Your Ad Here
Showing posts with label Arnel Pineda. Show all posts
Showing posts with label Arnel Pineda. Show all posts

Wednesday, March 17, 2010

Arnel Pineda nag-apologize!


Sa susunod, dapat ang National Historical Institute (NHI) na lang ang mag-suggest ng kakanta ng Lupang Hinirang sa laban ni Manny Pacquiao. Or siguro, magkaroon sila ng audition. Sila ang screening committee para tama at walang salto kung sinuman ang mapipili nila. Pero kailangan nilang makipag-coordinate kay Pacquiao dahil ito mismo ang namimili ng kakanta sa kanyang laban.

Habit na kasing pintasan at punahin ng NHI ang kahit sinong kumanta sa Lupang Hinirang sa boxing fight ni Pacman. Routine na kumbaga.

Pagkatapos na pagkatapos ng laban, ayan na. May story na agad na nagagalit sila dahil mali ang pagkakanta.

Kasi kung gusto talaga nilang pagsabihan na mali ang pagkakanta, sabihin nila na hindi na sa TV. Puwede naman silang tumanggi sa mga TV interviews.

Hindi nakalusot sa ganitong sistema ng NHI ang vocalist ng Journey na si Arnel Pineda. Mali raw ang pagkakanta niya last Sunday (Manila time).

Ganito rin ang nangyari kay Martin Nievera noong kumanta sa laban ni Pacman.

Nag-sorry noon si Martin na ginawa kahapon ni Arnel.

Sa interview ng abs-cbnNEWS.com nag-apologize si Arnel : “I apologize for my dissatisfactory performance sa fight ni Pacquiao and Clottey sa Dallas, Texas, according to their standards. What can I do? I’m just doing my job. But then again, hindi ako sorry kasi artistic freedom ko yun. It doesn’t make me less of a Filipino dahil sa nabago ang pagkakanta.

“Ano ba ang bago? ‘Yong traditional na pagkanta ng Lupang Hinirang ang gusto nilang marinig. On my part, I’m just doing my artistic freedom. I was there as Filipino representing Pacquiao and the Philippines. ‘Yun ang importante.

“Alam ko naman na nag-flat ako kasi ang parte na yon na nagsimulang magsigawan ang tao. Wala akong ear monitor. Hindi ko na marinig ang sarili ko noong pumapasok ako sa line na ‘lupa ng araw ng luwalhati’t pagsinta.’ Sumisigaw na sila, highlight ng melody ng kanta ‘yon sa unti-unti hindi ko naririnig,” sabi ni Arnel sa nasabing interview.

Kung sabagay hindi lang si Arnel ang nasita ng NHI sa sinasabi nilang hindi tamang pagkakakanta ng Lupang Hinirang na malinaw umanong paglabag sa Republic Act (RA) 8491.
read more "Arnel Pineda nag-apologize!"

Arnel, ‘di dapat sisihin kung nagpaka-Regine!


NAKU, heto na naman kami. Nakakasawa na! Dapat pa ba nating awitin ang “Bayang Magiliw” o “Lupang Hinirang” like Velma Santos does every Monday?


Bakit naman kaila­ngang awitin ang Ba­yang Magiliw ng ayon sa tono ng mga hindi naman makanta ng tuwid ng mga walang boses?


Masyado naman yata tayong maarte when it comes to singing our national anthem as if singing it right would make the Philippines a hundred fold richer!


Bawat singer ay may kanya-kanyang interpretation ng isang awitin. Arnel Pineda sang the national anthem the way I liked it. At hindi ko siya masisisi kung sa bandang huli he wanted to sound like a diva, like Regine Velasquez.


So what’s wrong as long as the lyrics are correct. Eh hindi kaya ni Arnel Pineda ang mababang tono nito kaya tinaasan niya sa bandang huli kahit na pumutok pa ang ilang litid sa leeg niya!


Ngayon ay takda siyang mabilanggo ng one year at magmulta ng P20,000? Eh hindi man lang yata binayaran si Arnel Pineda sa pagkanta niyang yun sa bo­xing ring ng Texas, ah? Libre kaya ang pagkanta niyang ‘yun?


Ayaw kong isipin na every fight ni Pacquiao eh meron ding gustong makipagbuntalan dahil sa hindi tamang pagkanta ng “Lupang Hinirang” o “Bayang Magiliw” na magiliw lang naman sa iilan. Ilang laban na ba ‘yun ni Pacman? Ilang singers na ba ang kumanta doon bago ang buntalan? And everytime, hayun, may pintas, may ibang version ng awitin.


We never heard the USA complained about their “Star Spangled Banner”. Sa atin, why the big fuss?


Ginagawa ba naman ng NHI o National Historical Institute ang dapat nilang gawin bago ang laban ni Pacman? Maaring hindi nila trabaho ito, pero bilang tulong o kontribusyon na madidinig na naman sa buong mundo ang ating national anthem that we are proud of, dapat tumulong sila sa pagpapaalala sa sinumang kakanta sa gitna ng boxing ring ng tamang pagkanta o ‘di kaya eh turuan ng marching tune ang napiling kumanta doon. Eh ‘di nagka-papel pa ang NHI at walang mali o pintas, hindi ‘yung naghihintay lang ng mga maling kakanta at saka kakasuhan!


Hay naku, onli in da Pilipins na naman bah?


Ako feel na feel ko ang pagkanta ng aking Kabalen. Doon sa huli na sobrang taas ang binirit ni Arnel Pineda, feel na feel ko ang damdaming makabayan na parang handa talaga si Arnel na “ang mamatay ng dahil sa iyooooo!!!!’, kung papanong handa rin si Pacman na mamatay sa gitna ng boxing ring .


Si Clottey naman lubos ang naging pasasalamat niya kay Pacquiao dahil siya ang napiling lumaban kay Pacman kaya nakapasok sa USA boxing kaya ‘di niya nilabanan si Pacman at panay sangga na lang ang ginawa nito sa mga suntok ni Pacman na nagmukhang nag-eensayo lang.


Sa first and second rounds pa lang eh kitang-kita na natin na kayang-kaya ni Clottey si Pacman gawa ng mga suntok nitong nagpamaga sa mukha ni Pacman. Naawa si Clottey kay Pacman kaya sangga na lang nang sangga sa mga suntok ni FPJ kaya inabot ito ng 12 rounds, debah?


Idol talaga ni Clottey si Pacman. Friend ang turing niya rito. Kaya ibinigay ng egoy ang korona kay Pacman. Kasi ‘di man lang napatumba ni Pacman si Clottey o naiganti ang pamamaga ng mata niya sa nagbi­gay nito sa kanya!


Walang kahira-hirap na mag-uuwi na naman sa Pilipinas si Pacquiao ng one hundred million pesos!


Mambalato ba naman kaya?
read more "Arnel, ‘di dapat sisihin kung nagpaka-Regine!"