Your Ad Here

Monday, January 25, 2010

Dingdong Dantes denies he's going to Spain to ask Marian Rivera's father for her hand


Ilang lugar na sa Pilipinas ang napupuntahan ni Dingdong Dantes kaugnay ng Ayos Na! (Advocates of Youth and Students for Noynoy Aquino). Last Saturday, January 23, nagtungo ang Kapuso star sa Davao City at Davao del Norte para sa launching doon ng Ayos Na! at upang mag-imbita na rin ang mga kabataan at estudyante na sumapi sa kilusan.



Sa tantiya ni Dingdong, nasa 20,000 youths na raw ngayon ang registered members nila. Pero 500,000 youths and students ang target nila kung kaya't marami-rami pa ang dapat nilang puntahan at anyayahan upang maging volunteers sa 2010 elections.



"Kasi yung mga 20,000 na yun, meron silang kanya-kanyang task to recruit nine for each," banggit ni Dingdong nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng entertainment press sa Hijo Plantation sa Davao del Norte noong Sabado.



DINGDONG'S FULFILLMENT. Saksi ang writer na ito kung anong klaseng dedikasyon at pagod ang ibinubuhos ni Dingdong bilang National Lead Convenor ng Ayos Na!. Ano ba ang sense of fulfillment niya in doing all his tasks?



"Well, unang-una, malayo sa ginagawa ko, sa trabaho ko bilang artista. Pangalawa, I am enjoying myself... May mga responsibilities kasi, may duties kasi ang bawat citizen na minsan, wala tayong chance na magawa. Pero ito ang perfect chance for me to contribute something kahit in my own small way," paliwanag ng matinee idol.



Tinanong din ng PEP si Dingdong kung hindi ba siya nakakaramdam ng kahit katiting na takot now that he is actively participating in the presidential campaign of Sen. Noynoy Aquino kahit sabihin pang ang focus niya ngayon ay para sa Ayos Na!. Hindi ba siya nangangamba na baka magkaroon ng kaguluhan sa mga lugar na pinupuntahan niya?



"E, galing na ako dun!" natatawang sabi ni Dingdong. "Kagagaling ko nga lang sa barilan. Pero excited pa rin ako na makatulong. No, e... nothing will stop someone who has dream and advocacies."



Ang tinutukoy ni Dingdong ay ang pagdalo niya sa fiesta ng San Carlos City, Pangasinan noong April 28, 2007. Sa naturang event ay binaril ang mayor ng San Carlos City na si Julian Resuello. Namatay si Mayor Resuello pagkaraan ng dalawang araw dahil sa natamo niyang mga sugat. (CLICK HERE to read related story.)



May oras pa naman daw na nailalaan si Dingdong para sa mga ganitong activities niya bukod sa kanyang trabaho bilang aktor.



OFF TO SPAIN? Bukod kay Dingdong, very vocal din ang rumored girlfriend niyang si Marian Rivera sa pagsuporta kay Noynoy. Makakasama rin ba ni Dingdong si Marian sa pagbisita niya sa mga probinsiya pag hindi na masyadong busy ang aktres sa taping ng Darna?



"Oo," sagot ng aktor. "Pagkatapos na pagkatapos ng Darna, e, sasama na siya sa pag-iikot namin. Kung saan naka-schedule."



Next week ay pansamantalang mawawala si Dingdong dahil pupunta sila ni Marian sa Dubai bilang guests sa concert nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Pero tiniyak ni Dingdong na kahit wala siya sa Pilipinas ay tuloy-tuloy lang ang events ng Ayos Na! sa iba't ibang lugar.



"Tuloy-tuloy sila kahit wala ako. Tuloy-tuloy pa rin ang organization, like magkaroon ng ParaƱaque next week, pero wala ako dun. Tapos sa Valenzuela, yun, nandoon ako."



May balita na after their Dubai show ay tutuloy sina Dingdong at Marian sa Spain upang bisitahin ang ama ng aktres. Pero hindi pa raw ito kumpirmado, ayon kay Dingdong.



"Hindi pa sigurado kasi yung visa, medyo namemeligro pa. But I'm hoping... Malalaman ko kasi kung mare-release or hindi on the day itself na pag-alis ko ng Dubai," sabi ni Dingdong.



On Marian's part, wala raw problema sa visa nito dahil Spanish passport ang hawak ng aktres. Tinanong ng PEP si Dingdong kung sakali lang at hindi ma-release agad ang visa niya, tutuloy pa rin ba si Marian sa Spain kahit wala siya?



"Siyempre, hindi," ang nakangiting sagot ni Dingdong.



Biro naman namin kay Dingdong, kaya tuloy iniisip talaga na hihingin na niya ang kamay ni Marian sa daddy nito?



"Hindi, hindi..." ngiti pa rin niya. "Eto na lang, kung sakali man, madali namang bumalik dun. May visa na, e. At saka alam ko, ang visa, yearly yata, e. So, kung mag-e-expire, e, di magre-renew ulit."



Sa April naman daw ay siguradong mag-o-overlap na ang schedules ni Dingdong for taping, shooting, and campaign sorties. Sisimulan na kasi nila ni Marian ang taping ng pagbabalik-tambalan nila sa telebisyon, ang Pinoy version ng Koreanovela na Endless Love, at pelikula nila para sa GMA Films.

0 comments:

Post a Comment