Friday, February 12, 2010
Dingdong Dantes is now in talks with Ayos Na leaders to address Fair Election Act implementation
Sa pagpapaalala ng Commission on Elections (Comelec) tungkol sa Fair Election Act or Republic Act 9006—na ipinatupad "to enhance the holding of free, orderly, honest, and credible elections through fair election practices"—ay maraming mga artistang nag-e-endorse ng mga kakandidato ang naapektuhan.
Isa na rito ang matinee idol na si Dingdong Dantes, lalo pa't nagbigay na ng official statement ang home network nitong GMA-7 na nagsasabing nakikiisa sila sa pag-i-implement ng Fair Election Act na noon pang February 2001 naaprubahan. (CLICK HERE to read related story.)
Si Dingdong ang National Lead Convenor ng Advocates of Youth and Students for Noynoy Aquino (Ayos Na). Iba't ibang lugar sa Pilipinas ang iniikot ni Dingdong at ng mga staff at elasers ng Ayos Na para ipabatid sa lahat, lalo na sa mga kabataan at estudyante, ang layunin ng kanilang organisasyon. Isa na rito ay makakalap ng volunteers para sa kampanya ng presidentiable na si Senator Noynoy Aquino ng Liberal Party.
Nang lumabas ang paalala ng Comelec tungkol sa Fair Election Act or Republic Act 9006, wala sa bansa ang aktor at posibleng early next week pa ang balik niya sa Pilipinas. Nasa Spain ngayon ang aktor kasama ang rumored girlfriend nitong si Marian Rivera.
Upang hingin ang reaksiyon ni Dingdong tungkol sa bagong development na ito ay minabuti ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kausapin ang manager niyang si Perry Lansigan.
Ayon kay Perry, sa pakikipag-usap niya kay Dingdong sa telepono, naipaabot na niya ang naturang balita. Bagamat nasa Spain ngayon ang aktor ay nakikipag-usap na rin daw ito sa staff ng Ayos Na.
Pag-uwi raw ni Dingdong mula sa Spain, makikipag-meeting ito agad sa kanyang mga kasamahan. Depende sa magiging meeting nila, malalaman kung ano ang puwedeng mangyari at kakahinatnan ng pagiging National Lead Convenor ni Dingdong ng Ayos Na.
Labels:
Dindong Dantes
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment