Your Ad Here

Friday, March 26, 2010

Shaina at John Lloyd, sweet sa isa’t isa


BAGO pa man lumabas ang balita na magkasabay na dumating, at mas naunang dumating sina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz, kesa sa mga kasamahan nila sa ABS CBN, para ASAP XV sa Boracay, una na naming nabalitaan ang diumano ay paggimik ng dalawa sa isang bar sa Katipunan, Quezon City.


Anyway, ilang saksi na nasa Boracay ang nagkuwento sa akin na nakita nila sina Shaina at John Lloyd na magkasamang nagsa-sunbathing. At sabi pa, sobrang sweet ang da­lawa habang nasa ilalim ng sikat ng araw.


Kung tutuusin, hindi na bago sa akin ang kuwentong `yon, dahil bago pa man yon ay nabalitaan na nga namin na sweet na sweet na gumimik sina Shaina at John Lloyd sa Katipunan.


Base sa kuwento ng mga taong nakasaksi, sa isang medyo madilim na lugar sa naturang bar nakapuwesto sina Shaina at John, kasama ang kanilang mga kaibigan. At madaling-araw na raw na umalis ang dalawa sa naturang bar, pero nilinaw ng taong kausap namin na hindi naman sa isang sasakyan sila sumakay.


Well, wala namang masama kung lumabas man o gumimik na magkasama sina Shaina at John Lloyd, lalo na at kasama naman nila ang kanilang mga kaibigan. Pero `yun nga lang, hindi talaga maiiwasan na obserbahan ng mga tao sa paligid nila ang kanilang mga kilos, lalo na at pa­tuloy nilang itinitikom ang kanilang mga bibig sa mga isyu sa kanilang dalawa.
read more "Shaina at John Lloyd, sweet sa isa’t isa"

Drew, magpapainit sa AHA!


ANG matalino at makulit – pero charming na si Drew Arellano ang mangunguna sa pagdiskubre sa mga wild at wacky discoveries sa AHA! At dahil summer ngayon, unang pagkakaabalahan ng AHA! ang lahat ng bagay na hot.

Tulad ng weather sa Pilipinas, na minsan ay umabot pa ng 35.8 °C. Pero wala pa pala ‘yan sa temperature sa Libya, na minsan nang umabot sa 57.8 °C!


At dahil summer, usung-uso ang mga hot and sexy swimsuits. At pag intense ang init, masarap magpalamig at kumain ng ice cream. Pero masarap pa rin kaya kung ang presyo ng ice cream sundae ay aabot sa 1000 US dollars? At hindi pala si Tetchie Agbayani ang unang Pilipinang nag-pose sa men’s magazine na Playboy. E sino? Alamin ‘yan sa AHA! ngayong Linggo (10:30 a.m.) sa GMA 7.
read more "Drew, magpapainit sa AHA!"

Thursday, March 25, 2010

Angelica at Derek pinagkakitaan!


Siguro, panahon na para magpapayat si An­gelica Panganiban. Gayung napaka-sweet naman niyang tao sa harap at likod ng kamera, feel­ing ko ang dami-daming nagagalit o naiinis sa kanya.

Kung bakit naman kasi nadiskubre yung larawan nila ni Derek Ramsay sa isang bakasyon. Baka ito ang ugat ng pagbabago ng image niya sa publiko. Buti nga at ganun klaseng litrato lang at hindi katulad nung nakunan kina Katrina Halili at Hayden Kho ang lumabas.

Nasa age of technology
na tayo and the unmarried practice safe sex, so what else is new? Akala ng dalawa, sila lamang ang tao sa mundo kaya siguro naging pabaya sila. Ayun pinagkakitaan pa sila!
read more "Angelica at Derek pinagkakitaan!"

Pag-iyak ni Anne wala nang silbi


Usap-usapan yung paglabas ng boobs ni Anne Curtis habang sumasayaw sa ASAP nung Linggo. Kahit nagpaka-gentleman si Sam Milby at niyakap siya para matakpan ang kanyang katawan, huli na ito, nabuyangyang na sa kamunduhan ang itinatagong beauty ni Anne. Nakatutok kasi sa kanya ang maraming lente kaya nakunan ng buong-buo ang pangyayari.

Mag-iiyak man si Anne, wala nang mangyayari. Nakita na ng lahat ang dapat ay nakatago. Wala namang dapat sisihin, isang aksidente yun.
read more "Pag-iyak ni Anne wala nang silbi"

“Maawa kayo kay Anne…”


HINDI na nga napi­gilan ang pagkalat ng mga litrato ni Anne Curtis na labas ang isang dibdib niya habang nagpe-perform sa ASAP XV sa Boracay noong nakaraang Linggo.


Wardrobe malfunction ang term sa nangyari kay Anne. Hindi nga niya alam na lumabas na ang kanyang kanang dyoga sa suot niyang bikini top. At kasalukuyan ngang sumasayaw si Anne nang maganap ‘yon at mara­ming manonood sa Boracay ang nakakita at gi­namit nila ang kanilang mga cellphone cameras para makunan ang nangyari kay Anne.


Kahit nga nakiusap na ang production crew ng naturang show sa mga nakakuha ng eksenang iyon ni Anne na burahin ang nakunang vi­deo, still ay marami pa rin ang nangahas na i-upload sa iba’t ibang sites sa internet ang nangya­ring iyon kay Anne.


Nagdala ng apela ang management ni Anne, ang Viva Artist Agency na pinangungunahan ni Ms. Veronique del Rosario-Corpus sa mga nakakuha ng litrato at vi­deo ni Anne sa Boracay.


Alam nga nilang mahirap nang habulin kung sino ang mga ito, pero sana raw ay tigilan na lang ang pagkalat nito at maawa sila kay Anne na walang intension na magpakita ng anumang private parts niya.


“We are appalled by the behavior of some people who have irresponsibly posted over the internet a photo of our artist, Ms. Anne Curtis Smith, taken during the taping of one of her production numbers for ASAP XV.


“What happened du­ring the taping was an unfortunate accident. Nothing was done intentionally.

Anne was merely doing her best to deliver a solid performance as an artist.


“It is disheartening to discover though that certain people have taken advantage of the situation, maliciously uploading the photos over the internet. Worse, participating in the proliferation of the same over the net.


“Obviously, some unscrupulous individuals have capitalized on this misfortune and consequently exploited our artist whose only fault was to do her job well.


“We appeal to these individuals, please have a little respect and decency to stop posting the photos and distributing the same. Think of your sister, your mother, your wife, and your daughter. Have a heart.”
read more "“Maawa kayo kay Anne…”"

“Wala silang puso!” -- Anne


FINALLY, Anne Curtis broke her silence sa naganap na wardrobe malfunction, habang nagsasayaw siya sa isang number sa ASAP XV sa Boracay. Insidente ngang nag-hello ang kanang boobs ni Anne roon.


Bagama’t hindi ito mapapanood sa episode ng ASAP on Sunday, hindi pa rin na-kontrol ang paglabas ng video or picture ng halos 10 seconds exposure ng right boobs ni Anne bago pa maging to the rescue ang ex-boyfriend ni Anne na si Sam Milby.


Nauna nang nagpadala ng letter ang management ni Anne sa Viva kunsaan nga ay nakikiusap sila na kung sinuman ang nakapag-picture through their camera or cellphone, not to post it anymore in any internet site. Especially aksidente naman talaga ang naganap at kawawa naman si Anne.


Napanood namin ang interview ni Anne ka­tabi si Sam na leading man naman niya sa Babe, I Love You.

Ayon kay Anne, “Nakakalungkot ang ginagawa nila. Sana nakakatulog sila ng maayos. Sana masaya sila sa ginagawa nila na alam nilang meron silang nasasaktan na tao.”


“‘Walang puso,” ang term na ginamit ni Anne sa pagde-describe sa mga taong nag-post sa mga blogs nila or Facebook account ng natu­rang picture. Para kay Anne, kung may appropriate nga raw na batas or legal actions na puwedeng gawin, gagawin daw niya hindi lang para sa kanyang sarili kung hindi maging sa ibang babae na nalagay sa ganitong situwasyon.


“Ako ‘yun, eh, sarili ko ‘yun, katawan ko. Hindi ko naman sinadya ang nangyari,” sabi pa ni Anne.


May punto si Anne sa bagay na ‘yun dahil aksidente talaga ang naganap at hindi kusang loob niyang ibinuyangyang ang private part niya. Kaya bilang respeto sa pagkababae na rin nga naman ang hinihiling niya na huwag nang mag-upload or pagbubura sana nito sa sinumang nakapag-take ng picture or video.


Hindi itinanggi ni Anne na galit at pagkabastos ang nararamdaman niya sa mga naglabas o nag-take advantage sa naturang aksidente. Gusto na lang din isipin ng aktres na lilipas din ang nangyari.


“All I can do now is to move on, to deal with it and to hope that it will pass already. Sana sa lahat ng may picture, sana tigilan na ang pag-upload or kumbaga, mga nag-upload sa mga blogs nila, please, stop it na,” sabi na lang ni Anne.
read more "“Wala silang puso!” -- Anne"

Erich at Enchong, naudlot ang relasyon!


BUONG ningning na inamin ni Enchong Dee na muntik na talaga silang magkaroon ng relasyon ni Erich Gonzales. Pero, naudlot daw `yon, dahil sa kanilang trabaho.


Sa totoo lang, matagal na ngang tsismis ang pagkakaroon ng relasyon nina Enchong at Erich, pero wala silang inamin.


Dugtong na kuwento pa ni Enchong, nu’ng ginagawa pa lang daw nila ang Katorse, nagkaroon na sila ni Erich ng unawaan. Pero, dahil sa trabaho raw nila, naisip nila na baka mauwi rin sa hiwalayan ang samahan nila.


Kaya naisip daw nila na mas maganda kung maging friends na lang muna sila. At hindi raw sila nagkamali sa desisyon nila na pairalin muna ang pagiging friends nila dahil mas masaya raw sila ngayon, at walang pressure.


Anyway, masaya na rin si Enchong dahil finally ay naayos na nang husto ang problema sa pagitan nina Erich at Ejay Falcon. Sa set daw ng Tanging Yaman ay maayos na kung mag-usap ang dalawa. Hindi na raw nagkakailangan, at medyo bumalik na raw sa dati ang samahan ng dalawa.


Siyanga pala, pinaghahandaan ni Enchong ang pelikulang pagsasamahan nila nina Bea Alonzo at Lorna Tolentino, na ididirek ni Laurice Guillen para sa Star Cinema.
read more "Erich at Enchong, naudlot ang relasyon!"