Your Ad Here

Monday, February 1, 2010

Marian Rivera runs 5K to support Dingdong Dantes's Yes Pinoy Foundation


Hinihingal pa halos si Marian Rivera dahil sa ginawang pagtakbo sa five kilometer (5K) run sa ginanap na book run ng Yes Pinoy Foundation kahapon ng umaga, January 31, sa Bonifacio Global City, pero nagpaunlak na rin ito ng interview nang salubungin ng ilang entertainment press sa finish line.



First time lang daw niyang tumakbo, sabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal), pero from the original 3K lang sanang tatakbuhin niya, bigla siyang nag-decide na tumakbo na rin sa 5K. Pero positive raw kay Marian ang naging experience niya.



"Hindi kasi masusuklian ang experience, e. So, happy ako na ganoon pala talaga ang tumakbo," nakangiti niyang sagot.



Ayon kay Marian, sure na raw siya kahit noon pa na tatakbo siya. "Sigurado talagang tatakbo 'ko dahil unang-una sa lahat, naniniwala ako sa foundation niya [Dingdong Dantes]. At saka, para sa kanya."



Palagi na ba niyang gagawin ang pagtakbo?



"Bakit hindi, okey naman siya. At kung makakatulong, bakit hindi?"



Nangiti naman si Marian dahil sa pagbanggit ng press na todo rin ang suporta sa kanya ni Dingdong, dahil kahit nakarating na ito sa finish line, nagpalit lang ng pang-itaas, pagkatapos ay binalikan na siya kung nasaan man siyang lugar sa pagtakbo.



"Oo nga, e! Dapat 3K lang ako, napasubo ako, naging 5K na rin ako!" natatawa niyang sabi. "Nag-stretching lang ako kanina para hindi ako bumigay. Maaga akong pumunta rito para mag-stretching kami."



Nagulat din daw si Dingdong nang makitang sa 5K run na rin ito sumali.



Nagbigay ng mensahe si Marian sa naging success nga ng book run.



"Congrats, kasi naging successful at saka ang dami talagang tumakbo para rito sa book run na 'to. Kaya sa lahat ng tumakbo, isa na ako sa nagpapasalamat."



Pinaninindigan niyang talaga ang pagiging inspirasyon ng Yes Pinoy Foundation?



"Oo naman, oo naman...dahil isa ako sa naniniwala sa foundation niya."



So, lahat ng projects ni Dingdong, susuporta siya?



"Oo naman! All the way!" nakangiting sabi nga ni Marian.



YES! COVER STORY. Tinanong din si Marian tungkol sa YES! Magazine cover story tungkol sa kanila ni Dingdong (February issue), kunsaan kulang na lang nga ang tahasang sabihin nila na sila na nga.



"Siguro naman sapat na ang nakasulat dun para i-express namin ang mga feelings namin. Hindi na kailangang i-pinpoint na, ay, 'eto 'yan, wala na sigurong ganun."



Ayaw na ring magdetalye ni Marian in terms of sa official anniversary nila, monthsary...



"May ganun?" natatawang reaksyon niya. "Tulad ng sinabi ni Dong, siguro, e, sapat na ang mga salita namin. Hindi na kailangan ng mga ganun. Ang importante, e, naging honest kami, at masaya kami sa mga nangyari sa amin."



Pero para kay Marian, every day naman daw ay espesyal para sa kanilang dalawa ni Dingdong. Pero ano nga ba ang pinaka-memorable na araw para sa kanilang dalawa?


"Memorable? Sa tuwing makikita ko siya, yun ang memorable sa amin."



TRIPS WITH DINGDONG. Kinumpirma naman ni Marian na hindi pa sila matutuloy umalis ni Dingdong ngayong araw, February 1, papuntang Dubai, but instead yung susunod na araw na raw ang alis nila. Pero isang mabilis na "secret," ang sagot nito when asked kung naapruban na ba ang visa ni Dingdong pa-Spain.



Pero bakit nga ba tila sinisikreto pa nila ang biyahe nila papuntang Spain?



"Huwag kayong mag-alala, sasabihin ko naman, at ako mismo ang magsasabi sa inyo kapag natuloy yun at kapag nagkita kami ng daddy ko," sabi ni Marian.



Two weeks din daw silang mawawala dahil pa-Dubai bound muna sila for the Ogie Alcasid and Regine Velasquez show roon.



Kinamusta rin namin kay Marian ang kanyang daddy at kung excited na ba ito sa muli nilang pagkikita.



"Oo! Sabi ko nga, huwag na niya akong sunduin sa airport at baka dun pa kami mag-iyakan."



Nakangiti naman si Marian when asked kung excited na rin ba ang daddy niya na makilala si Dingdong.



"Tingnan natin...tingnan natin."



Five years din daw ang hinintay niya para sa muli nilang pagkikitang mag-ama.



"Paudlot-udlot kasi. Minsan siya ang uuwi, hindi matutuloy. Or ako ang pupunta, hindi rin matutuloy. So ngayon, sana ..."



PAGPAPAALAM SA DARNA. Timing naman daw na ang last taping ng Darna ay natapos ng 5:30 in the afternoon. Maagang-maaga nga naman kung ikukumpara sa usual taping day.



"Natapos nila ako ng 5:30 ng hapon. Kasi, nakiusap talaga ako na sa last day, kontian ang eksena ko para makatakbo pa rin ako rito."



Pero dalawang oras lang din daw ang itinulog niya dahil may party raw sila sa Darna.



How was her last taping?



"Mixed emotion, e. Unang-una sa lahat, malungkot dahil nagtapos na ang Darna. Nalungkot ako kasi ang dami kong nabuong friendship dun sa Darna[. Si Tita Celia [Rodriguez], si Roxanne [Barcelo). Mismong si Tito Eddie Garcia—alam mo 'yun? Lahat kami ru'n talagang nagba-bonding.



Patapos ni Marian, "Masaya siya na natapos siyang walang nangyaring masama. Mamimiss ko lahat, lalo na ang cast."
read more "Marian Rivera runs 5K to support Dingdong Dantes's Yes Pinoy Foundation"

Dingdong Dantes says YPF's book run became complete because of Marian Rivera's presence


Naging very successful ang kauna-unahang event ng Yes Pinoy Foundation para sa taong 2010. Ito ang book run kunsaan ay co-presentor ng Yes Pinoy ang National Bookstore. Dingdong Dantes, the founder of Yes Pinoy Foundation, himself is an endorser of the country's giant book and school-supply chain.



More than 2,000 katao ang bilang ng mga tumakbo sa YPF's first-ever book run, na ginanap sa Bonifacio Global City kahapon ng umaga, Linggo, Enero 31. As early as 4 a.m. ay marami ng runners ang na nasa lugar, na naka-set magsimula ng 5 a.m. Lalo pa't yung iba, sa mismong oras na rin na yun nagpa-register.



"Sobrang nagpapasalamat ako sa lahat ng dumating," sabi ni Dingdong sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Hindi magiging successful ito kung hindi dahil sa donation nila and much more yung actual participation."



Dugtong pa niya, "It's a very noble thing. Gaya ng sabi ko, nag-donate sila, hindi lang nagbigay ng pera, but more, pumunta sila, naglabas ng pawis at hirap para sa isang magandang cause."



Definitely, may naka-line-up na raw na next project ang Yes Pinoy Foundation para pa rin sa scholars nila. Ito ay dagdag pa sa mga mga proyekto nila ng pag-rehabilitate ng mga eskuwelahan, matapos ng bagyong Ondoy and Pepeng last year.



Kahit naging successful ang naganap na book run, posible raw na by 2011 na ang Part 2 ng ganitong event for YPF.



Mismong si Dingdong ay sumamang tumakbo sa 5K run.



"Okey naman, maganda ang umaga. Okey naman siya," nakangiting sabi ng GMA-7 primetime actor. "Second time ko pa lang tumakbo. Pero kapag may time, tumatakbo lang ako sa bahay namin or kaya sa treadmill."



Naging maganda raw ang experience niya sa ikalawang pagtakbo kung kaya't nandun ang urge na gawin niyang muli.



"Kakaiba, ang sarap ng feeling, especially on a Sunday morning!"



CELEBRITIES JOIN THE RUN. Marami ring celebrities ang nakita ang PEP na gumising nang maaga at tumakbo, tulad nina Gabby Eigenmann, Carl Guevarra, Arthur Solinap, Luis Allandy, Miriam Quiambao, Boy2 Quizon, Paolo Paraiso, at maging ang girlfriend ni Senator Noynoy Aquino na si Shalani Soledad.



Natutuwa raw talaga si Dingdong na personal na nagtanong tungkol sa book run at nag-participate pa ang mga celebrity na ito.



"Yun kasi ang gusto kong iwasan," paliwanag ni Dong, "yung hangga't maaari, ayokong magkaroon ng personal favor. Wala talaga akong personal na pinapunta. Kusa silang pumunta. Kaya nga mas malaking karangalan para sa amin at sa foundation na dumating sila at dumalo sila."



Sinabi naming halos lahat yata ng pinapasok niyang proyekto ngayon—either for his personal causes or for his career—ay nagiging matagumpay.



"Well, siguro, if you really put your heart into it, at hands-on ka sa lahat, at klaro ang objectives mo, I think everything naman will be successful," sabi niya.



MARIAN'S PRESENCE. All-out naman ang suporta sa kanya ni Marian sa naturang book run.



"Naging kumpleto dahil nandito siya," sabi ng aktor.



Okey rin daw sa kanya kung itutuloy-tuloy ni Marian ang pagtakbo.



"As long as it is healthy for her, as long as she likes it, bakit hindi?" nakangiti niyang sabi.



Inamin naman ni Dingdong na nang mauna siyang makarating sa finish line at malamang tumatakbo pa si Marian, binalikan at sinundo niya ang aktres.

"Siyempre, gusto kong malaman na okey siya."



TRIP TO SPAIN. Excited na rin naman daw si Dingdong na makilala ang daddy ni Marian na nakatira sa Spain.



"Oo naman," sambit niya. "Pero siyempre mas excited ako na magkita sila dahil matagal silang hindi nagkita."



Pagdating sa napipintong pagsama niya kay Marian papuntang Spain, hindi pa rin ito makapagbigay ng konkretong sagot kung tuloy na tuloy na nga ba sila dahil ngayong araw, February 1, pa lang daw niya malalaman kung naaprubahan ang visa niya.



Wala pa rin daw silang itinerary pagdating nila ng Spain.



"Mabilis namang gawin yun, e. Sa Dubai, meron na kasi producer naman ang nag-ayos nun. Yung sa Spain , I feel positive about it, so ayoko na munang isipin," saad ni Dingdong.
read more "Dingdong Dantes says YPF's book run became complete because of Marian Rivera's presence"

Angelica Panganiban doesn't mind being second choice for Rubi


Angelica Panganiban went through the ladder of success without skipping a single step, thus, her nearly 18 years of experience in the entertainment industry have sharpened her skills in the acting department. For this reason, she has been tapped to play the bida-kontrabida lead character in Rubi, which is one of the biggest teleseryes of ABS-CBN in celebration of its 60 years of Pinoy Soap Opera. The Filipina Rubi met with the press last January 26 at the 14th Flr, ELJ Building, ABS-CBN compound.



ORIGINAL RUBI. Rubí is originally a Mexican telenovela aired on TeleVisa network in 2004 that topbilled model-turned-actress Bárbara Mori. The plot is based on a story by Yolanda Vargas Dulché. The said telenovela was first aired in 1968 portrayed by Fanny Cano, a well-known Mexican actress and producer.



Mori was born in February 2, 1978 with a Uruguayan-Japanese and Mexican heritage. She started as model at the age of fourteen when she was discovered by a fashion designer then eventually ventured into acting. Mori made her acting debut in the Mexican telenovela Al Norte del Corazon in 1997 and landed her first leading role in the series Azul Tequila in 1998 until she portrayed Rubí Pérez de Ferrer in the highly-rated Mexicanovela Rubi which reaped awards including Best Female Protagonist for Mori.



Rubí was a huge success in many countries. Apart from Latin America, the telenovela garnered high ratings in the United States, Malaysia, Israel, Eastern Europe and the Philippines, among many others.



PINAY RUBI. Rubi became a television hit in the Philippines when it was aired by ABS-CBN on its daytime slot in 2005. Despite its timeslot, the drama series still managed to reach primetime-series-like ratings. Recently, the Kapamilya Network has acquired the TV rights for its Philippine version. Angelica Panganiban will bring life to the Pinay Rubi starting February 15, 2010.



Viewers have known Angelica as member of the elite circle of homegrown talents of ABS-CBN since her showbiz career started at the age of 6 in Ang TV. She was also cast in ABS-CBN shows such as Berks, Vietnam Rose, Rounin, Ysabella, Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik and Iisa Pa Lamang. Angelica feels very lucky to be given the biggest break on her television career because of Rubi. "Natutuwa ako kasi ang tagal ko ng artista. Simula last year, na-feel ko artista pala ako ng ABS-CBN kasi nabigyan ako ng importansya," she said with a smile.



She proved her versatility as an actress when she portrayed the socialite villain Scarlet dela Rhea-Castillejos in Iisa Pa Lamang in 2008 topbilled by Claudine Barretto, Gabby Concepcion and Diether Ocampo. Angelica is cast as Rubí Pérez de Ferrer, a woman driven by dark ambition that will be hindered by no one and nothing in getting what she wants—to escape from poverty and to live a wealthy life. "Yung ipagkatiwala sa 'yo ang isang soap na parang title role, bonggang-bongga na yun. Hinintay ko ang pagkakataon na 'to, ang maging bida sa isang soap. At ngayon, di lang bida, bida-kontrabida pa! Ano pang hahanapin mo?"



BIDA-KONTRABIDA. With the tagline "ang kontrabidang bida," Angelica explained that her character is a protagonist and antagonist at the same time. "Kumbaga sa soap opera ngayon lang 'yung umiikot sa kwento para sa isang bida-kotrabida." She admitted that more than the pressure with the role and the project, it's the challenge that pushes her to do well in her new role. "Oo may pressure, pero higit pa sa pressure, yung challenge na magampanan ko yung role na mabuti ang mas nangingibabaw. Nakaka-challenge talaga kung paano mo titimplahin 'yung pagiging mataray mo and kung paano ka kakaawaan ng mga manonood. Si Rubi kasi kahit kontrabida may puso."



She also shared that portraying Scarlet dela Rhea-Castillejos in Iisa Pa Lamang has helped her interpreting her bida-kontrabida role. "Malaki ang naitulong ni Scarlet kasi dun maldita ako, e. Kumbaga dito sa Rubi madali na ang shifting ng character. Madali nang paglaruan si Rubi."



When asked the difference of portraying Scarlet in Iisa Pa Lamang and Rubi in Rubi, Angelica explained in jest, "Si Scarlet, sosyal. Si Rubi, social climber." She continues, "Si Scarlet, mukang pera. Si Rubi, spell maldita, R-u-b-i. Siya yun, si Rubi yun! Pero may dahilan, may rason kung bakit ganun ang character ni Rubi."



SECOND CHOICE TO PLAY RUBI. Members of the press pointed out that Angelica is the perfect actress to play Rubi because she effectively portrayed a role with the same nature in the teleserye Iisa Pa lamang as the villainess Scarlet. But the role of Rubi was not first offered to her. "Yes, hindi ako ang first choice. Alam ko maraming pinagpilian. Nung pumasok ang name ko, tumigil na sila," she said with a laugh mimicking Kris Aquino.



She candidly added, "Nung ginawa yung Rubi ng Mexico, ako ang peg ng Televisa. Opo, ako siya. Kakambal ko si Rubi!"



Angelica was the second choice after Kristine Hermosa declined the role since she deemed it "too daring."



MORE DARING. Angelica also explained that she had no hesitations in accepting the role of Rubi despite its daring image because the role calls for it. "Siyempre yung pagpapasexy dito sa Rubi, hindi lang naman siya basta-basta lang. Yung pagpapa-sexy, hinihingi hinihingi yun ng role ko so yun ang ibibigay ko. Sa pagpapasexy, hindi naman masyado kasi alam kong sexy na ako," she said with a huge grin.



She added, "Alam kong malaki ang hinaharap ko. Ayokong isampal sa mukha ng tao na, hey malaki siya. Baka ma-MTRCB tayo. Rubi meets Magpasikat, ayoko naman ng ganun," she added with a laugh.

Angelica watched some episodes of the original Mexicanovela to prepare to her role. "Pinanood ko yung original version ng Rubi. Ayoko maging siya. Gusto ko maging iba."



While watching the original series, she got worried by the possibility that Filipino viewers might react negatively to her role since the Mexican version is daring. There were adjustments made to meet the taste of Pinoy viewers. "At first nakakatakot, siyempre iba kasi ang values nating mga Filipino. Mas nag-focus kami sa Filipino values. Pinaikot ang kuwento sa pamilya pero halos lahat naman na-retain," she explained.



The young actress also said that she has been undergoing workshops for the said series. "Nag-acting workshop ako para sa Rubi. Pati nga paglalakad inaral ko para sa show na ito."





CAST MEMBERS. When asked if she is pressured with the role and project, Angelica admitted: "Oo may pressure pero ito yung masasabi kong project na confident ako. Sa casting pa lang panalo na ako. Andyan si Ms. Cherrie Gil, Ms. Cherry Pie [Picache] at Ms. Connie [Reyes]. Lahat ng "C" binigay na sa akin, bongga!"



Joining Angelica Panganiban in Rubi are Diether Ocampo as Hector, Jake Cuenca as Dr. Alejandro and Shaina Magdayao as Maribel. Other cast members include seasoned actors Gardo Versoza, Cherie Gil, Cherry Pie Picache, Michael de Mesa, Coney Reyes, Allan Paule, Bing Loyzaga, Juan Rodrigo, Susan Africa, Eva Darren, Rey "PJ" Abellana and Dante Rivero with young stars Megan Young, Xian Lim and Kaye Abad.

Thankful for the teleserye project, Angelica was overwhelmed by the trust given to her by the Kapamilya Network executives. "Siyempre nagpapasalamat ako sa ABS-CBN; kina Ma'am Charo [Santos-Concio], Ms. Cory Vidanes at sa lahat ng bumubuo ng Rubi dahil sa tiwalang ibinigay nila sa akin."



She added, "Kung sasabihin nating excited, sobra, sobrang excited and ngayon lang siguro ako kinabahan na alam mo yon, may ilalabas kang project parang sayo nakapangalan ang show, sobrang excited and proud and happy yung nararamdaman ko talaga."



Created by Televisa, Mexico and directed by Erick Salud and Don Cuaresma, Rubi will be shown on ABS-CBN Primetime Bida starting February 15, 2010.
read more "Angelica Panganiban doesn't mind being second choice for Rubi"

Marian Rivera and Dingdong Dantes: Are they ready to take it to the next level?


The February 2010 issue of YES! Magazine features the romantic story of star couple Dingdong Dantes and Marian Rivera.



Marian and Dingdong started making sparks back in August 2007 when they were paired for the first time in the telenovela MariMar. Their unique chemistry together in MariMar paved the way for more primetime TV team-ups that eventually gave birth to a huge following.



Many of their fans, however, are still playing the guessing game on whether or not their idols are finally a real couple, as opposed to the reel couple they see on TV. With the February issue of YES! finally out, it is time to put their doubts to rest.



"I just want the readers—kung ano man interpretation nila, ganoon na," Dingdong said in a segment interview with Showbiz Central aired yesterday, January 31. "Kumbaga, kung exact points, exact details kung kailan nangyari 'yong ganoon, e, kahit kami hindi namin masasagot 'yon dahil siyempre it just happens, so 'yon lang."



"Ang hirap kasing i-pinpoint," agreed Marian in a separate interview. "Kasi proseso talaga 'yong magmula sa simula hanggang sa natapos kami sa [Ang Babaeng Hinugot sa Aking] Tadyang, e. Doon nabuo lahat, e."



YES! editor-in-chief Jo-Ann Maglipon herself gave clues about the couple's relationship status.



"I think it does not take too much intelligence to see what they are to each other from this article. Kasi, kung ikaw sabihin mo na ang una mong naiisip sa umaga paggising mo ay iyong isang tao. Ang isang tao naman, buhay niya iniikot niya doon sa babae na iyon, ano pa ba ang dapat na konklusyon? Sa kaso ni Dingdong at Marian, ang sinabi nila, 'read between the lines.' That's exactly what they mean—read between the lines. We don't have to spell it out for you. As far as I know, there is real love and passionate love going on between Marian and Dingdong."



THE TRIP IN THE U.S. Marian admitted that she never knew that her leading man was head over heels for her during their stay in New York.



"Siguro kung ano iyong sinabi niya na na-in love siya sa akin sa New York, e, hindi ko alam 'yan," smiled Marian. "Nalaman ko lang din 'yan noong in-interview siya at nagulat din ako doon."



She continued, "Iyong love hindi, pero na-realize ko na 'Ay, ang bait nito!' Na-appreciate ko siya.' Iyon ang term ko diyan, e, na-appreciate ko talaga siya. Siguro mga bagay na hindi mo na kailangan sabihin."



NOTHING BUT THE TRUTH. With their feelings for each other blossoming by the day, it cannot be ignored that rumors will continue to come to test their relationship to the limit. One such rumor was the news that Dingdong allegedly left ex-girlfriend Karylle for Marian. For Dingdong, however, it was an issue worth defending with nothing but the truth.



"Well," explained Dingdong, "Siguro always pag tuwing nangyayari 'yon, bumabalik kami sa katotohanan which is, hindi naman talaga siya nangyari. So there is really no reason. So, ganoon lang—back to reality lang, back to the truth. Back to what really happened."



Marian on her part gave her insight on such issues. "At least naliwanag diyan na wala talaga akong kinalaman, na paulit-ulit kong sinasabi. Wala, e. Nasa showbiz ka at 'yon ang kailangan i-take talaga, 'yong mga consequences na hindi lahat ng tao, e, mapi-please mo talaga," she said.



READY FOR THE NEXT LEVEL? Now that the celebrity couple's love for each other is getting louder by the day, does it mean that wedding bells are the next sound the fans should hear?



"Siyempre, sa amin na lang 'yon," smiled Dingdong. "But it is really very important for me. So maganda lang na i-celebrate siya with people na gusto mo, that you love. So, let's take it from there."



As for Marian, she said, "Bilang babae, masarap marinig iyan sa isang lalake, lalo na kung ang isang lalake, e...kahit sinong babae na sabihan siya ng lalake gusto siya at mahal siya, e, nakakataba talaga ng puso."
read more "Marian Rivera and Dingdong Dantes: Are they ready to take it to the next level?"

Judy Ann Santos: "Pag totoo ka sa sarili mo, masarap yung pakiramdam kasi alam mong wala kang itinatago."


Sa selebrasyon ng ABS-CBN ng 60 years of soap opera, kinilala bilang Reyna ng Pinoy Teleserye si Judy Ann Santos. Kaya naman isang "royal welcome" ang ibinigay sa kanya ng mga hosts na sina Boy Abunda at Kris Aquino sa live guesting ni Juday sa The Buzz kahapon, January 31.



Bago ito ay ipinakita muna ang VTR ng mga teleseryeng nagawa na ni Juday simula noong bata pa lamang siya hanggang noong taong 2007—Ula (1988), Mara Clara (1992), Esperanza (1997), Sa Puso Ko Iingatan Ka (2001), Basta't Kasama Kita (2003), Krystala (2004), Sa Piling Mo (2006), at Ysabella (2007).



Matapos ang tatlong taon na hindi napanood sa primetime soap si Juday, ngayong taon ay nagbabalik-primetime siya sa pamamagitan ng Nurserye na Habang May Buhay, na lalong magpapatingkad sa pagiging reyna niya ng soap opera.



"How does it feel pag tinatawag kang queen?" bungad na tanong ni Kris kay Juday.



"Nate-tense, nate-tense pa rin ako," sagot niya. "Of course, flattered, very, very flattered. Pero nandun pa rin yung tanong na, 'Tama ba? Ako ba?' Hindi e, hindi. Kasi along the way, habang nag-aartista ako, marami talaga akong mga taong nakasama. Hindi ko man nakasama...sini-share ko sa kanila. Like Gladys [Reyes] and Claudine [Barretto], I will always say that kasi sila yung mga tumulong sa akin, lalung-lalo na si Gladys. Si Claudine, hindi pa man kami nagkakatrabaho, I'm looking forward to work with her."



MOST IMPORTANT LESSON. Nang dumako ang usapan tungkol sa mga nagawa niyang teleserye, kinorek ni Juday na hindi Ula ang unang teleserye na ginawa niya kundi ang Kaming Mga Ulila noong 1984 sa GMA-7.



Ang tanong ni Boy, "Sa lahat ng mga pinagdaanan mo... sa lahat ng mga teleseryeng ito, what is the most important lesson you've learned?"



"Be humble. Always be humble."



Why do you say that?



"Ang dami ko kasing nakasama na lumilipad, nawawala sa wisyo... yung nawawala sa sarili kapagka nakakaranas at nakakatikim ng tagumpay. Nakakalungkot kasi baka isipin ng ibang tao na, 'E, kasi porke't artista 'yan.' Hindi, e. Hindi po. Ako, nagkataon lang na pinaghirapan ko talaga ito at ayoko siyang mawala nang ganun-ganun na lang. Kasi ang hirap din naman ng pinagdaanan ko."



BEAUTY SECRETS. Pinag-usapan din nila ang pagbu-bloom ni Juday. Ayon kay Juday, hindi niya raw makakalimutan ang panahon na nilalait siya at inaalipusta dahil na rin sa kanyang pisikal na kaanyuan na may katabaan noong umpisa.



"Hindi ko naman makakalimutan yun. Hinding-hindi po."



From an ugly duckling siya ay naging swan. Paano siya naging swan ?



"Ako naman po kasi nag-enjoy lang talaga ako sa pagkabata. In-enjoy ko yung mga damit na gusto kong isuot, mapa-uso man o hindi. Basta kumportable. Hindi ko lang din naman talaga pinansin yung mga sinasabi sa akin. Siguro hindi lang ako yung ganun, sensitive. Hinayaan ko lang sila. E, kung mas masaya kayo sa pagsusulat nila, e, di, go! Kung diyan ba kayo kikita, e, di sige."



Sino ang nagsabi sa kanya na, 'O, Juday, let's dress up?'



"Juan Sarte and Raymund Isaac," sagot ng aktres. "Sila yung unang-unang nagsabi sa Metro, I think, or Mega na i-makeover ako. Nung nagpaikli na ako ng buhok, sila talaga."



Si Juan Sarte naman ang nagpakilala kay Juday sa fashion designer na si Paul Cabral.



"Noong first time akong nag-host ng awards night, first time din ako mabihisan ni Paul Cabral. And then si Juan Sarte. And then, nabigyan ako ng award na Star of the Night. Pagkatapos noon, hindi ko na sila binitawan. Confident kasi ako pag kasama ko sila."



Bukod sa mga nagpapaganda sa kanya, na-involve din sa mga physical activities si Juday gaya ng boxing, Muay Thai, pilates.



"Hindi naman ako nag-workout because I had to. It's because I want it. Yun ang mahalaga, e, kung ano ang gusto mo," sabi niya.

MORE OPEN AND CONFIDENT NOW. Kapansin-pansin din daw na noong naging asawa ni Juday si Ryan Agoncillo, sa tuwing kinakausap siya ngayon ay mas open at confident na raw si Juday na mag-share ng kanyang views.



"Kasi yun ang isang naituro sa akin ni Rye, e, kung ano ang gusto mong sabihin, sabihin mo. But make sure na wala ka rin namang maaapakang tao. Wala kang masasagasaan. Be true to yourself. Totoo nga po, e, di ba po? Pag totoo ka sa sarili mo, masarap yung pakiramdam kasi alam mong wala kang itinatago."



Naging isyu rin na diumano'y iiwan na ni Juday ang showbiz pagkatapos ng Habang May Buhay. Pero ito naman ay pinabulaanan ni Juday at sinabi niyang magli-leave lang daw siya sa trabaho para harapin ang isang panibagong proyekto para sa kanilang pamilya ni Ryan, ang sikaping magbuntis ngayon taon para magkaroon na ang kapatid ang ampon nilang si Yohan.



Magsisimula nang mapanood ngayong gabi, February 1, ang Habang May Buhay sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng Kung Tayo'y Magkakalayo.
read more "Judy Ann Santos: "Pag totoo ka sa sarili mo, masarap yung pakiramdam kasi alam mong wala kang itinatago.""

Mark Herras and Pauleen Luna have mixed emotions on Ikaw Sana's wrap-up


Mark Herras admitted he feels sad now that Ikaw Sana is nearing its conclusion.



"Siyempre malungkot. Ang tagal ding tumakbo ng Ikaw Sana. Nung unang extension nito, parang two or three weeks lang yata. Pero nag-extend kami nang sobra-sobra hanggang umabot kami ng February. February kasi yung [last] airing. Siyempre nakakalungkot," Mark Herras told PEP (Philippine Portal Entertainment) during a set visit at Subic, where they were shooting the last few scenes of Ikaw Sana, last Friday, January 29.



"Pero siyempre," he added, "I'm happy dahil nakagawa na naman kami ng isang show na parang marami ring natuwa. And for the fans of Mark and Jen na loveteam, I'm happy dahil napagbigyan namin sila."



Ikaw Sana, GMA-7's early primetime offering is being topbilled by StarStruck loveteam and ex-couple Mark Herras and Jennylyn Mercado, together with Pauleen Luna in her first-ever major kontrabida role.



Pauleen shares the same sentiments of happiness and sadness now that they are down to only one taping day for Ikaw Sana.



"Masaya [ang taping], as always. Pero ngayon, feeling ko, magiging malungkot pa kami dahil last na namin. We've been together for almost five months. Ang tagal din. Tapos three times a week nagkikita talaga kami. So, nakakalungkot. Kasi especially the crew, sila pa kasi yung sa Adik Sa 'Yo... Sobrang napamahal na talaga sila sa akin. So siguro, maninibago ako for the first few weeks na hindi ko sila makikita."



Direk Joel Lamangan, meanwhile, described how good the working relationship is in Ikaw Sana's set.



"Ang sarap ng samahan namin dito sa Ikaw Sana," he said.



He even nodded in agreement when some members of the press mentioned something about the kids admitting they will miss early wrap-ups of the set.



On a serious note, Direk Joel told the press how he can vouch for the improvement of the younger stars' acting skills in Ikaw Sana, particularly Mark, Jennylyn, and Pauleen.



"Good actors, good attitude, all of them... Jennylyn has matured into a very good actress, so as Pauleen," Direk Joel said.



He later expressed this as one of the reasons he chose Pauleen and Jennylyn to be part of his independent film entry Sigwa in the 6th Cinemalaya Independent Film Festival.



HAPPY OR SAD ENDING? Kapuso fans are surely excited and at the same time sad as Ikaw Sana nears its ending. But what's in store for the viewers in the last week of Ikaw Sana?



"Kung paano magkakabati or magkakaayos ulit si Michael [Mark] and Eliza [Jennylyn]," said Mark. "Kasi it's been a while nung nagkaroon sila ng malaking tampuhan. What's gonna happen between Pauleen [as Sophia] and Jen... What's gonna happen to the families of Montemayor and Olivarez. Kung paano magiging maayos yung takbo ng family. At kung paano magiging malinaw sa lahat, with Eliza, with Michael, kung gaano nila kamahal yung isa't isa. Dapat yun ang abangan nila, bandang dulo, which is okay naman, magandang maganda yung huli."



On Pauleen's part, she said, "Marami... Ayokong sabihin kasi mai-spoil. Pero may shocking revelation talaga na kailangan nilang abangan on the last day."



Catch the last five episodes of Ikaw Sana this February 1 to 5 at GMA Telebabad before 24 Oras.
read more "Mark Herras and Pauleen Luna have mixed emotions on Ikaw Sana's wrap-up"