Your Ad Here

Wednesday, February 10, 2010

Charice Pempengco caught in feud between her mother and grandmother


Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ng international singing sensation na si Charice Pempengco ay ang malungkot na kuwento ng buhay niya. Alam na halos lahat na hiwalay na ang mga magulang niya, at ngayon naman ay laman ng mga balita ang away na namamagitan sa kanyang ina na si Racquel Pempengco at ang lola ng young singer na si Tess Relucio.



Nakuhanan ng magkakahiwalay na pahayag ng The Buzz sina Mrs. Pempengco at Mrs. Relucio, at maging si Charice, tungkol sa alitan ng mag-ina.



Ayon sa mommy ni Charice na si Racquel, "Basta po ako, hindi po ako masyadong close sa nanay ko. Hindi ko po alam...masyado po kasing mahigpit ang nanay ko. Marami pong bawal. Bawal pong makipagkaibigan. Bawal pong makipag-boyfriend noong nag-aaral ka."



Ang huling isyu sa nanay ni Charice at sa lola niya ay nang ma-hospital daw ang lola ni Charice at hindi raw nila tinulungan.



Pero paliwanag ni Mommy Racquel, "Noong pagbaba po namin ng eroplano, pinakontak ko na po ang ospital. Dala-dala ko na po ang tseke dahil tinanong po namin sa billing department kung ano ang hospital at ini-issue ko na po agad sa pangalan na yun mismo.



"Sinasabi po ng billing department na three thousand plus lang po ang bill nila, pero sinasabi po ng nanay ko, seven thousand plus. Pero noong nandoon na po kami mismo sa tapat ng hospital, nakalabas na raw po at binayaran na nila."



Ayon naman kay Aling Tess, na nakausap ng The Buzz sa Laguna, "Naawa ang isang customer ko na naging anak-anakan ko, si Ching. Kesa magmakaawa ako sa kanila [Racquel and Charice], sinabi niya na, 'Ako na lang po ang tutubos sa inyo.' Maawa naman kayo sa akin. Hindi ako humihingi ng pera sa inyo. Ang sabi mo sa akin bibigyan mo 'ko. Kahit na hindi humingi, ang magulang mo, magulang mo.



"Puro na lang Obet. Bakit, sino ba si Obet sa buhay niyo? Bakit lahat na lang pinamahala mo kay Obet? Bakit lahat anak pina-ander mo ang pamilya mong tunay kay Obet?" tanong pa ni Aling Tess kay Mommy Racquel.



Tinanong naman ng The Buzz si Mommy Racquel kung sino nga ba si Obet na tinutukoy ng kanyang ina sa buhay nila ni Charice?



"Si Obet po, noong time na umalis kami sa nanay ko, si Obet po, noong time na yun, siya ang nagda-drive nang libre, ginagamit ang sasakyan niya para sa mga singing contest. Siya rin po yung kapag wala kaming makakain, 'O, ano, meron ba kayong pagkain?' Dapat po sana, ang mga magulang ko ang nagbibigay sa akin ng ganun. Pero never po nilang ginawa," saad ni Mommy Racquel.



Ito naman ang naging sagot ng ng lola ni Charice sa bagay na ito: "Never na ako ay nagpalayas. Racquel, kaya nagalit ka dahil yung binili mong washing machine, ginamit ng tatay. Naglagay ka ng sariwang karne sa loob ng kuwarto, ipinadlock mo. Hindi namin mapangahasaan buksan ang kuwarto mo dahil baka mapagbintangan mo kaming magnanakaw. 'Yan ang dahilan kung bakit kayo umalis. Dahil iniisip ninyo na pinagnanakawan namin kayo."



Tinanong din si Mommy Racquel kung may iba pa ba silang relasyon ni Obet bukod sa pagiging magkaibigan. Aniya, "Hindi po. Siya po ang malapit sa amin. Na sinusuklian ko lang ang ginawa niyang tulong sa amin."



Hirit naman ng lola ni Charice: " Sana nga. Salamat. Panindigan mo 'yan, anak. Panindigan mo 'yan."



MONEY MATTER. Kuwento naman ni Mommy Racquel, tila may ibang intensiyon ang lola ni Charice sa pumapasok na pera ng anak.



"Gustong kontrolin ng nanay ko ang kinikitang pera ng anak ko," sabi niya. "Dahil hindi po ako kumibo noon nang maglabas po siya na yung pera, ginagastos ko raw po sa mga lalake ko ang kinikita ng anak ko. Nagpunta na siya ng Labor [Department] na 'eto raw, binubugbog ko raw para lumipat sa kanya yung bata."



Sinagot din ito ni Aling Tess. Aniya, "Sinasaktan mo si Charice. Alam mo 'yan, anak. Maging si Concoy alam 'yan."



Ayon naman kay Mommy Racquel, napilitan daw siyang magsalita ngayon dahil pati ang pangalan ng American TV host na si Oprah Winfrey ay nadadamay na sa isyu. Na kesyo nagtangka raw silang hingan ito ng pera pagkatapos ng bagyong Ondoy. Si Oprah ang tumulong kay Charice na makilala sa international scene sa pagbibigay ng break sa kanya.



"Hindi po kayo basta-basta makakalapit kay Oprah or kahit sa opisina niya ng kahit sinong tao lang dun kung hindi dadaan sa mga security. Kaya ako, common sense na lang po yung pagbibigay ko ng letter na ano, sa lalake na humihingi ng donation, wala pong katotohanan yun," diin ng ina ni Charice.



Itinanggi rin ni Mommy Racquel na pinabayaan niya ang kanyang mga magulang.



"Umalis sila sa apartment. Kaya ho nagbitiw ako na kung hindi kayo babalik, hindi ko itutuloy ang sustento niyo," sabi niya.


Pero ayon naman sa lola ni Charice, "Halos pati bakod ginawang panggatong. Nagsasaing sila Racquel sa maliit na lata ng gatas."



Sa puntong ito ay umiyak na ang lola ni Charice sa pagsasabing, "Bakit mo inapi ang pamilya mo? Samantalang nagpapakahirap ako sa malayong lugar. Tapos gagawin mo akong masama. Anak, wala akong ginawa. Ikaw, Obet, tumigil ka!"



Tinanong naman kay Mommy Racquel kung wala ba talagang nagko-control o nagma-manipulate sa kanilang mag-ina?



"Wala po. Dahil matalino po ako pagdating sa pera," sagot ng ina ni Charice.



Nagbigay rin ng mensahe sina Mommy Racquel at Aling Tess sa isa't isa.



Aling Tess: "Hindi ba kayo nakokonsensiya? Wala ka bang konsensiya, Racquel? Nagpapasarap ka. Nagpapasarap lahat ng tao na nasa paligid mo. Samantalang nanay mo, tatay mo, nakatapon dito sa malayong lugar, ibang tao ang nagmamalasakit?"



Mommy Racquel: "Sa nanay ko po, sana po maging masaya siya. Sana po bigyan niyo na rin ako ng laya dahil kung tutuusin, kung gusto ko man po na kumuha ng boyfriend or makakasama, may sarili po akong pag-iisip."



Aling Tess: "Kung matututo ka, ipaglaban mo ang tamang katwiran na nangyayari sa pamilya mo. Yun ang gusto ko. Mahal na mahal kita, Charice."



CHARICE SPEAKS UP. Nakausap din ng The Buzz si Charice at sinabi nito kung ano ang saloobin niya sa nangyayaring gusot sa pagitan ng kanyang ina at ng kanyang lola.



"Sana po maayos na ang lahat. And ma-realize niyo po na ang lahat ng ginagawa namin, para sa inyo. And ma-realize niyo sana na kung nasasaktan man kayo, mas nasasaktan po kami," saad niya.



Gusto niya bang magkaayos na ang lola at nanay niya?



"May panahon po yun kung handa na po talagang magpatawad," sagot ni Charice.
read more "Charice Pempengco caught in feud between her mother and grandmother"

Ara Mina answers criticisms about her political interview with Mo Twister


Nitong mga nakaraang araw ay kumalat through YouTube at Facebook accounts ang video clip ng live guesting ng aktres at kandidato para sa pagkonsehal sa 2nd district ng Quezon City na si Ara Mina sa show ni Mo Twister sa ANC na I.M.O. (In My Opinion) noong January 12.



Sa video, ipinakita ang pagsagot ni Ara sa mga ibinatong tanong ni Mo. (CLICK HERE to watch video). Hindi naging maganda ang reaksiyon ng mga nakapanood ng video dahil sa mga sagot ni Ara.



Sa gitna ng patuloy na pag-circulate ng video at pagdami ng opinyon tungkol kay Ara, hiningan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ara ng kanyang reaksiyon hinggil dito.



Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, sinagot ni Ara ang mga batikos sa kanya.



May mga hindi paborableng reaksyon mula sa mga nakapanood ng video ng interview mo with Mo. May mga hindi magandang opinyon na rin tungkol sa iyo dahil dito. Na kesyo sa hindi mo raw pagsagot nang malinaw sa mga ibang tanong sa iyo, nagpapakita lang daw na wala kang alam sa mga national issues.



"Thanks for giving me the chance to answer the issue kasi at the rate it's going, naging viral campaign na against me, which is unfair kasi nai-influence ang mga tao based on a video that has been re-edited.



"Una, I will not claim and I have never claimed na napakagaling ko or that I know everything about national issues. Kung ang tanong is that may alam ba ako? Oo. But in an interview na rapidfire ang pagtatanong, siyempre nag-iisip pa ako, bumabalanse at nag-a-assess kung ano [ang] implication ng sagot ko.



"For example: Am I for or against pre-marital sex? Ask me again and I will still give the same answer—Against. Bakit? Maraming kabataan na ang nakatingin sa akin ngayon, who will follow my example, who will take my answer seriously. Tama bang sabihin ko na yes, I am for pre-marital sex? Hindi. Kalat na kalat ngayon ang issue ng pagdami ng may HIV at AIDS na kabataan tapos sasagot ako na parang kino-condone ko pa?



"Susunod, are you for or against private armies? I said 'for' but sasabihin ko yung totoong nasa loob ko. Realistically po, kaya ba natin maalis ang private armies? Even dito sa bagong commission na tinatag nila, tingin mo po mawawala yung mga politiko o tao na natatakot ma-ambush o mapatay? Hindi. Alam niyo po, yung problema kasi during the interview, ang dami kong tinitimbang sa isip ko. At kahit sinong guest siguro dumadaan sa ganito—'tama ba o hindi?' 'Ok ba o hindi?' Hindi ibig sabihin noon, wala akong alam o wala akong pakialam.



"Ang problema ko lang po, hindi ako sanay sa political interviews. Pero yung husgahan ako na parang ang sama-sama ko na, ang sakit naman. Sana natanong ako sa issue ng [2nd] district like palupa, patubig o ano pa, para napakita ko [kung] ano yung alam ko. Ang sama ng loob ko is, kung bakit after almost one month after ko nag-guest, 'tsaka nilalabas ito? Obviously, may gustong manira sa akin. Imagine, halos isang oras yung show tapos nilalabas is a 3 or 5-minute video kung saan naka-highlight yung supposed pagkakamali ko.



"Alam niyo po, mapapansin naman sa video na nag-iisip ako, I was weighing my answers. Mabilis lang yung tanong at lalong naging mabilis tingnan when they re-edited the video. Grabe, kung hindi demolition job ito, ewan ko na. Nagtiyaga sila i-edit yung video, i-upload at ikalat kung saan-saan. Sana pinakita nila [yung] buong interview.



"Sana po naisip rin nila na mahirap masalang sa isang political interview lalo na't ingat na ingat ako na baka may masagasaan ako o matamaan ako."



May sama ka ba ng loob kay Mo o may pagsisisi sa paglabas mo sa show ni Mo?


"Regarding Mo, may nagsabi sa akin na days after the interview, nag-apologize siya sa radio program niya for helping me. Hindi ko alam kung anong tulong [ang] sinasabi niya. Pero di ba dapat lang, bilang host at ako bilang bisita niya, na alalayan niya ako at hindi lituhin? Bisita ako doon, tama lang na maging gracious o polite siya sa akin. Anyway, ayokong makipag-away sa kanya dahil useless naman, di ba? Pero sana yung mga nanglalait sa 'kin, sana isipin niyo, paano kung kayo ang nakaupo doon? Paano kung kayo ang nag-iisip pa lang pero may kasunod nang tanong? Madali humusga, pero paano kung kayo ang nakasalang?



"Hindi tama at hindi dapat na maging basis ang iisang interview para malaman kung magiging mabuting public servant ba ang isang tao. We all have off days, we all make mistakes. Wala namang perpekto. Pero yung husgahan ako, yung ikalat ang video na pinutol-putol after a month, yung i-upload at gawing campaign against me... Di ba, mali naman? Di ba, unfair naman? Again, di ko sinabi na napakatalino o napakagaling ko, pero alam ko ang ginagawa ko, malinis ang hangarin ko at kung isyu at isyu lang, may sagot ako."



Sa tingin mo, makakaapekto ba sa kandidatura mo ang isyung ito?


"Ang objective ng mga kalaban ko ay siraan talaga ako. In the last survey kasi, number one or two ako, kahit sa survey ng kalaban. May mga tao na gagawin lahat para pabagsakin ako. Pero kilala ako ng mga taga-district two. Simula pa noong 2001, nandiyan na ako, umiikot. Alam ko ang mga issue, alam ko kung ano [ang] nangyayari sa buhay-buhay nila. Alam ko din na hindi sila basta maniniwala sa paninira o sa isang tsinop-chop na video.



"To fix it, I will continue working hard. I will continue studying more, dahil alam kong marami pa akong matututunan and I will remain humble kahit ano pang batikos nila. Ipinapasa-Diyos ko na lang."



Ano ang mensahe mo sa mga taong tumutuligsa sa iyo dahil sa paglabas ng video mong ito?



"Sa mga naninira sa akin, sana hindi mangyari sa inyo ang ginagawa sa akin ngayon. Kung kayo po ang nasa posisyon ko, ano po kaya ang mararamdaman niyo? God bless pa rin po sa kanila."



Sa pagtatapos ni Ara sa kanyang mensahe, humingi siya ng paumanhin sa mahaba niyang pagsagot at inulit na "demolition job" talaga ang ginawa sa kanya, na ikinasasama niya ng loob.



HEARING IT FROM MO. Nauna nang nakausap ng PEP ang host ng show na si Mo Twister. Tinanong namin siya kung ano ang nangyari sa kanila ni Ara after the show.



"I made sure na okay siya after the show. Make sure she's fine," simulang kuwento ni Mo. "We talked about it a little bit on my radio show dahil ang dami ngang tumatawag sa akin. Pero it was just one of those things... You know, I don't know her mind, I don't know kung kinabahan siya dahil live or she was expecting to talk about showbiz and politics, and then nung ginawa naming national issues, medyo nabigla lang. I don't know..."



Pero hindi ba siya kinumpronta ni Ara after the show? Hindi ba ito nagtanong sa kanya kung bakit mga national issues ang tinanong niya rito?



"Why wouldn't I? You're running for public office, I'm not asking her about her sex life. I'm asking her about national issues that most politicians would have an opinion on. And I have not even met most of them. Ninety-nine percent of politicians I think would have an opinion on Martial Law and Maguindanao, or the Reproductive Health Bill, or the Visiting Forces Agreement. I think most people naman will have an opinion about that if you're running for public office. So, malay ko na she would not like to talk about that," paliwanag ng TV host-DJ.



Bago magpaalam, nag-suggest si Mo na ilabas muna ng PEP ang video, hayaang makita ito ni Ara at mag-react siya. 'Saka na lang daw siya sasagot pagkatapos magsalita ni Ara at kung may sasabihin nga ito tungkol sa kanya.
read more "Ara Mina answers criticisms about her political interview with Mo Twister"

TNS National TV Ratings (Feb. 8): Agua Bendita makes a big splash on its pilot episode


ABS-CBN's new fantaserye Agua Bendita seemed to be continuing the winning streak of May Bukas Pa in the primetime race. Agua Bendita, which took over the timeslot of May Bukas Pa, debuted last February 8 with a very impressive 37.7 percent to claim overall leadership. It also seemed that the Kapamilya network has found another gem in Andi Eigenmann, who is starring in her very first solo soap.



Aside from Agua Bendita, three new shows from GMA-7 also debuted last Monday—the early primetime series First Time, the afternoon soap Gumapang Ka Sa Lusak, and the early morning talent show Diz Iz It!.



First Time, which stars tween idols Barbie Forteza, Joshua Dionisio, and Jhake Vargas posted a rating of 18.7 percent on its pilot episode, just missing the Top 10 of the primetime race.



Gumapang Ka Sa Lusak, starring Dennis Trillo and Jennylyn Mercado, debuted at No. 6 in the daytime race by virtue of its 13.5 percent rating. Diz It It!, on the other hand, tied with ABS-CBN's Maria de Jesus: Anghel Sa Lansangan at No. 10 with 12.1 percent.



Wowowee topped the daytime race with 23.5 percent.



Here are the comparative ratings of ABS-CBN and GMA-7 programs last February 8 based on the overnight ratings of Taylor Nelson Sofres (TNS) among National households.



Non-Primetime:

Umagang Kay Ganda (ABS-CBN) 5.4%; Mr. Bean (ABS-CBN) 5.5%; Unang Hirit (GMA-7) 5.1%

Gintama (ABS-CBN) 5.5%; Hunter X Hunter (GMA-7) 7.9%; Pokemon Master Quest (GMA-7) 8.8%

Naruto Shippuuden (ABS-CBN) 7.2%; Kekkaishi (GMA-7) 9.6%

Miss No Good The Bonggacious Comeback (ABS-CBN) 7%; Knock Out (GMA-7) 10.3%

Showtime (ABS-CBN) 18.6%; Diz Iz It! (GMA-7) 12.1%

Wowowee (ABS-CBN) 23.5%; Eat Bulaga! (GMA-7) 17.5%; Daisy Siete: Bebe & Me (GMA-7) 12.5%

Magkanao ang Iyong Dangal? (ABS-CBN) 15.4%; Gumapang Ka Sa Lusak (GMA-7) 13.5%

Maria de Jesus: Anghel Sa Lansangan (ABS-CBN) 12.1%; Ina, Kasusuklaman Ba Kita? (GMA-7) 12.9%

Banana Split Daily Servings (ABS-CBN) 10.2%; Pinoy Big Brother Double Up Uber (ABS-CBN) 12.8%; Wow Hayop (GMA-7) 6.8%

Love Is Only in the Movies (ABS-CBN) 13.7%; Family Feud (GMA-7) 9.2%



Primetime:

Tanging Yaman (ABS-CBN) 20.5%; First Time (GMA-7) 18.7%

TV Patrol World (ABS-CBN) 31.6%; 24 Oras (GMA-7) 23.6%

Agua Bendita (ABS-CBN) 37.7%; Darna (GMA-7) 27.1%

Kung Tayo'y Magkakalayo (ABS-CBN) 33.1%; The Last Prince (GMA-7) 27.7%

Habang May Buhay (ABS-CBN) 30.7%; Full House (GMA-7) 25.2%

Pinoy Big Brother Double Up (ABS-CBN) 27.3%; Queen Seon Deok (GMA-7) 17.3%

SNN: Showbiz News Ngayon (ABS-CBN) 11.4%; Bandila (ABS-CBN) 6%; Saksi (GMA-7) 8.3%

XXX. (ABS-CBN) 5.2%; Pinoy Big Brother Double Up Late (ABS-CBN) 2%; I Witness (GMA-7) 5.7%



Here are the Top 10 daytime and primetime programs last February 8 based on the overnight survey of TNS among National households:



Daytime:

1. Wowowee (ABS-CBN) - 23.5%
2. Showtime (ABS-CBN) - 18.6%
3. Eat Bulaga! (GMA-7) - 17.5%
4. Magkano ang Iyong Dangal? (ABS-CBN) - 15.4%
5. Love Is Only in the Movies (ABS-CBN) - 13.7%
6. Gumapang Ka Sa Lusak (GMA-7) - 13.5%
7. Ina, Kasusuklaman Ba Kita? (GMA-7) - 12.9%
8. Pinoy Big Brother Up Uber (ABS-CBN) - 12.8%
9. Daisy Siete: Bebe & Me (GMA-7) - 12.5%
10. Diz Iz It! (GMA-7) / Maria de Jesus: Ang Anghel Sa Lansangan (ABS-CBN) - 12.1%



Primetime:

1. Agua Bendita (ABS-CBN) - 37.7%
2. Kung Tayo'y Magkakalayo (ABS-CBN) - 33.1%
3. TV Patrol World (ABS-CBN) - 31.6%
4. Habang May Buhay (ABS-CBN) - 30.7%
5. The Last Prince (GMA-7) - 27.7%
6. Pinoy Big Brother Double Up (ABS-CBN) - 27.3%
7. Darna (GMA-7) - 27.1%
8. Full House (GMA-7) - 25.2%
9. 24 Oras (GMA-7) - 23.6%
10. Tanging Yaman (ABS-CBN) - 20.5%
read more "TNS National TV Ratings (Feb. 8): Agua Bendita makes a big splash on its pilot episode"

Jake Cuenca says he doesn't believe in courtship even though Melissa Ricks revealed he's courting her


Very challenging para kay Jake Cuenca ang role niya sa upcoming primetime series ng ABS-CBN, ang Rubi, na magsisimula na sa February 15. Bilang Alejandro, kakaiba raw ito sa mga usual roles na naibibigay sa kanya.



"I'll be playing the role of Alejandro, isang simpleng tao na walang hinangad kung hindi ang maibangon ang aking pamilya. Mahanap ang tunay na mamahalin kong babae. Pagdating dito, yun nga lang ang nag-iisang flaw ko kaya hindi kami nagkatuluyan ni Rubi [Angelica Panganiban] dito dahil simple at mahirap lang ako.



"First time kong mag-portray ng ganitong role na simple, walang bahid, walang kayabang-yabang. It's very challenging. E, at the same time, usually ang character na pino-portray ko, mayabang, gray. So, first time kong mag-portray ng character na sobrang pure, sobrang simple," paglalarawan ni Jake sa kanyang role.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment portal) si Jake sa grand launch ng Rubi last Monday night, February 8, sa Eastwood Tent, Libis, Quezon City.



ANGELICA PANGANIBAN. Si Angelica Panganiban naman ang gumaganap sa title role at siyang love interest ni Jake sa serye. There was a time na nagkagusto si Jake kay Angelica. Kapag nagkikita o magkaeksena sila, ano ang nararamdaman ni Jake?



"Siyempre, kapag nasa set ako, in character ako. So, ang lumalabas, parang in love na in love ako kay Angel. At saka hindi naman mahirap i-portray yun, kasi nga, sa pinanggalingan namin noon.



"At the same time, ano ba ang hindi maganda kay Angel? Sobrang sexy, sobrang galing umarte. Sobrang bait na tao. So, kumbaga, ang daling mag-adjust. Ang daling i-portray ang role kasi nga matagal na matagal na kaming magkakilala at marami na kaming pinagdaanan," sagot ni Jake.



Minsan daw ay hindi rin maiiwasang nagkakabiruan sila sa set.



"Naglolokohan kami. Minsan, nagkakalaglagan kaming dalawa. Lalo na si Angel, mahilig makipagbiruan 'yan. Pero siyempre, katuwaan lang naman yun. Pinagtatawanan lang namin ang mga bagay na 'yan."



MELISSA RICKS. Kumusta naman ang relationship nila ni Melissa Ricks?



"Ano naman kami, kapag lumalabas kami, grupo kaming lumalabas. Hindi ko naman itinatanggi na lumalabas kami. Pero usually, kadalasan, may mga iba kaming kasama. Hindi naman masama yun, di ba? We have similar friends. Minsan nagsasama-sama kaming lahat."



May nakakita raw sa kanilang magkasamang magsimba? (CLICK HERE to read related story.)



Tumawa muna si Jake bago sumagot. Aniya, "Sa Sanctuario... Well, ano lang, hindi naman masamang magsimba, di ba? Siyempre, kung naiimpluwensiyahan mo naman ang isang tao na maging relihiyoso, hindi naman masama yun, di ba?"



Pero pinalagan ni Jake ang isyu na kesyo nakikita raw silang nagpi-PDA or public display of affection.



"Baka naman OA na yun. Unang-una, hindi naman ma-PDA na tao si Melissa. Pangalawa, ang sa akin naman, wala pa rin naman sa level na yun. Ang sa akin naman, baka naman dagdag na yun sa write-up. Ako naman, umaamin ako, lumalabas kami, group date, sa simbahan. Hindi naman masama," saad niya.



Pero nililigawan nga ba niya si Melissa?



"Tulad ng sinabi ko before, hindi ako naniniwala sa panliligaw," sagot ni Jake. "Gusto ko magkaibigan at sana magka-debelopan. At least, sa ganoong paraan, mas kilala niyo ang isa't isa."



Pero bakit sa interviews ni Melissa ay sinasabi nitong nanliligaw siya?



"Sa akin naman, klaro naman kaming dalawa. Hindi naman ako magsisinungaling. I admire her. She's a very beautiful lady. Yung panliligaw kasi, I don't believe that. I believe on being friends and then, sana magka-debelopan, di ba? So, at least, hindi kayo nagmamadali," paliwanag niya.



At this time, ano na ang status ng relasyon nilang dalawa?

"For me, we're very good friends. At the same time, focus kami sa trabaho," maikling tugon ni Jake.



May ibang ka-loveteam si Melissa in the person of Matt Evans. Sa ilang fans ng loveteam ng dalawa, puwedeng kontrabida ang dating ni Jake. So, ano ang message niya sa mga ito?



"Isa rin naman ako sa fans ni Matt at Melissa," aniya. "Isa rin naman ako sa tumatangkilik sa loveteam nila. At kung anuman ang proyekto, hindi ako mang-aagaw. Kumbaga, magkaibigan kami ni Matt. Siyempre sa akin, tulad ng MMK [Maalaala Mo Kaya], nanood ako, sobrang ganda. So, congratulations to the both of them."



SAM PINTO. Bukod kay Melissa, isa pang lumalabas na isyu kay Jake ay yung tungkol sa dating housemate ng Pinoy Big Brother Double Up na si Sam Pinto. Sa paglabas ni Sam ng Bahay ni Kuya ay sinabi nitong nanligaw sa kanya noon si Jake, pero hindi raw nito itinuloy.



Ano ang naging reaksiyon dito ni Jake?



"With Sam, nagkausap kami. Nag-apologize pa nga siya. Sabi niya, 'Uy, sorry, lumabas sa TV.' Sabi ko naman, 'It's no problem with me. Kasama sa industry 'yan. So, it's something that we have to get used to.' Tapos, nag-usap kami at sinabi ko naman sa kanya that I'm happy to see her again outside the PBB house. At the same time, masaya ako sa naa-accomplish niya at sana makatrabaho ko siya very soon, di ba? I like talking to her, seeing her. It's a breath of fresh air."



Ano nga ba ang nangyari sa kanila ni Sam?



"We dated...nag-date naman kami," pag-amin niya. "Lumabas naman kami ng ilang beses and we had a good time. Kumbaga, ang sa akin, nag-share din naman kami ni Sam ng something na hindi ko makakalimutan. At kapag nakikita ko siya, masaya naman."



Ilang araw na lang ay Valentine's Day na. May plano na ba si Jake para sa araw na ito?



"Naku, wala pa akong plano. Tuloy-tuloy po ang trabaho. Pero malayo-layo pa rin naman ang Valentine's Day, so tingnan natin," sabi niya.
read more "Jake Cuenca says he doesn't believe in courtship even though Melissa Ricks revealed he's courting her"

Angel Locsin discourages ex-boyfriend Luis Manzano from courting her again


Nilinaw ni Angel Locsin na walang katotohanan ang balitang boyfriend na niya ang vocalist ng Parokya Ni Edgar na si Chito Miranda.



"Nagulat nga ako kung bakit may mga naglalabasang balita na kami na raw ni Chito. Kagagaling ko lang din sa breakup, so ayoko naman ng ganoon. Hindi ako dapat magsalita pero respeto lang din sa kung sino man ang nakarelasyon niya before, di ba? Basta ako, enjoy lang sa pagiging single. Parang hindi ko naman minamadali yung sarili ko. Hindi naman ganoon kadali," saad ng aktres.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Angel kaninang hapon sa presscon ng Mosbeau, isang whitening product, kung saan siya ang image model.



Pero bakit may nakakita raw sa kanilang dalawa ni Chito habang "nagde-date sa Malate"?



"Anong Malate? Hindi pa ako nakakapunta ng Malate," tanggi ni Angel.



Ayon sa balita, costume party raw ang dinaluhan nila doon ni Chito.



"Ang costume party lang na napuntahan ko, yung Halloween party nung November. Yun yung unang beses kaming nagkita. Kumain kami sa isang restaurant sa may P. Burgos. Malate ba yun? Hindi naman siya Malate, di ba? So yun lang?" sabi niya.



Pero type niya ba si Chito? Kung sakaling ligawan siya nito, may maasahan ba ito sa kanya?



"Basta kami, parang wala namang ligawan talaga na nangyayari. Walang ganoon," aniya.



LUIS MANZANO. Ang ex-boyfriend naman ni Angel na si Luis Manzano ay inaming nakikipagbalikan siya sa aktres. Ginagawa na raw niya ang lahat—kumbaga todo-effort na nga raw siya—para muli niyang mapasagot si Angel. Pero mukhang wala ring patutunguhan ang muling panunuyo ni Luis kay Angel.



"Sabi ko sa kanya, 'Huwag kang mag-effort. Kasi baka kawawa ka naman. Ayoko naman na sabihin mo pinahihirapan kita o ano.' Sobrang times fifty mo yung effort na ginagawa niya para sa akin. Sobra!" banggit ni Angel.



Paanong effort ba ang ginagawa ni Luis?



"Siyempre, kapag sinabihan ka ng babae na, 'Masaya na ako sa buhay ko ngayon. Kung tayo, tayo naman.' Di ba, parang medyo bad trip yun? Pero, 'A, hindi, gusto ko lang gawin.' Ganyan ang sagot niya sa akin.



"Lagi siyang nasa bahay. Nagdadala siya ng pagkain, ganoon. Minsan naghihintay pa siya sa akin sa ibaba kasi meron akong ginagawa sa itaas. Okey lang naman na pinupuntahan niya ako sa bahay, pero ayoko nang lalabas kami. Kasi para sa akin, date na yung tawag dun pag lumabas kami na kaming dalawa lang, e."



Kinikilig pa ba siya pag dinadalaw siya ni Luis?



"Hindi ganoong kilig na... Kasi para kang nag-e-expect kung kinikilig ka. Sabi ko nga sa kanya, no efforts, no expectations. Basta ganito, ganoon lang."



Ano sa tingin niya ang dahilan at gusto siyang balikan ni Luis?



"Napag-usapan naman namin yun. Sinabi naman niya na parang gusto lang kasi niyang ayusin. Ganoon," sagot ni Angel.



Sabi ni Angel noon, kapag nakipaghiwalay na siya sa mga nagiging boyfriend niya ay hindi na siya nakikipagbalikan pa. So, anong tsansa o wala na bang tsansa ang panliligaw ulit sa kanya ni Luis?



"Ayoko kasing isipin, e. As in ayoko talagang mag-isip," maiksing tugon niya.
read more "Angel Locsin discourages ex-boyfriend Luis Manzano from courting her again"