Your Ad Here
Showing posts with label Dindong Dantes. Show all posts
Showing posts with label Dindong Dantes. Show all posts

Wednesday, April 14, 2010

Dingdong, ‘di apektado sa ‘dalagang ina’ isyu ni Marian!


NAAPEKTUHAN daw si Marian Rivera sa isyung may anak na siya, ayon mismo sa boyfriend niyang si Dingdong Dantes.

“Tao rin naman siya. Tumutulong na nga lang siya, gumagawa na nga ng mabuti, eh, nami-misinterpret pa. I’m not saying na hindi maganda ang pagiging image na may anak. Hindi naman ibig sabihin pangit ‘yun.“Pero siyempre, may ibang nanay ang bata at hindi natin tinatanggal ang recog­nition na ‘yun,” sambit ni Dingdong.

Pero, sa relasyon nilang dalawa, ni katiting daw ay hindi nakaapekto sa kanila ‘yung isyu na dalagang ina si Marian. Alam naman daw nila ang katotohanan.

At sa tanong na kung sakali ba na may anak na nga si Marian, sagot lang ni Dong, wala pa rin daw magbabago sa pagtingin niya rito.

Anyway, very open naman si Dingdong sa pagbibigay ng kanyang buong suporta sa presidentiable na si Senator Noynoy Aquino. In fact, sa AYOS NA (Advocacy for Youth and Students for Noynoy Aquino), pinangungunahan nga niya ang kampanyang Prinsipyo Ko, Walang Presyo.

Ayon sa aktor, magkakaroon ng big event sa May 1 kung saan inaasahan niyang dadalo rin ang iba pang celebrities na naniniwala sa kanilang advocacy.

Pero, totoo nga ba na siya pa ang gumagastos sa kampanya ni Sen. Noynoy?
“Minsan, pero okey lang naman. Alam ko naman na kailangan at ‘yung perang ‘yun, alam ko naman na kahit ibigay ko, hindi naman ako mababalda pa,” natatawa niyang sabi.

May milyones na ba ang nailalabas niya?
“Wala! Hindi pa naman tayo umaabot sa ganun,” nakangiting sabi na lang ni Dingdong.
read more "Dingdong, ‘di apektado sa ‘dalagang ina’ isyu ni Marian!"

Tuesday, March 2, 2010

Dingdong, bagong host ng Survivor Philippines


BALITANG si Dingdong Dantes ang magiging bagong host ng Survivor Philippines Season 3. Mula sa isang source, mukhang si Dingdong na ang napili para pu­malit kay Paolo Bediones na mag-host sa isa sa pinakamalaking reality competition show franchise ng GMA-7.


Kung matatandaan ay si Paolo Bediones ang host nito for two seasons bago ito magdesisyon na maging exclusive talent na ng TV5. Marami ang nagtatanong kung sino ang puwedeng pumalit kay Paolo among the many Kapuso talents. At lumabas nga ang name na Dingdong Dantes.


Pero bago pa man daw na piliin si Dingdong, una raw itong in-offer kay Richard Gutierrez, pero imposible raw na magawa niya ito dahil punung-puno na ang schedules niya hanggang early part ng 2011. Kasama nga sa pinaghahandaan ni Ri­chard ay ang pagbabalik ng telefantasya na Captain Barbell.


As for Dingdong, sa June na nga raw magsisimula ang telenovela nila ni Marian Rivera na Endless Love.

Good for one season lang daw iyon at kaya na nitong gawin ang Survivor Philippines Season 3. Isang buwan lang naman siya mawawala para i-shoot ang buong season sa isang undisclosed location.
read more "Dingdong, bagong host ng Survivor Philippines"

Saturday, February 13, 2010

Dingdong Dantes appeals to Comelec to reconsider Fair Election Act


Kahit na kasalukuyang nasa Spain ngayon ang actor na si Dingdong Dantes, very much aware pa rin ito sa biglaang paglabas ng ruling ng Comelec, ang Republic Act 9006 o ang Fair Election Act, kunsaan, kung talagang ii-implement ito, siguradong marami sa mga artista ngayon ang posibleng maapektuhan.


Ibinalita kahapon sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na nag-uusap na ang mga taga-Ayos Na (Advocacy for Youth and Students for Noynoy Aquino) hinggil sa paglabas ng naturang batas.



Ayon din sa talent manager ni Dingdong na si Perry Lansigan nang makausap nito ang actor, pag-uwing pag-uwi raw nito galing ng Spain ay siguradong makikipag-usap at makikipag-meeting ito sa mga bumubuo ng Ayos Na.



DINGDONG'S STATEMENT. Kanina, nakatanggap ang PEP ng text message mula mismo kay Dingdong kunsaan nakasaad ang kanyang official statement regarding the Fair Election Act para sa mga katulad niyang artista.



Ito ang nilalaman ng kanyang text message:



"The Comelec rule prevents artists from participating responsibly in a very important political exercise. It even deprives some artists the chance to earn extra income only because they are working in a candidate's campaign.



"Worst, it forces many artists like me who are volunteering for Kuya Noynoy Aquino for free, to choose between making a decent living and making a difference in a supposedly democratic exercise. I appeal to the sense of reason of the Comelec and Supreme Court to clarify the present issue and what I perceive as a flaw in the law.



"I request legal luminaries to guide and support us on this important issue. Most of all, I call on my friends and fellow workers in the industry to make our common stand."
read more "Dingdong Dantes appeals to Comelec to reconsider Fair Election Act"

Friday, February 12, 2010

Dingdong Dantes is now in talks with Ayos Na leaders to address Fair Election Act implementation


Sa pagpapaalala ng Commission on Elections (Comelec) tungkol sa Fair Election Act or Republic Act 9006—na ipinatupad "to enhance the holding of free, orderly, honest, and credible elections through fair election practices"—ay maraming mga artistang nag-e-endorse ng mga kakandidato ang naapektuhan.



Isa na rito ang matinee idol na si Dingdong Dantes, lalo pa't nagbigay na ng official statement ang home network nitong GMA-7 na nagsasabing nakikiisa sila sa pag-i-implement ng Fair Election Act na noon pang February 2001 naaprubahan. (CLICK HERE to read related story.)



Si Dingdong ang National Lead Convenor ng Advocates of Youth and Students for Noynoy Aquino (Ayos Na). Iba't ibang lugar sa Pilipinas ang iniikot ni Dingdong at ng mga staff at elasers ng Ayos Na para ipabatid sa lahat, lalo na sa mga kabataan at estudyante, ang layunin ng kanilang organisasyon. Isa na rito ay makakalap ng volunteers para sa kampanya ng presidentiable na si Senator Noynoy Aquino ng Liberal Party.



Nang lumabas ang paalala ng Comelec tungkol sa Fair Election Act or Republic Act 9006, wala sa bansa ang aktor at posibleng early next week pa ang balik niya sa Pilipinas. Nasa Spain ngayon ang aktor kasama ang rumored girlfriend nitong si Marian Rivera.



Upang hingin ang reaksiyon ni Dingdong tungkol sa bagong development na ito ay minabuti ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kausapin ang manager niyang si Perry Lansigan.



Ayon kay Perry, sa pakikipag-usap niya kay Dingdong sa telepono, naipaabot na niya ang naturang balita. Bagamat nasa Spain ngayon ang aktor ay nakikipag-usap na rin daw ito sa staff ng Ayos Na.



Pag-uwi raw ni Dingdong mula sa Spain, makikipag-meeting ito agad sa kanyang mga kasamahan. Depende sa magiging meeting nila, malalaman kung ano ang puwedeng mangyari at kakahinatnan ng pagiging National Lead Convenor ni Dingdong ng Ayos Na.
read more "Dingdong Dantes is now in talks with Ayos Na leaders to address Fair Election Act implementation"

Monday, February 1, 2010

Dingdong Dantes says YPF's book run became complete because of Marian Rivera's presence


Naging very successful ang kauna-unahang event ng Yes Pinoy Foundation para sa taong 2010. Ito ang book run kunsaan ay co-presentor ng Yes Pinoy ang National Bookstore. Dingdong Dantes, the founder of Yes Pinoy Foundation, himself is an endorser of the country's giant book and school-supply chain.



More than 2,000 katao ang bilang ng mga tumakbo sa YPF's first-ever book run, na ginanap sa Bonifacio Global City kahapon ng umaga, Linggo, Enero 31. As early as 4 a.m. ay marami ng runners ang na nasa lugar, na naka-set magsimula ng 5 a.m. Lalo pa't yung iba, sa mismong oras na rin na yun nagpa-register.



"Sobrang nagpapasalamat ako sa lahat ng dumating," sabi ni Dingdong sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Hindi magiging successful ito kung hindi dahil sa donation nila and much more yung actual participation."



Dugtong pa niya, "It's a very noble thing. Gaya ng sabi ko, nag-donate sila, hindi lang nagbigay ng pera, but more, pumunta sila, naglabas ng pawis at hirap para sa isang magandang cause."



Definitely, may naka-line-up na raw na next project ang Yes Pinoy Foundation para pa rin sa scholars nila. Ito ay dagdag pa sa mga mga proyekto nila ng pag-rehabilitate ng mga eskuwelahan, matapos ng bagyong Ondoy and Pepeng last year.



Kahit naging successful ang naganap na book run, posible raw na by 2011 na ang Part 2 ng ganitong event for YPF.



Mismong si Dingdong ay sumamang tumakbo sa 5K run.



"Okey naman, maganda ang umaga. Okey naman siya," nakangiting sabi ng GMA-7 primetime actor. "Second time ko pa lang tumakbo. Pero kapag may time, tumatakbo lang ako sa bahay namin or kaya sa treadmill."



Naging maganda raw ang experience niya sa ikalawang pagtakbo kung kaya't nandun ang urge na gawin niyang muli.



"Kakaiba, ang sarap ng feeling, especially on a Sunday morning!"



CELEBRITIES JOIN THE RUN. Marami ring celebrities ang nakita ang PEP na gumising nang maaga at tumakbo, tulad nina Gabby Eigenmann, Carl Guevarra, Arthur Solinap, Luis Allandy, Miriam Quiambao, Boy2 Quizon, Paolo Paraiso, at maging ang girlfriend ni Senator Noynoy Aquino na si Shalani Soledad.



Natutuwa raw talaga si Dingdong na personal na nagtanong tungkol sa book run at nag-participate pa ang mga celebrity na ito.



"Yun kasi ang gusto kong iwasan," paliwanag ni Dong, "yung hangga't maaari, ayokong magkaroon ng personal favor. Wala talaga akong personal na pinapunta. Kusa silang pumunta. Kaya nga mas malaking karangalan para sa amin at sa foundation na dumating sila at dumalo sila."



Sinabi naming halos lahat yata ng pinapasok niyang proyekto ngayon—either for his personal causes or for his career—ay nagiging matagumpay.



"Well, siguro, if you really put your heart into it, at hands-on ka sa lahat, at klaro ang objectives mo, I think everything naman will be successful," sabi niya.



MARIAN'S PRESENCE. All-out naman ang suporta sa kanya ni Marian sa naturang book run.



"Naging kumpleto dahil nandito siya," sabi ng aktor.



Okey rin daw sa kanya kung itutuloy-tuloy ni Marian ang pagtakbo.



"As long as it is healthy for her, as long as she likes it, bakit hindi?" nakangiti niyang sabi.



Inamin naman ni Dingdong na nang mauna siyang makarating sa finish line at malamang tumatakbo pa si Marian, binalikan at sinundo niya ang aktres.

"Siyempre, gusto kong malaman na okey siya."



TRIP TO SPAIN. Excited na rin naman daw si Dingdong na makilala ang daddy ni Marian na nakatira sa Spain.



"Oo naman," sambit niya. "Pero siyempre mas excited ako na magkita sila dahil matagal silang hindi nagkita."



Pagdating sa napipintong pagsama niya kay Marian papuntang Spain, hindi pa rin ito makapagbigay ng konkretong sagot kung tuloy na tuloy na nga ba sila dahil ngayong araw, February 1, pa lang daw niya malalaman kung naaprubahan ang visa niya.



Wala pa rin daw silang itinerary pagdating nila ng Spain.



"Mabilis namang gawin yun, e. Sa Dubai, meron na kasi producer naman ang nag-ayos nun. Yung sa Spain , I feel positive about it, so ayoko na munang isipin," saad ni Dingdong.
read more "Dingdong Dantes says YPF's book run became complete because of Marian Rivera's presence"

Thursday, January 28, 2010

Dingdong encourages more people to run with him for a cause


Over a thousand runners have already registered and more are expected to join as Dingdong Dantes and Yes Pinoy Foundation’s “fun-book-run” culminates on Jan. 31 at 5 a.m. at the Bonifacio High Street, Taguig City.

According to Catherine Ilacad, one of Yes Pinoy Foundation’s trustees and owner of Posh Nails, one of the events sponsors, she is encouraging people to register, have fun, be fit and at the same time help their cause. The fun run was organized with National Bookstore as its main advocacy partner. The goal is to generate books for public elementary and high school students whose schools and libraries were affected by last year’s major calamity – Typhoon Ondoy.

Every person who signs up with either 3K, 5K or 10K run is encouraged to donate an elementary or high school book. This lowers the joining fee to P400. Without a book, the fee is P450 which is the average fee for joining races in the country. Interested parties can join personally at R.O.X. Store in Bonifacio Street
“According to the Department of Education, P2 million-worth of books were damaged during the flood caused by the typhoons last year... whatever we generate from this fun run, we will choose the school na kung saan maraming na-damage na libraries and schools most affected and they will be our beneficiaries,” explained Dingdong Dantes. The schools and libraries they plan to rehabilitate are from Cainta, Rizal, Laguna, Marikina and Muntinlupa.

The fun run is also Yes Pinoy Foundation and National Bookstore’s second charity work together. Their first was Project Aklat launched in December 2009.

“Our Project Aklat was successful that we wanted a follow-up that would jumpstart the year 2010. We decided on a ‘book run’ and so far it’s drawing a lot of participants,” shared Dingdong.

The actor also expressed enthusiasm about their partnership with National Bookstore. The popular nationwide book chain and school supplies store will always support the projects of Yes Pinoy Foundation.

“We’re a new foundation that needs funds for a greater purpose. We built Yes Pinoy from scratch and we’re very hands-on with our projects. So we always appreciate everything that’s donated or what we earn because it doesn’t go to us but to the foundation and its beneficiaries. Our goal is to be successful for our foundation’s causes,” stressed Dingdong.

From the registration fee, each runner will receive a Singlet which is powered by an RF I.D. that will record the person’s race performance digitally. There will also be a lot of giveaways from the race’s sponsors. Their major sponsors are San Marino, Mario D’ Boro, PGA Cars, Goldilocks, Nature Valley, Rudy Project and DMCI Homes. The actor has also invited celebrity friends to join the fun run but is not confirming who would be available at 5 in the morning. Marian Rivera, his rumored real life girlfriend, wants to join Dingdong but everything is dependent on her taping schedules. And “Darna’s” last taping day, according to insiders of the show, would be this Saturday, Jan. 30.

“Definitely it will be one fun morning for everybody. I don’t know yet which run I will join but the most important thing for me is to make sure the runs are successful. I want to make everyone happy,” he smiled.

As to his charity works being a prelude to a future political career, Dingdong said no.

“Often kasi when we do something that is from the heart, that is nice or that is for a great cause, there would be some people who would think that way. But this has been an ongoing advocacy since I was a kid... nasa kanya-kanyang hilig lang yan. Others may be very successful at what they do and they may have their own way of giving it back to those in need. Not necessarily putting up a foundation, but my point is, this is my way of giving back to society, masarap lang siya kasi nagkakaroon ng balance sa pagkatao and my blessings,” he pointed out.

For 2010, Dingdong revealed that his focus will be on doing good movies and helping good causes. In line for him are – a summer movie with Marian Rivera, the hard action fantasy “Andong Agimat” and the TV series “Endless Love.” He is also leaving for the States as a guest performer in the concert series of Ogie Alcasid and Regine Velasquez.

How does he see himself in 2010?

“If there’s one thing that I would like to be known, it is as a three-dimensional person... I want to be someone that you see the same anywhere… this year I really want to focus on doing nice movies like ‘Kimmy Dora’ which was very significant to me. I want to be part of something that would make the industry richer,” he replied.

And how does he keep himself grounded?

“I believe that it is in one’s personality. It is not learned at hindi rin siya naituturo. Pero nasa values siya na nakuha mo all throughout the years. From all the experiences na naranasan mo ikaw mismo ang momolde sa sarili mo. Ako kasi simple lang ang mga gusto ko kaya ganun lang,” was his humble answer.
read more "Dingdong encourages more people to run with him for a cause"

Monday, January 25, 2010

Dingdong Dantes denies he's going to Spain to ask Marian Rivera's father for her hand


Ilang lugar na sa Pilipinas ang napupuntahan ni Dingdong Dantes kaugnay ng Ayos Na! (Advocates of Youth and Students for Noynoy Aquino). Last Saturday, January 23, nagtungo ang Kapuso star sa Davao City at Davao del Norte para sa launching doon ng Ayos Na! at upang mag-imbita na rin ang mga kabataan at estudyante na sumapi sa kilusan.



Sa tantiya ni Dingdong, nasa 20,000 youths na raw ngayon ang registered members nila. Pero 500,000 youths and students ang target nila kung kaya't marami-rami pa ang dapat nilang puntahan at anyayahan upang maging volunteers sa 2010 elections.



"Kasi yung mga 20,000 na yun, meron silang kanya-kanyang task to recruit nine for each," banggit ni Dingdong nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng entertainment press sa Hijo Plantation sa Davao del Norte noong Sabado.



DINGDONG'S FULFILLMENT. Saksi ang writer na ito kung anong klaseng dedikasyon at pagod ang ibinubuhos ni Dingdong bilang National Lead Convenor ng Ayos Na!. Ano ba ang sense of fulfillment niya in doing all his tasks?



"Well, unang-una, malayo sa ginagawa ko, sa trabaho ko bilang artista. Pangalawa, I am enjoying myself... May mga responsibilities kasi, may duties kasi ang bawat citizen na minsan, wala tayong chance na magawa. Pero ito ang perfect chance for me to contribute something kahit in my own small way," paliwanag ng matinee idol.



Tinanong din ng PEP si Dingdong kung hindi ba siya nakakaramdam ng kahit katiting na takot now that he is actively participating in the presidential campaign of Sen. Noynoy Aquino kahit sabihin pang ang focus niya ngayon ay para sa Ayos Na!. Hindi ba siya nangangamba na baka magkaroon ng kaguluhan sa mga lugar na pinupuntahan niya?



"E, galing na ako dun!" natatawang sabi ni Dingdong. "Kagagaling ko nga lang sa barilan. Pero excited pa rin ako na makatulong. No, e... nothing will stop someone who has dream and advocacies."



Ang tinutukoy ni Dingdong ay ang pagdalo niya sa fiesta ng San Carlos City, Pangasinan noong April 28, 2007. Sa naturang event ay binaril ang mayor ng San Carlos City na si Julian Resuello. Namatay si Mayor Resuello pagkaraan ng dalawang araw dahil sa natamo niyang mga sugat. (CLICK HERE to read related story.)



May oras pa naman daw na nailalaan si Dingdong para sa mga ganitong activities niya bukod sa kanyang trabaho bilang aktor.



OFF TO SPAIN? Bukod kay Dingdong, very vocal din ang rumored girlfriend niyang si Marian Rivera sa pagsuporta kay Noynoy. Makakasama rin ba ni Dingdong si Marian sa pagbisita niya sa mga probinsiya pag hindi na masyadong busy ang aktres sa taping ng Darna?



"Oo," sagot ng aktor. "Pagkatapos na pagkatapos ng Darna, e, sasama na siya sa pag-iikot namin. Kung saan naka-schedule."



Next week ay pansamantalang mawawala si Dingdong dahil pupunta sila ni Marian sa Dubai bilang guests sa concert nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Pero tiniyak ni Dingdong na kahit wala siya sa Pilipinas ay tuloy-tuloy lang ang events ng Ayos Na! sa iba't ibang lugar.



"Tuloy-tuloy sila kahit wala ako. Tuloy-tuloy pa rin ang organization, like magkaroon ng ParaƱaque next week, pero wala ako dun. Tapos sa Valenzuela, yun, nandoon ako."



May balita na after their Dubai show ay tutuloy sina Dingdong at Marian sa Spain upang bisitahin ang ama ng aktres. Pero hindi pa raw ito kumpirmado, ayon kay Dingdong.



"Hindi pa sigurado kasi yung visa, medyo namemeligro pa. But I'm hoping... Malalaman ko kasi kung mare-release or hindi on the day itself na pag-alis ko ng Dubai," sabi ni Dingdong.



On Marian's part, wala raw problema sa visa nito dahil Spanish passport ang hawak ng aktres. Tinanong ng PEP si Dingdong kung sakali lang at hindi ma-release agad ang visa niya, tutuloy pa rin ba si Marian sa Spain kahit wala siya?



"Siyempre, hindi," ang nakangiting sagot ni Dingdong.



Biro naman namin kay Dingdong, kaya tuloy iniisip talaga na hihingin na niya ang kamay ni Marian sa daddy nito?



"Hindi, hindi..." ngiti pa rin niya. "Eto na lang, kung sakali man, madali namang bumalik dun. May visa na, e. At saka alam ko, ang visa, yearly yata, e. So, kung mag-e-expire, e, di magre-renew ulit."



Sa April naman daw ay siguradong mag-o-overlap na ang schedules ni Dingdong for taping, shooting, and campaign sorties. Sisimulan na kasi nila ni Marian ang taping ng pagbabalik-tambalan nila sa telebisyon, ang Pinoy version ng Koreanovela na Endless Love, at pelikula nila para sa GMA Films.
read more "Dingdong Dantes denies he's going to Spain to ask Marian Rivera's father for her hand"

Thursday, January 14, 2010

Dingdong Dantes and Yes Pinoy Foundation to launch "Book Run"


Hands-on talaga ang aktor na si Dingdong Dantes sa kanyang Yes Pinoy Foundation (YPF). Kuwento nga ng YPF staff sa PEP (Philippine Entertainment Portal), kahit wala na raw halos tulog sa kanyang showbiz commitments si Dingdong, tutok pa rin ito sa pangunguna sa mga meeting para sa kanilang foundation, na inaabot kadalasan ng ilang oras.



Since YPF was launched last August 21, 2009, tuloy-tuloy ang pagsasagawa nila ng mga makabuluhang proyekto. Ngayong 2010, ang pagkakaroon ng Book Run, na gaganapin sa Bonifacio High Street sa January 31, ang unang project ng YPF, kasama ang Beowulf Mediaworks, Inc. at sa pakikipagtulungan ng National Bookstore.



Kaugnay ng event na ito, isang presscon ang ipinatawag ng YPF kahapon, January 12, sa Centerstage, Timog Avenue, Quezon City.



RUN FOR A CAUSE. Maagang dumating si Dingdong sa press conference upang ipaliwanag kung para saan ang "Book Run" na ilulunsad nila.



"We plan to receive donations ng books from the runners, yung mga magre-register," sabi ni Dingdong. "On top of 400 pesos na ire-register nila, magdo-donate sila ng books para sa Foundation. With that, lahat ng proceeds na makukuha namin at madye-generate namin from this fun run will go to Yes Pinoy Foundation Oplan: Restore Paaralan."



Ayon kasi sa Department of Education (DepEd), humigit-kumulang sa P3 billion, o tatlong milyong libro, ang halagang nawala dahil sa mga bagyong Ondoy at Pepeng.



"Siguro, when all the while we thought tapos na lahat ng naging epekto ng calamities, hindi tayo aware that there are public schools who still don't recover from the loss, especially dun sa mga nasirang libraries, nasirang classroom. Much more na binahang mga libro. So, that's what we plan to donate sa mga public school na nangangailangan ng libro. Much more, yung mga nangangailangang mag-rebuild ng structures ng educational institution," pahayag ng aktor.



Consistent si Dingdong sa pagsasabi kung ano ba talaga ang goal niya in putting up YPF—education for the youth.



"I believe kasi, education ang pinakamalakas na tool at pinakamalakas na katangian na pupuwedeng ibigay sa isang kabataan. So, it's one thing that I would like to protect," saad niya.



YPF hopes to gather at least 2,000 runners na maaring pumili sa 3K, 5K, at 10K legs for the men's and women's divisions. May nakahanda rin daw silang prizes from their sponsors para sa mga mananalo.



Dugtong pa ni Dingdong, "Puwedeng mag-log on at www.yespinoy.org, or puwede rin personal na mag-register sa R.O.X. store on Bonifacio High Street."



MARIAN WILL RUN. May mga ilang kapwa-artista na ring kinausap si Dingdong para makasama sa Book Run. Ilan sa mga ito ay ang mga kasamahan niya sa PPL management ng manager niyang si Perry Lansigan, at siyempre, ang girlfriend niyang si Marian Rivera.



"Actually, marami pa," sambit ni Dingdong. "Nagte-text pa lang ako ngayon. So, kung sinuman ang gustong magising ng alas-singko at tumakbo for a good cause and, at the same time, for their own good health, e, very welcome."



Noon pa man ay sinasabi na ni Dingdong na si Marian ang isa sa inspirasyon ng YPF. Kaya naman sa halos lahat ng projects and events ng Foundation ay nandoon ang actress.



"Well, dapat may taping siya. So, I think ite-taping na niya lahat ng episodes niya bago mag-31st. Kasi pagdating ng February 1, aalis na rin kami for Dubai. So, dapat matapos na rin lahat. Siguro, bilang last day na rin niya ng 30 [para sa Darna], she will try to be there," ani Dingdong.



After Dubai, matutuloy ba ang plano nila ni Marian, na sasamahan niya sa Spain, para makilala ang ama nito nang personal?



"Balak talaga namin yun," sabi ni Dingdong. "Pero hanggang ngayon, wala pang necessary documents. So, hangga't hindi ko pa hawak yun, siyempre, hindi ko pa masasabing tuloy na tuloy na siya."



May mga relatives din daw si Dingdong sa Spain na puwede niyang puntahan at bisitahin at ma-meet din nila ni Marian.



"I'm also excited to see kung paano sila dun, di ba? Yung kapatid din ng Mommy ko has been living there for over 30 years, so gusto ko rin makita siya."
read more "Dingdong Dantes and Yes Pinoy Foundation to launch "Book Run""