GAWAD Parangal sa mga ginintuang bituin ng pelikulang Pilipino, reads the brochure sent to me by event organizer director Nick Lizaso honoring 8 decades of the lead stars of their Golden Era as in the 1930’s pa to the present. Wala pang pormal na katawagan ang unang parangal na ito like Oscar or Famas.
A historic first in the field of cinema, the awards will pay tribute to acting talents who not only contributed to the golden age of Philippine cinema, but who also epitomize such values as dedication, discipline, excellence and professional integrity. They are being extolled to provide models and exemplars for the new generation to emulate.
The event is hosted by our friend Butch Francisco with Nick J. Lizaso as executive director. It will be held today, Friday, March 5, 2010 at the Mo. Consuelo Barcelo Theatre, La Consolacion College Manila, Mendiola Manila.
Judy Ann Santos was given the single honor to hand the awards to all the honorees since Judy Ann is the only one representing her generation of today. Such honor ay ipinagpapasalamat ni Juday as another blessings na bumubuhos pa rin sa kanya.
From the 1930s stars Mila del Sol, Anita Linda, Delia Razon, Rosa Rosal, Gloria Romero, Lolita Rodriguez, Marlene Dauden, Lilia Dizon, Emma Alegre, Gloria Sevilla, Perla Bautista, Caridad Sanchez.
Isang dosenang bituin na naging kinatawan ng kani-kanilang dekada.
***
Sa palagay ko naman sa loob ng dalawang dekada ay namemorya na ninyo o napansin na ‘pag nakatambal ni Juday sa TV man o sa movies ay nagiging sikat at matindi rin ang staying power ‘pag inalagaan ng lalake ng tamang diskarte.
Siguro naman ay alam na rin ninyo na mula kay Wowie de Guzman to Derek Ramsay ay nabigyan na ang ABS-CBN at Star Cinema ng mga leading men na pinakikinabangan nila until now. Si Derek na huling nakatambal ni Juday sa teleserye na “Ysabella” at ngayon ay sa “Habang May Buhay” ay buhay na buhay pa rin at naging ultimate international leading man na. Kasi tanging si Derek among Juday’s leading men ang very vocal sa pagsasabing kundi kay Juday ay wala sana siyang tinatamasa ngayong tagumpay.
Kung nangyayari man ang “milagro” ngayon ng sobra-sobra sa mga kasama niya ngayon sa “Habang May Buhay” ‘yun ay dahil sa tumagal ng two years and one month bago naisa-himpapawid ang nurserye nila. Dapat kasi taun-taon ay may bagong napapasikat si Juday, pero naipon nga ngayon kumbaga parang every year din ang dating ng grasya.
Si Bangs Garcia na introducing dapat sa “Habang May Buhay” ay nainip na yata kaya humayo na at nagparami ng raket kaya hayan at may sarili na ring afternoon soap at bida na sa “Magkano Ang Iyong Dangal?”
“Extra” pa lang sa “Habang May Buhay” si PBB big winner Ejay Falcon, hayun at nauna pa siyang nakatapos ng “Katorse” at may “Tanging Yaman” na ngayon!
Sumikat na rin si Joem Bascon at nagbida na sa indie films and thru direk Jerry Sineneng’s guidance ay humusay na sa pag-arte.
Si Will Devaughn na akala eh hindi lalabasan, hayan siya at bida na rin sa “Loving Me, Loving You” at nahasa na rin sa Tagalog niya.
Pati si Marc Abaya ay may “Pilipinas Got More talents”, ha! Extra lang din si Marc sa “Habang May Buhay”.
Wish ko lang kay direk Jerry na pati sana si Josh Superdakota ay mabigyan na rin ng big break sa ABS. Uhum, baka naman nagmamaramot si direk Jerry?
Ha! Ha! Ha! Ha!
Mula sa “George & Cecil” ay natangay pa ni Juday ang “Mara Clara” kontrabida niyang si Gladys Reyes dito sa “Habang May Buhay”. At ang direktor niya sa “Habang May Buhay” na si Wenn Deramas ay siya pa ring direktor niya ngayon sa Juday-Sarah movie nilang “Hating Kapatid” sa Viva Films at kabi-kabila na ang iba pang movies at teleserye ang dinidirek ngayon ni Wenndy.
Ang lahat ng mga ‘yan ay nagdaan sa pinagpalang mga kamay ni Juday! So, ano pang mga proofs ang kailangan para mawala na ang pag-aalinlangan ninyo sa sinasabi kong good luck na dala ni Juday sa TV at pelikula?
Ah, kailangan nga pala “with my blessings” or else may maghahain ng isang platong kamote! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!