Thursday, January 14, 2010
Dingdong Dantes and Yes Pinoy Foundation to launch "Book Run"
Hands-on talaga ang aktor na si Dingdong Dantes sa kanyang Yes Pinoy Foundation (YPF). Kuwento nga ng YPF staff sa PEP (Philippine Entertainment Portal), kahit wala na raw halos tulog sa kanyang showbiz commitments si Dingdong, tutok pa rin ito sa pangunguna sa mga meeting para sa kanilang foundation, na inaabot kadalasan ng ilang oras.
Since YPF was launched last August 21, 2009, tuloy-tuloy ang pagsasagawa nila ng mga makabuluhang proyekto. Ngayong 2010, ang pagkakaroon ng Book Run, na gaganapin sa Bonifacio High Street sa January 31, ang unang project ng YPF, kasama ang Beowulf Mediaworks, Inc. at sa pakikipagtulungan ng National Bookstore.
Kaugnay ng event na ito, isang presscon ang ipinatawag ng YPF kahapon, January 12, sa Centerstage, Timog Avenue, Quezon City.
RUN FOR A CAUSE. Maagang dumating si Dingdong sa press conference upang ipaliwanag kung para saan ang "Book Run" na ilulunsad nila.
"We plan to receive donations ng books from the runners, yung mga magre-register," sabi ni Dingdong. "On top of 400 pesos na ire-register nila, magdo-donate sila ng books para sa Foundation. With that, lahat ng proceeds na makukuha namin at madye-generate namin from this fun run will go to Yes Pinoy Foundation Oplan: Restore Paaralan."
Ayon kasi sa Department of Education (DepEd), humigit-kumulang sa P3 billion, o tatlong milyong libro, ang halagang nawala dahil sa mga bagyong Ondoy at Pepeng.
"Siguro, when all the while we thought tapos na lahat ng naging epekto ng calamities, hindi tayo aware that there are public schools who still don't recover from the loss, especially dun sa mga nasirang libraries, nasirang classroom. Much more na binahang mga libro. So, that's what we plan to donate sa mga public school na nangangailangan ng libro. Much more, yung mga nangangailangang mag-rebuild ng structures ng educational institution," pahayag ng aktor.
Consistent si Dingdong sa pagsasabi kung ano ba talaga ang goal niya in putting up YPF—education for the youth.
"I believe kasi, education ang pinakamalakas na tool at pinakamalakas na katangian na pupuwedeng ibigay sa isang kabataan. So, it's one thing that I would like to protect," saad niya.
YPF hopes to gather at least 2,000 runners na maaring pumili sa 3K, 5K, at 10K legs for the men's and women's divisions. May nakahanda rin daw silang prizes from their sponsors para sa mga mananalo.
Dugtong pa ni Dingdong, "Puwedeng mag-log on at www.yespinoy.org, or puwede rin personal na mag-register sa R.O.X. store on Bonifacio High Street."
MARIAN WILL RUN. May mga ilang kapwa-artista na ring kinausap si Dingdong para makasama sa Book Run. Ilan sa mga ito ay ang mga kasamahan niya sa PPL management ng manager niyang si Perry Lansigan, at siyempre, ang girlfriend niyang si Marian Rivera.
"Actually, marami pa," sambit ni Dingdong. "Nagte-text pa lang ako ngayon. So, kung sinuman ang gustong magising ng alas-singko at tumakbo for a good cause and, at the same time, for their own good health, e, very welcome."
Noon pa man ay sinasabi na ni Dingdong na si Marian ang isa sa inspirasyon ng YPF. Kaya naman sa halos lahat ng projects and events ng Foundation ay nandoon ang actress.
"Well, dapat may taping siya. So, I think ite-taping na niya lahat ng episodes niya bago mag-31st. Kasi pagdating ng February 1, aalis na rin kami for Dubai. So, dapat matapos na rin lahat. Siguro, bilang last day na rin niya ng 30 [para sa Darna], she will try to be there," ani Dingdong.
After Dubai, matutuloy ba ang plano nila ni Marian, na sasamahan niya sa Spain, para makilala ang ama nito nang personal?
"Balak talaga namin yun," sabi ni Dingdong. "Pero hanggang ngayon, wala pang necessary documents. So, hangga't hindi ko pa hawak yun, siyempre, hindi ko pa masasabing tuloy na tuloy na siya."
May mga relatives din daw si Dingdong sa Spain na puwede niyang puntahan at bisitahin at ma-meet din nila ni Marian.
"I'm also excited to see kung paano sila dun, di ba? Yung kapatid din ng Mommy ko has been living there for over 30 years, so gusto ko rin makita siya."
Labels:
Dindong Dantes
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment