa Sabado ng gabi ang pagsisimula ng bagong kabanata sa buhay-artista ni Claudine Barretto sa GMA.

Okay ba kai?
read more "Juday at Claudine, tuloy ang bombahan!"

Tuesday, April 6, 2010

Claudine, nagpa-lipo ng mukha?


NAMAMAGA nang husto ang mukha ni Claudine Barretto sa gues­ting nito sa Showbiz Central noong Linggo. Si Raymond Gutierrez ang nag-interbyu kay Claudine at allergy ang paliwanag niya tungkol sa pamamaga ng mukha ng aktres pero may mga nagdududa na thermage procedure at face liposuction ang dahilan.


Allergy, face liposuction o thermage procedure man ang rason, pinabilib kami ni Claudine sa professionalism na ipinakita niya dahil may sapat na dahilan para i-cancel ang kanyang live guesting sa Showbiz Central.Imbes na mag-back out, pumunta pa rin si Claudine sa studio para i-promote ang kanyang self-titled drama anthology sa GMA 7 na mag-uumpisa sa darating na Sabado.


Inalagaan ni Rico Gutierrez (Showbiz Central) si Claudine dahil puro long camera shot ang kanyang ginawa. No close up shot, isang rare chance na hindi nagsabi ang isang artista ng “I’m ready for my close up”.
read more "Claudine, nagpa-lipo ng mukha?"

Sunday, February 28, 2010

Claudine, pinagsabihan ni Raymart na tigilan na si Mark Anthony!


SA Pre-Pageant ng Bb. Pilipinas 2010 ay muli naming hiningi ang reaksiyon ni Claudine Barretto tungkol sa paulit-ulit na paghingi ng sorry ni Mark Anthony Fernandez sa kanya, dahil sa hindi natuloy na movie project nila.

Nu’ng oras na `yon, tila kalmado na si Claudine. At sabi niya, gustuhin man daw niyang mag-react, kailangan na niyang tumigil.
“As much as gusto kong mag-react, pinagsabihan na ako ng asawa ko (Raymart Santiago) na tigilan ko na. Tutal matutuloy na ang movie kaya tama na iyon. Huwag na nating pahabain pa,” nakangiting sabi ni Claudine na isa nga sa mga judges ng Binibining Pilipinas 2010.
Anyway, ibinalita na rin ni Claudine na sisimulan na niya ang kanyang unang show para sa GMA-7, ang SRO Sinemaserye na magiging isang drama anthology, na kung saan ipi-feature siya sa iba’t ibang episodes.

“I just had a pictorial for SRO and it’s going to be a drama anthology na. They already showed me scripts for the episodes na gagawin ko. Excited na ako to act again. Matagal din akong hindi nakaranas ng pag-arte on TV.

“Magaganda ang mga storylines na pinakita nila sa akin and we might start taping na by March. Kaya abangan na lang nila ‘yung SRO kasi iba’t ibang istorya ang mapapanood nila and I will be working with the stars of GMA-7,” kuwento ni Claudine.

Lilipad din for the US si Claudine dahil sisimulan na niya ang shooting para sa kanyang movie sa Viva Films at GMA Films, ang In Your Eyes. Kasama niya sa movie sina Richard Gutierrez at Anne Curtis.

“We might start shooting it in April. Kasi nga this March, we will start muna with the TV drama. Magbabangko muna kami bago ako umalis for the US. May ite-tape rin kasi na pang-SRO episode sa US. Kaya I might stay there for over a month.

“This is my first time to work with Richard Gutierrez. Though matagal ko na siyang kilala at pati na ang family niya like si Ruffa na naging kaibigan ko noon pa, Tita Annabelle Rama and Tito Eddie Gutierrez, nga­yon ko lang talaga siya makakatrabaho.

“With Anne naman, it’s also my first time with her. Kahit na nagkakasalubong kami o nagkakasabay ang guestings namin sa ABS-CBN 2 before, she’s a very nice girl and I am happy to work with her,” lahad pa ni Claudine.
read more "Claudine, pinagsabihan ni Raymart na tigilan na si Mark Anthony!"