Your Ad Here

Saturday, January 30, 2010

Billy Crawford talks about "shocking auditions" and other things to look forward to in Pilipinas Got Talent


Enjoy na enjoy si Billy Crawford sa paghu-host ng Pilipinas Got Talent. This weekend, pumunta sila ng co-host na si Luis Manzano sa Cagayan de Oro para sa auditions ng bagong talent show ng ABS-CBN na umpisa nang ipapalabas sa February 14.



"Luis and I talk to the contestants," ani Billy sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Like what Ryan Seacrest is doing [in American Idol], kami ni Luis ang kinukuwentuhan ng mga contestant. Of course, nandoon yung judges [Kris Aquino, Ai Ai delas Alas and Freddie Garcia].



"Before pumasok ang judges, kami ang kinakausap ng contestants. Kami ni Luis ang kukuha ng reaction nila at ng judges. Iba-iba ang puwedeng ipakita sa show. Tumutulay sa alambre, kumakain ng bubog... you can be from one to one hundred people onstage. All ages, walang limit. Parang yung sa Britain's Got Talent."



Dagdag niya, "Maganda ang rapport namin ni Luis, at okey na okey ang combination namin sa Pilipinas Got Talent. Thankful ako na siya ang kasama ko, kasi hindi naman ako lang yung seryoso. Lumalabas ang kakalugan naming pareho 'pag magkasama kami."



SHOCKING AUDITIONS. May mga shocking na pangyayari raw habang nagte-taping sila ng preliminary auditions, pero ayaw magkuwento ni Billy.



"Basta, mapapanood na lang nila at tiyak na grabe ang magiging reaction ng mga manonood. Trust me, kami ni Luis, there's one incident na hindi kami tumitigil sa katatawa... Nahinto ang taping dahil hindi na kami tumitigil sa katatawa! Panoorin niyo na lang. Ipapalabas yun. Kung hindi, quit na kami ni Luis. It has to be shown, kasi kuwela talaga," pang-eengganyo ni Billy.



Para kay Billy, very credible ang mga judges nilang sina Kris, Freddie at Ai-Ai.



Aniya, "All around judging ang ginagawa nila. Like FMG [Freddie Garcia] started ASAP. Dati siyang head and president of ABS-CBN kaya alam niya kung sino ang star material. Si Miss Kris, alam nating she's the Queen of [All] Media. Si Ai-Ai, nakakagulat din, kasi yung judging niya eksakto rin. Pero balanse dahil may comedy siya."



FUTURE PROJECTS. Mahirap nang tumanggap pa ng ibang commitments si Billy habang ongoing ang Pilipinas Got Talent. Fridays and Saturdays, they have to attend the tapings and auditions sa iba't ibang lugar ng Pilipinas.



"Sunday morning naman, we have to go back to Manila ni Luis for ASAP," aniya. "In between, pupuwede siguro yung mga show, pero not on a regular basis.



Ayon kay Billy, pagtutuunan naman niya ng panahon ang kanyang international singing career pagkatapos ng Pilipinas Got Talent. Pero may mga nakalinya rin siyang projects dito sa Pilipinas.



"Pinag-uusapan na namin yung Kanto Boyz movie," banggit niya. "Hindi ko alam kung sinu-sino ang leading ladies doon, pero ang alam ko, mayroon nang pinaplanong movie with Luis, John Lloyd Cruz and Vhong Navarro. Naka-lineup na 'yan for Star Cinema.



VALENTINE CONCERT. Magsasama naman sa isang concert sina Billy at ang Prince of R&B na si Jay-R sa Groovin' Love concert sa February 14 sa SMX Convention Center. Guests nila rito sina Nikki Gil at Kyla. Iba rin siyempre ang kombinasyon nila ni Jay-R na kapatid niya sa management ni Arnold Vegafria bagamat nasa magkalaban silang networks. Si Billy ay nasa ABS-CBN at si Jay-R naman ay nasa GMA-7.



"Wish lang namin na magsama-sama kami, with Nikki and Kyla, sa pagpu-promote sa GMA-7 and ABS-CBN. Pero parang mahirap mangyari yun. Just the same, ibang opportunity ang puwedeng mangyari sa isang Valentine concert na magkakasama kami, and it's all about love and music na maa-appreciate, lalo na ng mga young followers namin," sabi ni Billy.
read more "Billy Crawford talks about "shocking auditions" and other things to look forward to in Pilipinas Got Talent"

Gladys Reyes tells Judy Ann Santos what it takes to have a baby


Agaw-pansin ang suot na Chanel pearl necklace at earrings ni Gladys Reyes sa presscon ng bagong teleseryeng pinagbibidahan ni Judy Ann Santos sa Primetime Bida ng ABS-CBN na magsisimula sa Lunes, February 1, ang Habang May Buhay.



"Ah, eto? Ano, siyempre si Christopher [Roxas], pasalubong," eksplika agad ni Gladys.



Bukod sa Chanel necklace at earrings, suot din ni Gladys ang isang diamond-studded Bulgari watch. Kaya biniro siya ng mga taga-press na ang yaman naman ng mister niya.



"Hindi naman mayaman. Pasalubong ng asawa ko 'yan. Pinaghirapan ng asawa ko 'yan. Kami ay nasa sixth year na namin etong January 23. Pero all in all, hmm, 17 years na kami together. Eto na ang gifts niya sa akin," pagmamalaki ni Gladys.



Habol pa niya, "'Tsaka yung wallet ko. Binili niya ako ng, yun ang nag-iisang Louis Vuitton ko na wallet."



HUBBY BLINGS HOME THE BACON. Nanggaling si Christoper sa Tokyo, Japan kung saan nagtrabaho siya for two months. Baka raw inubos ni Christopher ang kinita niya abroad sa pagbili ng pasalubong sa misis.



"Hindi. Siguro naawa dahil nabaha nga kami," natatawang sabi ni Gladys na isa sa mga nasalanta ng bagong Ondoy noong Setyembre.



"Pero tanungin mo naman kung ano ang regalo ko sa kanya?"



Ano?



"E, di yung ano, kanyang dream car na vintage na ano, parang si Bumblebee sa Transformers. Kasi matagal na niyang gusto. Hindi yun brand new. Pero alam mo yung mga vintage? Mahilig kasi yun sa mga vintage car. 'Tsaka yun nga, parang ano nga, dream car niya yun. Isa yun sa dream car niya, Camaro 1977. So, ito po yung napapanod ninyo sa Transformers.



"Umuwi siya nung November 25," kuwento pa ni Gladys. "Two months lang talaga siya. Nagpunta siya ng Tokyo dahil unang-una, ang tita niya talaga doon na naka-base. May sariling resto, may sariling establishment doon. Kinuha siya ng tita niya para, ano lang, special participation kasi may bagong tinayo. So, parang kinuha rin siya at the same time bilang manager. Pero special ano lang yun, kumbaga, two months lang. Kaya umuwi siya. Umalis nung September."



END OF GEORGE AND CECIL. Nakapag-last taping na ang George and Cecil, ang series ng mag-asawang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, kung saan tampok din sina Gladys at Christopher.



Bakit matatapos na ang show?



"Unang-una, nakakalito, kasi best of friends kami doon tapos nagkyo-kyompalan kami sa Habang May Buhay, e, di kalituhan naman yun. 'Tsaka baka mamaya mawala na kumbaga yung pagkaano ng tao sa amin, 'Ay, nag-aaway talaga 'yan.' Or, 'Naku, hindi totoo 'yan kasi sa George and Cecil best of friends sila."



Hindi naman dahil mababa ang rating ng show kaya mawawala na ito sa ere?



"Ay, hindi! As a matter of fact, o! The irony of that, mataas nga raw po. Ang huli, binalita sa amin nina Direk Joey [Reyes] and Ms. LT [Linggit Tan, ABS-CBN executive], mas napaaga yung timeslot namin, mas maraming bata ang nakapanood. Mas maraming pamilya ang naka-relate. Kumbaga, yung exit namin graceful exit.



"Na-extend pa nga yun, e. Ang alam namin 13 weeks. Pero dahil sa feedback, lalo na nalaman ng tao nag-asawa na sina Judy Ann at Ryan sa totoong buhay, hinabaan nila nang hinabaan. Malay mo biglang magka-baby na sa totoong buhay sina Ryan at Judy Ann? Mukhang naririnig ko, sana parang gusto nilang ibalik. Part II ng George and Cecil. This time with baby na."



BABY TALK. Speaking of baby, ano naman ang tulong na ibinabahagi niya kay Judy Ann para magkaroon na sila ng anak ni Ryan? Tinuturuan ba niya ito ng teknik para magka-baby?



"Hindi siyempre. Tinuturo ko sa kanya, unang-una, siyempre kami ang babae, sa amin ipupunla 'yan kumbaga. Kaya dapat ang kahandaan niyan unang-una yung katawan mo. Handa dapat una yung katawan mo. Dapat healthy lifestyle. E, walang question naman about that [kina Ryan at Judy Ann].



"Ang isa pa siguro, kasi ako rin naman hindi basta-basta magbuntis, prayers din. Hindi ba nga nakunan ako nung una? Ako after that, natakot ako baka makukunan na naman. Di ba 'pag ganun repetition ang kunan, baka tuluyan hindi ka na magkaanak. So ako, may halong panalangin talaga.
"Sabi ko naman sa kanya, everything is timing. Parang itong Habang May Buhay, timing ang pagpapalabas din. Yung malay mo yung pag-anak nila, in God's perfect time darating talaga 'yan, lalo na na pareho naman walang diperensya ang katawan nila. Kasi rin naman sa rami ng trabaho nilang mag-asawa," tapos ni Gladys.
read more "Gladys Reyes tells Judy Ann Santos what it takes to have a baby"

Jay-R explains actions at GMA Artist Center: "I didn't make a scene."


Hindi eksaktong sa Valentine's Day magde-date sina Jay-R at Krissa Mae Arrieta. May show kasi si Jay-R sa February 14, kasama sina Billy Crawford, Kyla at Nikki Gil sa SMX Convention Center.



"It will be advanced or delayed, baka sa 15th na lang," nangingiting sabi ni Jay-R sa PEP (Philippine Entertainment Portal).



"Basta, for sure, we are doing okay. Going strong ang relationship namin," aniya pa tungkol sa girlfriend na kakandidata itong taon sa Binibining Pilipinas beauty pageant.



"Memorable sa amin ang forthcoming Valentine's Day. It will be our first together. Exciting, kahit dinner lang, we'll just go out. Okey na sa amin yun."



STICKING UP FOR GIRLFRIEND. Nagkaroon noon ng problema ni Krissa Mae sa GMA Artist Center at nadamay rito si Jay-R. Ayon sa balita, nang samahan niya minsan si Krissa Mae sa GMAAC office, napansin niyang mukhang binibigyan ng cold shoulder treatment ang girlfriend at nag-react siya negatively.



Pero, paliwanag ni Jay-R, "I didn't make a scene. I just want to clarify things out. But I'd rather not talk about that issue muna. Kasi sa kanila yun, with Krissa Mae, at ayoko namang ma-involve.



"Kaya lang, girlfriend ko si Krissa Mae. I have to support her naman. I would say na normal naman ang ginawa ko, and I don't think naging disrespectful naman ako. Not at all. Hindi ako mambabastos, but I won't be nice naman kung alam kong hindi naman nice sa akin yung mga tao," sabi pa ni Jay-R.



Nagkaroon daw ng gulo nang tumanggap ng commitment si Krissa Mae abroad na hindi nagdaan sa contract deal with GMA Artist Center.



"Sa akin lang, if they are mean to me, why should I be nice to them?" dagdag pa ng prangkang binata. "Pero not at all na naging disrespectful ako."



Ito raw ang karaniwang nagiging problema sa mga artist na gaya ni Jay-R na lumaki sa Amerika.



"First impression lang kasi yun, na akala nila, mayabang ako, or tipong know it all," paliwanag ni Jay-R. "Pag nakausap naman nila, nagbabago na ang impression. Kasi, akala nga nila, lahat ng galing sa States, ganoon ang ugali.



"Marami ang nagsasabi sa akin na iba ang feeling nila 'pag nakakausap nila ako, at hindi naman ako mayabang. First impression or pre-conceived notions na mayabang nga ako, which is not true. "
read more "Jay-R explains actions at GMA Artist Center: "I didn't make a scene.""

Christian Bautista gets offer to topbill soap opera in Indonesia


Tuloy-tuloy ang magagandang nangyayari sa career ni Christian Bautista. Simula nang lumipat siya ng recording company at ni-release ang kanyang Romance Revisited: The Love Songs of Jose Mari Chan last November, halos pulos tagumpay na ang natatamasa niya.



Wala pang three months nang pag-release ay nag-double platinum ang Romance Revisited.



Kasabay nito ang pagpasok ng iba't ibang endorsements, the latest being ang Ink All-You Can. "Dream come true," ang turing ng mga may-ari ng ink refilling franchise sa kanilang first celebrity endorser.



Para kay Christian, isang paraan daw ito ng pagtulong niya sa kapwa Pilipino niya.



"Ako kasi, I'm using the product. It saves me and my family as well dahil mas cheaper, unlimited pa. So sabi ko, in whatever I do, I want to be of help sa mga Filipino. Sa panahon ngayon na ang hirap na ng buhay. So, kung makakatulong ako as endorser, sabi ko, tamang-tama because this is one product I can endorse to help them."



MAKING IT IN ASIA. Isa pang goal niya sa taong ito ay ang magtagumpay sa Asian scene, na mukhang nakakasatuparan na.



Masasabing isang household name na siya sa Indonesia. Sa katunayan ay inalok na siya ng isang TV outfit na maging lead sa isang teleserye doon.



"Hindi pa naman sure na sure yung soap na yun. Pero, nag-meet kami ng isang company. Yung company is Cinemark, yun ang pangalan nila. Cinemark has done 5,000 teleserye, 20 movies, so, talagang one of the leading production outfit sila.



"I'm excited kasi noong nag-promote ako sa maraming TV shows dun, parang they offered me, they wanted to meet with me. Pero yun nga, ang kondisyon, dapat marunong muna akong mag-Bahasa [ang lengguwahe sa Indonesia]...



"Ayoko rin naman na mag-teleserye ako run, tapos, buckle ako nang buckle, hindi ako sigurado. So, it's up to me kung gaano ako kabilis matuto."



Nagsisimula na raw siyang mag-aral ng Bahasa.



"Noong nandun ako, tanong na ko nang tanong. Unti-unti, minsan nagpo-form na ako ng words."



May idea na ba siya kung anong klaseng teleserye ito?



"Ang palaging gusto naman nila romantic teleserye. At gusto nila, dapat singer rin ako. Para hindi mawala yung identity ko as a singer. Kasi, dun naman talaga, kilala na ako as a singer. Kilala yung name ko, my songs... not so much face kasi hindi naman ako lumalabas sa TV run, more on my music talaga."



INTERNATIONAL ACTOR. Natawa si Christian nang sabihin namin na sa nangyayari, mukhang sa Indonesia pa yata matutupad ang pangarap niyang maging actor.



"Why not? It's a better offer. They pay well. And I'm an international artist there. Just the same kung sila ang pupunta rito, siyempre, mas malaki ang bayad, di ba?"



Magandang umpisa na nga ang Indonesia sa balak niyang ma-conquer ang Asian market. At three hundred million, third or fourth daw ito sa mundo sa laki ng populasyon



Pero kung sakaling meron ding mga opportunities sa kanya dito sa bansa, tatanggapin pa niya ang chance sa Indonesia ?



"Well, in business, who gave the first opportunity... get it if it's good. So, since wala pa namang offer, and someone's offering, very good, you go for it."



Dahil sa past relationship niya with Rachelle Ann Go, hindi rin nakaiwas si Christian na tanungin siya tungkol sa isyung sina Rachelle at Kian Cipriano na raw ay nagde-date.

Sey na lang ni Christian, "I've been gone for two weeks. Tatanungin ko siguro siya pagdating ko sa ASAP."



SPREADING LOVE IN INDONESIA. Wala naman daw siyempreng problema kung totoong the two are an item na.



"We're friends naman and I support her naman kung anuman ang ginagawa niya."



Idinepensa din ni Christian si Rachelle sa intrigang siya ang dahilan kung bakit nakipag-break si Kian sa girlfriend nitong si Arci Muñoz.



Ayon kay Christian, "Hindi siya ganun. Hindi siya basta-basta makikipag-break sa isang lalaki for another guy. Hindi siya ganun. At yung nang-aagaw, hindi rin po totoo yun, hindi siya nang-aagaw."



Binabase ito ni Christian sa pagkakakilala niya kay Rachelle noong mag-on pa sila, pero "right now, we don't really talk about the private stuff masyado kasi, it's weird," natatawa niyang sabi.



Weird din na hanggang ngayon ay si Rachelle pa rin ang tinatanong sa kanya, even though two years na silang wala. Wala pa kasi siyang naging sumunod na relasyon after Rachelle.



"I'm not like any other guy na maghahanap na lang ng kapalit. So, kung maghahanap man ako ng kapalit, yung seryoso palagi. Pangkasalan na yun," nakangiti niyang sabi.



Itong darating na Valentine's Day ay magko-concert siya sa Indonesia kasama ang Indonesian singer na si Bunga Citra Lestari.



Given the chance daw, puwede rin siyang ma-in love sa isang Indonesian.
read more "Christian Bautista gets offer to topbill soap opera in Indonesia"

Aljur Abrenica takes inspiration from negative write-ups


Masayang-masaya ang Starstruck Ultimate Hunk na si Aljur Abrenica dahil sa magandang ratings na nakukuha ng pinabibidahang GMA-7 telefantasiya nila ni Kris Bernal na The Last Prince.



"Unang-una, nagpapasalamat kami sa Diyos kasi Siya naman ang may dahilan ng mga nangyayaring ito sa career namin ni Kris. Lagi naming pinagdarasal na maging successful ang The Last Prince tulad ng mga nauna naming soap dramas na Dapat Ka Bang Mahalin at All My Life.



"Kaya noong ipakita sa amin ang mga ratings, talagang natuwa kami ni Kris. Kumbaga, lahat ng efforts namin para sa show ay may magandang results.



"Pangalawa ay gusto naming magpasalamat sa mga fans na patuloy na nag-aabangan at nagtatanong kung ano na ba ang mangyayari sa love story nila Almiro at Lara? Lagi naman naming sinasabi na abangan lang nila mula Lunes hanggang Biyernes ang The Last Prince kasi malaking sopresa parati ang mga eksena sa series namin.



"At pangatlo, maraming salamat sa GMA-7 dahil pinagkatiwala sa amin ang project na ito. Alam namin ni Kris na kung may positive feebacks, may negative din. Tinatanggap namin lahat iyon kasi iyon ang magpapalakas pa ng loob namin na ipagpatuloy ang trabahong ito. Kaya good or bad, nagpapasalamat pa rin kami."



INSPIRATION FROM NEGATIVE WRITE-UPS. Inaamin ni Aljur na naaapektuhan pa rin siya kung di maganda ang nasusulat tungkol sa performance niya sa The Last Prince. Pero nginingitian na nga lang daw ito at ginagamit ang lahat para paghusayan pa ang pag-arte niya.



"Tao lang naman tayo na nasasaktan sa mga nababasa kong hindi maganda. May nagsulat nga na maghubad na lang daw ako kasi iyon lang naman daw ang puhunan ko sa showbiz. So masakit iyon para sa akin na nagsusumikap na maging maayos at maganda ang iarte ko sa show namin.



"Pero para sa akin, okey lang. Iniisip ko, kaya ako napipintasan kasi pinapanood ako ng taong ito. Inaabangan niya lahat ng mga kilos ko sa show. In a way, pinapanood niya ang show namin talaga. Kaya imbes na mapikon ako, paghuhusayan ko na lang," ngiti ni Aljur.



NEW HUNK IN TOWN. Ngayon nga ay hindi lang si Aljur ang matatawag na hunk sa The Last Prince dahil pumasok na sa cast ang Japanese-Brazilian model na si Daniel Matsunaga. Gumaganap si Daniel bilang si Prince Nicolai na nagiging isang mabangis na werewolf.



Wala raw maipipintas si Aljur sa bagong cast member.



"Okey si Daniel. Akala ko noong una baka suplado o mahirap katrabaho kasi nga foreigner na at modelo pa. Pero mabait siya. Naalala pa niya ako noong rumampa kami sa Cosmo Bachelor Party last year. Kaya doon pa lang, alam mong mabait na siya kasi siya pa ang nauunang bumati sa amin...



"Marami kaming gagawing mga big scenes kasi nga makakaagaw ko siya kay Lara. Tapos may kakaiba pa siyang powers kasi nga nagiging isang werewolf siya. So doon kami magkakaroon ng matinding confrontation na malapit na naming kunan."



Naikuwento ni Aljur na kinulit-kulit nga raw siya ni Kris na ipakilala siya kay Daniel noong Cosmo Bachelor Party. Kaso di siya napagbigyan ng ka-love team.



"E, doon ko lang nakilala yung tao at hindi naman kami nagkausap nang matagal. Kaya parang nakakahiyang ipakilala siya, di ba?



"'Tsaka tinanong ko siya kung bakit si Daniel ang hinahanap niya, e, nandoon naman ako? Natawa lang siya at sinabing naguwapuhan daw kasi siya kay Daniel talaga. Pero bumawi naman siya kasi guwapo rin daw ako! May daw pa, di ba?" sabay tawa pa ni Aljur.



STILL THE PRINCE FOR KRIS. Hindi itinago ni Aljur na nakaramdam din siya ng konting insecurity sa pagpasok ni Daniel sa The Last Prince. Kasi nga, kilalang commercial model si Daniel at kakaiba ang kaguwapuhan nito.



"Sa totoo lang naman, guwapo talaga siya. Iba ang dating, e. Lahat ng mga babaeng makakita sa kanya, napapatitig talaga. Tapos palangiti pa siya at madaling lapitan. Mabait talaga at enjoy sa ginagawa niya sa set.



"Siyempre, si Kris, madalas kong mahuling nakatitig kay Daniel. E, tao lang naman tayo para makaramdam ng insecurity, di ba? Siyempre, ibang klase ang pumasok, e. Parang nanliit tuloy ako kasi yung attention kay Daniel, malakas talaga.



"Pero noong makausap ko na si Daniel, wala naman pala ako dapat na ika-insecure kasi mabait at marunong makisama. Kaya magkaibigan na kami ngayon. Sabi nga ni Kris sa akin na kahit na sinong modelong malaprinsipe pa ang ilagay nila sa show, ako pa rin daw ang kanyang last prince."
read more "Aljur Abrenica takes inspiration from negative write-ups"

Kris Bernal admits meeting Daniel Matsunaga was a thrill


Hindi raw ikalalaki ng ulo ni Kris Bernal ang magagandang feedback at ratings na natatanggap ng telefantasya nila ni Aljur Abrenica na The Last Prince. Nitong mga nakaraang episodes ay lumalaban sa primetime ang kanilang show at kapuri-puri nga ang kanilang mga special effects at production design.



"Iba ang energy ng buong staff and crew ng The Last Prince. Lalo na noong maganda ang mga ratings namin, lalo kaming ginanahan lahat. Though hindi naman kami parating nananalo, nandoon pa rin yung audience namin at nakaka-inspire ang mga magagandang nababasa namin about the show at sa performance ng buong cast.



"Kaya kahit puyat kaming lahat, okey lang kasi gusto naming maganda ang mapapanood nila na episode gabi-gabi," ngiti pa ni Kris.



MOONSTRUCK. Hindi itinago ni Kris na namangha siya sa pagpasok ng Japanese-Brazilian model na si Daniel Matsunaga sa The Last Prince bilang si Prince Nicolai na nagiging werewolf.



Noong una nga raw makita ni Kris si Daniel sa set, "natulala talaga ako!" sabay tawa.



Tuloy pa ni Kris, "Parang totoo ba itong nakikita ko? Kaming lahat sa set, parang napatingin sa kanya.



"Alam mo yung feeling na slow motion siya maglakad papunta sa set? Gano'n ang pakiramdam naming lahat kay Daniel."



Akala niya'y magiging suplado at mahirap lapitan ito, pero sobra palang bait at mahusay makisama.



"Akala ko nga hindi kami magkakaintindihan. Napa-English ako sa kanya nang husto, huh!" tawa ulit ni Kris.



"Noong magkausap na kami, sobra pala siyang nakakatuwa. Lagi siyang nakangiti tapos kapag may lumapit sa kanya para magpa-picture, wala siyang arte. Kahit ano ang hitsura niya, magpapa-picture pa rin siya. Kasi naman, kahit nga hindi siya nakaayos, ang guwapo pa rin niya. Kinikilig daw ako?"



GETTING TO KNOW DANIEL. Una nang pinamalas ni Kris ang pagkakilig niya kay Daniel nang masilayan niya ito sa Cosmo Bachelor Party last year.



"Kinulit-kulit ko si Aljur. Sabi ko, 'Ipakilala mo naman ako doon sa Daniel, ang guwapo niya kasi!' Natatawa lang si Aljur sa akin at sinabi nga niya na sa backstage lang niya ito nakilala at hindi naman daw sila close para ipakilala ako. Nandoon naman daw siya, bakit yung Daniel pa ang hinahanap ko? Nagalit?" sabay tawa ulit ni Kris.



Sa palagay ba ni Kris ay may nararamdamang selos o insecurity si Aljur sa pagpasok ni Daniel sa The Last Prince?



"Hindi naman siguro. Bakit naman siya ma-insecure, e, siya ang bida dito sa The Last Prince, di ba? Anu't anuman, siya pa rin ang ka-love team ko. Sabi ko nga sa kanya, siya pa rin ang last prince ko. Tapos ngumiti siya sa sinabi ko...



"Ngayon nga ay nakapag-usap na sila kasi nagkaroon na sila ng eksena... Biro nga ni Aljur sa akin, 'Uy, close na rin kami!'"



COMPARING HER TWO PRINCES. Mahirap daw ikumpara ang kaseksihan ng dalawa dahil magkaiba sila.



"Si Daniel kasi, ang haba ng katawan. Talagang sobrang tangkad niya kasi nga foreigner. Si Aljur naman, tama lang ang height kasi Pinoy.



"Iba rin ang build nila sa katawan. Si Daniel very lean ang katawan. Hindi siya yung batu-bato pero sexy siya at tama lang sa height niya. Si Aljur, mas malalaki at matitigas ang muscles niya.



"Kung meron silang pagkakapareho, yun ay pareho silang smiling face. Parehong ang ganda ng mga mukha nila kapag naka-smile sila. Sa ngiti nila makikita mo ang pagiging mabuting tao nila."



Between Daniel and Aljur nga, mas pipiliin pa rin ni Kris si Aljur.
"Sa mga foreigners na guwapo kasi, hanggang titig lang ako. Nangangarap lang ako. Mas gusto ko pa rin ang Pinoy. Iba pa rin magmahal ang Pinoy," pagtatapos ni Kris Bernal.
read more "Kris Bernal admits meeting Daniel Matsunaga was a thrill"