Monday, January 25, 2010
Jomari Yllana to bring American Idol 2009 winner and two big-name groups for two-night show
Matapos dalhin dito sa Pilipinas last year sina David Cook at David Archuleta, ang 2009 American Idol winner naman na si Kris Allen ang dadalhin ng Fearless Productions sa ating bansa.
Kamakailan ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jomari Yllana (isa sa bumubuo ng Fearless together with the Singson brothers Ryan and Cong. Ronald). Binanggit nito ang tungkol sa Musicfest 2010 with Kris Allen, Jabbawockeez, at Boyce Avenue.
Dalawang gabi ang concert, pero mangyayari sa dalawang magkaiba ring lugar—una sa SM Cebu Open Grounds on February 5, Friday, at the next night sa McKinley Hill Open Grounds sa Taguig City, February 6, Saturday.
"Bagong venue yun," tukoy ni Jomari tungkol sa SM Cebu Open Grounds.
"We're trying to penetrate yung market sa Cebu," ani Jomari. 'Tapos we—si Ronald at ako—we always try to make something new, laging bago. Sobrang bago itong ginagawa namin. Tatlong malalaking grupo ito.
"Kasali ang [dance group na] Jabaawockeez at [ang bandang] Boyce Avenue. Pag pinasok mo si Kris Allen na mag-isa, it would look like a normal concert ng isang artist, ganyan. So, definitely, yung market namin na inaabot, pambata," sabi pa ni Jomari.
May rason kung bakit gusto nilang ma-capture ang market sa Cebu.
"We need to ano, kasi, kailangan namin ng malaking show for Cebu ng pre-Valentine, kasi we plan on doing something for Cebu, for Sinulog 2011. So kailangan naming makita yung market."
Ayaw pang i-reveal ni Jomari kung ano ang plano nila for the Sinulog Festival next year.
"Malayo pa yun."
Kung nagpa-concert sila ng dalawang David's, bakit hindi Kris at Adam Lambert (runner-up ni Kris) this time?
"Hindi, e. Kasi gusto nga namin iba. Pag ginawa namin yun, it's just like doing two David's. So iyon."
Hindi raw sila nahirapan na kunin si Kris.
"Finalized na yun. Yung nahirapan sa pagkuha sa kanya, hindi naman."
JOM'S DREAM ARTIST. May tinatarget pa ba na malaking-malaking foreign artists ang Fearless for their upcoming events?
"Hindi kami maka-mention ng names hangga't hindi siya selyado, e. But we have big names for this year," sagot ni Jom.
Pero kung dream artist talaga, isa lang ang gusto ni Jom na makuha.
"Dream artist ko? U2!"
So bakit di nila kunin ng Fearless?
"Pahingi ng mga tatlong milyon...na dolyar," tumatawang sagot niya.
"Pag meron kang tatlong milyong dolyar, siguro ayan kunin natin ang U2. Ha-ha-ha!"
JOMARI IN CONCERT. Bukod sa pagpo-produce, kinakarir na rin ni Jomari ang pagkanta.
In fact, kasali siya sa Forever Love, isang Valentine concert on February 12 and 14 na magtatampok sa kanya at kina Kuh Ledesma at Christopher de Leon sa Captain's Bar ng Mandarin Oriental.
"Wala, hindi ko naman pinaplano, e. Pinasok nila ako sa Celebrity Duets, e nag-e-enjoy ako sa pagkanta, masarap pala. Yung support nila sa akin kumpleto 'tapos parang gina-guide pa nila ako, kino-coach pa nila ako. E, masarap pala."
Hindi naman daw niya first time na mag-concert.
"Ah, hindi. Nagge-guest-guest na rin ako sa mga concerts. I did a fund-raiser, benefit concert nung January 15 for the Archdiocese of Lingayen, Dagupan. Ako ang opening act, ako ang nag-opening medley," pagmamalaki ni Jomari.
LINKED TO RADHA. Tinanong naman ng PEP si Jomari tungkol sa isyung inili-link sila ng singer na si Radha Cuadrado. Si Radha ay ang apo ng aktres na si Lolita Rodriguez at dating isa sa mga singers ng R&B group na Kulay.
"Wala, ganun talaga. Wala lang. Ano 'yan, e...ako accepted ko na yung fact na kahit sinong kasama ko, 'tsaka kahit anong gender ng taong kasama ko, na lagi na nakikitang kasama ko, e, laging natsitsismis sa akin," nangingiting sabi ni Jom.
Kahit anong gender, meaning pati bading.
"Oo," ngiti uli ni Jomari.
At kailan naman siya huling natsismis sa bading?
"Siguro 5 to 6 years ago pa. Pero laging ganun, siguro kakambal ko na yun."
So ano nga ang totoo between him and Radha?
"There's nothing going on. We're business partners. 'Tapos she's my assistant for now.
"For now kasi I have plans of launching her career again. So I'm just giving her time. So, in a way, nag-a-assist siya for me, tinatago ko sa TV, tinatago ko sa lahat, kasi balak ko siyang i-launch sometime April.
"Buo na kasi yung managing and imaging agency ko, e. Nabuo siya nung December. Namimili pa kami ng name. Baka, 'In Tone.' She is talent number one, siya yung unang kinuha ko. I'm managing her."
Hindi kaya lalo silang matsismis?
"Okey lang, para mas may intriga, para mas pag-usapan," tumatawang tugon ni Jomari.
Labels:
Jomari Yllana
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment