Monday, February 1, 2010
Dingdong Dantes says YPF's book run became complete because of Marian Rivera's presence
Naging very successful ang kauna-unahang event ng Yes Pinoy Foundation para sa taong 2010. Ito ang book run kunsaan ay co-presentor ng Yes Pinoy ang National Bookstore. Dingdong Dantes, the founder of Yes Pinoy Foundation, himself is an endorser of the country's giant book and school-supply chain.
More than 2,000 katao ang bilang ng mga tumakbo sa YPF's first-ever book run, na ginanap sa Bonifacio Global City kahapon ng umaga, Linggo, Enero 31. As early as 4 a.m. ay marami ng runners ang na nasa lugar, na naka-set magsimula ng 5 a.m. Lalo pa't yung iba, sa mismong oras na rin na yun nagpa-register.
"Sobrang nagpapasalamat ako sa lahat ng dumating," sabi ni Dingdong sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Hindi magiging successful ito kung hindi dahil sa donation nila and much more yung actual participation."
Dugtong pa niya, "It's a very noble thing. Gaya ng sabi ko, nag-donate sila, hindi lang nagbigay ng pera, but more, pumunta sila, naglabas ng pawis at hirap para sa isang magandang cause."
Definitely, may naka-line-up na raw na next project ang Yes Pinoy Foundation para pa rin sa scholars nila. Ito ay dagdag pa sa mga mga proyekto nila ng pag-rehabilitate ng mga eskuwelahan, matapos ng bagyong Ondoy and Pepeng last year.
Kahit naging successful ang naganap na book run, posible raw na by 2011 na ang Part 2 ng ganitong event for YPF.
Mismong si Dingdong ay sumamang tumakbo sa 5K run.
"Okey naman, maganda ang umaga. Okey naman siya," nakangiting sabi ng GMA-7 primetime actor. "Second time ko pa lang tumakbo. Pero kapag may time, tumatakbo lang ako sa bahay namin or kaya sa treadmill."
Naging maganda raw ang experience niya sa ikalawang pagtakbo kung kaya't nandun ang urge na gawin niyang muli.
"Kakaiba, ang sarap ng feeling, especially on a Sunday morning!"
CELEBRITIES JOIN THE RUN. Marami ring celebrities ang nakita ang PEP na gumising nang maaga at tumakbo, tulad nina Gabby Eigenmann, Carl Guevarra, Arthur Solinap, Luis Allandy, Miriam Quiambao, Boy2 Quizon, Paolo Paraiso, at maging ang girlfriend ni Senator Noynoy Aquino na si Shalani Soledad.
Natutuwa raw talaga si Dingdong na personal na nagtanong tungkol sa book run at nag-participate pa ang mga celebrity na ito.
"Yun kasi ang gusto kong iwasan," paliwanag ni Dong, "yung hangga't maaari, ayokong magkaroon ng personal favor. Wala talaga akong personal na pinapunta. Kusa silang pumunta. Kaya nga mas malaking karangalan para sa amin at sa foundation na dumating sila at dumalo sila."
Sinabi naming halos lahat yata ng pinapasok niyang proyekto ngayon—either for his personal causes or for his career—ay nagiging matagumpay.
"Well, siguro, if you really put your heart into it, at hands-on ka sa lahat, at klaro ang objectives mo, I think everything naman will be successful," sabi niya.
MARIAN'S PRESENCE. All-out naman ang suporta sa kanya ni Marian sa naturang book run.
"Naging kumpleto dahil nandito siya," sabi ng aktor.
Okey rin daw sa kanya kung itutuloy-tuloy ni Marian ang pagtakbo.
"As long as it is healthy for her, as long as she likes it, bakit hindi?" nakangiti niyang sabi.
Inamin naman ni Dingdong na nang mauna siyang makarating sa finish line at malamang tumatakbo pa si Marian, binalikan at sinundo niya ang aktres.
"Siyempre, gusto kong malaman na okey siya."
TRIP TO SPAIN. Excited na rin naman daw si Dingdong na makilala ang daddy ni Marian na nakatira sa Spain.
"Oo naman," sambit niya. "Pero siyempre mas excited ako na magkita sila dahil matagal silang hindi nagkita."
Pagdating sa napipintong pagsama niya kay Marian papuntang Spain, hindi pa rin ito makapagbigay ng konkretong sagot kung tuloy na tuloy na nga ba sila dahil ngayong araw, February 1, pa lang daw niya malalaman kung naaprubahan ang visa niya.
Wala pa rin daw silang itinerary pagdating nila ng Spain.
"Mabilis namang gawin yun, e. Sa Dubai, meron na kasi producer naman ang nag-ayos nun. Yung sa Spain , I feel positive about it, so ayoko na munang isipin," saad ni Dingdong.
Labels:
Dindong Dantes
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment