Your Ad Here

Friday, February 19, 2010

Juday-Derek, binihag ang puso ng Pinoy


TULUYAN na ngang nabihag ng teleserye nina Juday at Derek Ramsay, ang Habang May Buhay, ang buong bansa! Aba, panalung-panalo ito sa nationwide ratings mula sa TNS survey kung saan nakakuha ito ng 33.9 vs 22.7 ng katapat na prog­rama samantalang 30.7 vs 28.9 sa Mega at 33.9 vs 28.2 sa Metro Manila.


Pinanabikan talaga nang husto ang balik-tambalan nina Juday at Derek, kaya naman ang bawat eksena nila ay kinakikiligan. Dapat ding aba­ngan ang mga bangayan nina Juday at ang pinanggigigilang kontrabida na si Gladys Reyes. Eh, palaban na ngayon si Juday sa mga sapak ni Gladys, ha!
At sa pagpapatuloy ng number one serye sa bansa, mahanap na kaya ni Jane (Juday) ang kanyang ina (Gina Alajar) sa tulong ni Raon (Joem Bascon)? Ngayong may nabubuong pagtitinginan sina Jane at David (De­rek), ano kayang masamang plano ang gagawin ng nagseselos na si Dra. Clarissa (Gladys)?

Naku, huwag palampasin ang mga maiinit na eksena. Kayo rin, baka maiwan kayo sa pansitan!
read more "Juday-Derek, binihag ang puso ng Pinoy"

One-night stand, puwedeng- puwede kay Polo Ravales!


IWAS daw muna si Polo Ravales sa pagkakaroon ng girlfriend sa showbiz. Nakailang relasyon na raw siya sa showbiz, pero parating siya raw ang lumalabas na masama sa huli.

Kaya ayaw na raw muna niyang ma-link sa kahit kaninong artistang babae ngayon.
Pero, hindi niya itinanggi na nakikipag-date siya, hindi nga lang daw serious.

“Hanggang doon muna tayo. Walang commitment. Fun lang tayo muna. Bata pa naman tayo kaya huwag nating sayangin ang mga panahon sa pagpapaka-serious. Gusto ko munang magpakasaya at magpakasawa,” nakangiting sabi ni Polo.
So, one-night stand na lang muna ba ang ibig niyang sabihin?
“Puwede! Ha! Ha! Ha! Ha!” malakas na tawa ni Polo.

“Kayo talaga, ako na naman ang lalabas na masama niyan, eh! Ha! Ha! Ha! Ha!
“Kapag fun ba, ibig sabihin ay sex at one-night stand na? Hindi naman gano’n. Fun as in may mga barkada ka. Kunsaan-saan kayo pumupunta. Bonding time.

“Na-miss ko rin kasi ang mga non-showbiz friends ko lalo na noong magkakasunod ang mga work ko. Kaya kapag magkasama kami, saya-saya lang. Hindi lang basta sex ang fun, ‘di ba?”
Sa bagong telefantasya nga ng GMA-7 na Panday Kids ay gaganap bilang Cicero si Polo. Siya ang bubuhay sa matagal nang namatay na si Lizardo (played by Marvin Agustin).
read more "One-night stand, puwedeng- puwede kay Polo Ravales!"

Kris, namangha sa Pinoy talent…


KAYANG-KAYA pala ng mga 60-year old na lola ang paggiling at paghataw sa saliw ng awiting “Single Ladies” ni Beyonce. Mapatayo kaya ang mga judges pag bumirit na ang isang 12-yr old na bata ala-Nicole Scherzinger ng Pussycat Dolls?

Malalaman niyo ‘yan sa Sabado, at siguradong mamamangha kayo sa galing na ipapamalas ng mga Pinoy sa buong mundo sa pagsisimula ng “Pi­lipinas Got Talent,” kasama sina Billy Crawford at Luis Manzano, sa ABS-CBN.

Mula sa international franchise na nakadiskub­re at patuloy na dumidiskubre ng mga bukod tanging world class acts, ihahatid ng “Pilipinas Got Talent” ang pinakamagagaling na Pinoy talents mula pa sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, mapa-anumang edad, na kayang makipagsabayan sa ibang bansa pagdating sa kantahan, sayawan, aktingan, at maging sa mga nakakatawa at hindi ordinaryong mga stunts.

Ang tatanghaling grand winner ay mag-uuwi ng P2 milyon ngunit bago iyan, kinakailangan niya munang makuha ang atensyon at at matamis na “oo” ng PGT panel of judges na binubuo nina Kris Aquino, Ai Ai delas Alas, at former ABS-CBN President at COO Freddie M. Garcia a.k.a. FMG.

“Hindi ako madadala ng ganda o kagwapuhan, tanging talento lang. Magiging patas ako ngunit mabusisi. Titingnan ko ang bawat aspeto ng nagtatanghal at hahanapin ang tinatawag na ‘X-factor,” sabi ni FMG.

Maging si Kris ay namangha sa mga natunghayan niyang talento ng mga Pinoy.
“Mapapatunayan mo talaga na talented ang mga Pilipino mapakantahan, sayawan, pagma-magic o pag-acrobat. May isa ngang contestant na gusto na namin ni Boy (Abunda) i-sign ng record deal tapos may isa na rin na pwede na ilaban sa Las Vegas acts. Ganun sila kaga­ling,” say ni Kris.

Ilan lang mula sa libu-libong nag-audition ang mapipiling finalist at ang taong bayan ang mismong magsasabi kung sila ang karapat-dapat magwagi sa kumpetisyon sa pamamagitan ng pagboto sa kanila through text.

Tunghayan din ang mga kwela at hindi pa nakikitang mga kaganapan, Lunes hanggang Biyernes simula Feb 22, 4:30 PM, sa Pilipinas Got More Talent, kasama ang host na si Marc Abaya.
read more "Kris, namangha sa Pinoy talent…"

Sikretong kasal kay Yo, itsinismis ni Carlene!


Ang secret na hindi na secret. Kinumpirma ng isang malapit kay Carlene Aguilar na totoo ang balita na lihim na nagpakasal ang dating beauty queen sa kanyang boyfriend na si Yo Ocampo.
Hindi na secret ang sikreto ni Carlene dahil siya mismo ang source ng balita. Sa dami ng puwedeng pagkuwentuhan, ipinagtapat niya ang kanyang secret sa isang reporter na kasama niya sa Oslo, Norway nang maging judge siya sa 2010 Mr. Worldwide Gay Contest.

Hindi pa talaga sanay si Carlene sa showbiz dahil sumesemplang pa siya sa kanyang mga personal decision.

Noong ipinagbubuntis niya ang anak nila ni Dennis Trillo, nagpunta si Carlene sa California para itago ang kanyang kalagayan. Nang makita siya ni Lhar Santiago sa isang outlet store sa California, itinanggi ni Carlene na buntis siya.

Sa kaso ng secret marriage nila ni Yo, imbes na mag-deny, inamin ni Carlene ang katotohanan pero nagsalita siya ng “secret”. May secret ba sa showbiz? Kung hindi nagsalita si Carlene, puwede pa niya na maitago nang matagal ang kanyang secret.
read more "Sikretong kasal kay Yo, itsinismis ni Carlene!"

Rich, nagpadalus-dalos sa reklamo laban sa Bb. Pilipinas!


PUNO pa ng pangarap si Rich Asuncion nang makausap namin siya noong nakaraang taon, ilang araw pagkatapos ng coronation night ng 2009 Bb. Pilipinas Contest.

Si Rich ang 1st runner-up sa nabanggit na contest at sa interbyu namin noon sa kanya, nagsalita ang Starstruck Avenger na may plano pa siya na sumali sa Bb. Pilipinas Contest.

Nangako si Rich na paghahandaan niya ang kanyang susunod na laban para makuha niya ang isa sa mga beauty title ng contest. That was then.This is now. Tinanggalan ni Rich ng karapatan ang sarili na muling maging kandidata ng Bb. Pilipinas Contest dahil sa kanyang kontrobersyal na deklarasyon sa presscon ng Panday Kids na hindi pa ibinibigay ng Bb. Pilipinas Charities Inc. ang cash prize niya.

Ang Bb. Pilipinas Charities Inc. ang organizer ng Bb. Pilipinas Contest at ang GMA 7 ang media partner nila. Contract star si Rich ng Artist Center, ang talent management arm ng GMA 7.
Sa tingin namin, naging padalos-dalos si Rich sa pagsasalita o pagrereklamo laban sa BPCI. Binasa ba niya ng mabuti ang kanyang kontrata sa BPCI? Tiniyak ba ni Rich na walang nakalagay sa kontrata na hindi niya makukuha ang kabuuan ng kanyang premyo hangga’t hindi tapos ang kanilang term?

At kung totoo na pinahihirapan si Rich ng BPCI sa pagkuha sa kanyang premyo, bakit hindi niya hiningi ang tulong ng Artist Center o ng GMA 7 bago siya nagsalita sa media? Tiyak na may magagawa ang GMA 7 dahil ito nga ang media partner ng BPCI.

Isang malaking organisasyon ang BPCI. Hindi pa man isinisilang si Rich, nandiyan na ang BPCI at siguro naman, hindi magtatagal ang organisasyon ni Stella Marquez de Araneta kung nang-aagrabyado sila ng mga beauty queen.

Narinig at nabasa na natin ang mga reklamo ni Rich at dapat din nating malaman ang panig ng BPCI dahil siguradong may mga sapat na dahilan at sagot sila sa isyu na iniipit nila ang cash prize ni Rich na hindi tumutugma sa pangalan ang reklamo.
read more "Rich, nagpadalus-dalos sa reklamo laban sa Bb. Pilipinas!"

Vice Ganda bites back


After a barrage of negative writeups lately, Vice Ganda finally got back at his detractors spewing venom.

In a recent "Showtime" episode, Vice Ganda went on an outburst.

“Sabihin n’yo na lahat ng sasabihin n’yo sa akin sa dyaryo. Hindi ninyo ako mapapahinto,” he lashed out.

It is recalled that the stand-up comedian was at the center of vicious attacks on tabloids after rumors surfaced that he allegedly invited a male dancer to a sex tryst. The dancer, a member of the Original Egyptians from Calamba, Laguna, reportedly turned him down.

With this, Vice Ganda reportedly got even by giving the group low grade during the weekly finals at the hit show, "Showtime," leading to the group's eventual fall.

And since he was not seen on the show lately, the public was made to believe that he has been sacked, an offshoot of his alleged shenanigans with the handsome dancer.

“Feeling ko naman dina-down nila ako hindi dahil gusto nila akong ma-down. Feeling ko, kaya nila ako dina-down, ang gusto nilang i-down [ay] ang show, ang 'Showtime,'” Vice Ganda explained in an interview on "Showbiz News Ngayon," Feb. 18.

Meanwhile, prior to that brouhaha with the dancer, Vice Ganda had been openly lambasting "Showtime’s" rival show, "Diz Iz It." He was questioning the proper spelling of the new game show of GMA-7 and TAPE, Inc. He said that it should have been "This Is It."

During the same Feb. 18 interview, Vice Ganda did not mince words to clear specifically what he said about "Diz Iz It," which premiered on television two weeks ago.

“Masayang may gumagaya sa inyo, basta sana ganoon din kaganda. Pero dahil hindi naman maganda, nakaka-offend, parang binastos 'yong 'Showtime,' 'yong programang ginawa namin. Pero okay lang 'yan. May you try harder next time,” he said.

Critics have said that fame has finally brought out the "real meanness" in the host’s persona, even as he is rumored to have also created a word war of sorts with fellow comedian, Chokoleit.

Vice Ganda later dismissed the rumor that fellow comedian Chokoleit got insecure over his new-found popularity.

“Ayokong sabihing naiingit siya sa akin. Alam ko masaya siya para sa akin kasi 'yong mga tinatamasa ko ngayon ay naranasan [na] niya 'yon. Bago pa ako ay nauna namang sumikat si Chokoleit,” he explained.

Despite all the negative press hounding Vice Ganda, "Showtime" has nevertheless been consistently rating very well since it premiered on Oct. 24.

It generated controversy when it was slapped with a 20-day suspension by the MTRCB after its guest judge, former sexy star Rosanna Roces lambasted the country's educators on national television.

"Showtime" returned on air soon after.
read more "Vice Ganda bites back"

Talent manager Perry Lansigan answers criticisms on Jolina Magdangal's new look


Bagamat kilala na si Jolina Magdangal sa pagiging fashion icon at pagpapauso ng mga bagong look, marami pa rin ang nagulat at bumatikos nang makitang muli ang multimedia star sa kanyang bagong image noong una siyang i-launch sa SOP.



Dawit sa isyung ito ang bagong manager ni Jolina na si Perry Lansigan. Si Perry raw kasi ang dahilan ng sinasabing pagbabago ni Jolina. Nandiyan din ang usap-usapan na hindi raw masaya ang ama at dating manager ni Jolina na si Jun Magdangal sa repackaging ng anak.



REVISITING THE OLD JOLINA. Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Perry sa opisina ng PPL Entertainment kahapon, February 18. At punto por punto ay binigyan niya ng kasagutan ang lahat ng isyu na nasusulat o naibabato kaugnay ng pagbabagong-bihis na ito ni Jolina.



"Sa pagbabago ng image ni Jolina, kasama dun ang pagbabago ng image, character," simula ni Perry. "Kapag sinabing attitude, mula sa mabait, sasama ang ugali. Hindi ganun. Kung sinasabi nila na poor copycat ni Lady Gaga [si Jolina], nagpapasalamat ako para mai-compare kay Lady Gaga kasi international peg yun. Icon yun. Para mai-compare kami sa icon, thank you very much.



"Pero hindi kami papunta sa ganun," diin niya. "Ang sinasabi ko nga lang, nag-usap kami ni Jolens, kung ano ang dating siya, babalikan lang namin. Ano ba ang dating siya? Dating siya na nagsusuot ng butterfly. Medyas niya magkaiba. Sapatos niya magkaiba. At ang nangyari nun, lahat ng tao sinasabi na baduy siya. Nakakadiri. Pero wala siyang pakialam nun. Maya-maya, unti-unti, halos karamihan ng tao, may headband, may butterfly na, alam mo yun? Noong panahon na yun, okey lang sa kanya. Pero unti-unti siyang nag-hide sa shell niya. Unti-unti siyang nag-hibernate. So, nag-blend ngayon siya. Naging one of those siya.



"Sabi ko lang, 'Jolens, kung ano ka dati, ibabalik lang natin. Ano ka ba dati? Dati ay oozing with confidence ka. Wala kang care sa sasabihin ng mga tao. Kaso, ang kaibahan, hindi na natin puwedeng gawin na magba-butterfly ka dahil wala na sa edad mo. So, mag-a-upscale lang tayo ngayon na ganito ang appearance mo paglabas mo. Mas mag-e-experiment lang tayo. Hindi ka na magbi-blend.'"



Dagdag ni Perry, "At saka icon na si Jolens. Kung hindi siya ang makakagawa nun, sino pa ba ang makakagawa nun sa atin? Sa GMA?"



"Larger scope" nga raw ang pagbabagong nakikita ngayon kay Jolina. It will not merely end with her look or appearance.



Ayon din sa manager ni Jolina, mas open na rin ang singer-actress sa mas marami pa niyang puwedeng gawin.



"Puwede na rin kaming um-accept ng daring roles, sexy pictorials. Hindi na siya yung, 'Ay, hindi na siya puwedeng magpahalik. Kailangan sa cheeks lang.' Kasama yun dun lahat," sabi ni Perry.



NEGATIVE COMMENTS. Karamihan ng komento o puna na naririnig at nababasa tungkol sa bagong look ni Jolina ay hindi na raw ito bata kaya parang hindi na bagay sa kanya ang ganung image. Ano ang masasabi ni Perry dito?



"Para sa akin, wala sa age yun. Yun ay nasa attitude at character. Si Kylie Minogue, lumabas nung '80s, nawala for a while. Nag-reinvent, then nakabalik na... Si Madonna ba, ilang taon na? Si Madonna ay 50-plus, pero naka-micro-mini, naka-tanga, hi-cut," sabi ni Perry.



Jolina is 31 years old.



When they first talked about changing the image of Jolina, ano ang naging reaction ng kanyang alaga?



"Noong nag-usap kami, sinabi ko sa kanya na, 'Hindi kita pipilitin. Kung handa ka, okey. Kung ayaw mo, huwag nating gawin.' Sabi niya, kaya niya raw," lahad ni Perry.



Ano nga bang peg o look ang gusto nilang ipakita ni Jolina ngayon?



"Mas daring na siya. Mas mature na ang hitsura niya. Puwede siyang mag-micro-mini kung gusto niya. Puwede siyang mag-tanga kung gusto niya. Puwede siyang mag-accept ng mature roles. Puwede siyang mag-accept ng other woman kung kailangan," sabi ng talent manager.



Aware naman daw sila na hindi lahat ay nagustuhan ang bagong look ni Jolina. Isang bagay raw yun na bago pa man nila gawin ay alam na nilang puwedeng mangyari.



"Sabi ko naman sa kanya, 'Bago pa man 'to, Jolens, kapag ginawa natin 'to, marami ang hindi magkakagusto. Marami ang babatikos. Marami ang mababaduyan. Marami ang magsasabing desperate move. Marami ang magsasabing late mo na ginawa 'yan, bakit ngayon lang? But at the same time, may magkakagusto rin. May matutuwa rin. We cannot please everybody. So, kung ano lang ang attitude mo dati, ang attitude mo na wala kang care, basta nag-e-enjoy ka sa ginagawa at sinusuot mo, yun lang ang ibabalik natin.'"



Hindi ba siya nao-offend na bilang manager ni Jolina ay siya ang binabatikos tungkol sa bagong image ng kanyang alaga?



"Hindi ako nao-offend kasi bakit naman ako mao-offend, e, hindi naman totoo? Kahit naman si Jolens, bakit di n'yo tanungin kung nao-offend siya? Nakahanda na rin kasi si Jolens sa kung ano ang magiging feedback sa kanya," saad ni Perry.



DESPERATE MOVE? May mga nagsasabi rin na desperate move na raw ang pagbabago ng image ni Jolina upang isalba ang showbiz career nito. Ano ang reaksiyon dito ni Perry?



"They can say what they want," pagkikibit-balikat ng talent manager. "Kung ano ang feeling nila na gusto nilang sabihin, sabihin nila, and thank you very much. Basta kami, kung saan nae-excite si Jolens, kung ano nga ang attitude niya dati na wala siyang care, gagawin niya."



Kumusta na si Jolina ngayon?



"Mas okey raw siya," sagot ni Perry. "Because ang sabi niya, nagbalik daw dati yung every time na lumalabas siya, iniisip niya kung ano ang isusuot niya. Iniisip daw niya kung bagay sa ganito. Bumalik daw ang excitement na dating nararamdaman niya."



Totoo bang hindi nagustuhan ng ama at dating manager ni Jolina na si Jun Magdangal ang bagong image ng anak nito?



"Wala akong naririnig na ganyan kasi may mga natatanggap nga akong mga text, e. Every time na lalabas si Jolens, nagte-text siya sa akin. 'Congratulations, Perry, ang ganda ni Jolens ngayon.' Pati yung launching niya, nagagandahan siya," sabi ng talent manager, na humahawak din sa career nina Dingdong Dantes, Geoff Eigenmann, Angelika dela Cruz, at iba pa.



Tinanong din ng PEP si Perry sa sinasabing hindi rin daw satisfied si Daddy Jun sa promotion ng magazine ni Jolina, ang Jolie. Na bilang manager, wala raw siyang ginagawa to promote it?



"Number one, wala akong pakialam sa Jolie," diin ni Perry. "Hindi akin yun. Wala akong kinalaman dun. Kapag nakialam ako sa Jolie, sinasakop ko ang trababong hindi akin. Dumating si Jolens sa akin, may grupo na. Nag-pictorial na raw sila.



"Ako naman, siyempre nahiya naman akong makialam. Pero hindi totoong wala 'yang fanfare, ni-launch 'yan sa SOP. Noong dumating 'yan sa akin, sinabi ko talaga na, 'Bakit hindi na lang natin i-coincide sa pagbalik mo sa SOP? Plus the unveiling of billboard ng Cathy Valencia.'



"Nakiusap ako sa SOP and since mahal din nila si Jolens, naniniwala rin sila sa akin, sinuportahan nila. After that, nagkaroon siya ng signing, nagpadala rin ako ng mga TV crew, nag-guest din siya sa Showbiz Central. It's just the same with Yes Pinoy Foundation ni Dingdong Dantes, hindi ako nangengelam diyan, kasi may tao siya diyan.



"Yung Ayos Na, hindi ako nakikialam. Kapag ini-ask lang ni Dingdong ang help ko, 'saka lang. Like with Jolie, hindi ko sakop 'yan. Pero kapag hiningi ni Jolens ang help ko, gagawin ko."



SNUBBING THE PRESS? Sa grand launch ng Panday Kids last Tuesday, February 16, ay marami sanang miyembro ng entertainment press ang nagnanais na makausap si Jolina. Pero pagkatapos ng presentation ng cast members ay hindi na lumabas si Jolina para sa sit-down interview.



Dahil dito, iba't ibang isyu na ang naglabasan. Nandiyang mahirap na raw i-reach si Jolina at nawalan na raw ito ng PR sa press, unlike before na nakikipagtsikahan siya sa mga ito.



Ano ang masasabi ni Perry rito?



"Bago pa lang kasi dumating 'yan, may gagawin kami after [the presscon], may engagement siya. Kahit itanong n'yo pa sa EP [executing producer] ng Panday Kids. Sinabi na namin na hindi namin magagawa ang table-for-table [interview]. Ang magagawa lang namin ay presentation kasi kailangan niyang umalis kaagad.



"Ngayon, may nabasa ako, sabi raw, sinabi raw sa mga tao na lalabas ulit si Jolens, magpapalit lang ng damit. Now, sino yung taong yun? Kasi, wala kaming pinag-usapang ganun. Kahit itanong n'yo pa sa EP," diin ni Perry.



Ayon kay Perry, may pinaplano na rin daw silang pocket interviews para kay Jolina dahil alam nilang hindi siya makakausap ng press sa grand launch ng Panday Kids.



Marami rin ang nagtatanong kung bakit tinanggap nila ang Panday Kids na isang pambatang show, samantalang sinasabi ni Jolina na mas gusto na niyang lumabas sa mature roles?



"Tinanggap ko ang Panday Kids dahil naka-costume rin yun. Hindi rin siya naka-jeans lang. Iba rin 'yan, kaya ko tinanggap," sagot ni Perry.
read more "Talent manager Perry Lansigan answers criticisms on Jolina Magdangal's new look"

TNS National TV Ratings (Feb. 17-18): Wowowee and Showtime make a winning combination in the daytime race


Here are the comparative TV ratings of ABS-CBN and GMA-7 programs from February 17 to 18, based on the overnight ratings of Taylor Nelson Sofres among national households:



February 17, Wednesday

Non-Primetime:

Umagang Kay Ganda (ABS-CBN) 6.3%; Mr. Bean (ABS-CBN) 5.4%; Unang Hirit (GMA-7) 4.4%

Gintama (ABS-CBN) 5.7%; Hunter X Hunter (GMA-7) 6%

Naruto Shippuuden (ABS-CBN) 7.8%; Pokemon Master Quest (GMA-7) 6.6%

Miss No Good (ABS-CBN) 7.7%; Kekkaishi (GMA-7) 8.2%; Knock Out (GMA-7) 8%

Showtime (ABS-CBN) 23.5%; Diz Iz It! (GMA-7) 7.4%

Wowowee (ABS-CBN) 25.2%; Eat Bulaga! (GMA-7) 13.9%; Daisy Siete: Bebe & Me (GMA-7) 10.8%

Magkano ang Iyong Dangal? (ABS-CBN) 17.3%; Gumapang Ka Sa Lusak (GMA-7) 10.3%

Maria de Jesus: Ang Anghel sa Lansangan (ABS-CBN) 14.3%; Ina, Kasusuklaman Ba Kita? (GMA-7) 11.3%

Banana Split Daily Servings (ABS-CBN) 11.5%; Pinoy Big Brother Double Up Uber (ABS-CBN) 13.4%; Ripley's Believe It Or Not (GMA-7) 7.4%

The Substitute Bride (ABS-CBN) 13.6%; Family Feud (GMA-7) 8.8%



Primetime:

Tanging Yaman (ABS-CBN) 23.1%; First Time (GMA-7) 16%

TV Patrol World (ABS-CBN) 31.9%; 24 Oras (GMA-7) 20.1%

Agua Bendita (ABS-CBN) 37.3%; Darna (GMA-7) 26.2%

Kung Tayo'y Magkakalayo (ABS-CBN) 36.3%; The Last Prince (GMA-7) 26.5%

Habang May Buhay (ABS-CBN) 31.2%; Full House (GMA-7) 23.7%

Rubi (ABS-CBN) 27.2%; SNN: Showbiz News Ngayon (ABS-CBN) 14%; Queen Seon Deok (GMA-7) 18.4%

Bandila (ABS-CBN) 7.6%; Saksi (GMA-7) 8%

Probe Profiles (ABS-CBN) 3.6%; Born To Be Wild (GMA-7) 3.9%



February 18, Thursday

Non-Primetime:

Umagang Kay Ganda (ABS-CBN) 6.4%; Mr. Bean (ABS-CBN) 6.1%; Unang Hirit (GMA-7) 4.1%

Gintama (ABS-CBN) 6.7%; Hunter X Hunter (GMA-7) 5.9%

Naruto Shippuuden (ABS-CBN) 8.3%; Pokemon Master Quest (GMA-7) 6.2%

Miss No Good (ABS-CBN) 7.5%; Kekkaishi (GMA-7) 8.1%; Knock Out (GMA-7) 8.7%

Showtime (ABS-CBN) 21.1%; Diz Iz It! (GMA-7) 6.8%

Wowowee (ABS-CBN) 25.2%; Eat Bulaga! (GMA-7) 14.8%; Daisy Siete: Bebe & Me (GMA-7) 10.9%

Magkano ang Iyong Dangal? (ABS-CBN) 17.5%; Gumapang Ka Sa Lusak (GMA-7) 10.7%

Maria de Jesus: Ang Anghel sa Lansangan (ABS-CBN) 14.7%; Ina, Kasusuklaman Ba Kita? (GMA-7) 9.7%

Banana Split Daily Servings (ABS-CBN) 13.4%; Pinoy Big Brother Double Up Uber (ABS-CBN) 14.6%; OC To The Max (GMA-7) 6.5%

The Substitute Bride (ABS-CBN) 15.7%; Family Feud (GMA-7) 9.4%



Primetime:

Tanging Yaman (ABS-CBN) 25.8%; First Time (GMA-7) 16.8%

TV Patrol World (ABS-CBN) 33.7%; 24 Oras (GMA-7) 22.5%

Agua Bendita (ABS-CBN) 39%; Darna (GMA-7) 26.4%

Kung Tayo'y Magkakalayo (ABS-CBN) 36.9%; The Last Prince (GMA-7) 26.2%

Habang May Buhay (ABS-CBN) 32%; Full House (GMA-7) 23.2%

Rubi (ABS-CBN) 27.6%; Queen Seon Deok (GMA-7) 18%

SNN: Showbiz News Ngayon (ABS-CBN) 12.1%; Bandila (ABS-CBN) 7.7%; SRO Cinemaserye Presents Meet the Fathers (GMA-7) 8%

I Survived (ABS-CBN) 4%; Saksi (GMA-7) 3.9%; Case Unclosed (GMA-7) 2.2%
read more "TNS National TV Ratings (Feb. 17-18): Wowowee and Showtime make a winning combination in the daytime race"

Dingdong Dantes says no "pamamanhikan" happened on his trip to Spain with Marian Rivera


More than two weeks din nawala sa bansa sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Halos one week silang nag-stay sa Middle East—partikular na sa Dubai, UAE at Doha, Qatar—bago sila nagpunta ng Spain. Noong Martes, February 16, lang sila bumalik ng Pilipinas.



Sa pagbabalik nina Dingdong at Marian, nabalitaan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na sumabak na agad sila sa trabaho. Isang araw pagkatapos nilang makabalik ay nag-shoot na sila para sa isang TV commercial at kahapon naman, February 18, ay bumalik na si Dingdong sa taping ng game show na Family Feud.



Sa dressing room ng Family Feud sa GMA Network Center nakausap ng PEP si Dingdong.



Ayon sa aktor, parehong memorable ang trips nila ni Marian sa abroad. Sa Doha at Dubai ay nag-show sila kasama sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid para sa mga kababayan natin doon.



"Yung sa Doha at Dubai, parehong naging masaya, very successful. Like yung sa Qatar, malaki talaga yung capacity ng place, pero halos napuno siya. So, parang dun ka mapapaisip na napakarami ngang Filipino sa lugar na yun. And I believe na natuwa naman sila. On our part, malaking bagay na napasama kami sa isang concert with Regine Velasquez and Ogie Alcasid. Ang sarap ng feeling to be with these artists, also with Rico J. Puno," sabi ni Dingdong.



VIVA ESPAÑA. Pagkatapos nila sa Dubai ay dumiretso na sila sa Spain to meet Marian's father, si Francisco Javier Gracia na isang Español. Kuwento ni Dingdong, hindi na raw sila nagpasundo sa airport at sila na lang ang nagpunta sa restaurant ng daddy ni Marian.



"Okey, e. Kumbaga, the most siguro or the best part of it is seeing them happy together. After almost six years of not being together, e, they were given the chance to be with each other again," sabi ng aktor tungkol sa pagkikita ni Marian at ng ama nito.



Expected naman daw ng daddy ni Marian ang pagdating nila.



"Of course, of course. In fact, there were a lot of arrangements made to make our stay comfortable there," banggit ni Dingdong.



Halatang pigil pa rin si Dingdong sa pagbibigay ng detalye ng mga naging experiences nila sa Spain. Parang gusto niyang ibigay ang chance na yun kay Marian. Aniya, si Marian siguro ang dapat mas magkuwento lalo pa nga't ito talaga ang may dahilan kung bakit kinailangan nilang magpunta sa naturang bansa.



Pero definitely, marami raw magagandang memories and experiences sa naging trips nila ni Marian.



"Sulit talaga!" bulalas niya. "And like what I said, it's the company that matters. Add on na siyempre na maganda ang lugar, very historical, at halos lahat ng magagandang elements are present. So, magandang experience. Something na gugustuhin mong maulit."



HAPPY MEETING WITH MARIAN'S DAD. Naging maganda rin daw ang experience ni Dingdong being with Marian's dad.



"Ako, I believe na sobrang gaan ng kanyang personality. In a way, I see where Marian really came from, may similarities sa daddy niya. Partly, nakita ko ang kanyang kabilang half. So, nakita mo how he is also a bubbly, jolly person. Kumbaga, pagdating sa interes, pagdating sa pagkain, magkakapareho sila. Kahit ang mommy niya na mahilig din magluto," sabi ni Dingdong.



Nagkaroon din ba sila ng "man-to-man talk" ng daddy ni Marian?



"Well, all the time, e, kasama talaga si Marian dahil sila naman talaga ang dapat magkasama. Kumbaga, our main objective to go there is for them to bond and spend time," sagot niya.



Natawa naman si Dingdong sa sumunod naming tanong kung ipinakilala na ba siya ni Marian sa daddy nito bilang "your future son-in-law."



"Siya na lang siguro ang tanungin n'yo kung paano niya sinabi yun," sabi niya.



What about Marian's dad, nagbilin ba ito sa kanya to take care of his daughter?



"Hindi... Kasi nakita naman niya siguro on how much I care for his daughter. Although wala naman talagang sinabi at may mga bagay naman talaga na hindi na kailangang sabihin. Action speaks louder than words," aniya.

Natatawa na lang si Dingdong sa mga balitang kesyo namanhikan or nagpakasal na raw sila nang magpunta sila sa Spain ni Marian.



"Hindi. In fact, sa trip namin na ito, sinigurado ko talaga na makikita niya ang daddy niya. That's why pati sa pag-schedule, we did it properly. So, you know, yun talaga ang main essence ng pagpunta. So, walang nangyaring ganun. But also, if there's one thing that we gained also, nakilala na rin ng daddy niya...ako...someone he can trust, someone na alam niyang nandito para sa anak niya," saad ng aktor.



Hopefully, one of these days ay ang daddy naman daw ni Marian ang makakabisitang muli sa Pilipinas.



Na-meet din ba ni Dingdong ang ibang relatives ni Marian sa Spain?



"Siyempre, yung daddy niya, tita, tito niya. Pati yung sa mother side niya na dun na rin nakatira dahil bihira lang din naming makita rito since they come home, I think, once a year."



Ayon kay Dingdong, naipakilala rin daw niya si Marian sa kanyang tita, kapatid ng kanyang mommy who works and lives also in Spain.



"Umuuwi rin naman siya rito. Pero siyempre, iba yung ako ang pupunta dun. Makita kung ano ang ginagawa niya dun."



Mukhang when it comes to their respective families, parehong walang problema at tanggap kung anuman ang meron sila ni Marian?



"Of course, I would like to see it that way," nakangiting sabi ni Dingdong.



FAIR ELECTIONS ACT. Habang nasa Spain si Dingdong, dun naman lumabas ang paalala ng Comelec tungkol sa Fair Elections Act kung saan nakasaad na ang sinumang artista o celebrity na tatakbo at may iniendorsong kandidato ay kailangang mag-leave o mag-resign sa kanilang mga regular na trabaho. Si Dingdong ang national convenor ng Advocates of Youth and Students for Noynoy Aquino (Ayos Na).



Pero hindi pa man sila nakakabalik ni Marian at pagkatapos magbigay ng kanyang official statement si Dingdong tungkol sa isyu, pansamantalang pinayagan ng Comelec ang mga artista na ipagpatuloy ang kanilang mga ginagawa.



Ano ang masasabi niya rito?



"Oo, but it doesn't discount the fact that we should still know and obey the rule," sabi niya. "Pero siyempre, nagpapasalamat ako and I'm very grateful na hindi na-implement, especially ng network, na i-require ang artists who are active in the campaign to take a leave on their shows. Happy ako na nakita nila na hindi naman kailangang gawin.



"Pero of course, as long as we should also do our part to know that to be responsible, we should not really use our show as a venue to campaign, which is hindi ko naman ginagawa."



Aminado si Dingdong na na-bother din siya when he found out about the news.



Aniya, "Siyempre, parang you're put in a situation on having a decent way of living versus fighting for what I believe in. So, parang nasa peligro ang dalawang bagay na importante sa akin kaya siya mahirap. That's why when I was there, along with others na kailangang umapela rin, e, umapela to have consideration at isa ako sa masaya sa nangyaring yun."



Bakit ba niya ginagawa ang lahat ng ito para sa Ayos Na?



"Well, later on, I believe, number one, as I know myself, if I will participate in this exercise, because unang-una, ang biggest population block sa Pilipinas ay ang mga kabataan. At malaking bagay ang kabataan.



"And now that nai-involve ako sa isang endorsement or isang campaign, ayaw ko lang din naman na maging isa akong celebrity nila as representative. But more [than] that, mas symbolic para sa akin at mas maaalala ko ang isang bagay na ako mismo ang kasama sa kampanya [instead of] madali lang na trabaho. Important thing for me is extra hard work para mas ma-appreciate ko rin siya later on," paliwanag ni Dingdong.



MOVIE & TV SERIES. Sa huli, tiniyak ni Dingdong na matutuwa na naman ang maraming followers nila ni Marian dahil finally ay sisimulan na nila ang mga project nilang sila ang magkasama.


"Well, pinag-uusapan na yung movie project under GMA Films. Definitely, this summer yun. So, posibleng mas maunang maipalabas than Endless Love. Kaya sa aming mga friends, malapit na. Kahit kami ay nae-excite. The vacation is really over. So ngayon, back to work naman," sabi ni Dingdong.
read more "Dingdong Dantes says no "pamamanhikan" happened on his trip to Spain with Marian Rivera"