Your Ad Here

Thursday, March 18, 2010

Dennis sala sa init, sala sa lamig




Seen : Ang apo ni Rosanna Roces sa presscon ni Mother Lily Monteverde para kay Senator Bong Revilla, Jr. Sanay makihalubilo sa maraming tao ang bata. Future artista ang anak ni Jolo Revilla sa anak ni Rosanna.

Scene : Binuhay ng pamilya nina Zoren Legaspi at Carmina Vil­lar­oel ang career ni Kier Legaspi dahil sa kanilang ice cream TV commercial.

Seen : Ang pagsasalita ni Dennis Trillo sa isyu ng pagpapakasal ni Carlene Aguilar kay Yo Ocam­po.

Sala sa init, sala sa lamig si Den­nis. Hindi niya alam kung kailan dapat ibubuka o hindi ang kanyang bibig. Mali na pangunahan ni Dennis sa pagsasalita sina Carlene at Yo.

Scene : Si Pokwang ang gaganap sa role ni Deborah Sun sa re­­make ng Temptation Island.

Seen : Nag-apologize na lang si Arnel Pineda sa National His­to­rical Ins­titute upang hindi na humaba pa ang isyu sa paraan ng pag-awit niya ng Lupang Hinirang sa laban nina Manny Pacquiao at Joshua Clottey.

Scene : Ang pagtatanggol ni Claudine Barretto sa drama ni Kris Aquino sa The Buzz noong Linggo. Birds of the same…

Seen : Ang box-office report ng Mojo sa mga pelikula na ipinalabas sa mga sinehan sa Pilipinas (March 10 to March 14).
read more "Dennis sala sa init, sala sa lamig"

Sa galit, aktor na na-late sa taping kinuwelyuhan ni direk


Tsika ng isang kaibigan na sinita at kinu­wel­yuhan ng isang mahusay na director ang actor na kasama sa cast ng soap na dinidirek ng director. Nainis ang director dahil late dumating sa taping ang actor, 6:00 am. pero ang call time niya ay 9:00 a.m., three hours ang nasayang.

Ang ikinagalit ng director, for airing that night ang mga eksena ng actor na kukunan, pero dahil late, ngarag at nagmamadali ang lahat sa taping. Tinapos muna ng director ang mga eksena ng actor saka ito sinita at pinagsabihan.

Hindi siguro nakikinig ang actor at sa inis ni direk, kinuwelyuhan ang actor. Close sa director ang actor at kaya siya nagkaka-project dahil sa director.

Sa nangyari, hindi kami magugulat kung sa mga susunod na soap ng director, hindi muna niya isama ang actor.

Kilala namin ang director at hindi siya ang tipong madaling magalit ‘pag may palpak sa taping, pero dahil kailangang matapos ang eksena’t ie-edit pa at itatakbo sa network, nag-init ang ulo at ‘yun na nga.
read more "Sa galit, aktor na na-late sa taping kinuwelyuhan ni direk"

Derek, Joem at Will, patigasan-palakihan sa ‘Summer ang Simula’


MAHIGIT 150 Kapamilya stars ang nagsasama-sama para sa summer station ID ng Kapamilya Network, na mapapanood sa ASAP XV sa Linggo, na tinawag nilang Summer ang Simula.


Taun-taon ay inaabangan ang summer station ID ng Dos dahil sa kanilang kakaibang eksena, na si­yempre pa ay naglalantad na rin ng magagandang katawan ng mga sartista nila.


Makikita sa larawan ang iba’t ibang eksena na bagay na bagay ngayong summer. Nandiyan si Maja Salvador na pumarada na agad para sa Flores de Mayo, bilang Reyna Elena.


Patatalo ba si Piolo Pascual, na muli ay inilantad ang makisig niyang katawan, na gumanap naman bilang lifeguard, o tagapagligtas sa mga nalulunod, at tagabantay sa mga lumalangoy.


Bonggang-bongga at sigurado namang pagnanasaan ang makikisig na katawan ng mga lalaki sa buhay ni Juday sa Habang May Buhay, na sina Derek Ramsay, Joem Bascon, at Will Devaughn. Palakihan ng katawan at pagandahan nga ng abs ang tatlo habang tila nag-aani ng prutas.


Medyo pa-cute naman ang drama nina Jake Cuenca at Diether Ocampo, na tila nahiya namang maghubad.


At sweet na sweet naman sina John Lloyd Cruz at Angel Locsin na parang nagliligawan lang sa park habang nagpi-picnic.


At siyempre pa, seksing-seksi naman ang grupo ng Tanging Yaman na sina Enchong Dee, Erich Gonzales, Matt Evans, Melissa Ricks at Jason Abalos, na nauna na ngang lumublob sa tubig.


Ayon kay ABS-CBN Creative Communications Management (CCM) Head Robert Labayen, ang Summer ang Simula ay tumatalakay sa ideya na ang summer ay ang pinakaperpektong oras para magsaya at maghanda para sa pagbabago.


Bawat araw ng summer ay maa­ring araw para sa mga bagong si­mula. Bawat araw ay pagkakataon para ma­ging aktibo sa pagtulong sa kalikasan, sa pagtaguyod ng kabuhayan, at pagtingin sa mundong tinitirahan natin sa mas positibong paraan.


Mas magiging aktibo nga ang mga artista at news personalities sa ka­nilang paglahok sa ibat ibang gawain, sa iba’t ibang “Natatandaan ko na mayroon akong gustong bilhin na kotse para sa akin. Biniro ko lang siya at hindi ko sukat akalain na hindi ako magdadalawang-salita at binigyan niya ako nito.


“He gave me that car and I still have it up to now. It reminds me that times have passed, but not the thoughtfulness and generosity of my son. He had extended these traits to other people, particularly to the underprivileged.


“To my son Bong, I never doubted that you will be successful in life. You have proven it in more ways than one.


“Keep up the good work, son. And also, keep up the good health. Thanks for being there everytime I want to talk to you. Inspite of your busy schedule and inspite of my present condition, you still find time to visit and consult me.


“You and your siblings’ presence relieves and strengthens me. It utters to my clear mind and brave heart that I am still important to you.


“May I stress that with great pride, I admit that you have already surpassed my achievements as an actor and as a public servant. I am known by so many names- Agimat, Nardong Putik, Lion, Don Ramon, among others.


“It is indeed an honor to be known by so many aliases, but in the end, I will be much deeply honored to be remembered as the Father of Bong Revilla. I LOVE YOU ANAK and thank you for bringing pride to our family. I’m so proud of you.”
read more "Derek, Joem at Will, patigasan-palakihan sa ‘Summer ang Simula’"

Melai, ‘di aagawin ni Bugoy kay Jason!


Sobrang humble pala si Bugoy Drilon. Imagine, ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa bagong mamahaling sasakyan na binili niya. Kahit anong pilit namin sa kanya na magkuwento kung fully paid na ang sasakyan niya ay ayaw talaga niyang magsalita.


Sabi ni Bugoy, naiilang siyang pag-usapan ang tungkol sa kanyang sasak­yan dahil baka isipin daw ng mga tao na mayabang na siya. Mas gusto raw niyang pag-usapan na lang ang kanyang career.


Anyway, itinanggi rin ni Bugoy na gusto niyang umeksena kina Melisa Cantiveros at Jason Francisco.

Hindi raw totoo na gusto niyang agawin si Melai kay Jason.


Pero, inamin niya na willing siyang gumawa ng pelikula na kasama sina Melai at Jason.


Pero, ayaw raw niyang gumanap na bading.


“Kasi po natsitsismis na nga akong ganun, tapos gagawa pa ako ng ganung role. Mas magandang umiwas na lang ako. May iba pa namang role na hindi gay,” sabi niya.


Kinuwestiyon din ang pagri-revive ni Bugoy ng mga awiting pambabae. Sabi nga, kung hindi siya bading, bakit ang mga kanta nina Jessa Zaragoza at Jaya ang kinakanta niya?


Sagot ni Bugoy, gusto lang niyang ipakita na kung ano ang kayang kantahin ng mga babae ay kaya rin ng mga lalaki.


Anyway, masaya si Bugoy dahil marami ang nag-i-enjoy sa album niya sa Star Records, na kung saan ay nakapaloob nga ang mga ni-revive niyang mga kanta nina Jessa at Jaya.
read more "Melai, ‘di aagawin ni Bugoy kay Jason!"

Lahi ni Ramon Revilla Sr., iisa ang hulmahan


ANG pa-meeting ni Mother Lily sa mga showbiz reporters for Bong Revilla na kandidato for another term sa senado nu’ng Martes nang gabi ang itinutu­ring kong pinakamasa­yang meeting namin with the Revillas. Kumpleto kasi ang pamilya (minus Ramon Sr. siyempre), na mula sa mga pamangkin ko hanggang apo sa tuhod.


Nanduon ang pamangkin kong si Bong, ang mga apo kong sina Bryan at Jolo at apo sa tuhod na si Gab.

Bagay na bagay kay Gab (na apo namin ni Osang Roces) ang pangalan niya dahil he’s a gab talaga - madaldal.


And he knows everybody. Sa tanong ko kung sino si Bong, sagot niya, “lolo ko”. At si Jolo? Daddy raw niya. Si Bryan? Uncle raw. Eh, si Ram? Uncle din daw. Eh si Rosanna? Lola raw.


Nakita ni Gab ang palawit kong Tiger at hiningi niya. “Sa akin na lang ‘yan, Tiger kasi ako,” ani ng cute na cute na si Gab.


“Hinde, Dragon ka,” paalala ng sister ni Jolo.


“Sige, huwag na,” sambit naman ni Gab.


But just the same, hiningi na nu’ng bata at tinanggal ko na sa leeg ko at give ko na kay Gab ang 3D ng Tiger.


I reminded Jolo na hindi puwedeng pagsabayin ang love and career. Look mo, wala kang girlfriend ngayon kaya nag-improve ang acting mo kaya ang galing-ga­ling mo sa “Agimat” at lumevel ka na sa akting ni Coco Martin. Natawa lang ang junior playboy.


Bong Revilla has ne­ver changed a bit since his age as Jolo’s. Matandain din siya.


“Si Tito Alfie ang nag-initiate sa pagbabati namin ni Tita Cristy,” ani Bong sa mga reporters na nakapaligid sa amin ni Mercy Lejarde.


Kinuwento ko sa mga reporters na sinabihan ko ang mga suki kong Muslim ng pirated DVD na para hindi na sila maya’t maya ay nire-raid ni Bong, eh, iboto nila si Bong sa senado ng mapalayas na sa OMB.


Which they did hanggang Mindanao kaya until now number one pa rin sa survey sa senado si Bong.


Eh papaano namang mae-elect ang pumalit sa kanya sa OMB na si Edu Manzano eh siya na mismo ang nag-resign at ibi­nigay na kay Ronnie Ricketts (na napakatahimik naman) ang pagi­ging OMB chairman.


Inunahan pa niya kasi ang mga botante, eh! ‘Yan ang nangyayari sa hindi kumukunsulta sa opinyon ng mas nakakaalam, eh! Hahahaha!


Kaya win or lose daw, ayaw na sa showbiz ni Eduardo! Ows?


Babalik na siya sa US Army? At kay Rina Samson?


Napapansin ko na siguro nga Donita na agaw-eksena ako sa mga preskons ‘pag ako ang pinagsalita.

Kasi ang mga hiningan ng munting anekdota tungkol kay Bong Revilla eh ang mga Cassandras-come-lately lang. Unlike us na mula sa history ni Ramon Revilla Sr., ay updated ako mula sa pagkakaroon ni Ramon Sr., ng isang bar sa Angeles City, Pampanga noon hanggang sa nagsama na sila ng dating artistang si Azucena Mortel na wala isa man sa mga reporters na nanduon sa presscon na `yon ang nakaalala na artista dati ang mommy ni Bong under the screen name of Aurora Ortiz yata? That is if my memory still serves me right.


Nakita ba ng mga reporters na ‘yan (including Lolita Solis) ang kabataan ni Bong Revilla mula pa sa “Inday Garutay” ni Trixia Gomez bago pa ang naalala ni Mother Lily na crush daw ni Bong si Maricel Soriano kaya madalas sa bakuran ng Regal ang tsinitong pogi noon.


Surely, ‘pag ako ang nagsa­li­ta eh tiyak na ako ang bida at ma­ta­tapos ang preskon eh hindi pa ako tapos sa ikukuwento ko. Kulang na raw sa space si Donita kaya bukas ko itutuloy ang iba pang Bong Revilla revelations! At ang pagiging iisang hulmahan ng lahi nila!
read more "Lahi ni Ramon Revilla Sr., iisa ang hulmahan"

Child abuse laban kay Aljur, ibinasura ng DOJ!


MAGDIRIWANG si Aljur Abrenica ng 20th birthday sa March 24 at kahapon, dumating sa kanya ang isang early birthday gift, ang dismissal ng Department of Justice sa child abuse case na isinampa laban sa kanya ng aspiring actress na si Michelle Saludo.June 2009 nang magsampa ng reklamo sa NBI si Michelle at ang ina nito. Inihayag ni Michelle sa kanyang sworn affidavit na nagkita at nagkakilala sila ni Aljur sa Puerto Galera noong April 2009 at dito raw nangyari ang pang-aabuso sa kanya.


Sa rekomendasyon ng NBI, dinala sa DOJ ang kaso noong August 2009 at kahapon, inilabas ng DOJ ang desisyon na i-dismiss ang reklamo laban kay Aljur, for lack of probable cause.


Iniyakan ng nanay ni Aljur ang magandang balita na natanggap nila kahapon. Naiyak si Amor Abrenica sa sobrang tuwa, katulad ng pag-iyak niya noon dahil sa matinding kalungkutan nang akusahan ni Michelle ang kanyang anak.


Ipinagdasal ni Amor ang kaso ni Aljur dahil alam niya na inosente ito sa ibinintang na kasalanan.
read more "Child abuse laban kay Aljur, ibinasura ng DOJ!"

Ruffa, wagi sa sole custody kina Lorin at Venice


Ang pagkakaloob sa kanya ng korte ng sole custody ng mga anak na sina Lorin at Venice ang good news na natanggap ni Ruffa Gutierrez noong Martes.


Ikinatuwa ni Ruffa ang desisyon ni Quezon City RTC Branch 107 Presiding Judge Jose L. Bautista Jr., at sa pamamagitan ng text message, sinabi niya sa kanyang mga kaibigan ang magandang balita:


“Judgement is hereby rendered granting the SOLE CUSTODY of Lorin Bektas and Venezia Bektas to petitioner, Sharmaine Gutierrez-Bektas, subject to visitation rights of respondent Yilmaz Bektas.”


Naka-post sa Twitter account ni Ruffa ang kanyang reaksyon sa naging pasya ng korte. Ayon sa kanya, “The QC Regional Trial Court awarded me sole custody of Lorin & Venice. I’ve been supporting them on my own but now its official!”
read more "Ruffa, wagi sa sole custody kina Lorin at Venice"