Your Ad Here

Friday, January 29, 2010

Angelica: Hard to switch off Krissy


Angelica Panganiban is totally into Krissy, whom she popularized on the gag show, “Banana Split.”

“When I’m with friends, I switch to Krissy talk. Pati pagtawa n’ya nagagaya ko. I have trouble turning her off,” Angelica told Inquirer Entertainment over dinner in Jaro, Iloilo.

Krissy is Angelica’s impersonation of Kris Aquino. She has copied the controversial TV host’s trademark squeal, sing-song laughter and kolehiya speech. “At first, I was just mimicking Kris. As the show progressed, I began breathing life into Krissy,” said Angelica.

Angelica said Krissy brought her and Aquino closer. “I’m thankful that Kris is cool with it, hindi pikon. I send her gifts once in a while to show my gratitude,” she said.

The actress plays the lead role in the newest Kapamilya drama program “Rubi,” premiering Feb. 15. She said Rubi is a difficult character to portray. “She’s good and bad at the same time,” Angelica explained. “It’s also hard to snap back to my real self right after doing Rubi. I can’t be a scheming woman when the camera rolls and become me again when it stops. Luckily, the production team is very understanding. They don’t take me seriously ’pag mainit ang ulo ko.”

Krissy for Ilonggos

On Saturday night, Angelica once again became Krissy to entertain an Ilonggo crowd of 12,000 in a show at the Robinsons Place Ledesma Carpark here.

Kapamilya stars Jake Cuenca, Maja Salvador, Jason Abalos, Shaina Magdayao and Cacai Bautista were also in the show, which was part of the three-day Dinagyang Kapamilya Karavan.

The day before, “Tanging Yaman” star EJ Falcon was special guest in the 3rd Kapamilya Dance Showdown at the SM City Events Center in Manduriao.

The program was hosted by Josh Misajon, of the early morning magazine show “Sikat sa Iloilo,” and MOR 91.1 FM radio jock Smarty Sam. DzMM radio host Winnie Cordero joined an afternoon of games with Ilonggos, also on Saturday.

Held Sunday at the Freedom Grandstand on J. M. Basa Street was the Dinagyang Hati-Hati Tribe Competition, aired live on www.abs-cbnnow.com from 7:30 to 11:30 a.m. Local talents wore shirts that say “Bilib sa galing ng Pinoy,” one of many designs launched recently by ABS-CBN Regional Network Group (RNG) and Fiesta Shirts.
read more "Angelica: Hard to switch off Krissy"

Chynna Ortaleza forms an all-girl group with Ryza Cenon and LJ Reyes


Ilang linggo nang napapanood na nagpe-perform sa musical-variety show na SOP ang bagong group nina Chynna Ortaleza, Ryza Cenon, at LJ Reyes na pinangalanan nilang SH3.



Kilala na as solo artists/actresses sina Chynna, Ryza, at LJ, pero bakit nila naisipan to form a sing-and-dance group? Ito ang tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Chynna nang makausap namin siya.



Paliwanag niya, "Kasi nga, di ba, matagal na rin naman kaming tatlo sa SOP? So, parang ako naman, naisip ko, gusto ko lang din naman na may bagong makita ang mga tao sa 2010. Iba naman yung makikita nila sa aming tatlo nina LJ at Ryza."



Ayon kay Chynna, ang nag-conceptualize daw ng kanilang grupo ay walang iba kundi ang kanyang ama, si Mr. Gryk Ortaleza.



"Nakitaan niya kami ng potential sa 'Sayaw One' ng SOP. So, feeling niya, puwede kaming bigyan ng songs na kaya naming kantahin na magki-click sa mga tao. Last year pa namin ginawa, mga November, then kinausap ko sina LJ and Ryza na, 'Ano, gawa tayo ng group?' Luckily, game sila at okey naman kasi matatalik kaming magkaibigan.



"Last year, ni-record namin yung 'Move' at saka isa pang original before end of 2009. Saka kami nag-present sa SOP since yun ang regular show na variety. Okey naman dahil sila Ms. D [Darling de Jesus], Sir Rams [David] and staff, natuwa naman sila sa idea. Then, nagulat na lang kami nang binigyan nila kami ng oppoprtunity."



SH3. Ang SOP na rin daw ang nagbigay sa kanila ng pangalang SH3.



"SOP gave us the name. S stands for sizzling, H for hot sizzling hot female. Kaya 3 sa dulo dahil tatlo kami," paliwanag niya.



Hindi rin daw sila aware na may SHE group din pala sa Taiwan. Although, magkaiba naman sila ng spelling at meaning.



"Yung sa kanila naman yata, parang representation ng pangalan nila, their initials. Kaya gumawa ako ng blog entry sa fan page ng SH3 sa Facebook, dun ko in-explain na hindi namin intention na kumopya. In the first place, hindi kami aware na may ganung group sa Taiwan. Ang focus naman kasi namin, yung dito sa Pilipinas. Kung ano ang existing OPM artist, wala naman," paliwanag ni Chynna.



Anong klaseng group ba ang SH3?



"Pop talaga, tapos aside from that, sing and dance talaga. At nakilala kaming tatlo sa dancing sa SOP. Alam naman natin kung gaano kahirap sumayaw at kumanta. Nasa process kami na every performance namin, pagandahin nang pagandahin. Girl [group] siya na nagpe-perform talaga."



Dugtong pa niya, "Siyempre, kine-cater namin yung existing fans na namin as individual artists. And since artista kami, masa pa rin. Aside from that, siyempre gusto rin namin na sana ma-inspire namin ang teens ngayon."



So far, naka-focus daw sila sa appearances nila para mas lalo pang maging aware ang tao sa kanilang grupo aside sa appearance nila sa SOP. Pero ang ultimate goal daw ng SH3 ay ang magkaroon ng album na ang ire-release nilang tracks ay may halong covers at original compositions gaya ng "Move."



Pero wala bang conflict ang pagiging grupo nila as SH3 sa respective career nila as individual stars?



"Actually, yun din ang kinaiba ng grupo namin. Before kami binuo, individual artists na kami. So, kilala na kami bilang artista na ngayon sama-sama kami sa isang grupo. Kesa yung maiisip ng mga tao na, 'Sino 'yan?' At the same time, nagkakaroon pa kami ng another feather. Kaya sa SOP nga, kapag ini-introduce kami, parang triple treat—singing, dancing, and acting."



Masaya raw si Chynna dahil the first time na nakita silang mag-perform, maganda naman daw ang feedback na natatanggap nila.



"Oo, magaganda naman, happy naman kami," sabi niya. "Siyempre, meron pa rin na hindi natin maiiwasan, may nega feedback, pero that makes us strive better and work harder. So that makita ng mga tao na tama ang desisyon namin na pumasok sa isang territory. Exciting siya at pati kami, nasu-surprise sa sarili namin."



Tungkol naman sa mga kinakaharap na problema ng SOP, naniniwala si Chynna na maiaangat pa nila ito.



"Kami sa SOP, gusto namin, laban lang. Hindi kami nadi-dishearten. Cycle naman sa buhay 'yan. Minsan okay, minsan hindi. So, laban lang kami. Habang nandiyan, laban lang, go!" pahayag niya.
THE LAST PRINCE. Bukod sa SH3 at sa SOP, Chynna is also in the cast of The Last Prince kung saan ginagampanan niya ang papel ni Lourdes, isa sa kontrabida sa buhay ni Kris Bernal. Masaya raw silang lahat sa magandang pagtanggap ng mga tao sa kanilang programa.



"Happy kaming lahat sa set. Kapag nasa taping nga kami, yung mga tao, especially yung mga bata, talagang kilala na kami kung ano ang character namin kahit sabihin na sandali pa lang din naman siyang umeere. So, happy kami na maganda yung feedback sa rating at sa performance na rin ng show," saad ni Chynna.
read more "Chynna Ortaleza forms an all-girl group with Ryza Cenon and LJ Reyes"

Marian Rivera: "Hindi ako lilipat dahil masaya ako bilang Kapuso."


Nagulantang ang fans ni Marian Rivera nang unang mabalitang lilipat siya sa ABS-CBN after her contract with GMA-7 expires. Ayon pa sa news item, ang Endless Love: Autumn In My Heart na ang last soap ni Marian sa Kapuso Network at lilipat na siya sa Kapamilya network.



Nasulat pang kapag lumipat sa ABS-CBN si Marian, hindi na si Popoy Caratativo ang kanyang manager. Ibang tao na rin daw ang nakikipag-usap on her behalf sa Kapamilya network.



Upang kumpirmahin ang balitang paglipat ni Marian sa ABS-CBN, tinawagan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Popoy. Natatawang "no comment" ang sagot ni Popoy sa amin, pero nangako siyang tatawagan niya kami sa tamang panahon.



Sunod na tinanong ng PEP ang rumored boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes tungkol sa diumano'y pag-alis ng aktres sa GMA-7. "Nope," "it's not true," at "there's no truth to that" ang sagot ni Dingdong. Tinanong pa nga niya kami kung saan galing ang balita.



Nang makausap ng entertainment press si Marian sa Dinangyang Festival sa Iloilo, nag-"no comment" din siya at itinuro ang kanyang manager para siyang sumagot sa pangungulit ng press. Pero wala rin kaming nakuhang malinaw na sagot.



MARIAN FINALLY ANSWERS THE QUESTION. Muling nakausap ng PEP si Marian sa taping ng Darna sa grotto sa San Jose Del Monte, Bulacan noong Miyerkules, January 27. Ang isyung pag-alis niya sa GMA-7 para lumipat sa ABS-CBN ang unang itinanong sa kanya and this time ay diretso na niya itong sinagot.



Totoo ba ang mga balitang lilisanin na niya ang Kapuso network?



"Hindi ako lilipat kasi masaya ako sa GMA-7. Hindi nila ako pinababayan at marami akong work," mariing sabi ni Marian.



Totoo bang may kumausap kay Popoy tungkol sa kontrata niya sa GMA-7 at kung kailan ito mag-e-expire at nag-offer ng kontrata?



"May nagtanong lang naman, hindi offer yun," paglilinaw niya. "Nagtanong lang ng mga bagay-bagay kay Popoy at kung sinuman ang taong yun, huwag na nating sabihin. Ang sigurado lang at final na ito, hindi ako lilipat dahil masaya ako bilang Kapuso. Ano pa ba ang hihilingin ko? Good projects ang ibinibigay sa akin at binigyan din ako ng title [Primetime Queen of GMA-7]."



Nang sabihin ng PEP na hindi lang ang fans niya ang matutuwa sa kanyang ipinahayag, kundi pati na rin ang GMA-7 dahil hindi pa rin pala sila mawawalan ng "Primetime Queen," tinanong ni Marian ang kasama naming taga-Corporate Communications department ng Kapuso network kung totoong nabulabog sila sa balita. Nang umoo ang tinanong, natawa na lang si Marian.



"Nakakatawa naman at pati kayo nag-isip na aalis nga ako sa GMA Network. Hindi nga ako aalis, happy na kaya ako dito at final na 'yan," wika ni Marian.



Isa sa mga project na gagawin ni Marian ay ang Endless Love: Autumn In My Heart na balik-tambalan nila ni Dingdong Dantes. Naurong sa April ang start ng taping nila at sa June naman ang airing nito. Hindi pa lang sigurado si Marian kung si Joyce Bernal pa rin ang magdidirek ng Pinoy adaptation ng Koreanovela na ito dahil magko-concentrate daw ang direktor sa pagdidirehe ng pelikula. Si Joyce ang nagdirek ng tatlong primetime series na pinagsamahan nina Marian at Dingdong: Marimar, Dyesebel, at Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.



DARNA BIDS FAREWELL. Mixed emotions naman si Marian sa nalalapit na pagtatapos ng telefantasya na Darna dahil mami-miss daw niya ang mga kasamahan niya rito, pati na ang direktor nilang si Dominic Zapata. Mami-miss din daw niya ang pagsusuot ng costume ni Darna.



Hindi na idinetalye ni Marian ang mga susunod na episodes, pero sinabi niya na lahat ng mga nakalaban niya ay magsasama-sama hanggang maging isang tao na lang. Kung paano ito gagawin, bahala na raw si Direk Dom.



Ano ang mga natutunan niya sa Darna?



"Disiplina, kumain ng healthy food, at mag-exercise dahil ang pangit ng matabang naka-harness!" tawa ni Marian. "Bawal ang tamad, kailangang mag-exercise, mag-stretching man lang bago ako i-harness."



Mami-miss niya ba ang Darna?



"Definitely! Absolutely! Lahat ng soap ko at karakter ko na-miss ko at minahal ko," sagot ng Primetime Queen ng GMA-7.



BOOK RUN. Tiniyak din ni Marian na nasa Book Run siya ng Yes Pinoy Foundation, na pinangungunahan ni Dingdong, sa The Fort ngayong Linggo, January 31. Pipilitin daw niyang makahabol dahil the night before, last taping day ng Darna at susunod ang dinner ng buong cast at production crew.



"Hindi man ako makatakbo, hahabol ako para mag-give ng award. After the taping, didiretso na ako sa The Fort. Nakiusap na ako kay Ate Edlyn [Tallada-Abuel, executive producer] na tapusin ako ng maaga para makapag-prepare naman ako. Hindi na ako matutulog, maliligo na lang ako."
read more "Marian Rivera: "Hindi ako lilipat dahil masaya ako bilang Kapuso.""

Coco Martin's camp refutes report that the actor does not like working with Kris Aquino and Kim Chiu


May lumabas na report sa isang tabloid na nagsasabing "napaplastikan" diumano si Coco Martin kina Kris Aquino at Kim Chiu, co-stars niya sa primetime series ng ABS-CBN na Kung Tayo'y Magkakalayo. Pinagtatawanan daw kasi nina Kris at Kim ang mga isinusuot ni Coco.



Ayon pa sa balita, nag-dialogue daw si Coco sa executive producer ng Kung Tayo'y Magkakalayo na marami na siyang naipon para mabuhay ng isang taon at kung puwede ay patayin na siya sa istorya dahil ayaw niyang makatrabaho ang "mga plastic." Ginagampanan nina Kris at Kim ang papel ng stepmother at stepsister ni Coco sa Kung Tayo'y Magkakalayo.



Upang linawin ang isyung ito, minabuti ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kunin ang reaksiyon ng manager ni Coco na si Biboy Arboleda.



Nagpasalamat muna si Biboy sa amin dahil sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na linawin ang isyu. Pagkatapos nito ay tuluy-tuloy na ang naging pahayag niya.



"Una, Coco's not that kind of a person who will say such things," simula niya. "Pangalawa, anak ko si Coco, anak-anakan ko si Kim, and matalik kong kaibigan si Krissy. Okay na okay silang magkakatrabaho ngayon sa set ng Kung Tayo'y Magkakalayo. At kung may gulo man ay ako ang nakakaalam at mag-aayos.



"Si Kim at si Coco ay halos magkapatid na ang turing sa isa't isa mula pa ng Tayong Dalawa. Si Krissy, ngayon lamang nakakatrabaho ni Kim at ni Coco. Ang bawat teleserye ay mayroong birth pains na pagdadaanan. Ang mahalaga ay nalalampasan at nagpapatuloy ang maayos na pagtatrabaho at pagsasamahan.



"Ikatlo," patuloy ni Biboy, "sa magandang blessings na natatanggap ni Coco, ni Kim, ni Krissy at ng serye nilang Kung Tayo'y Magkakalayo, ay mas maigi na i-celebrate ang success, ang bunga ng hardwork nilang lahat."



Binanggit din ni Biboy na pumunta pa nga raw si Coco sa premiere night ng Paano Na Kaya? noong January 26 sa SM Megmall para suportahan sina Kim at Gerald Anderson, na nakasama ng award-winning actor sa teleseryeng Tayong Dalawa.



"Magkakatabi kami ng upuan with Krissy and James Yap and the kids and the network executives," sabi ni Biboy.
read more "Coco Martin's camp refutes report that the actor does not like working with Kris Aquino and Kim Chiu"

Marian Rivera says she will never hide something very important like wedding


Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press ang taping ng Darna sa San Jose, Bulacan, last Wednesday, January 27. Inabutan namin ang eksenang nakikipaglaban si Darna (Marian Rivera) kay Zandro (Paolo Contis).



Bukas, January 30, ang last taping day ng Darna sa Marilao, Bulacan. Pagkatapos nito ay magkakaroon ng thanksgiving party ang cast and crew.



Binati namin si Marian dahil the past few days ay laging panalo sa ratings ang Darna, base sa survey ng AGB Nielsen Phils. sa Mega Manila households.



"Yun pong ratings, bonus na lang 'yon, but we are very thankful sa mga sumusubaybay sa amin. Promise po namin na sa last three weeks ng Darna, napakarami pa ring mangyayari sa story. Abangan ninyo kung paano magsasama-sama silang lahat [villains] para kalabanin ako," sabi ni Marian.



Mabuti at nagkikita pa rin sila ng rumored boyfriend niyang si Dingdong Dantes kahit pareho silang busy?





"Last week nga, miss na miss ko si Dong kasi dalawang araw kaming hindi nagkita. Nag-show kami sa Dinagyang Festival ni Dennis [Trillo, her leading man in Darna] sa Iloilo. Siya naman, nasa Davao para sa Ayos Na... Hay!" napabuntung-hiningang sabi ni Marian.



VALENTINE'S DAY. Malapit na ang Valentine's day. Saan sila magse-celebrate ni Dingdong?



"Baka po sa eroplano na kami mag-celebrate," sagot ni Marian. "Aalis po kasi kami ni Dong. Guests kami nina Ate Regine [Velasquez] at Kuya Ogie [Alcasid] sa show ng GMA Pinoy TV sa Dubai. At kung maaayos po ang papers ni Dong, tutuloy kami sa Spain. Two weeks siguro kami doon kaya babalik kami dito, Valentine's day na." (Sa Spain nakatira ang ama ni Marian.)



May Valentine gift na ba siya kay Dingdong?



"Hindi naman na po kailangang may okasyon para magbigayan kami ng gift," sagot ng aktres. "Kung may nakita kaming maganda, at sa tingin namin ay magugustuhan ng bawat isa, binibili namin.



"Yung replica ng Darna na ibinigay niya sa akin noong Christmas, ipinaayos ko sa kanya. Ni-request ko sa kanyang papalitan niya ang mata kasi masyadong madilat, hindi naman ako ganoon. Ginagawa na ngayon ang replica ni Dyesebel. Hindi pala puwedeng pagsabay-sabayin 'yon dahil three months bago matapos ang isa. Nagpagawa din kasi siya ng replica ni Marimar at Proserfina [Marian's character in Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang]."



Ano naman ang kapalit ng gifts na 'yon ni Dingdong sa kanya?



"Love!" bulalas ni Marian. "Ipinagluluto ko siya ng gusto niya. Noong Sunday nga, nag-request siyang ipagluto ko siya ng kare-kare. Pero nag-sorry ako kasi may taping ako."



NO SECRET WEDDING. May issue na secretly married na raw sila ni Dingdong, totoo ba ito?



"Hindi po totoo 'yon," tanggi ni Marian. "Para sa akin, pinakamahalaga ang kasal kaya hindi ko yun itatago. Ipagmamalaki ko pa kung dumating ang panahong 'yon. Saka gusto ko sa simbahan, gusto ko simple church wedding."



Tulad ng church wedding nina Sergio at Marimar sa Marimar?



"Why not?" tawa niya.



ENDLESS LOVE. Balitang baka June na mapanood ang balik-tambalan nila ni Dingdong sa TV, ang Pinoy adaptation ng Koreanovela na Endless Love.



"Baka po pagbalik namin ni Dong, mag-start na kami," banggit ni Marian. "Pero may mga shows pa kasi kami abroad kaya baka hindi magtuluy-tuloy ang taping."



Okey lang ba sa kanila ni Dingdong na pareho silang mamamatay sa story ng Endless Love?



"No problem, basta ang importante, babalik na ulit ang tambalan namin. Excited na kaming magkasama ulit sa isang project," nakangiting sabi niya.



Huling nagkasama sina Marian at Dingdong sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.



MARIAN'S INVESTMENTS. Dahil nabanggit ni Marian ang ini-endorse niyang SM Residences, biniro tuloy siya kung ilang condo units na ba ang ibinayad sa kanya bilang endorser nito?



"Huwag na, akin na lang 'yon," nakangiti niyang sabi. "For investment, pauupahan ko na lang 'yon, kasi may sarili naman akong condo unit, gusto ko na doon. Sa Cavite naman, may bahay ang lola ko, may bahay din ang mommy ko."



Kumusta naman ang ipinatayo niyang 12-door apartment, nadagdagan na ba ito?



"Meron na, pero huwag na lang nating pag-usapan, baka sabihing nagyayabang ako," iwas ng aktres. "Marami pa akong gustong gawin. Gusto kong magtayo ng business na hindi ko naman kailangang laging bantayan. Like, gusto ko ng restaurant business. Pero pinag-aaralan ko munang mabuti 'yon. Bawat desisyon na gawin ko, may suggestion doon si Dong."
read more "Marian Rivera says she will never hide something very important like wedding"

Boy Abunda surprised by report that he is now the new manager of Angel Locsin


Nagulat ang TV host at talent manager na si Boy Abunda sa kumalat na balitang siya na ang bagong manager ni Angel Locsin. Umalis na raw sa poder ni Becky Aguila ang aktres at lumipat na sa kanya.



"Alam mo, nabibigla ako doon. Hindi ko alam. Nagulat na lang ako nung may nagsabi sa akin," sabi ni Boy nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



But just in case, willing ba siyang i-manage si Angel?



"Alam mo kapag may artisang lumilipat ng manager, nag-uusap kaming mga managers. Like, 'O, ano, lilipat si talent mo na ganito, nakikipag-usap sa akin. Okey ba 'yo? Ano ba ang estado niya? Ano ba ang problema ninyo, blah-blah-blah.' Kung acceptable sa akin ang dahilan, magpapasantabi ako, kakausapin ko na yung manager, 'Okey lang ba?' At sasagot, 'Boy, okey lang.' Kasi ang pananaw namin, parang kesa naman mapunta sa hindi natin kakilala, kaibigan, kamiyembro.



"With Becky, even if she's not a member of PAMI [Professional Artists Managers Inc.], she's my friend. She's a friend. Kung halimbawa may nagpadala sa akin na feeler from Angel at interesado ako, kakausapin ko muna si Becky. I'll call Becky.



"As a matter of fact today, I was planning [to call her], pero sabi ko napaka-defensive ko naman. I wanted to call Becky, I wanted to call Angel. Pero hindi ko muna ginawa kasi nahihiya... Hindi naman hiya, nailang ako."



Dagdag ni Boy, "But kung talagang susundin ko ang proseso, tatawagan ko si Becky. 'Becky, nag-uusap kami ni Angel. Gusto kong malaman kung ano ang estado ninyo.' Di ba? Mag-uusap kami. Magkukuwentuhan kami ni Angel. At bago ako magdesisyon, pag-iisipan ko at ia-announce ko. Pero wala talaga.



"Kung may lumapit, you know... Ganito lang, she's very special to me—si Angel. Mahirap sagutin yung interasado ako kasi hindi ko alam. Ang una kong problema ngayon kapag may nagpapa-manage sa akin, lalo na yung may pangalan, wala akong oras. I'm very, very, very busy. Pero depende sa requirements.



"May mga malalaking artista na lalapit sa akin, 'Boy, hindi mo naman ako kailangang i-manage. Gusto ko lang may tagabasa ng kontrata. Ako na ang bahala sa sarili ko.' Yung ganyang arrangement, okey ako. Merong ganyan na lumalapit sa akin. Kapag may ganyan, okey ako. Pero kapag full management, 'yan ay pag-uusapan talaga," saad niya.



Paano kung ayaw na talaga ng talent sa huli niyang manager?



"Bablangkahin ko. 'Alam mo, ang problema ninyo ganito, etc.'' Pero bihira naman ang manager na magsasabi na, 'Boy, huwag mong tanggapin.' Lahat ng manager nagsasabi, 'A manager should always be ready that one day a talent will go.' But you are never ready. You're never ready.



"Ang sinasabi ko lamang, that's the nature of the job. Yun ang isa sa mga dahilan kung bakit ayokong may kontrata. Kasi the option to leave should not only belong to the artist. The option should also belong to the manager. Kasi kung may mga pagkakataon na hindi na kami nagkakasundo ng talent ko, dapat meron akong karapatang magsabing 'Hindi na tayo nagkakasundo' in many ways, di ba?



"Yun lang, na-shock lang ako doon sa Angel. Parang walang pinanggalingan. But I really adore the girl. She's really, really special," saad ni Boy.



Samantala, itinanggi na rin ni Angel ang balitang si Boy na ang manager niya sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.



RIMA OSTWANI. Pero binanggit naman ni Boy na meron siyang bagong talent ngayon sa kanyang management company na Backroom, Inc. Ito ay walang iba kundi si Rima Ostwani, ang nobya ng aktor na si Diether Ocampo.



"Hindi mag-aartista si Rima," paglilinaw ni Boy. "I'll be representing her lang sa kanyang endorsement contract. Pakikiramdaman namin, in terms of lifestyle. Kasi, di ba, she works for Rustan's? Baka halimbawa yung mga show na mala-US Girls. Kanina lang kami nag-close."



Kaninong idea that she'll be entering showbiz as a host?



"She was the one," sagot niya. "Hindi pa host, endorsement muna. Pero pinag-aaralan pa kung puwede siya sa live feeds. Do you know that she's very interesting? She's the president of the Student Council when she was in St. Paul's. She took up International Relations in La Salle. She was part of the Student Council in La Salle. Now, she handles retail for Rustan's, VIP clients.



"Nung nag-usap kami, I was totally, totally impressed. She speaks five languages—Tagalog, English, Spanish, French, and Arabic. Ang galing! Katulad kanina, tinanong ko siya, 'Is Diet comfortable with me?' 'Yeah,' sabi niya. Importante sa akin yung relasyon."



BABY JAMES. Ang isa pang alaga ni Boy ay ang anak nina Kris Aquino at James Yap na si Baby James. Tatlo daw silang managers ni Baby James.

"I am in-charge of all the endorsements," sabi ni Boy. "Televison, I don't know... Si Deo [Endrinal], oo, manager din ni Bimbi [tawag ni Boy kay Baby James]. I am in charge of endorsements because I handle naman endorsements of Kris. Kasi pag Kris and Baby James, ako yun. Yung kay Baby James at James, kay Dondon [Monteverde] dapat yun. Nagkataon lamang na yung Sunlife is my deal. Pero merong darating na bagong commercial sina Kris and Baby James."



Lahat daw ng ini-endorse ngayon ni Kris ay si Boy ang nakipag-negotiate.



"Oo naman. Lahat ng endorsements of Kris, lahat sa akin. This year, mga renewals kaming lahat, e. Sa mga renewal, huwag nating tawaging komisyon. She's the most generous person in the world. Minsan dadatingin ka na lang ano, 'Ano 'yan? Huwag na.' Siya pa yung nag-i-insist. Money is never a problem to her. At hindi namin talaga, hindi yung, 'Meron pa ba akong collectibles?' Hindi ganun. Wala akming ganun ni Kris."



Naaaliw naman ang marami tuwing ipinapalabas ngayon ang bagong TV ad campaign ng presidentiable na si Senator Noynoy Aquino dahil sa paglabas sa bandang huli ni Baby James.



Hindi hamak na mas bata si Baby James na pumasok sa showbiz and politics kesa sa kanyang ina na si Kris, na nangampanya din noon sa yumao niyang ama na si Senator Ninoy Aquino. Habang proud na proud naman ang ninong ni Baby James na si Boy sa paglabas ng kanyang inaanak sa TV ad campaign ni Noynoy.



Dahil pumasok na sa showbiz at pulitika si Baby James, iniiintriga agad ang anak nina Kris at James sa child star na si Zaijan Jaranilla, na mas kilala bilang si Santino. Si Baby James na raw kasi ang bagong child superstar.



"Ay, huwag naman. Not on that context," depensa ni Boy. "Bata pa sila para mag-away. Pero siyempre kung ako ang tatanungin, child superstar sa akin si Bimbi. Pero pareho silang child superstars. O, di ba?"
read more "Boy Abunda surprised by report that he is now the new manager of Angel Locsin"

AGB Mega Manila TV Ratings (Jan. 26-28): Darna still flies high despite tight battle for primetime supremacy


MA-7 telefantasya Darna maintains its lead in the hotly contested primetime race with only a fraction of points separating the shows. In fact, three different shows held the No. 2 slot the past three days: Kung Tayo'y Magkakalayo (Jan. 26), The Last Prince (Jan. 27), and May Bukas Pa (Jan. 28).



The race for the remaining slots are just as tight as well with no show holding the same position.



Meanwhile, longest-running noontime show Eat Bulaga! continues its reign as the No. 1 daytime program.



Here are the comparative TV ratings of ABS-CBN and GMA-7 programs from January 26 to 28 based on the overnight ratings AGB Nielsen Philippines among Mega Manila households:



January 26, Tuesday

Morning:

Unang Hirit (GMA-7) 6.4%; Umagang Kay Ganda (ABS-CBN) 5.6%; Mr. Bean (ABS-CBN) 3.9%

Hunter X Hunter (GMA-7) 7.5%; Gintama (ABS-CBN) 3.4%

Pokemon Master Quest (GMA-7) 8.6%; Naruto Shippuuden (ABS-CBN) 4.9%

Kekkaishi (GMA-7) 10.6%; Knock Out (GMA-7) 11.6%; Miss No Good (ABS-CBN) 3.6%

Kapuso Movie Festival (GMA-7) 16.8%; StarStruck Shout Out (GMA-7) 19.1%; Showtime (ABS-CBN) 14.8%



Afternoon:

Eat Bulaga! (GMA-7) 23.6%; Daisy Siete: Bebe & Me (GMA-7) 17%; Wowowee (ABS-CBN) 16.1%

Kaya Kong Abutin ang Langit (GMA-7) 15.1%; Magkano ang Iyong Dangal? (ABS-CBN) 13.4%

StarStruck Shout Out (GMA-7) 16.6%; Ina, Kasusuklaman Ba Kita? (GMA-7) 17%; Maria de Jesus: Anghel Sa Lansangan (ABS-CBN) 9.7%; Banana Split Daily Servings (ABS-CBN) 7.1%

Laf En Roll (GMA-7) 11.2%; Pinoy Big Brother Double Up Uber (ABS-CBN) 11.4%

Family Feud (GMA-7) 14.7%; My Cheating Heart (ABS-CBN) 12.6%



Primetime:

Ikaw Sana (GMA-7) 19%; Tanging Yaman (ABS-CBN) 20.3%

24 Oras (GMA-7) 30.3%; TV Patrol World (ABS-CBN) 26.9%

Darna (GMA-7) 35.2%; May Bukas Pa (ABS-CBN) 29.7%

The Last Prince (GMA-7) 30.7%; Kung Tayo'y Magkakalayo (ABS-CBN) 31.5%

Full House (GMA-7) 26.6%; Pinoy Big Brother Double Up (ABS-CBN) 29.7%

StarStruck Shout Out (GMA-7) 22%; Queen Seon Deok (GMA-7) 21%; Boys Over Flowers (ABS-CBN) 18.1%

Saksi (GMA-7) 12.5%; SNN: Showbiz News Ngayon (ABS-CBN) 9.5%

Reporter's Notebook (GMA-7) 6.4%; Bandila (ABS-CBN) 7.1%; The Correspondents (ABS-CBN) 4.6%; PBB Double Up Late (ABS-CBN) 1.3%


January 27, Wednesday

Morning:

Unang Hirit (GMA-7) 7.2%; Umagang Kay Ganda (ABS-CBN) 4.5%; Mr. Bean (ABS-CBN) 2.9%

Hunter X Hunter (GMA-7) 7.8%; Gintama (ABS-CBN) 2.2%

Pokemon Master Quest (GMA-7) 6.8%; Naruto Shippuuden (ABS-CBN) 4.1%

Kekkaishi (GMA-7) 7.2%; Knock Out (GMA-7) 9.8%; Miss No Good (ABS-CBN) 3.4%

Kapuso Movie Festival (GMA-7) 18.8%; Showtime (ABS-CBN) 13.9%



Afternoon:

StarStruck Shout Out (GMA-7) 24.7%; Eat Bulaga! (GMA-7) 24.8%; Daisy Siete: Bebe & Me (GMA-7) 15.3%; Wowowee (ABS-CBN) 16.6%

Kaya Kong Abutin ang Langit (GMA-7) 13.8%; Magkano ang Iyong Dangal? (ABS-CBN) 12.7%

StarStruck Shout Out (GMA-7) 13.7%; Ina, Kasusuklaman Ba Kita? (GMA-7) 14.8%; Maria de Jesus: Anghel Sa Lansangan (ABS-CBN) 9.9%; Banana Split Daily Servings (ABS-CBN) 7.7%

Ripley's Believe It Or Not (GMA-7) 11.5%; Pinoy Big Brother Double Up Uber (ABS-CBN) 9.9%

Family Feud (GMA-7) 12.8%; My Cheating Heart (ABS-CBN) 15.3%



Primetime:

Ikaw Sana (GMA-7) 16.9%; Tanging Yaman (ABS-CBN) 19.8%

24 Oras (GMA-7) 27.5%; TV Patrol World (ABS-CBN) 25%

Darna (GMA-7) 31.8%; May Bukas Pa (ABS-CBN) 26.9%

The Last Prince (GMA-7) 31.3%; Kung Tayo'y Magkakalayo (ABS-CBN) 28.8%

Full House (GMA-7) 30.6%; Pinoy Big Brother Double Up (ABS-CBN) 28.4%

StarStruck Shout Out (GMA-7) 27.4%; Queen Seon Deok (GMA-7) 24.9%; Boys Over Flowers (ABS-CBN) 16.7%

Saksi (GMA-7) 12.7%; SNN: Showbiz News Ngayon (ABS-CBN) 9.2%

Born To Be Wild (GMA-7) 5.9%; Bandila (ABS-CBN) 5.4%; Probe Profiles (ABS-CBN) 2.1%; PBB Double Up Late (ABS-CBN) 1.2%



January 28, Thursday

Daytime:

Kapuso Movie Festival (GMA-7) 18%; Showtime (ABS-CBN) 14.7%
StarStruck Shout Out (GMA-7) 20.3%; Eat Bulaga! (GMA-7) 25.8%; Daisy Siete: Bebe & Me (GMA-7) 18.2%; Wowowee (ABS-CBN) 16.2%
Kaya Kong Abutin ang Langit (GMA-7) 17.1%; Magkano ang Iyong Dangal? (ABS-CBN) 13%

StarStruck Shout Out (GMA-7) 15.3%; Ina, Kasusuklaman Ba Kita? (GMA-7) 15.8%; Maria de Jesus: Anghel Sa Lansangan (ABS-CBN) 9.8%; Banana Split Daily Servings (ABS-CBN) 7.9%

OC To The Max (GMA-7) 8%; Pinoy Big Brother Double Up Uber (ABS-CBN) 10.7%

Family Feud (GMA-7) 11%; My Cheating Heart (ABS-CBN) 13.6%



Primetime:
Ikaw Sana (GMA-7) 18.2%; Tanging Yaman (ABS-CBN) 19.4%
24 Oras (GMA-7) 30.2%; TV Patrol World (ABS-CBN) 24.5%
Darna (GMA-7) 31%; May Bukas Pa (ABS-CBN) 30.9%
The Last Prince (GMA-7) 30.1%; Kung Tayo'y Magkakalayo (ABS-CBN) 30.3%

Full House (GMA-7) 28%; Pinoy Big Brother Double Up (ABS-CBN) 27.4%
StarStruck Shout Out (GMA-7) 25.4%; Queen Seon Deok (GMA-7) 22.3%; Boys Over Flowers (ABS-CBN) 19%
SRO Cinemaserye Presents Rowena Joy (GMA-7) 10.1%; SNN: Showbiz News Ngayon (ABS-CBN) 10.5%
read more "AGB Mega Manila TV Ratings (Jan. 26-28): Darna still flies high despite tight battle for primetime supremacy"

TNS National TV Ratings (Jan. 26-28): May Bukas Pa continues to shine a week before its finale


Inspirational drama series May Bukas Pa continues to lead ABS-CBN programs' domination in the weekday primetime race. Kapamilya programs occupied the Top 5 slots while GMA-7 took most of the remaining slots on the latest survey of TNS among national households.



Noontime show Wowowee, also from ABS-CBN, remains unbeatable in the daytime race.



Here are the comparative ratings of ABS-CBN and GMA-7 programs from January 26 to 28 based on the overnight ratings of Taylor Nelson Sofres (TNS) among National households.



January 26, Tuesday

Non-Primetime:

Umagang Kay Ganda (ABS-CBN) 6.5%; Mr. Bean (ABS-CBN) 5.8%; Unang Hirit (GMA-7) 5%

Gintama (ABS-CBN) 6.8%; Hunter X Hunter (GMA-7) 7.3%

Naruto Shippuuden (ABS-CBN) 9.5%; Pokemon Master Quest (GMA-7) 6.9%

Miss No Good (ABS-CBN) 8.7%; Kekkaishi (GMA-7) 8.7%; Knock Out (GMA-7) 9.5%

Showtime (ABS-CBN) 18.3%; Kapuso Movie Festival (GMA-7) 16.2%

Wowowee (ABS-CBN) 24%; Eat Bulaga! (GMA-7) 16.8%; Daisy Siete: Bebe & Me (GMA-7) 13.5%

Magkano ang Iyong Dangal? (ABS-CBN) 18.9%; Kaya Kong Abutin ang Langit (GMA-7) 11.7%

Maria de Jesus: Ang Anghel sa Lansangan (ABS-CBN) 15.2%; Ina, Kasusuklaman Ba Kita? (GMA-7) 11.5%

Banana Split Daily Servings (ABS-CBN) 12.2%; Pinoy Big Brother Double Up Uber (ABS-CBN) 15.3%; Laf en Rol: Gugulong Ka Sa Kakatawa (GMA-7) 8.6%

My Cheating Heart (ABS-CBN) 18.6%; Family Feud (GMA-7) 11%



Primetime:

Tanging Yaman (ABS-CBN) 31.7%; Ikaw Sana (GMA-7) 14.7%

TV Patrol World (ABS-CBN) 38.7%; 24 Oras (GMA-7) 24%

May Bukas Pa (ABS-CBN) 39.9%; Darna (GMA-7) 27.9%

Kung Tayo'y Magkakalayo (ABS-CBN) 36.3%; The Last Prince (GMA-7) 26.6%

Pinoy Big Brother Double Up (ABS-CBN) 29.7%; Full House (GMA-7) 23.5%

Boys Over Flowers One More Time (ABS-CBN) 18%; Queen Seon Deok (GMA-7) 17.5%

SNN: Showbiz News Ngayon (ABS-CBN) 8.2%; Saksi (GMA-7) 7.6%

Bandila (ABS-CBN) 5.9%; The Correspondents (ABS-CBN) 3.6%; Pinoy Big Brother Up Late (ABS-CBN) 1.7%; Reporter's Notebook (GMA-7) 4.5%



January 27, Wednesday

Non-Primetime:

Umagang Kay Ganda (ABS-CBN) 6%; Mr. Bean (ABS-CBN) 4.5%; Unang Hirit (GMA-7) 5.1%

Gintama (ABS-CBN) 5.1%; Hunter X Hunter (GMA-7) 6.1%

Naruto Shippuuden (ABS-CBN) 8.3%; Pokemon Master Quest (GMA-7) 6.5%

Miss No Good (ABS-CBN) 7.2%; Kekkaishi (GMA-7) 9%; Knock Out (GMA-7) 10%

Showtime (ABS-CBN) 17%; Kapuso Movie Festival (GMA-7) 15.7%

Wowowee (ABS-CBN) 23.5%; Eat Bulaga! (GMA-7) 17.9%; Daisy Siete: Bebe & Me (GMA-7) 12.4%

Magkano ang Iyong Dangal? (ABS-CBN) 17.9%; Kaya Kong Abutin ang Langit (GMA-7) 11.2%

Maria de Jesus: Ang Anghel sa Lansangan (ABS-CBN) 15.1%; Banana Split Daily Servings (ABS-CBN) 12.8%; Ina, Kasusuklaman Ba Kita? (GMA-7) 11%

Pinoy Big Brother Double Up Uber (ABS-CBN) 14.4%; Ripley's Believe It Or Not (GMA-7) 7.3%

My Cheating Heart (ABS-CBN) 17.2%; Family Feud (GMA-7) 8.9%



Primetime:

Tanging Yaman (ABS-CBN) 29%; Ikaw Sana (GMA-7) 13%

TV Patrol World (ABS-CBN) 36.9%; 24 Oras (GMA-7) 21%

May Bukas Pa (ABS-CBN) 39.6%; Darna (GMA-7) 25.4%

Kung Tayo'y Magkakalayo (ABS-CBN) 35.5%; The Last Prince (GMA-7) 25.1%

Pinoy Big Brother Double Up (ABS-CBN) 28.7%; Full House (GMA-7) 24.8%

Boys Over Flowers One More Time (ABS-CBN) 18%; Queen Seon Deok (GMA-7) 18%

SNN: Showbiz News Ngayon (ABS-CBN) 9.3%; Bandila (ABS-CBN) 5.2%; Saksi (GMA-7) 7.4%

Probe Profiles (ABS-CBN) 2.7%; Pinoy Big Brother Up Late (ABS-CBN) 1.5%; Born To Be Wild (GMA-7) 3.1%





January 28, Thursday

Non-Primetime:

Umagang Kay Ganda (ABS-CBN) 6%; Mr. Bean (ABS-CBN) 6.5%; Unang Hirit (GMA-7) 4.8%

Gintama (ABS-CBN) 6.9%; Hunter X Hunter (GMA-7) 6.4%

Naruto Shippuuden (ABS-CBN) 8.2%; Pokemon Master Quest (GMA-7) 7.1%

Miss No Good (ABS-CBN) 8.4%; Kekkaishi (GMA-7) 8.4%; Knock Out (GMA-7) 9.8%

Showtime (ABS-CBN) 18.1%; Kapuso Movie Festival (GMA-7) 13.3%

Wowowee (ABS-CBN) 24.2%; Eat Bulaga! (GMA-7) 16.8%; Daisy Siete: Bebe & Me (GMA-7) 12.4%

Magkano ang Iyong Dangal? (ABS-CBN) 18.9%; Kaya Kong Abutin ang Langit (GMA-7) 12.3%

Maria de Jesus: Ang Anghel sa Lansangan (ABS-CBN) 15.2%; Ina, Kasusuklaman Ba Kita? (GMA-7) 12.3%

Banana Split Daily Servings (ABS-CBN) 13%; OC To The Max (GMA-7) 6.6%

Pinoy Big Brother Double Up Uber (ABS-CBN) 15.4%; My Cheating Heart (ABS-CBN) 16.4%; Family Feud (GMA-7) 8.4%



Primetime:

Tanging Yaman (ABS-CBN) 28.6%; Ikaw Sana (GMA-7) 13.6%

TV Patrol World (ABS-CBN) 35.3%; 24 Oras (GMA-7) 22.8%

May Bukas Pa (ABS-CBN) 39.9%; Darna (GMA-7) 25.4%

Kung Tayo'y Magkakalayo (ABS-CBN) 35.9%; The Last Prince (GMA-7) 27.7%

Pinoy Big Brother Double Up (ABS-CBN) 29.5%; Full House (GMA-7) 26.3%

Boys Over Flowers One More Time (ABS-CBN) 18.9%; Queen Seon Deok (GMA-7) 19%

SNN: Showbiz News Ngayon (ABS-CBN) 9.6%; Bandila (ABS-CBN) 5.4%; SRO Cimemaserye Presents Rowena Joy (GMA-7) 8%

I Survived (ABS-CBN) 2.8%; Saksi (GMA-7) 3.6%

Pinoy Big Brother Up Late (ABS-CBN) 1.1%; Case Unclosed (GMA-7) 2%
read more "TNS National TV Ratings (Jan. 26-28): May Bukas Pa continues to shine a week before its finale"