Tuesday, March 30, 2010
Ryan katulong ang mga kaibigan sa mga hiling ni Juday
Katulad ng maraming husbands na may asawang naglilihi, hindi naman exempted si Ryan Agoncillo sa mga cravings ni Judy Ann Santos. Pasensiyoso naman siya kaya lang kapag ang gustong kainin ni Juday ay hindi available locally, dun nagkakaproblema.
Pero nagbabago naman ng isip si Juday kapag nagpapaalam ang asawa niya na aalis para mabili ang gusto niya sa abroad. Mahirap din kapag naghanap si Juday ng pagkain sa dis-oras ng gabi at sarado na ang mga tindahan, restaurant o lugar na mabibilhan pero masuwerte si Ryan dahil ang dami-daming kaibigan na tumutulong sa kanya para mahanap ang gusto ng asawa. ’Yan ang nagagawa ng pakikipagkaibigan, ’di ba Ryan?
Labels:
Ryan Agoncillo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment