Your Ad Here
Showing posts with label JC de Vera. Show all posts
Showing posts with label JC de Vera. Show all posts

Wednesday, March 31, 2010

JC de Vera, pinaliligaya ng non-showbiz girl!


KARAMAY ni JC de Vera ang kanyang non-showbiz girl na kaibi­gan nu’ng panahong mabi­gat ang dibdib niya sa nalalapit na paglipat niya sa TV5 mula sa GMA Network na ilang taon din niyang pinamaha­yan.


Idagdag pa riyan ang pagmamahal niya sa last series niyang Panday Kids kung saan pumalit sa role niya si Paulo Avelino.“Wala akong girlfriend ngayon although may nakakasama akong non-showbiz girl na kaibigan. But not to the point na…Hindi naman papunta na sa relationship. May nagpapasaya sa akin. May nag-i-entertain sa akin. Kaya lang ‘yung utak ko ngayon, masyadong cloudy. Pre-occupied ako ngayon sa work,” pahayag ni JC.


So, pinaliligaya siya ng babaing ‘yon nu’ng panahong magulo ang utak niya?


“Isa siya sa nagpapagaan ng loob ko.”


Paano siya pinaliligaya?


“Minamasahe ako! Ha! Ha! Ha!” bulalas ng actor.


Anyway, siguradong mami-miss si JC ng vie­wers ng Panday Kids na ngayong gabi, lulusubin ni Li­zardo (Marvin Agustin) ang pulahang tribo at nakuha nila ang sinaunang setro. Maghaharap muli sina
Aureus at Cicero habang hahanapin ni Oswaldo si Maria Makiling at magkikita sila ni Ola!
read more "JC de Vera, pinaliligaya ng non-showbiz girl!"

Saturday, March 27, 2010

JC de Vera is grateful for TV5's spotlight on him


Overwhelmed si JC de Vera sa special treatment na nakukuha niya mula sa nilipatang network, ang TV5, lalo na sa very warm welcome na ibinigay sa kanya sa trade launch ng estasyon noong March 25 sa World Trade Center sa Pasay City.



"Para akong ipinanganak ulit... yung excitement kakaiba... Feeling ko espesyal talaga ako," masayang bungad ni JC nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



Grateful daw siya sa "konting spotlight" na ibinibigay sa kanya.



"Ang dami kaagad shows na ibinigay sa akin. Nakakagulat kasi apat na shows agad ang naka-line up. Tapos ginawa kaagad nila akong lead kahit kalilipat ko lang."



DIFFERENT EXCITEMENT. Nasabi niyang kakaiba ang excitement sa TV5, "siguro dahil marami akong gagawin dito na hindi ko ginagawa before like yung hosting. Tapos babalik-sayaw ulit ako. Kakanta ako. Yung mga hindi ko usual na nagagawa, magagawa ko ngayon sa P.O.5."



Ang tinutukoy ni JC na P.O.5 ay ang bagong Sunday noontime variety show ng TV5 kung saan kasama niya sina Lucy Torres-Gomez, Ryan Agoncillo, John Estrada, Alex Gonzaga, Mr. Fu, Tuesday Vargas, Mocha Uson, Chris Cayzer, Gloc 9, at marami pang iba. Magsisimula itong mapanood by second week of April after Holy Week.



Katapat ng P.O.5 ang ASAP XV ng ABS-CBN at ang Party Pilipinas ng GMA-7. Pero ang pagkakaiba nito sa kapwa Sunday variety shows ay hinaluan ito ng games.



"So, parang naging interactive siya," paliwanag ni JC, at "merong ipamimigay na prizes sa mga audience, lucky texters, lucky viewers."



Bukod sa P.O.5, may tatlo pang shows si JC. Aniya, "Lokomoko U. Tapos, gagawin ko yung 5-Star Specials, at isa pang action-fantasy show by May. Hindi pa siya tapos i-develop kaya hindi pa ako makapagdetalye. Inaaral pa nila kung paano nila ito gustong gawin. Teleserye siya."



May naramdaman ba siyang lungkot sa pag-alis niya sa Panday Kids ng GMA-7?



"May lungkot din kasi kasama ako sa pagsisimula ng show. Pero iniwan ko naman yung show na meron akong kapalit. Alam ko na nagawan naman ng paraan ang pag-exit ko."



FIRST TAPING. Nag-start na raw siyang mag-taping last Saturday, March 20, ng Lokomoko U. Kumusta naman ang first taping?



"Masaya. Ni-reformat nila yung show. Halos lahat ng segments kasama ako. Nag-enjoy ako sa taping. Tuwang-tuwa ako sa mga pinaggagawa namin."



Ayon kay JC, ang Lokomoko U ang first regular gag show niya. Kasi guesting lang daw ang ginawa niya sa Bubble Gang noon. Kasama niya sa Lokomoko U sina Alex Gonzaga, Pauleen Luna, Valeen Montenegro, Tuesday Vargas, Caloy Alde, Empoy at Voyz Avenue.



Ano ang feeling na kasama niya sa show ang ex-girlfriend niyang si Pauleen?



"Okay lang kasi nag-work na rin kami before sa GMA. Meron kaming ginawang dalawang shows together, e. Pero for Lokomoko, sa Tuesday pa kasi siya magte-taping, e. Okay naman kami. Wala kaming problema on working together."



Wala na raw ilangan sa pagitan nila. "I'm happy to work with her. Pag may chance talaga, okay agad ako sa kanya, e."



BIG CHALLENGE. Excited si JC sa 5-Star Specials dahil siya raw ang pangatlo na itatampok sa naturang drama anthology, pagkatapos nina Maricel Soriano at Ruffa Gutierrez.



"Tine-take ko siya as a big challenge talaga. Kasi alam kong mahirap yung palabas na yun. At saka medyo similar sa ginawa ko sa kabila [Obra for GMA-7]. And nung time na ginawa ko yung show na yun hirap na hirap talaga ako. As in, doon ko nailabas yung pagod at hirap pagdating sa acting.



"So, this time, very happy ako na meron ulit ganun kasi it's a big challenge for an artist like me na mag-explore ng mga iba't ibang characters na gusto kong gampanan. So, kung ano man yung hindi ko pa nagagawa, makakapag-suggest ako na eto ang gusto kong gawin. So, malaking factor iyon para sa isang aktor."


Mas may pressure ba ngayon to make a bigger name sa TV5?



"Mahirap, yeah, kasi parang sugal, e, hindi mo alam kung ano ang mangyayari. Pero, of course, I'm hoping na makasama ako sa pag-angat ng network, sa pagiging successful nila. Yun lang ang nasa isip ko ngayon.



"For now, gagawin ko lang muna yung mga shows na binibigay nila sa akin. I'm praying na mag-hit ito. May tiwala naman ako sa TV5 na magiging mas malaki pa sila at sana makasama ako sa paglaking ito, sa success na makukuha nila."



Umaasa siyang sa TV5 ay maabot niya rin ang status na naabot nina Richard Gutierrez, Dingdong Dantes at Piolo Pascual.



"Pinagpe-pray ko yun. Gaya nga ng sabi ko, sana sa mas paglaki pa ng TV5 ay makasabay din akong lumaki. Lahat naman ng artist nabibigyan ng chance na i-prove yung sarili nila, kung ano ba talaga ang kaya nilang gawin."



NO MORE HARD FEELINGS. May hinanakit pa ba siya sa GMA-7?



"Wala, wala... yun nga, sabi ko parang reborn, e. Whatever happens noon, iniwan ko na rin doon. Brand new life, fresh start ito para sa akin. Different environment, different people, different bosses and staff, but most probably mas magiging magaan yung pakiramdam ko dito."



Ano talaga ang nagtulak sa kanya para lumipat sa TV5?



"Aside doon sa feud ni Tita Annabelle [Rama, his manager] kay Ma'am Wilma [Galvante, GMA's SVP for Entertainment], isang factor din yung career growth."



Nagpaalam ba siya kay Ms. Wilma bago siya lumipat sa TV5?



"Hindi na ako nagpaalam. Pero kina Ms. Annette [Abrogar], Sir [Felipe] Gozon, Sir [Jimmy] Duavit, nagpaalam po kami. Magpapadala rin po kami ng letter. Pero yung message ko for them idinaan ko na kay Tita Annabelle. So, nakapagpaalam naman kami nang maayos na wala kaming problema at wala kaming nasagasaan. And besides natapos na yung contract ko noong March 14 pa."



Kahit nasa TV5 na siya, malaki pa rin ang pasasalamat ni JC sa GMA.



"Malaki ang utang na loob ko sa GMA dahil nagkapangalan ako at ipinagpapasalamat ko yun. Nakilala ako dahil sa kanila. At ngayong nasa TV5 ako, gagamitin ko ang mga natutunan ko para mas maging magaling na artista."
read more "JC de Vera is grateful for TV5's spotlight on him"

Saturday, March 20, 2010

Dahilan ng maagang pagalis ni Jc de Vera sa GMA


Nalaman namin sa presscon ng TV5 para kay JC de Vera ang dahilan ng kanyang napaagang pag-alis sa Panday Kids ng GMA 7. Pumayag si JC at ang kanyang manager na si Annabelle Rama na tapusin niya ang Panday Kids, kahit March 14, 2010 ang expiration date ng kanyang exclusive contract sa GMA 7.


Pero ang insidente na nangyari sa guesting ng Panday Kids cast sa SOP ang last straw para hindi tapusin ni JC ang show dahil hindi raw siya nabigyan ng pagkakataon na magsalita at i-promote ang kanilang fantaserye.


“Hindi naman ako ang tipo ng artist na ‘O akin na itong mic, magpo-promote ako. Ako ang bida. Hindi naman ako ganoon.


“Inantay ko lang talaga ang mga host ng show na ‘yon na sana, inabot sa amin ang microphone. Sina Marvin, sila pa ‘yung nasa gilid. Kami pa ‘yung nasa likod ng kids so right after the kids, ine-expect namin na eto, sa likod naman, sina JC... (ang magsasalita).


“Actually, sinabihan ko si Tita Annabelle noong presscon na ‘Tita manood ka. Panoorin mo ‘yung presscon. Tingnan mo ‘yung presscon’.


“Sabi ni Tita sige... Ganoon din ang nangyari. Same thing. Kung ano ang nangyari, ganoon din ang nangyari sa presscon.


“Ako, for the longest time, silent lang ako tungkol doon. Kaya lang kasi, ang sinabi nila sa akin, ‘Ikaw ‘yung lead star ng show.’


“Iba ‘yung definition ko ng bida. Ikaw ‘yung naka-front, ikaw ‘yung magsasalita. Parang bida. Eh ‘yon ang naging outcome, naging cast member ako,” ang mahabang kuwento ni JC tungkol sa pagkaka-itsa puwera sa kanya sa guesting noon ng Panday Kids cast sa SOP.


Twenty-four years old na ngayon si JC at tatlong taon ang contract niya sa TV5. Kung hindi raw siya naipit sa away ng kanyang manager at ng GMA 7 executive na si Wilma Galvante, hindi aalis si JC sa Kapuso network.


Ayon sa aktor, naramdaman niya ang pagbabago ng trato sa kanya nang maging witness siya sa kaso na isinampa ni Annabelle laban kay Galvante.


“Nagbago ang treatment. Basta nag-iba. Nagbago lahat although may mga kaibigan naman ako doon na staff and directors pero ano magagawa nila para matulu­ngan ako?


“Mabigat... Ako ang naiipit. ‘Yung ginawa ko lang na nag-witness ako kay Tita Annabelle, ano na ‘yon eh sobrang ipit na i­pit na ako.


“Kumbaga, parang ang kakampi ko na lang doon, si Ma’am Annette (Abrogar), saka si Sir Gozon. Si Ma’am Wilma, wala na. Totally, enemy na ang da­ting niya.


“Mabigat sa mga tao. Alam kasi nila na may isyu. Alam nila na magkaaway sina Tita Annabelle, saka si Ma’am Wilma.


“Palagi ‘yon. Pagdating sa mga storycon, presscons, mga launching, may politics eh. ‘Yun ang mga effect ng away nina Tita at Ma’am Wilma. Kapag tumagal pa siya nang tumagal, ako ‘yung mahihirapan. Better na rin after my contract, alis na ako (sa GMA 7) para at least tapos na,” ani JC.


Hindi nakialam ang TV5 sa desisyon ni JC de Vera na huwag tapusin ang Panday Kids. In fact, sinabi ni Perci Intalan (TV5 Entertainment TV Head) kina JC at Annabelle na handa sila na mag-adjust sa sche­dule ni JC hanggang matapos ang airing ng Panday Kids.


Ang buong akala ni Perci, magwawakas sa April 2010 ang Panday Kids kaya napa­kamot siya ng ulo nang malaman niya na June 2010 pa ang ending ng show dahil magkakaroon ito ng conflict sa apat na shows na ibibigay nila kay JC.


Nalutas ang problema ni Perci nang magpasya si Annabelle na i-pull out si JC sa Panday Kids dahil sa mga nangyari sa launch ng show sa SOP.


Ikinuwento ni JC na ang pagtatagpo nila ni Paulo Avelino ang isa sa mga huling eksena niya sa Panday Kids. Identical daw ang kanilang mga costume sa eksena na kinunan dahil si Paulo ang ipinalit sa kanyang karak­ter na pinatay.
read more "Dahilan ng maagang pagalis ni Jc de Vera sa GMA"

Friday, March 19, 2010

JC de Vera, ‘di iniyakan ang paglayas sa GMA!


Isasalang na si JC de Vera ngayong Sabado sa gag show ng TV5 na Lokomoko High, isa sa mga shows na gagawin niya sa bago niyang bahay bilang artista. Bukod dito, may tatlo pang shows na naka-line up sa ala­ga ni Tita Annabelle Rama matapos lumabas sa GMA Network ng almost seven years, huh!


Tinapos muna ni JC ang mga eksena niya sa Panday Kids bago tulu­yang kumawala na sa network na nagbigay sa kanya ng magagandang breaks bilang actor. Binigyan siya ng solo presscon ng TV5 sa Mario’s resto at hindi ipinagkaila ng actor na nalungkot siya dahil iniwan na niya ang GMA.


“Nalungkot ako dahil mahirap talagang mag-decide. May mga tao kasi sa GMA na tumutulong sa akin kaya very grateful ako. Naging sobrang mabait sila sa akin. Pero ganoon talaga ang buhay. Pero hindi ako umiyak! Ha! Ha! Ha!” kuwento ni JC.


Ano naman ang masa­sabi niya na si Paulo Avelino ang kinuhang kapalit niya sa role niya sa PK?


“Hindi ko masasabi talaga na okey na okey siya. Kasi hindi ko pa siya nakikitang umarte talaga. Sabi naman nila, very well focused si Paulo. ‘Yun nga, nakapag-usap kami. Nagwu-work out na rin siya. I’m sure, nabigla siya na siya ang ipapalit. Panoorin ko muna siya,” sagot ni JC.


Hindi na ba talaga sila nakapag-usap ni Ma’am Wilma Galvante ng GMA?


“Hindi na talaga kami nakapag-usap,” maiksing tugon ng actor.


Inamin ni JC na pinaghinayangan niya ang pag-alis niya sa GMA fantaserye.


“Sobrang pinanghina­yangan ko ‘yon. Kasi alam ng lahat na pinaghandaan ko ang show. Mahirap talaga para sa akin. Pero kapag hindi ako nag-decide para sa sarili ko, kapag hindi ko ginawa ito sa sarili, kelan ko sisimulan? Ginawa ko ang Panday with heavy heart. Kahit na-excite ako for that show, mabigat pa rin ang loob ko para doon. Kaya, ‘yun, kasama ko si Tita Annabelle na nag-decide. Sabi ko, kailangan kong gawin ito at nagpaalam naman ako na hindi ko na tatapusin ang show. Na-explain naman namin kay Miss Annette (Gozon-Abrogar) at naintindihan naman nila. Gusto ko ring i-clear ‘yung issue na, kasi, sasabihin din na wala akong utang na loob. Hindi kasi ako nagsasalita tungkol sa isyu.


“‘Yun nga, hindi naging madali para sa akin lalo na ‘yung pagpapaalam ko lalo na sa nagbigay sa akin ng magandang projects ng GMA. So ‘yun nga, kailangan kong mag-decide para sa sarili ko. Kailangan kong mag-mature. Saka ginawa ko ito for career growth talaga! Saka mahirap at mabigat talaga sa GMA!” paliwanag ni JC.


Nag-effort ba siya upang makausap si Ma’am Wilma?


“Sa tingin ko, hindi ko na kailangan pa. As long as nandoon ang respect ko sa kanya, okey na ‘yon.

Hindi naman ako masamang tao para pagsalitaan siya nang masama. Thankful pa rin ako dahil kahit paano, naging mabait pa rin siya sa akin. ‘Yun nga lang, nagkaroon sila ng problem ni Tita Annabelle and obviously, nadamay ako. Ahh, kumbaga, ‘yung galit ni Ma’am Wilma, napupunta sa akin imbes na kay Tita Annabelle. So sa akin, nababato, sa mga alaga ni Tita, ‘di ba?” paliwanag pa niya.


Teka, ‘yung bayad ba sa kanya ng TV5 ang nagtulak sa kanya para pumirma ng kontrata sa kanila?


“Second priority na sa akin ‘yung deal. Gusto kong mabago ang environment ko ang unang dahilan ng paglipat ko. ‘Yun ang nagustuhan ko. Tapos, ‘yung excitement na makakatrabaho ko ang fresh na directors and writers. Doon ako nai-excite. ‘Yung deal, nasabi na sa akin. Ako talaga, gusto ko lang talagang umalis! Ha! Ha!Ha!” natatawang sambit na lang ni JC.
read more "JC de Vera, ‘di iniyakan ang paglayas sa GMA!"

Friday, March 12, 2010

JC de Vera, 3 shows ang gagawin sa TV5


TAPOS na ang fighting mood ni Tita Annabelle Rama nang bumi­sitang muli sa Wednesday Club. Natapos na rin kasi ang kontrobersiyang kinasangkutan ng anak niyang si Ruffa Gutierrez laban kay Kris Aquino kung saan tumalak ang huli nang husto sa phone patch sa kanya sa Showbiz Central.


“Pilit nga akong kinukulit ni Ruffa para maki­pag-dinner kay Kris at sa family nito. Umayaw ako dahil may kanya-kanya tayong paniwala lalo na ngayong eleksyon. Open naman ako sa pagsasabing gusto ko si Gibo (Teodoro) kaya umaayaw ako sa dinner! Basta okey na ako at natapos na ang isyu sa anak ko at kay Kris!” kuwento ni Tita Annabelle habang nilalantakan ang kakaning tibuk-tibok na dala ni Tito Alfie Lorenzo.


Tinanong nga si Tita Annabelle ni Tito Alfie kung bakit kaila­ngang uma­lis ni JC de Vera sa Panday Kids gayong maganda naman ang role niya sa GMA fantaserye.


“Wala namang renewal ng kontrata kaya pinag-taping ko na siya bago mag-expire ang kontrata niya sa March 14. Nagti-taping siya ngayon para naman wala silang masabi na iniipit ko ang alaga ko.


“Eh, sa TV 5, tatlong shows ang gagawin ni JC, saka guaranteed ang pinirmahan niyang kontrata.

Kahit wala siyang ginagawang show, may monthly siyang matatanggap! Non-exclusive naman ang kontrata niya!” paliwanag ng Gutierrez matriarch.


Ang ibig sabihin, puwede nang lumabas sa Channel 2 si JC dahil bukod sa tapos na ang kontrata niya sa GMA, non-exclusive siya sa TV 5?


“Hindi ko pa masabi ‘yan! Depende sa offer! Ha! Ha! Ha!” biting sagot ni Bisaya.
read more "JC de Vera, 3 shows ang gagawin sa TV5"

Sunday, March 7, 2010

Paglayas sa Panday Kids, wrong move for JC de Vera!


Biglang nabalita na si JC de Vera na ka-partner nga­yon ni Juday sa “Hating Kapa­tid” ng Viva Films ay lumayas na raw sa current toprater ng GMA 7 na “Panday Kids” at lumipat na sa TV5.


Two weeks pa bago matapos ang kontrata ni JC de Vera sa GMA 7, eh bakit hindi pa niya hinintay na matapos ‘yun para hindi siya nawalan uli ng income?Ang ganda ng chances na ibinigay kay JC de Vera ngayon sa kinasasalihan niyang teleserye ay nasa primetime na dating kay Richard Gutierrez na napunta kay “Darna”.


Ang taas ng ratings ng “Panday Kids” at nakipagpukpukan sa ratings ng “Agua Bendita”, bakit sinayang ni JC de Vera ang chances na mas higit siyang makilala pati na sa mundo ng mga bata?


Parang nawawalan na ako ng gana sa JC de Vera na ito. He does everything without consulting people in the know. Basta sige lang nang sige. Binigyan ko pa naman siya ng break sa “Hating Kapatid” na matambal kay Juday at masayaran ng suwerte. Si JC de Vera lang yata ang sisira sa lucky streak ni Juday?


Ano na naman kaya ang nangyari? May kinalaman kaya ang pagwu-walkout ni Bisaya sa presscon ng “Diva” nu’ng tawagin onstage ang may birthday na si Wilma Galvante? Uhum, tuloy ang laban, huh!


Humihingi si Vero Samio ng paliwanag sa ginawa mong action, JC de Vera!
read more "Paglayas sa Panday Kids, wrong move for JC de Vera!"

Thursday, February 18, 2010

JC de Vera does not know yet if he'll stay as a Kapuso when his contract ends this March


Kinailangang magpalaki ng katawan ni JC de Vera para sa kanyang role bilang Aureus, isang eskrimador, sa bagong primetime telefantasya ng GMA-7, Panday Kids, na mapapanood na simula sa Lunes, February 22, sa GMA Telebabad.



One month lang daw ang inabot bago na-achieve ni JC ang magandang katawan niya ngayon.



"One month lang. Kasi nag-take advantage ako doon sa Christmas season. Nasa 165 pounds ako ngayon. Before 148," banggit ni JC nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa grand launch ng Panday Kids sa Studio 5 ng GMA Network noong February 16.



Maaksiyon ang mga eksena ni JC sa Panday Kids, lalo na't ang role niya ang itinalaga bilang susunod na tagapangalaga ng espada ng Panday.



"Marami akong fight scenes dito. Meron naman kaming wushu instructor from China na nagtuturo sa amin," sabi niya.



Ano ang pinakamahirap na nagawa niya so far sa kanyang mga fight scenes?



"Yung pinakaunang scene na ginawa namin na first day of taping din, yung nagpa-fight scene kami ni Tito Boyet [Christopher de Leon] sa hanging bridge. Seventy-foot po yun, ganun po siya kataas kaya medyo nakakalula. Dahil nga ako ang susunod na protector ng sword tini-training niya ako. Ang pinakamahirap po noon ay naka-blindfold ako," kuwento niya



Dahil siya ang bagong tagapangalaga ng espada, magagamit niya rin ba ito?



"Yes, magagamit ko siya."



Ano ang feeling na nabigyan ulit siya ng GMA-7 ng big role?



"Well, as always, grateful ako. Kung anuman kasi yung ibinigay sa akin, sinisigurado ko na 100 percent din ang ibibigay ko para sa show para makita talaga nila kung ano yung kaya kong gawin. Very grateful ako and happy," sagot ni JC.



WORKING WITH THE PANDAY KIDS. Ang madalas daw niyang kaeksena ay ang mga Panday Kids na sina Buboy Villar, Julian Trono, at Sabrina Man.



"Kasi ako ang magti-training sa kanila. Ako yung maghahanap sa kanila. Ako yung makakasama nila every time na magkakaroon sila ng battle. Nandoon ako sa likod nila. So, parang magiging teacher nila ako."



Ano ang masasabi niya sa tatlong bata?



"Amazed ako doon sa mga bata kasi very focused sila sa work. Buhay na buhay lagi sila, parang hindi sila napapagod at nakakapag-memorize pa sila ng mahahabang linya. At lahat sila, pag sinabi mong fight scene, pag sinabi mong action, bigay todo talaga," lahad niya.



KISSING SCENE WITH JACKIE. First time makatrabaho ni JC si Jackie Rice. Pero first taping pa lang daw nila na magkasama ay kissing scene na agad ang kinunan sa kanila.



"Nagugulat pa kami sa isa't isa kasi binigla kami ng team, kasi kissing scene kaagad. Work naman yun, wala namang malisya yun."



Ilang takes inabot ang kissing scene nila?



"Dalawa po."



Bukod sa biglaan nilang kissing scene, ano pa ang masasabi niya kay Jackie bilang katrabaho?

"She's down to earth," sagot ni JC. "Lately kasi, hindi pa kami nagkakasama sa taping. Yung isang eksena lang yun... Basta yung taping day na yun, two to three scenes lang ang nagawa namin, then tapos na siya. Kaya wala kaming time talaga to bond and to talk."



NO LOVELIFE. Wala ba siyang girlfriend ngayon?



"Girlfriend? Wala, matagal na," sabi niya.



How about dating?



"Dating? Medyo hindi ako nakikipag-date talaga. Mas open lang ako ngayon na magkaroon ng maraming kaibigan at maraming nakikilala sa labas, na usually hindi ko naman nagagawa before. Meron akong nakakasama lately, non-showbiz siya. Pero nothing serious yet," saad ni JC.



Since wala siyang girlfriend, posible bang ma-attract at ligawan niya si Jackie?



"Wala siguro. Trabaho na lang muna kami," sagot niya.



FACING THE CONTROVERSIES. Nabalita noon na lilipat umano ng ABS-CBN si JC after ng gusot sa GMA-7 noong isang taon sa pagitan ng manager niyang si Annabelle Rama at sa Senior Vice President for Entertainment ng network na si Wilma Galvante. Ano na ba ang nangyari dito?



"Sa ngayon po, hindi ko na iniisip 'yan," sabi ni JC. "Naka-focus na lang ako sa show na ito. May ibinigay naman sa aking work, so dito na muna. Ayoko munang magsalita ngayon. Gusto ko munang tapusin yung contract ko. By March 14 pa matatapos ang contract ko sa GMA. After nun, at saka ako magsasalita."



Paano yun, e, lalampas ng March ang airing ng Panday Kids?



"Well, yun ang hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari. Basta magsasalita po ako pagkatapos ng contract ko."



Pero open pa rin ba siya sa paglipat?



"Sa ngayon, hindi ko siya iniisip. Kasi nandito pa yung utak ko, e, sa Panday Kids. So, habang ginagawa ko ito, dito lang muna ako."



Nakalimutan na ba niya yung mga controversies sa kanya before?



"Yung mga controversies, hindi na 'yan mawawala, e. Kumbaga, pag sinabi mo yung pangalan ko, parang kakabit na 'yang mga controversies. So ako, ine-enjoy ko na lang na may trabaho tayo ngayon, na nagte-taping ako. Yung mga controversies, hindi na mawawala sa akin 'yan. Lalo na kay Tita Annabelle, hindi na mawawala 'yan."



Sa tingin niya ba ay magkakabati pa ang manager niya at ang nakabanggaan nitong si Ms. Wilma?



"Hoping pa rin ako na maaayos pa rin lahat at magkakabati," sabi ni JC.



Open ba siya na makipag-ayos kay Ms. Wilma?



"Wala akong problema kay Ma'am Wilma," sagot ng young actor. "Actually, ilang beses na kaming nagkasalubong, nag-meet, nagbatian. Ako, personally, wala naman akong problema talaga. Wala naman akong kagalit, wala akong kaaway. So, bakit ako magwo-worry?"



Kung meron siyang nire-regret noong 2009, ano yun?

"Siguro yung lack of self-esteem. Yung pagkukulang din ng tiwala ko sa sarili ko. Kasi yung buong 2009, inaasa ko lahat sa ibang tao, parang ganun. Maraming bagay na hindi ko talaga hinarap mag-isa. Kinailangan ko ng tulong ng iba. Yun ang medyo na-disappoint ako sa sarili ko.



"So, ngayong 2010, mas tina-try kong maging mas independent. Mas tina-try kong mag-focus muna sa sarili ko, kung ano yung kaya kong gawin mag-isa. Pero siyempre, si Tita Annabelle will always be there," sabi niya.



HATING KAPATID. Bukod sa Panday Kids, nagsu-shoot din si JC ngayon ng Viva Films movie na Hating Kapatid, na pinagbibidahan nina Judy Ann Santos at Sarah Geronimo. Love interest ni Judy Ann ang ginagampanang role ni JC sa pelikula.



"Nakaka-isang araw pa lang po ako ng shooting. Pero yung maging leading man ni Judy Ann, naku, nakaka-pressure! Happy ako kasi big star na si Judy Ann, e."



Hindi ba makakaapekto sa ginagawa niyang movie ang pagpapalaki ng katawan niya?



"Hindi naman kasi kailangan ko ring magmukhang mature."



Ready ba siya kung magkakaroon sila ng kissing scene ni Judy Ann?



"Okay lang po. Work po yun, e. Kung ano po yung hinihingi ng script, e, di gagawin."
read more "JC de Vera does not know yet if he'll stay as a Kapuso when his contract ends this March"