Your Ad Here
Showing posts with label Billy Crawford. Show all posts
Showing posts with label Billy Crawford. Show all posts

Sunday, April 11, 2010

Billy mukhang pera?!


Parang hindi magandang pakinggan ‘yung tsismis na gustong pagbabalik ni Billy Crawford sa GMA kung magkakasundo sila sa presyo? Ga­nito na ba siya ka-materyoso para bigyan ng bigat sa kanyang trabaho ang pera? Kung kumikita siya ng P20M bilang Kapamilya bakit niya ito iiwan? Malaking pera ito saan mo mang anggulo tingnan. No, I don’t think iiwan pa ni Billy ang ABS-CBN. Ma­ganda na ang exposure niya rito, marami siyang programa. But above all these, kasama niya sa network ang kanyang mahal.
read more "Billy mukhang pera?!"

Saturday, January 30, 2010

Billy Crawford talks about "shocking auditions" and other things to look forward to in Pilipinas Got Talent


Enjoy na enjoy si Billy Crawford sa paghu-host ng Pilipinas Got Talent. This weekend, pumunta sila ng co-host na si Luis Manzano sa Cagayan de Oro para sa auditions ng bagong talent show ng ABS-CBN na umpisa nang ipapalabas sa February 14.



"Luis and I talk to the contestants," ani Billy sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Like what Ryan Seacrest is doing [in American Idol], kami ni Luis ang kinukuwentuhan ng mga contestant. Of course, nandoon yung judges [Kris Aquino, Ai Ai delas Alas and Freddie Garcia].



"Before pumasok ang judges, kami ang kinakausap ng contestants. Kami ni Luis ang kukuha ng reaction nila at ng judges. Iba-iba ang puwedeng ipakita sa show. Tumutulay sa alambre, kumakain ng bubog... you can be from one to one hundred people onstage. All ages, walang limit. Parang yung sa Britain's Got Talent."



Dagdag niya, "Maganda ang rapport namin ni Luis, at okey na okey ang combination namin sa Pilipinas Got Talent. Thankful ako na siya ang kasama ko, kasi hindi naman ako lang yung seryoso. Lumalabas ang kakalugan naming pareho 'pag magkasama kami."



SHOCKING AUDITIONS. May mga shocking na pangyayari raw habang nagte-taping sila ng preliminary auditions, pero ayaw magkuwento ni Billy.



"Basta, mapapanood na lang nila at tiyak na grabe ang magiging reaction ng mga manonood. Trust me, kami ni Luis, there's one incident na hindi kami tumitigil sa katatawa... Nahinto ang taping dahil hindi na kami tumitigil sa katatawa! Panoorin niyo na lang. Ipapalabas yun. Kung hindi, quit na kami ni Luis. It has to be shown, kasi kuwela talaga," pang-eengganyo ni Billy.



Para kay Billy, very credible ang mga judges nilang sina Kris, Freddie at Ai-Ai.



Aniya, "All around judging ang ginagawa nila. Like FMG [Freddie Garcia] started ASAP. Dati siyang head and president of ABS-CBN kaya alam niya kung sino ang star material. Si Miss Kris, alam nating she's the Queen of [All] Media. Si Ai-Ai, nakakagulat din, kasi yung judging niya eksakto rin. Pero balanse dahil may comedy siya."



FUTURE PROJECTS. Mahirap nang tumanggap pa ng ibang commitments si Billy habang ongoing ang Pilipinas Got Talent. Fridays and Saturdays, they have to attend the tapings and auditions sa iba't ibang lugar ng Pilipinas.



"Sunday morning naman, we have to go back to Manila ni Luis for ASAP," aniya. "In between, pupuwede siguro yung mga show, pero not on a regular basis.



Ayon kay Billy, pagtutuunan naman niya ng panahon ang kanyang international singing career pagkatapos ng Pilipinas Got Talent. Pero may mga nakalinya rin siyang projects dito sa Pilipinas.



"Pinag-uusapan na namin yung Kanto Boyz movie," banggit niya. "Hindi ko alam kung sinu-sino ang leading ladies doon, pero ang alam ko, mayroon nang pinaplanong movie with Luis, John Lloyd Cruz and Vhong Navarro. Naka-lineup na 'yan for Star Cinema.



VALENTINE CONCERT. Magsasama naman sa isang concert sina Billy at ang Prince of R&B na si Jay-R sa Groovin' Love concert sa February 14 sa SMX Convention Center. Guests nila rito sina Nikki Gil at Kyla. Iba rin siyempre ang kombinasyon nila ni Jay-R na kapatid niya sa management ni Arnold Vegafria bagamat nasa magkalaban silang networks. Si Billy ay nasa ABS-CBN at si Jay-R naman ay nasa GMA-7.



"Wish lang namin na magsama-sama kami, with Nikki and Kyla, sa pagpu-promote sa GMA-7 and ABS-CBN. Pero parang mahirap mangyari yun. Just the same, ibang opportunity ang puwedeng mangyari sa isang Valentine concert na magkakasama kami, and it's all about love and music na maa-appreciate, lalo na ng mga young followers namin," sabi ni Billy.
read more "Billy Crawford talks about "shocking auditions" and other things to look forward to in Pilipinas Got Talent"

Tuesday, January 26, 2010

Pilipinas Got Talent co-host Billy Crawford shrugs off comparison with other talent shows


Sa mainit na pagtanggap at tagumpay na tinatamasa ngayon ng Showtime, hindi kataka-taka na isa uling talent program ang hinahanda ng ABS-CBN. Ito ay ang Pilipinas Got Talent, ang Philippine franchise ng Got Talent series na nagsimula sa Great Britain.



Hindi pa man naipalalabas ang Pilipinas Got Talent ay ikinukumpara na agad ito sa Showtime. Ang pangamba nga ng iba ay baka kahit nasa iisang istasyon ang dalawang talent shows ay magkaroon ng kumpetisyon at sapawan sa pagitan ng mga ito.



Pero ayon sa isa mga host ng programa na si Billy Crawford, iba raw ang Pilipinas Got Talent sa Showtime (hosted by Anne Curtis, Vhong Navarro, and Kim Atienza).



"Iba ang Showtime," simula ni Billy sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Showtime is group, 10 to 25 members. Sa amin kasi, puwede kang maging soloist, duo, trio, puwede kang pamilya, whatever, basta may talent ka. Yun ang kailangang ipakita mo sa buong mundo. May tatlo rin kaming judges—sina Kris Aquino, Ms. Ai-Ai [delas Alas], and Mr. Freddie Garcia. And those judges, all throughout sila the whole show."



Dagdag niya, "This is also a franchise from British Got Talent of England. So kung anuman ang ginagawa sa Showtime, opposite ng gagawin ng Pilipinas Got Talent. Sa amin, kung kaya mong kumain ng bubog, ng apoy, or kahit na ano, puwede."



Ikinukumpara rin ang Pilipinas Got Talent sa Talentadong Pinoy ng TV5. May mga nagsasabi na iba pa rin daw ang original at mukhang ginaya lang daw ng Pilipinas Got Talent ang konspetong sinimulan ng Talentadong Pinoy, na hinu-host ni Ryan Agoncillo.



Ano ang masasabi ni Billy rito?



"Wala pa naman akong naririnig na ganun," sabi ng international Filipino singer. "But when that time comes naman, I don't think na magsasalita sila ng ganun. Nasa industriya naman tayo for a long time, no one will start naman ng mga away-away. Same concept kasi, but just like I've said, this is a franchise from British Got Talent.



"Lahat naman ng talent shows iko-compare naman 'yan, kahit ano ang gawin mo basta nagpapakita ng talent. Ito, worldwide ito. Maipapakita ito sa TFC [The Filipino Channel] and two million pesos ang mauuwi ng contestant na mananalo dito."



LUIS MANZANO. Kasama ni Billy sa Pilipinas Got Talent ang kaibigan at kasamahan niya sa Kanto Boyz na si Luis Manzano. Panay papuri ang ibinigay ni Billy kay Luis.



"Si Luis is one of the most talented hosts here," sabi niya. "Luis is a great host and he's a good friend of mine. Wala akong masamang masasabi sa kanya and I'm really happy na mag-i-start na kami. After namin sa Cebu, Bacolod and Baguio kami for Pilipinas Got Talent."



Mainit ding tinatanggap ng publiko ang grupo nina Billy at Luis, kasama sina John Lloyd Cruz at Vhong Navarro na Kanto Boyz. Tuloy ba ang pelikula o sitcom na nabalitang gagawin nila before?



"I think pinag-uusapan yung movie namin," sabi ni Billy. "Sina Tita Cory [Vidanes, ABS-CBN head] yata ang may pinag-uusapan for a movie this year. Pero depende pa rin kasi lahat kami may sked. Kami ni Luis, we have Got Talent. Si Lloydie may movie with Bea [Alonzo[ and a teleserye. Si Vhong may Kokey, so malabo pa talagang magkasama-sama, lalo na yung sitcom. Yung Cebu namin, gustong dalhin sa States, pero hindi naman kakayanin ng sked namin."
read more "Pilipinas Got Talent co-host Billy Crawford shrugs off comparison with other talent shows"