Your Ad Here
Showing posts with label Jason Abalos. Show all posts
Showing posts with label Jason Abalos. Show all posts

Friday, April 2, 2010

Jason Abalos sets aside love life to focus on his career


Nilinaw ni Jason Abalos na bagamat magkatambal sila ni Andi Eigenmann sa primetime series na Agua Bendita, imposible umano na mas lumalim pa ang kanilang pagkakaibigan



Para sa binatang aktor, malapit na kaibigan lamang ang kanyang turing sa dalagang anak ng award-winning actress na si Jaclyn Jose, na nakatrabaho naman niya sa Nagsimula sa Puso (2009)



Nang tanungin kung ano ang kanyang gagawin kung sakaling mahulog siya kay Andi, natatawang sagot Jason, "Kailangan munang ipagpaalam kay Mama Minda [Jaclyn's role in Nagsimula sa Puso]."



Ayon kay Jason, napag-usapan na nila noon ni Jaclyn ang pagsasama nila ni Andi noong ginagawa pa lamang nila ang dating afternoon teleserye.



Kuwento ni Jason, "Kasi noong nasa Nagsimula sa Puso pa lang kami, hindi pa kami tapos, nalaman namin na gagawin namin itong Agua Bendita. Sabi niya, 'Oy, aalagaan mo ang anak ko, ha? Babantayan mo 'yan.' Sabi lang niya, 'Bantayan mo lang.' Parang, siguro, 'Alalayan mo lang.'"



Nabanggit ni Jason na ngayong Holy Week, nagpaplano ang kanyang mga dating kasamahan sa Nagsimula sa Puso na isang get-together. Pagkakataon na kaya ito upang mas mapalapit sa kanyang leading lady at sa ina niya?



"Kung ibibigay 'yon, binigay ng pagkakataon," matipid na sagot ni Jason.



Pero dagdag niya, mahirap na lumigaw ngayon sa 19-year-old actress dahil pausbong pa lamang ang kanyang showbiz career. "Kung darating ang time. Pero ngayon kasi, ang ganda ng takbo ng career niya, e. Parang ang hirap harangin, e. Ang hirap 'yong ikaw ang maging dahilan para masira, di ba?"



STILL MAJA. Sa kabila ng pagkakaroon ng panibagong ka-love team, hindi pa rin naitanggi ni Jason na mas lamang pa rin sa puso niya ang dati niyang kapareha na si Maja Salvador.



Minsan na ngang na-link ang dalawa sa isa't isa ngunit hindi naman ito nauwi sa isang tunay na relasyon.



Ayon sa 25-year-old aktor, minabuti niya muna na mag-focus sa kanyang showbiz career bago bigyan ng pansin ang lovelife. Aniya, "Siguro, hindi lang para sa akin. Gusto ko din pero hindi naman ako nagmamadali. Kung talagang para sa akin, para sa akin."



Patuloy pa niya, "Ito palang trabaho, kumbaga, binigay ng Diyos sa akin, sobrang pagpapasalamat, e. Hindi na ako humihingi ng kung ano pa. Kung ibigay man 'yong, kunwari, lovelife, parang bonus na 'yon. Sobrang suwerte ko na kapag sa career okay ka, sa lovelife okay ka pa rin."



Ayaw niya rin umano na maging dahilan ng posibleng pagkaudlot ng kasikatan nila ni Maja kung magkaroon man sila ng relasyon. Ito ang dahilan kung bakit tila matagal-tagal nang walang balita tungkol sa lovelife ni Jason.



Paliwanag niya, "Para kasi nagsisimulang artista [pa lang siya noon]. Ako rin, nagsisimula, iniisip ko rin ang career ko. Sila din, mas iniisip nila ang career nila kasi mga babae sila. Parang kapag pinasok ko 'yon, tapos masira ang career nila, ako pa ang masisisi."
read more "Jason Abalos sets aside love life to focus on his career"

Sunday, March 28, 2010

Jason Abalos joins ‘Agua Bendita’ soon


THE 24-year-old actor Jason Abalos is excited as his character will resurface in the hit ABS-CBN teleserye “Agua Bendita.”

If the lead young star Andi Eigenmann was finally launched Friday evening as the teen Agua and Bendita, Jason said he will appear in the teleserye in the coming days.Jason will replace the character of Paco played by Maliksi Morales in the program.

The actor said he is happy to step in the story and that he is actually a fan of the kids who played their roles.

“Swerte kami kasi malaking bagay na yung ginawa ng mga bata para mas mataas yung rating. After naman nila, kami, yun na lang ang pwede naming ikatakot, yung wag bumaba ang rating.”

Jasono told Sun.Star that he's looking at the positive side when their launch was delayed for two weeks.

“Ako mas okay pa sa akin kasi mas nabigyan pa kami ng oras para makapag-prepare kami at para makapag-isip-isip kung talagang ready na ba kami,” he said.

“Siguro na-maximize lang yung haba nung gagawin nung mga bata kasi nga gusto ng tao. Gusto ng viewers na mas mahaba sila so yun ang binigay ng ABS-CBN para pagbigyan yung mga nanonood,” he added.

Jason admitted that he was scared during the first week because the ratings were really high and he fears that when they take on the role, the show's trend may decline.

The actor and the rest of the “Agua Bendita” team underwent more workshops and trainings to further perfect their skills in acting.

He said they are watching the soap every night to make sure that there will be continuity on their character.

“Binabasa namin ang script, minsan dinadalaw namin sila sa set para makita namin yung ginagawa nila. Kasi mahirap yung paglabas namin, ibang-iba kami. Kung ano ang ginagawa ng mga bata dapat meron pa rin kami kahit papaano na makita ng tao na kami pa rin yun.”

Jason and another lead star Matteo Guidicelli is expected to enter the soap before the network's programming will change for the Holy Week.
read more "Jason Abalos joins ‘Agua Bendita’ soon"