Your Ad Here

Monday, February 1, 2010

Judy Ann Santos: "Pag totoo ka sa sarili mo, masarap yung pakiramdam kasi alam mong wala kang itinatago."


Sa selebrasyon ng ABS-CBN ng 60 years of soap opera, kinilala bilang Reyna ng Pinoy Teleserye si Judy Ann Santos. Kaya naman isang "royal welcome" ang ibinigay sa kanya ng mga hosts na sina Boy Abunda at Kris Aquino sa live guesting ni Juday sa The Buzz kahapon, January 31.



Bago ito ay ipinakita muna ang VTR ng mga teleseryeng nagawa na ni Juday simula noong bata pa lamang siya hanggang noong taong 2007—Ula (1988), Mara Clara (1992), Esperanza (1997), Sa Puso Ko Iingatan Ka (2001), Basta't Kasama Kita (2003), Krystala (2004), Sa Piling Mo (2006), at Ysabella (2007).



Matapos ang tatlong taon na hindi napanood sa primetime soap si Juday, ngayong taon ay nagbabalik-primetime siya sa pamamagitan ng Nurserye na Habang May Buhay, na lalong magpapatingkad sa pagiging reyna niya ng soap opera.



"How does it feel pag tinatawag kang queen?" bungad na tanong ni Kris kay Juday.



"Nate-tense, nate-tense pa rin ako," sagot niya. "Of course, flattered, very, very flattered. Pero nandun pa rin yung tanong na, 'Tama ba? Ako ba?' Hindi e, hindi. Kasi along the way, habang nag-aartista ako, marami talaga akong mga taong nakasama. Hindi ko man nakasama...sini-share ko sa kanila. Like Gladys [Reyes] and Claudine [Barretto], I will always say that kasi sila yung mga tumulong sa akin, lalung-lalo na si Gladys. Si Claudine, hindi pa man kami nagkakatrabaho, I'm looking forward to work with her."



MOST IMPORTANT LESSON. Nang dumako ang usapan tungkol sa mga nagawa niyang teleserye, kinorek ni Juday na hindi Ula ang unang teleserye na ginawa niya kundi ang Kaming Mga Ulila noong 1984 sa GMA-7.



Ang tanong ni Boy, "Sa lahat ng mga pinagdaanan mo... sa lahat ng mga teleseryeng ito, what is the most important lesson you've learned?"



"Be humble. Always be humble."



Why do you say that?



"Ang dami ko kasing nakasama na lumilipad, nawawala sa wisyo... yung nawawala sa sarili kapagka nakakaranas at nakakatikim ng tagumpay. Nakakalungkot kasi baka isipin ng ibang tao na, 'E, kasi porke't artista 'yan.' Hindi, e. Hindi po. Ako, nagkataon lang na pinaghirapan ko talaga ito at ayoko siyang mawala nang ganun-ganun na lang. Kasi ang hirap din naman ng pinagdaanan ko."



BEAUTY SECRETS. Pinag-usapan din nila ang pagbu-bloom ni Juday. Ayon kay Juday, hindi niya raw makakalimutan ang panahon na nilalait siya at inaalipusta dahil na rin sa kanyang pisikal na kaanyuan na may katabaan noong umpisa.



"Hindi ko naman makakalimutan yun. Hinding-hindi po."



From an ugly duckling siya ay naging swan. Paano siya naging swan ?



"Ako naman po kasi nag-enjoy lang talaga ako sa pagkabata. In-enjoy ko yung mga damit na gusto kong isuot, mapa-uso man o hindi. Basta kumportable. Hindi ko lang din naman talaga pinansin yung mga sinasabi sa akin. Siguro hindi lang ako yung ganun, sensitive. Hinayaan ko lang sila. E, kung mas masaya kayo sa pagsusulat nila, e, di, go! Kung diyan ba kayo kikita, e, di sige."



Sino ang nagsabi sa kanya na, 'O, Juday, let's dress up?'



"Juan Sarte and Raymund Isaac," sagot ng aktres. "Sila yung unang-unang nagsabi sa Metro, I think, or Mega na i-makeover ako. Nung nagpaikli na ako ng buhok, sila talaga."



Si Juan Sarte naman ang nagpakilala kay Juday sa fashion designer na si Paul Cabral.



"Noong first time akong nag-host ng awards night, first time din ako mabihisan ni Paul Cabral. And then si Juan Sarte. And then, nabigyan ako ng award na Star of the Night. Pagkatapos noon, hindi ko na sila binitawan. Confident kasi ako pag kasama ko sila."



Bukod sa mga nagpapaganda sa kanya, na-involve din sa mga physical activities si Juday gaya ng boxing, Muay Thai, pilates.



"Hindi naman ako nag-workout because I had to. It's because I want it. Yun ang mahalaga, e, kung ano ang gusto mo," sabi niya.

MORE OPEN AND CONFIDENT NOW. Kapansin-pansin din daw na noong naging asawa ni Juday si Ryan Agoncillo, sa tuwing kinakausap siya ngayon ay mas open at confident na raw si Juday na mag-share ng kanyang views.



"Kasi yun ang isang naituro sa akin ni Rye, e, kung ano ang gusto mong sabihin, sabihin mo. But make sure na wala ka rin namang maaapakang tao. Wala kang masasagasaan. Be true to yourself. Totoo nga po, e, di ba po? Pag totoo ka sa sarili mo, masarap yung pakiramdam kasi alam mong wala kang itinatago."



Naging isyu rin na diumano'y iiwan na ni Juday ang showbiz pagkatapos ng Habang May Buhay. Pero ito naman ay pinabulaanan ni Juday at sinabi niyang magli-leave lang daw siya sa trabaho para harapin ang isang panibagong proyekto para sa kanilang pamilya ni Ryan, ang sikaping magbuntis ngayon taon para magkaroon na ang kapatid ang ampon nilang si Yohan.



Magsisimula nang mapanood ngayong gabi, February 1, ang Habang May Buhay sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng Kung Tayo'y Magkakalayo.

0 comments:

Post a Comment