Your Ad Here

Tuesday, December 22, 2009

Vic Sotto goes up against Comedy King Dolphy at this year's MMFF


Matapos ang memorable at first time na pagsasama nina Comedy King Dolphy at Box-Office King Vic Sotto sa pelikulang Dobol Trobol: Get Redi 2 Rambol noong August 2008, ngayong taon naman ay magkalaban ang kanilang mga pelikula sa 2009 Metro Manila Film Festival (MMFF)—Ang Darling Kong Aswang ni Vic at Nobody, Nobody But Juan ni Dolphy.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang press si Bossing Vic sa presscon ng Ang Darling Kong Aswang kahapon, December 15, sa Moomba Restaurant sa Quezon City. Ang tungkol sa tapatan nilang ito ni Dolphy ang agad na tinanong ng PEP kay Bossing.

Nag-usap ba sila ni Dolphy bago pa nila isali sa MMFF ang entries nila?

"Ako, naniniwala na kung anuman ang mangyari, magkatapat man ang pelikula namin, magkasabay ang pelikula namin, hindi na magagalaw ang pagkakaibigan namin. Yung pagmamahalan namin mananaig yun sa kahit anong tapatan o sabayan ng mga pelikula," sabi ni Vic.

Madalas isagot ni Dolphy ang pangalan ni Vic kapag tinanong ito kung sino sa tingin niya ang puwedeng sumunod sa yapak niya sa paghahari sa komedya. Ano ang reaksiyon ni Vic dito?

"Alam mo kami, yung pagsasama namin ni Dolphy... matagal na kaming magkakilala. Nagkikita kami sa mga okasyon dati sa ABS-CBN, noong nandun pa ang Eat Bulaga. Pero ang culmination of it all ay nung magkasama kami sa pelikula. Ilang araw din yun na... araw, gabi na nagkukuwentuhan kami. Pag hindi kami nagti-take, kaming dalawa ang nagkukuwentuhan, e. Marami akong tinatanong sa kanya. Marami akong pinapakuwento sa kanya. E, alam mo naman si Dolphy makuwento yun, e. Naging magkaibigan kami. Doon nabuo yung pagtitinginan namin sa isa't isa. Kaya naniniwala ako na pagka tinanong mo siya ng ganun, ako ang sasabihin niya," saad ng comedian.

WOWOWEE & WILLIE ISSUE. Kasama sa istorya at setting ng pelikula ni Dolphy ang programang Wowowee ni Willie Revillame sa ABS-CBN, na kalaban ng noontime show nina Vic na Eat Bulaga! sa GMA-7. Hindi ba sumama ang loob niya na ang show ng kalaban ang napili ni Dolphy?

"Marami nga ang nagtatanong sa akin kung hindi ba sumama ang loob mo na may pelikula si Pidol, e, ang ginamit na show ay Wowowee? Walang problema doon. Kasama sa istorya yun. Walang problema sa akin yun. Magkakatapat ang pelikula n'yo, ano ang masasabi mo? Wala rin sa akin yun. Nakakatuwa nga si Dolphy kapag nagpo-promote siya, pati pelikula ko pinu-promote niya, e. Ako naman ganun din. Yung pagmamahalan namin, e, yun ang pangunahin na... nasa ibang level yun, e.

"Kung anuman yung intriga na tungkol sa Wowowee, kay Willie, wala yun. Nandito lang yun sa baba [level of importance]. Yung pagtitinginan namin at respeto sa isa't isa ay mataas, lalo na ang aking respeto sa kanya. At ako ay nananatiling sumasaludo sa kanya," paliwanag ni Vic.

Kung magkakaroon ng pagkakataon, papayagan ba niyang mag-promote si Dolphy sa Eat Bulaga!, kahit na nga sa isang interview ay sinabi na ni Dolphy na, "Nakakahiya naman kay Vic"?

"Hindi lang sa akin [nakakahiya] kundi pati dun sa mga taga-Eat Bulaga!, di ba? Alam ni Dolphy yun, e. Masyadong marespeto sa kapwa yun. So, alam niya na magkalaban sa noontime yung dalawang shows. Hindi naman tama yun. Puwede naman siyang mag-promote mismo sa Wowowee, kahit araw-araw pa nga, e. Alam niya yun," sagot ni Vic.

Hindi naman daw makakaapekto sa pagkakaibigan nila ang isyung ito.

"Istorya lang naman yun. Wala naman personalan yun. Nagkataon lang na nasa ABS siya, siguro natural lang na yung Wowowee ang nasa istorya. Pero wala yun. Mababaw na dahilan yun para maapektuhan kami ng mga ganyang isyu."

Kung gagawa ng biopic tungkol sa buhay ni Dolphy, willing ba siyang gampanan ang role bilang Hari ng Komedya?

"Aba , bakit hindi?" sagot ni Vic. "Maganda yun. It will be an honor for me kung ako ang mapipili."

BONG REVILLA & MANNY PACQUIAO. Bukod kay Dolphy, makakatapat din muli ni Vic ngayong taon sa MMFF si Senator Bong Revilla para naman sa pelikula nitong Ang Panday. Matatandaang apat na beses nang nagkatapat ang mga pelikula nina Vic at Bong sa MMFF: Lastikman vs. Agimat noong 2002, Fantastic Man vs. Captain Barbell noong 2003, Enteng Kabisote 2 vs. Exodus noong 2005, at Enteng Kabisote 4 vs. Resiklo noong 2007.

Ano ang masasabi niya sa muli nilang pagtatapat ni Bong sa MMFF?

"Wala namang tapatan," sabi ni Vic. "It's a GMA and Bong co-production. I don't see any tapatan. Ang alam ko, magkakampi kaming lahat dito. At alam ko ganundin ang pakiramdam nila. Kasi iisa lang itong ating gustong mangyari dito ay maging matagumpay ang kabuuan ng film festival. Kasi tayu-tayo rin naman ang makikinabang sakaling maganda ang magiging resulta."

Sa isang interview kay Bong, sinabi ng senador na maiintindihan naman daw niya kung sakaling hindi siya puwedeng mag-promote sa Eat Bulaga! dahil nga sa magkalaban ang kanilang pelikula. Ano ang comment ni Vic dito?

"Si Bong? Wala namang bawal sa Eat Bulaga!, e. Kuwentu-kuwentuhan lang yun. Huwag kayong maniniwala sa kuwento-kuwento."

Nagbigay rin ng pahayag si Vic tungkol naman sa entry ni Manny Pacquiao na Wapakman.

"Kahit si Manny, hindi ko itinuturing na kalaban. Si Manny kakampi natin 'yan. Iisa lang yung industriyang ginagalawan natin. Iisa lang ang adhikain namin. Iisa lang ang gusto naming mangyari para sa kapakanan ng mga manonood ng mga pelikulang Pilipino," saad niya.

ANG DARLING KONG ASWANG. Tinatawag si Vic bilang "Undisputed MMFF Box-Office King" dahil sa nakaraang pitong taon ay pawang topgrosser ang kanyang mga entries sa taunang filmfest, na kinabibilangan ng Lastikman (2002), Fantastic Man (2003), Enteng Kabisote series (2004-2007) at Iskul Bukol: 20 Years After noong isang taon. Muli na namang masusubukan ang lakas sa takilya ni Bossing sa pamamagitan ng Ang Darling Kong Aswang, na produced ng M-Zet TV Productions, OctoArts Films, at APT Entertainment.

Ine-expect niya ba na mag-number one ulit sa MMFF ang Ang Darling Kong Aswang?

"Hindi ko iniisip yun, as usual," ngiti niya. "As always, ang iniisip ko ay kung paano maging matagumpay yung festival sa kabuuan niya. Ito ay para sa ating lahat. Kaya hanggang maaari ay tangkilikin natin lahat ng mga entries sa darating na festival. Iba-iba naman 'yan, merong drama, action, fantasy, may horror, may pang-pamilya, siyempre may comedy."

Nilinaw rin ni Vic na hindi nila ginawang basehan sa paggawa ng Ang Darling Kong Aswang ang hit Hollywod movies na Twilight at New Moon, kung saan bida naman ang mga vampires. Hindi raw komo't may aswang character sa movie nila na katulad ng mga bampira ay nanggaya na sila. Bago pa raw maipalabas ang naunang movie na Twilight ay matagal na nilang konsepto ang aswang.

"Matagal na naming proyekto ito bago pa namin ginawa ang Enteng Kabisote. Hindi lang natuloy. Kasi gusto naming gumawa ng katatawanan na horror, horror-comedy. Pero siniguro ko na yung horror, e, yung hindi naman talaga nakakatakot para sa mga bata. Baka ma-trauma yung mga batang manonood. Alam ko maraming batang nanonood tuwing Kapaskuhan, so siniguro namin na matutuwa at masisiyahan ang mga bata. May konting sigawan, may konting gulat, pero matatakpan lahat yun ng katatawanan na mapapanood nila."

Magkakaroon din ba ng sequel ito gaya ng Enteng Kabisote?

"Kung meron man, baka hindi pelikula. So, surprise. Meron pa kaming planong maganda," sabi niya.

Sa synopsis ng pelikula na naunang naibigay sa mga press, nakalagay rito na magkakaroon sila ng anak ni Cristine Reyes, na gumaganap na asawa ni Vic sa movie. Sinunod pa rin ba nila ito?

"Supposed to be ganun ang ending. Pero binago namin. Kasi ang malaking question mark dun, e, ano kaya ang magiging anak namin? Kung half-half ba o mestisong aswang?" biro ni Bossing.

Directed by Tony Y. Reyes, ang Ang Darling Kong Aswang ay kinatatampukan din nina Jean Garcia, Agot Isidro, Dante Rivero, Rafael Rosell, Denise Laurel, Jackie Rice, Empress Schuck, Richie D' Horsie, Wally Bayola, Allan K., Joonee Gamboa, Luz Fernandez, Jenny Miller, Gian Sotto, Tita Swarding, Mosang, Shalala, Mika dela Cruz, at Barbie Forteza. Meron ding espesyal na partisipasyon sina Pia Guanio, Jacky Woo, Oyo Sotto at Joey de Leon.



ENTENG KABISOTE V. Hindi pa man natatapos ang MMFF ngayong taon ay pinaghahandaan na rin ni Vic ang isasali niya sa MMFF next year. Inamin niya na hindi ang sequel ng Ang Darling Kong Aswang ang balak niyang isali sa 2010, kundi ang ika-limang edisyon ng Enteng Kabisote.



"Pagkatapos nitong MMFF sa January, susunod naman naming paghahandaan ang Enteng Kabisote 5," banggit niya.



Mas malaki ba ito kumpara sa mga nakaraang edisyon?



"Kailangan, e. Dapat mas bonggang-bongga."



Si Kristine Hermosa pa rin ba ang kukunin niyang Faye?



"Depende. Puwede namang magpalit-palit yan e. Nakakailang Faye na ako since nung nag-start ito sa TV."



EAT BULAGA! IS STILL WITH GMA-7. Samantala, matapos ang iba't ibang espekulasyon at usap-usapan na baka lumipat ng ibang istasyon ang Eat Bulaga!, kung saan main host si Vic kasama sina Tito Sotto at Joey de Leon, kamakailan ay pumirma na ng bagong kontrata ang TAPE Inc., producer ng Eat Bulaga!, sa GMA-7. Ano ang masasabi ni Vic dito?



"Kami naman ay mananatiling Kapuso, sa GMA-7," sabi ni Vic. "Marami naman kaming pinagsamahan ng GMA. Kung tutuusin, diyan nagsimula ang Tito, Vic & Joey sa Channel 7, Discorama days, Student Canteen days. Diyan kami nagsimula, e. So, espesyal sa aming puso ang Kapuso."



Bakit sa tingin niya nagkaroon ng isyu na lilipat sa ibang istasyon ang Eat Bulaga?
"Siguro dahil nagkaroon ako ng show sa TV5, iniisip nila na bagong grupo itong nagpapatakbo sa TV5, Media Quest, na alam naman natin ay isang malaking grupo 'yan. Mahusay din at hindi mo matatawaran ang kakayahan ng Media Quest. Kaya siguro nagkaroon ng tsismis-tsismis o espekulasyon na baka kami ay lumipat. Pero pinapatunayan namin na hindi. Nanatili kaming kaibigan ng Kapuso kasi wala naman kaming masamang tinapay. Maganda naman ang pakikitungo sa amin, lalo na sa Eat Bulaga. So, tuloy ang ligaya."



Bagama't nanatili ang Eat Bulaga! sa GMA-7, malaya naman si Vic na gumawa ng show sa ibang istasyon, gaya sa TV5, kung saan isa sa toprater ng istasyon ang show niyang Who Wants To Be A Millionaire?. Bukod dito, kinumpirma rin ni Vic na magkakaroon pa siya ng bagong show sa TV5 sa susunod na taon.



"Meron, simula next year magsisimula na kaming mag-taping next year."

Ano ang format ng show na ito, sitcom din ba gaya ng Full Haus?

"It's a combination of a reality and sitcom. It's a different thing."

Iko-co-produced niya ba ang show na ito with his M-Zet TV Productions?

"Depende pa sa magiging usapan namin. Although pinag-uusapan na lang ay konting detalye na lang at saka yung schedule na lang. Pero tuloy na ito."

CHRISTMAS PLANS. Ano ang plano ni Bossing sa Pasko?

"Dati ring gawi. We'll spend Christmas here, buong family. Siguro we'll go out-of-town after ng Christmas break at ng MMFF."

May regalo na ba siya para sa girlfriend niyang si Pia?

"Wala pa. Araw-araw Pasko sa amin, e," sagot niya.
read more "Vic Sotto goes up against Comedy King Dolphy at this year's MMFF"

Kris Aquino explains acquisition of a mini-coaster bus


Unang ipinakita ni Kris Aquino ang bagong bili niyang 10-seater coaster bus sa SNN (Showbiz News Ngayon). Pero nagulat si Kris nang malaman niya na iniintriga rin pala ang pagbili niya ng bagong sasakyan.



"Why?" nagtatakang tanong ni Kris nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa launching ng bago niyang endorsement sa SM Makati kamakailan.



Sabi raw kasi siya nang sabi na wala siyang pera, pero bumili siya ng bagong coaster worth millions of pesos?



"No... but I got such a big discount. No, I never said na wala akong pera," pagtutuwid niya. "Dun sa feng shui, you're not supposed to say na wala kang pera... Hyundai yun, supporter ni Noy [Benigno "Noynoy" Aquino III, Kris's brother]. So, super-duper at-cost niya ibinigay sa akin. Tapos yung nag-customize noon, inaanak nung best friend nung brother-in-law ko.



"So, parang yung costing of my coaster, pati yung interior at pagko-customize, cost half what I will be spending on a brand new Roadtrek. Kasi gusto ko talagang magka-Roadtrek, pero ang mahal-mahal. So, nagpa-praktikal ako na yung local na lang. So, yun yun.



"I never said that I don't have money. Katangahan naman yun for me to claim na wala akong pera, e, ang laki ng kontrata ko sa ABS-CBN! Kaya lang, ang dami kong gastusin talaga. Ayun, siyempre you'll end up claiming a lot because marami kang out-of-pocket talaga na pang-eleksiyon. Never-ending yun," paliwanag ni Kris.



NOYNOY'S CAMPAIGN. Speaking of Noynoy, magkakaroon ba ng isang malawakang schedule ng kampanya na gagawin si Kris para sa candidacy ng kanyang kapatid sa 2010? Tatakbong pangulo ng Pilipinas si Noynoy sa 2010.



"I can't, e," sagot ni Kris. "Kasi hindi ko talaga kaya. He goes everywhere and [so do] my sisters. But I can't, e. Kasi yung schedule ko talaga, naka-ano na nga, e, eight taping days, nagkasakit na ako. Kasi talagang maninibago talaga yung katawan mo. And then, yun nga, for the whole week, laging meron akong ginagawa. So, alam mo na yung Saturday lang yung natitira. Pero minsan, like nung December 12, nag-shoot pa ako ng commercial for Downey Antibac. So, hindi talaga ako nag-aano, I really try to rest."



Sinagot din ni Kris ang isyu tungkol sa survey na nagsasabing four out of 10 ng ini-endorse niya na kandidato ay iboboto ng mga Pinoy. Ano ang reaksiyon niya rito?



"No, they said 'the most credible among celebrity.' Di ba, yun ang ano? And I think that comes from a fact na number one, magandang pangalan ang iniwan ng mom [ex-President Cory Aquino]. Pero also, apart from that, kilala ako from being super-duper honest to the point of being taklesa. So, alam mo lang talaga na whatever I'm saying, I'm saying the truth. So, alam mong meron mang akong sinabing ganito, it's not a lie," sabi niya.



KUNG TAYO'Y MAGKAKALAYO. Kailan na ba ipalalabas ang bagong teleserye niya sa ABS-CBN na Kung Tayo'y Magkakalayo?



"Supposed to be, pinagpipilian na date, February 8 or 15, ang choice ni Deo [Endrinal, business unit head]. Chinese New Year is on the 14th kasi. Ang ano lang, Deo wants na at least eight weeks naka-canned para hindi hand-to-mouth. Kasi lahat daw ng overbudget doon, nangyayari kapag hand-to-mouth. So, yun.



"Ngayon kasi, four locations kami nagte-taping. So, it's cost effective. Ang maganda lang so far, sa nakita ko talaga, yung beholden lang yung ten major characters. Ten lang kami talaga in the whole soap. So, lahat talaga may moment."



Kasama na ba sa 10 lead stars ang anak niyang si Baby James?



"Bilangin natin, ha... Kris, Gabby [Concepcion], Albert [Martinez], Gerald [Anderson], Coco [Martin[, Kim [Chiu], Tita Gina PareƱo, Jaclyn Jose, Maricar [Reyes], and Pooh. And special participation ni Tita Gloria Romero and Baby James," banggit ni Kris.



Ano ang role ni Baby James sa teleserye?



"Jackson!" bulalas niya. "Siya si Jackson. Kasi lahat kami ang name namin is based on singers. Tapos siya, basta he'll come in to the show pa, end ng first season going to second season.



"Anak ko siya na... Basta yung... kasi parang, magulo kasi yung ano... Siyempre, like a typical soap, maraming back stories. Siya yung parang dumating para magkaroon ng peace ang lahat. Pero siya rin ang magiging instrument para lalo akong maapi-api ni Albert na asawa ko. Kasi parang sa sobrang pagmamahal ko kay Baby James kahit dyinodyombag-dyombag na ako, tino-torture na ako ng asawa ko, hindi ako makaalis kasi mawawala sa akin si Baby James."



Nag-taping na ba si Baby James?



"February pa siya magte-taping."
Magwo-workshop ba si Baby James?



"Basta two to eight ang ano niya... yun ang rule ni Baby James. Yun na yun dahil hindi raw tatangkad kung pupuyatin," sabi ni Kris.
read more "Kris Aquino explains acquisition of a mini-coaster bus"

John Lloyd Cruz reportedly denied entry to Japan


John Lloyd Cruz was reportedly denied entry into Japan last Saturday, December 12 for allegedly giving false information about his trip in the country.



Based on a report by Otto Osorio in Abante today, December 15, the Japanese Immigration officers at the Narita International Airport in Japan denied entry to the actor and his companion, identified as Ms. Montalbo, who was believed to be his road manager. John Lloyd and Ms. Montalbo reportedly went to Japan on a tourist visa.



According to Bureau of Immigration Airport chief Ferdinand Sampol, John Lloyd and Ms. Montalbo left the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Centennial Terminal 2 around 3 p.m. on Dec. 12 boarding Philippine Airlines flight PR 432 going to Narita, Japan.



Upon arriving in Japan, the Kapamilya actor was allegedly brought to Narita airport's immigration office where he was asked about the real reason of his visit to Japan. The 26-year-old actor, however, was not able to convince the Japanese Immigration about his trip, so he was not allowed to leave Narita airport and was deported back to Manila the following day.



John Lloyd and Ms. Montalbo reportedly returned to the country through Philippine Airlines flight PR 431, which arrived at 1:30 p.m. the following day, Dec. 13. The actor was greeted by his fans at the arrival area of NAIA.



While writing the story, PEP (Philippine Entertainment Portal) tried to get the side of John Lloyd through Star Magic, the talent arm of ABS-CBN which handles his showbiz career. However, at press time, PEP has yet to receive a reply from his camp.
read more "John Lloyd Cruz reportedly denied entry to Japan"

KRISTINE HERMOSA ♥ as Atty. Ella Alferos ~ Tagapagtanggol ng mga na-aapi


Name: Anne Kirsten Esmeralde Hermosa Orille

Screen Name: Kristine Hermosa

Nickname: Tin

Height: 5’6”

Weight: 125 lbs

Date of Birth: September 09, 1983

Birth Place: Quezon City, Philippines

Religion: Christian

Church: Victory Fellowship

Father: Maximillian Orille

Mother: Maria Alma Hermosa Orille

Siblings: Kathleen, Maxine and Joshua

Skills: Acting, Dancing, Singing, Modelling and Hosting

Hobbies: motor crossing, swimming

Career: Actress, Commercial Model

Schools: Querino Elementary School, St.Anthony's School, Colegio de San Pedro, ABS-CBN Learning Center, Liberty High School, Robertstown University (Associate Degree in Arts) and continues her studies at the University of the Philippines Open University program taking up Associate in Arts



She Entered showbiz at age 13...
Her age now is 26...
Got in the showbiz circle by sheer physical beauty. Her first TV program was Gimik...
Best known for being Jericho Rosales' then real and reel girlfriend. They starred in top-rating soaps Pangako Sa'Yo and
Sana'y Wala Nang Wakas. But their closeness start in Ang Munting Paraiso.
After the 5 years of separations, the ECHOTIN tandem was back in the newly top-rating soap opera "Dahil May Isang Ikaw".
Best known for playing the role of Louise in All My Life opposite Aga Muhlach, which was the biggest movies of 2004.
Her star quality is her beauty, the kind that can launch a thousand ships.
Her best physical asset is her face. She is considered one of the most beautiful ladies in showbiz. With that beauty outside
she also has a great heart inside that people love her so much.
Could improve career by experiencing the hurts of life, which can add texture to her acting. But she is now extremely improved her acting skill
(Everytime you will see her act....madadala ka talaga sa kanya)
The rumor about her that won't die is she a primadonna.This rumor is so nonsense.
read more "KRISTINE HERMOSA ♥ as Atty. Ella Alferos ~ Tagapagtanggol ng mga na-aapi"

Angel Locsin nangingitim na ang kilikili dahil walang show



Tignan mabuti ang larawan alin alin ang naiba..piliin kung alin ang naiba....
read more "Angel Locsin nangingitim na ang kilikili dahil walang show"

Cristine Reyes to Dennis Trillo: "Sana naman minsan makuha mong ipagtanggol ako kahit wala na tayo."


Nauna nang naisulat dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pag-amin ni Cristine Reyes na totoong nagpadala siya ng hate message sa text against kay Heart Evangelista. Ito ay kaugnay ng pagkaka-link ni Heart sa ex-boyfriend ni Cristine na si Dennis Trillo. At matapos paliwanagan ng ilang kaibigang press ay nalinawan din si Cristine na wala namang intensiyong mang-away ni Heart. Lumalabas na may nananadya lang manira sa kanilang dalawa. (CLICK HERE to read related story.)



THE BREAKUP. Last Sunday, December 20, sa live guesting ni Cristine sa The Buzz para sa promo ng 2009 Metro Manila Film Festival entry niya with Vic Sotto na Ang Darling Kong Aswang, muling nagsalita si Cristine tungkol sa isyung ito sa panayam sa kanya ng host na si Kris Aquino.



"Wala na. Hindi na po kami," kaagad na sagot ni Cristine sa unang tanong ni Kris kung sila pa rin ba ni Dennis hanggang ngayon.



Ayon kay Cristine, June of this year lang daw sila tuluyang nag-break ni Dennis. Pero May pa lang daw ay nagkakalabuan na sila. Itinago raw nila ang kanilang relasyon dahil na rin sa utos ng ilang tao.



"Kasi siyempre, yun po ang utos nila, e, huwag akong umamin. Hindi lang naman sa side niya, pati rin sa side ko. Kasi siyempre, pareho kaming merong career. So, parang hindi siya makakatulong sa career namin kung sasabihin namin na magkarelasyon kami," paliwanag niya.



Tuluyan daw silang naghiwalay dahil sa maraming isyu sa pagitan nilang dalawa. Mahirap daw i-handle ang isang relasyon kung maraming bagay na pumipigil. Sa kanilang halos dalawang taon na relasyon, masasabi ni Cristine na si Dennis ang kanyang first serious love. Naging maligaya naman daw siya sa piling ng Kapuso heartthrob.



JEALOUSY. Nagsimula raw gumulo ang relasyon ng dalawa dahil sa pagseselos ni Dennis sa mga leading men ni Cristine sa mga soap nitong ginawa sa ABS-CBN, gaya ni Jericho Rosales sa Kahit Isang Saglit, Jason Abalos sa Eva Fonda, at Joross Gamboa sa Eva Fonda rin at Your Song.



Ayon kay Cristine, nagseselos daw si Dennis lalo na sa mga matitinding kissing scenes niya sa nabanggit na mga aktor na pawang nagsisimula sa letter J ang pangalan. Tanging si Jake Cuenca lang, na nakasama ni Cristine sa Precious Hearts Romances Presents Bud Brothers at ngayon sa My Cheating Heart, ang hindi pinagselosan ni Dennis dahil magkaibigan daw ang dalawa.



Sino naman sa mga babaeng na-link kay Dennis ang pinagselosan niya?



"Siyempre si ano, si Carlene [Aguilar, kung kanino may anak si Dennis]," tugon ni Cristine. "Kasi siyempre pinupuntahan niya lagi yun sa bahay palagi para dalawin yung baby nila, e. Si Carlene talaga yung pinakapinagselosan ko, sobra."



Pero kaagad bumawi si Cristine sa pagsasabing magkaibigan na sila ni Carlene ngayon.



"Pero friends na kami ni Carlene ha. Magka-BBM [Blackberry Message] pa nga kami, e," banggit niya.



Happy rin daw siya para kay Carlene, lalo na't meron na itong ibang boyfriend ngayon.



"Oo. Masaya ako sobra, happy ako for her. Minsan nag-status ako. Nag-BBM siya sa akin, like kunwari lalabas ako, sasabihin niya, 'Oy, sino ang date mo?' Ganun."



THE HATE MESSAGE. Sumunod naman nilang pinag-usapan ang tungkol sa kontrobersiyal na hate message sa text na ipinadala ni Cristine kay Rufa Mae Quinto at finorward naman ng huli kay Heart.



Pero bago pa pala ang hate message na ito ay inamin din ni Cristine na nagseselos siya at nagiging uncomfortable kapag napapanood niya si Dennis at Heart na magkasama tuwing Linggo sa musical-variety show ng GMA-7 na SOP.



"Kasi siyempre, lagi siyang nasa variety show pag Linggo dun sa kabila. Tapos live sila, lagi silang nagkaka-spiels," sabi ni Cristine.



Nakakapanood daw siya ng SOP dahil wala siyang pasok pag Linggo. Gusto nga rin niya kasing i-monitor si Dennis.



"Kasi wala po akong work every Sunday. Tapos bilang nandito na ako sa Kapamilya na, hindi ko na alam kung anong nangyayari doon [GMA-7]. Napapanood ko lang sila sa TV. So, yun, nung time na yun, siyempre girlfriend niya ako. Siyempre nagseselos ako pag merong mga babaeng dumidikit sa kanya, akbay nang akbay, nagpapa-sweet, ganun. Nagseselos ako. Siya [Heart] lang naman sa lahat ng host ang ganun kay Dennis that time," pag-amin ni Cristine.



Tanong ni Kris, "Hindi mo ba inisip na binabawian ka nga dahil at that time may soap ka with Jericho?"
"Hindi ko alam kasi syempre hindi naman ako medyo close kay Echo noon, e. Mas close ako kay Carmen [Soo]," sagot ng young actress.



After nito ay nag-text na raw si Cristine kay Rufa Mae ng hate message kontra kay Heart. Ano ang nilalaman ng text message na ito?



"Sabi ko nun kay Rufa Mae, 'Oy, pagsabihan mo si Heart na tantanan niya si Dennis. Huwag siyang lumapit-lapit diyan, may girlfriend na yun.' Ayun. Sinabi ko yun that time na kami pa ni Dennis," lahad ni Cristine.



Did you receive a reply after that?



"Hindi po. Kasi hindi ko naman tinext directly si Heart, e. Bale kay Rufa Mae ko tinext. So, yun, ni-relay ni Rufa Mae kay Heart." (Magkasama noon sa SOP sina Heart at Rufa Mae.)



Pinag-awayan daw nila ni Dennis ang ginawang pagte-text na ito ni Cristine.



"Opo, siyempre nag-away kami about doon," pag-amin niya. "Ba't ko raw ginawa yun? Kasi sabi niya that time, hindi naman daw siya yung lapit nang lapit. Yung babae raw ang lapit nang lapit. Kasi that time, nakikita ko siya [Dennis], gumaganun [nagmuwestra si Cristine na tila nanlaki ang mata at naninigas ang hitsura]. Kasi nga, alam niya na nanonood ako. Takot siya sa akin. Kasi alam niya na aawayin ko siya, e. Tapos yung kamay niya, talagang nandiyan [sa side], yung tipong naninigas na. Ayun, siguro talagang malambing itong si Heart. So, yun. Away kami talaga."



Ano ang feelings niya kay Heart ngayon na naka-broadcast na ito sa lahat?



"Ahm... wala naman akong... kasi tapos na yung sa amin ni Dennis, e. Kumbaga, hindi na masama yung loob ko sa kanya, kay Heart," sagot ni Cristine.



CRISTINE'S PLEA TO DENNIS. Naging emosyunal naman si Cristine sa mensahe niya kay Dennis.



"Kay Dennis... sana naman minsan makuha mong ipagtanggol ako kahit wala na tayo, di ba? Kasi lagi na lang ang nega [negative] ng dating ko. Lagi akong masama, e, di ba? Palagi akong nagmumukhang naghahabol sa kanya, na hindi na. Naka-move on na ako. Tama na," pakiusap ni Cristine habang tumutulo ang luha.



Has he made an effort to text or call you since this incident?



"Wala. Pero okay lang hindi naman ako nag-e-expect ng call or text from him," sagot niya.



Kung meron kang gusto na lang sabihin sa kanya ngayon, especially you said you've moved on, anong gusto mong sabihin kay Dennis after the two years? And now after six months of being single?



"Kilala ko kasi si Dennis, e. Mas pinipili niya na tahimik na lang palagi. Ayaw niya ng issues. Ngayon kasi, maawa ka naman, nada-drag yung name ko na mukhang naghahabol sa iyo palagi. Hindi ko alam kung bakit kahit minsan hindi mo man lang ako ipinagtanggol. Di ba, nag-usap na nga tayo? Nagkita nga tayo one time. Tapos para clear na, maging okay na tayo, maging friends. Eto na naman, may issue na naman, tapos nananahimik ka na naman. So, lumalabas na naman na ano, binubulabog ko kung sino man yung nililigawan mo ngayon."



MYSTERY TEXTER. Mula noong time na sinabihan mong tantanan na si Dennis, have you personally texted Heart na ikaw mismo?



"No!" mabilis na sagot ni Cristine.



Hindi mo pinadaan sa ibang tao?



"Hindi. At saka balita ko may nagte-text sa kanya recently. So, in-assume niya na ako yun. Kasi yung text, nakalagay 'Cristine.'"



Ano daw ang sinabi sa kanya?

"Yun ang hindi ko alam kung ano ang laman nung text. Pero kasi katatawag lang ni Bianca [King], nakausap niya raw si Heart. Tapos ganun nga ang laman, tapos nakalagay 'Cristine.' So, si Heart, in-assume niya na ako yun."



May gusto ka bang sabihin kay Heart?



"Kay Heart, wala akong galit sa iyo. Actually, gusto ko pang ma-meet ka para maayos na lahat. Kasi napalaki masyado yung isyu. And sorry din dahil nagkagulo tayo na hindi naman dapat tayo magkagulo, in the first place. Alam ko na alam mo kung sino yung nagte-text na yun," mensahe ni Cristine.



DENNIS'S "CUTE" APPEAL. Ano bang kamandag meron si Dennis Trillo, na kayong napakagagandang babae ay parang pinag-aawayan siya?



"Kasi cute siya," sagot ni Cristine.



Yun lang?



"In the first place, yun naman talaga ang nagustuhan ko sa kanya, cute siya. Until nakilala ko na siya, siyempre nadagdagan na yun. Ewan ko, may thing ako sa chinito guys, e. Pero type ko yung matatangkad. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa kanya kasi maliit siya. Pero cute naman si Dennis."



Merry Christmas wish kay Dennis?



"Ano... wala akong maisip, e. Merry Christmas na lang. Tapos yun, good luck sa career mo."



Paano yun sa parade ng MMFF, siyempre magkikita kayo. Siyempre sila Dennis at Heart sa Mano Po 6, ikaw Ang Darling Kong Aswang?



"Kakaway na lang ako sa kanila," sabi ni Cristine. "Ang Christmas wish ko sana magkaayos-ayos na tayong lahat."



Manonood ka ba ng Mano Po 6?



"Nakapangako ako kay Angelica [Panganiban] na manonood ako ng I Love You Goodbye. Uunahin ko muna yung Darling... tapos yun, I Love You Goodbye."



Tapos?



"Mano Po ."



HEART & DENNIS REACT. Samantala, sa SNN (Showbiz News Ngayon) kagabi, December 21, ipinalabas dito ang interview kina Heart at Dennis sa premiere night ng Mano Po 6 bilang sagot sa mga pahayag ni Cristine sa The Buzz.



"Matagal na ho 'yan. It's all over," maikling reaksiyon ni Heart sa message sa kanya ni Cristine.



Si Dennis naman ay pabor daw sa ginawang pagso-sorry ng ex-girlfriend kay Heart.



"Siyempre, para... Magpa-Pasko na tigilan na natin 'yang mga intri-intriga na 'yan," sabi niya.



Ano ang masasabi niya sa hiling ni Cristine na ipinagtanggol naman niya ito minsan?"Oo, gagawin ko yun."



Pagkatapos ng video kina Heart at Dennis ay isiniwalat ni Kris, na isa rin sa host ng SNN, na may sinabi pa sa kanya si Cristine after ng interview niya rito sa The Buzz.



Ayon kay Kris, "Sinabi lang ni Cristine na napagsabihan yata siya ni Dennis na, 'Please lang in your future interviews, tutal matagal na tayong tapos, huwag mo na sana akong binabanggit.' Tapos finorward lang ni Cristine sa akin 'yan. Tapos sinabi ko, 'O di para peace na nga, huwag na lang talaga. Let's all move on."
read more "Cristine Reyes to Dennis Trillo: "Sana naman minsan makuha mong ipagtanggol ako kahit wala na tayo.""

Regine Velasquez had no second thoughts playing villain to Marian Rivera in Darna


Ngayong araw, December 22, ang flight nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid papuntang Australia for their Christmas vacation. Nabanggit ito ng Asia's Songbird nang bisitahin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press ang set ng Darna sa Grotto Vista Resort, San Jose del Monte, Bulacan kahapon, December 21.



Second to the last taping day na ito ni Regine para sa Darna, kung saan special guest siya as Elektra, isang alien na nagpunta sa planetang Earth para sa isang misyon.



Hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin ang kontrabida role bilang Elektra? May nasulat kasi na parang ginawa siyang starlet ng GMA-7 nang ibigay sa kanya ang naturang role, samantalang nagbibida na siya sa mga soap at ngayon ay ginawa lamang daw siyang support ni Marian Rivera.



"Hindi naman!" natatawang sabi ni Regine. "Exciting nga ang character ko dito, 'saka guest lang naman ako dito. Ever since naman, gusto ko talagang makaganap ng superhero roles. Di ba noon nag-guest din ako as Darna sa Captain Barbell nina Ogie at Bong [Revilla]?



"Nang mabasa ko nga ang script, na-excite ako sa character ko na spin-off ng character ni Elektra sa original. Pero this time, may comedy ako. Mas madali nga sa akin ang medyo naggagalit-galitan kesa lagi akong umiiyak sa eksena. Pero hindi ko muna ikukuwento kasi sa January 2010 pa papasok ang character ko. May isa pa akong taping day sa January 4."



Wala rin daw problema sa kanya ang costume niya na idinisenyo ni Rodel Cruz kahit medyo mabigat at mainit ito. Ang tindi pa naman ng init ng araw habang nag-aaway sila ni Marian sa ere nang naka-harness sa isang eksena.



DIVA. Kailan niya sisimulan ang pagbibidahan niyang primetime series sa GMA-7 na Diva? Balik-tambalan nila ito ni Mark Anthony Fernandez, na una niyang nakatambal sa Ako Si Kim Samsoon. Makakasama rin nila rito si Glaiza de Castro.



"Tatapusin ko muna ang movie namin ni Aga [Muhlach] sa Viva Films, ang Of All the Things na Valentine presentation namin. Wala ngayon si Aga, nasa States siya with his family. Doon sila magse-celebrate ng Christmas. Pagbalik nila, shooting agad kami. Two weeks na lang naman, tapos na kami," banggit ni Regine.



CHRISTMAS IN AUSTRALIA. Gaya ng nabanggit namin, sa Australia magpa-Pasko sina Regine at Ogie.



"We're leaving for Australia ni Ogie tomorrow [December 22]," sabi ni Regine. "Halos every year, since naging kami ni Ogie, doon kami nagki-Christmas. Ako rin ang may gusto na umuwi si Ogie doon tuwing Christmas dahil lumalaki na ang mga bata [Leila and Sarah, mga anak ni Ogie]. Kailangan lagi niyang nakikita ang mga bata."



Hindi ba naiilang ang mga bata na nandoon sila ni Ogie, tapos may asawa na rin ang mommy nilang si Michelle Van Eimeren, na ikinasal na kay Mark Murrow noong November 21?



"Hindi naman," sagot ng Asia's Songbird. "Okey naman sa mga bata. In-explain lang nila [Ogie and Michelle] ang set-up at naintindihan naman nila. 'Saka ako naman, hinahayaan ko sila to be with their father.



"Gusto ko lang pumunta doon para matulog!" natatawang sabi niya. "Tamang-tama ang bakasyon namin. One week na akong paos. Tulad noong Sunday [Dec. 20] sa SOP, pero sige pa rin ako ng daldal at kumanta pa sa show. Nagkasunud-sunod kasi talaga ang trabaho. Biyahe pa ako nang biyahe dahil every weekend, may provincial concert ako, kaya nagkaganito ang boses ko, dahil sa pagod.



"Kaya itong bakasyon namin, wala akong gagawin doon kundi matulog. Tinawagan ko na si Michelle na sabihin kay Ogie not to bother me. Sabi ni Ogie, isinumbong ko na naman daw siya kay Michelle! Tuwing pupunta kami doon, sinasabi ko 'yon kay Michelle. Kaya minsan, naririnig ko nag-aaway sila. Sasabihin ni Michelle kay Ogie, 'I told you not to bother her, she wants to rest.'



"But we will be back here on December 27. Para sa New Year, ang family naman namin ang kasama namin. Pinag-usapan na namin 'yon ng family ko na before and after New Year, kami naman ang magkakasama."



CHRISTMAS GIFTS. Ano ang Christmas gift niya kay Ogie?



"Yun, I'm still fixing his music room," ani Regine. "Sabi ko sa kanya, birthday, Christmas, Valentine gifts ko na 'yon sa kanya. Medyo mahal kasi. Konti-konti lamang muna ang ipinaayos ko. Although nandito nang lahat yung mga kailangan niya sa music room niya na in-order ko, hindi naman puwedeng madaliin, kailangan isa-isa muna. Like ngayon, ipinagagawa ko ang air-conditioning unit. Dapat kasi hindi naririnig sa loob ng music room ang tunog ng aircon. Kaya aabutin pa 'yon hanggang next year, bago matapos."



Ano naman ang Christmas gift ni Ogie sa kanya?



"Naibigay na, ang favorite kong bag, Chanel. Gusto nga niya Hermes bag ang ibigay sa akin, pero ayoko. Kaya ko namang bumili nun kahit apat kung gusto ko. Pero what for? Sayang ang ibibili ng ganoong kamahal na bag," sabi ni Regine.



Sinagot naman ni Regine ang medyo personal na question na paano kung magkaroon na sila ng baby ni Ogie out of wedlock?
"We're happy naman for what we are now, waiting for the result of the annulment case [of Ogie and Michelle]. Pero kung darating 'yon, that we will consider it as a gift, why not?" sagot niya.



Ano naman ang plans niya sa year 2010?



"After the shooting ng movie namin ni Aga, may show kami nina Ogie, Dingdong [Dantes], and Marian sa Dubai. Then, taping of Diva. Sa May, 2010, may concert tour kami ni Ogie sa States.



"Ayoko na ngayon na hiwalay kami na nagko-concert abroad, nahihirapan ako. Sabi ko kay Ogie, if possible, huwag na kaming tumanggap ng show abroad na hindi kami magkasama. Kapag may show siya at nandito ako, pareho kaming nag-aalala. Ganoon din kung ako lang ang may show at nandito siya, nahihirapan ako talaga. And gusto ko ring mag-record ng bagong album," ani Regine.
read more "Regine Velasquez had no second thoughts playing villain to Marian Rivera in Darna"

Bong Revilla is positive about the box-office performance of Ang Panday


Tuwang-tuwa si Sen. Bong Revilla sa naging reaksyon ng mga nanood sa magkasunod na araw na red-carpet premiere at special press screening ng pelikula niyang Ang Panday, na entry ng GMA Films at Imus Productions sa 2009 Metro Manila Film Festival (MMFF).



Ginanap ang premiere night noong December 20 sa SM North Edsa, habang ang press screening naman ay ginanap kagabi, December 21, sa SM Megamall Cinema 6.



Matapos ang press screening ay nagkaroon naman ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Bong Revilla sa Max's Restaurant sa SM Megamall, kung saan ginanap ang Christmas party for the press ng Senador.



Ano ang pakiramdam niya sa tuwing pumapalakpak ang mga tao para sa mga magagandang eksena sa pelikula?



"Kinikilabutan ako," bulalas ni Sen. Bong. "Noong natapos yung pelikula, nagtayuan sila, nagpalakpakan. Kaya nga lalong nakakalaki ng puso at nakakatuwa. Kaya sa mga hindi pa nakapanood sa premiere night, panoorin na lang nila sa December 25. Sila na ang magsabi, sila na ang humusga sa pelikula natin."



Masasabi niya ba na Ang Panday ang best movie na nagawa niya sa kabuuan ng kanyang career?



"Sa tingin ko, oo. Sinasabi ko naman 'yan and I'm very vocal about it. Ito yung pelikula kong pinakamaganda sa lahat."



Ang Panday rin ba ang pinaglaanan niya ng pinakamalaking budget?



"Hindi naman. Yung Exodus at Resiklo rin kasi parehong malaki rin ang budget, e. Pero ito [Ang Panday] yung masasabi kong mas organisado at mas preparado. Mas pulido ang special effects dahil nabigyan tayo ng mas mahabang panahon. Kumbaga, time lang naman ang kailangan diyan, e, to do quality movies."



Posible bang magkaroon ng sequel ito lalo pa't very suggestive ang ending ng movie?



"Tingnan natin pag nagustuhan ng mga manonood. Posibleng magkaroon ng part 2."


CLICK HERE to read PEP's review of Ang Panday.



VERSUS VIC SOTTO. Sa taong ito, magtatapat na naman ang pelikula niya sa entry ni Vic Sotto na Ang Darling Kong Aswang. Kapwa may fantasy element ang dalawa at intended para sa buong pamilya, lalo na sa kid viewers, ang tema.



Matatandaang apat na beses nang nagkatapat ang mga pelikula nina Sen. Bong at Bossing Vic sa MMFF—Agimat vs. Lastikman noong 2002, Captain Barbell vs. Fantastic Man noong 2003, Exodus vs. Enteng Kabisote 2 noong 2005, at Resiklo vs. Enteng Kabisote 4 noong 2007.



Ano ang masasabi niya sa muli nilang pagtatapat ni Vic sa MMFF?



"Wala, kasi this is a friendly competition. Walang kalaban dito. Lahat ng ginagawa namin dito ay for the industry."



Ano ang expectations niya para sa kanyang pelikula?



"Expectations ko? I'm a positive thinker, so, alam mo na yun. Kapag positive thinker ka, alam mo na yung gino-goal mo, maa-achieve mo rin. Pero tingnan na lang natin."



REELECTIONIST. Ano ang maaasahan ng mga tao sa kanya sa 2010?



"I'm running for reelection. I'm running for senator again," sagot ng actor turned politician.



As a reelectionist senator, ano ang gusto niyang tutukan kung muli siyang mahalal?

"Education, health, 'yan yung mga dapat nating bigyan ng atensyon dahil sa hirap ng buhay ngayon, talagang napakahirap magkasakit. Wala kang pambayad sa ospital. Kung meron man, kung anuman yung pinaghirapan mo ng ilang taon, isang ospital lang, ubos na kaagad yun, e. So, yun ang bibigyan natin ng direksyon at atensyon."



ON KATRINA HALILI AND HAYDEN KHO. Hindi naman maikakaila na naikabit na ang pangalan niya sa fight against violence on women dahil na rin sa pagtulong kay Katrina Halili kontra kay Hayden Kho. Gagawin na nga ba niyang bahagi ng kanyang advocacies ito?



"Yeah, tuloy pa rin yang advocacy nating iyan. Dapat ipaglaban natin ang karapatan ng mga kababaihan. Maging yung laban natin sa pirata at pagtulong natin sa industriya, tuluy-tuloy yan. Pati public works, makapagpagawa tayo ng mas maraming kalsada at mga tulay para mas mapabilis ang development, lalo na sa malalayong lugar at nang mas umunlad ang ekonomiya. That's part of it. Basta yung nasimulan natin, itutuloy natin yan.



"Kumbaga, six years tayong nanungkulan, nakagawa tayo ng 75 batas na naipasa concerning education, health, agriculture at iba pa. Kumbaga hindi nila puwedeng balewalain yung naging accomlishments natin. Bagama't hindi tayo kasing-ingay ng iba na sumasali sa baliktatakan. Tayo'y trabaho lang ang inaasikaso."



Ano ang reaksyon niya na umabot na ng halos isang taon ang isyu kay Hayden Kho?



"Well, masyado nang mahaba, e. Ganun talaga, e. Ganun ang justice system natin, may due process 'yan. Hangga't nandiyan siguro yung kaso na 'yan, tuluy-tuloy yan. I just hope na yung hustisya makamit din ni Katrina. Tutal naging positive na rin ang reaksyon ng PRC [Professional Regulation Commission], at least nabigyan na ng hustisya nang matanggalan siya ng lisensiya. Yun lang, napakabigat na nun. Alam na ni Hayden kung gaano kabigat yung parusa. Pag nanalo pa si Katrina sa kaso, may kulong pa siya. Kasi hindi naman natin siya puwedeng i-condone, yung ginawa niya kasi baka maparisan ng iba."



Pero suportado niya pa rin ba ang kagustuhan ni Katrina na tuluyang makulong si Hayden?



"All the way. Basta yung laban niya na yun, naumpisahan na natin 'yan kaya tatapusin natin 'yan."
read more "Bong Revilla is positive about the box-office performance of Ang Panday"

AGB TV Ratings December 19 - 21, 2009

Mula sa AGB Nielsen, narito ang Mega Manila overnight ratings ng mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN noong:

SABADO (December 19):

Joey’s Quirky World 6% vs. Showtime 20%;
The Making of Panday 7.2% at Eat Bulaga 26.5% vs. Wowowee 16.4%;
Startalk 9% vs. Entertainment Live 10.4%;
Wish Ko Lang 13.2% vs. Cinema FPJ 15.9%;
Pinoy Records 20.1% vs. Failon Ngayon 18.3%;
StarStruck 17.1% vs. TV Patrol 20.9% at Pepeng Agimat 17.4%;
Bitoy’s Showtime 15.1% vs. The Singing Bee 16.9%;
Kapuso Mo, Jessica Soho 17.4% vs. Maalaala Mo Kaya 17.1%;
Imbestigador 16.3% vs. PBB Double Up 23%;
Cool Center 9.1% vs. Banana Split 12.6%.

LINGGO (December 20):

Joey’s Quirky World 12.5% vs. Matanglawin 9.3%;
SOP 11% vs. ASAP 17.6%;
Dear Friend 8.8% vs. Your Song 10.8%;
Showbiz Central 8.7% vs. The Buzz 10.9%;
Kap’s Amazing Stories 19.1% vs. Goin’ Bulilit 16.4%;
StarStruck 18.4% vs. Rated K 17.6%;
Mel and Joey 17.1% vs. Sharon 15.2%;
BandaOke 16.6% vs. George and Cecil 17.2% at PBB Double Up 26%;
Show Me Da Manny 14.3% vs. Parol ni Bro 14.5%;
Sunday Night’s Box Office 11.7% vs. TV Patrol 6.1%.

LUNES (December 21):

SiS 6.9% vs. Showtime 21.1%;
Fated to Love You 11.2% at Eat Bulaga 25.5% vs. Wowowee 17.6%;
Daisy Siete 15.1% at Kaya Kong Abutin ang Langit 14.4% vs. Nagsimula sa Puso 14.5%;
Tinik sa Dibdib 13.8% vs. Maria de Jesus 10%;
Slamdunk 8.8% vs. Banana Split 10.9%;
One Piece 7% vs. PBB Uber 14%;
Family Feud 10.9% vs. Precious Hearts 15%;
Ikaw Sana 21.5% vs. Katorse 22.7%;
24 Oras 28.3% vs. TV Patrol 28.8%;
Darna 32% vs. May Bukas Pa 29.7%;
Full House 27.7% vs. Dahil May Isang Ikaw 27.4%;
Sana Ngayong Pasko 23% vs. PBB Double Up 30.8%;
Shining Inheritance 18.8% vs. Boys Over Flowers 22.8%;
Ripley’s Believe It or Not 13% vs. Showbiz News Ngayon 16.1% at Bandila 8.9%.
read more "AGB TV Ratings December 19 - 21, 2009"

Iza craves for more challenges

ASK Iza Calzado how she feels about people regarding her as an elite and she will promptly parry the praise. “I don’t want to think about it unless I become comfortable where I’m at in my career. There are so many other things I want to do that I can’t afford to sit down and relax. I am happy that I already have a place in the business that no one can take away from me, but I want to show more...do more,” she says without any tinge of false modesty.

Then again, Iza does not need to talk about her achievements. As they say, the work speaks for itself. In 2009, Iza had projects that further solidified her reputation as a multi-faceted talent. Comedy? She has appeared as a guest on “Bubble Gang.” Drama? She plays the lead character in “Kaya Kong Abutin Ang Langit.” As a performer? She sings on “SOP Rules.” Hosting? She emceed for “Bb Pilipinas 2009” and earned rave reviews for being an excellent host. Guiding aspiring stars? She’s part of the “StarStruck V” jury.

And then there’s “The Echo,” the Hollywood version of the Filipino film “Sigaw.” Although she had already won the Urian Best Supporting Actress Award in 2005 for her role in the original version, getting to reprise the same in the international version by auditioning for it speaks of Iza’s caliber as an actress--make that Hollywood actress. “I was elevated to a new height in my career when I got the role in ‘The Echo.’ For me, it’s the kind of feeling that no romantic relationship or money could replace,” says Iza who co-starred with Hollywood actor Jesse Bradford in the film.

Despite the big strides she has made in acting, Iza wants to take on even more challenging roles including playing out the lifestory of heroine Gabriela Silang onscreen, or a character akin to that Glenn Close played in “Fatal Attraction.” “And then after those two, I’d like to do a romantic comedy naman para sobrang iba at para maipakita ko talaga na kaya kong gampanan kahit ano’ng role, kahit na ba a light one,” she said.

The Hollywood actress gets inspiration from revered Filipino actresses Nora Aunor, Vilma Santos and Maricel Soriano. “Si Nora, mata pa lang niya ang gamitin niya, acting na agad. Her eyes speak the language of her soul. Hinahangaan ko naman sila Vilma at Maricel not only for their acting kundi in the way they handle their lives,” she said.

As for the younger set of actresses, Iza counts Jean Garcia, Eula Valdez, Cherry Pie Picache and Judy Ann Santos as among her favorites. The coming 2010 promises to be an even bigger year for Iza. Aside from her ongoing projects, she is set to star in the remake of the Ishmael Bernal movie, “Working Girls,” along with Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes and Bianca King.

But not before “Panday” is released on Dec. 25. A Metro Manila Film Festival entry starring Sen. Bong Revilla, Jr. in the title role, “Panday” casts Iza as a mystical character “with lots of beauty shots,” she joked. “It’s a light role but one that shows my versatility if you look at my body of work kasi iba siya sa usual dramatic roles na ginagawa ko. And, anyway, there are no small roles, only small actors.”
read more "Iza craves for more challenges"