Saturday, March 20, 2010
Dahilan ng maagang pagalis ni Jc de Vera sa GMA
Nalaman namin sa presscon ng TV5 para kay JC de Vera ang dahilan ng kanyang napaagang pag-alis sa Panday Kids ng GMA 7. Pumayag si JC at ang kanyang manager na si Annabelle Rama na tapusin niya ang Panday Kids, kahit March 14, 2010 ang expiration date ng kanyang exclusive contract sa GMA 7.
Pero ang insidente na nangyari sa guesting ng Panday Kids cast sa SOP ang last straw para hindi tapusin ni JC ang show dahil hindi raw siya nabigyan ng pagkakataon na magsalita at i-promote ang kanilang fantaserye.
“Hindi naman ako ang tipo ng artist na ‘O akin na itong mic, magpo-promote ako. Ako ang bida. Hindi naman ako ganoon.
“Inantay ko lang talaga ang mga host ng show na ‘yon na sana, inabot sa amin ang microphone. Sina Marvin, sila pa ‘yung nasa gilid. Kami pa ‘yung nasa likod ng kids so right after the kids, ine-expect namin na eto, sa likod naman, sina JC... (ang magsasalita).
“Actually, sinabihan ko si Tita Annabelle noong presscon na ‘Tita manood ka. Panoorin mo ‘yung presscon. Tingnan mo ‘yung presscon’.
“Sabi ni Tita sige... Ganoon din ang nangyari. Same thing. Kung ano ang nangyari, ganoon din ang nangyari sa presscon.
“Ako, for the longest time, silent lang ako tungkol doon. Kaya lang kasi, ang sinabi nila sa akin, ‘Ikaw ‘yung lead star ng show.’
“Iba ‘yung definition ko ng bida. Ikaw ‘yung naka-front, ikaw ‘yung magsasalita. Parang bida. Eh ‘yon ang naging outcome, naging cast member ako,” ang mahabang kuwento ni JC tungkol sa pagkaka-itsa puwera sa kanya sa guesting noon ng Panday Kids cast sa SOP.
Twenty-four years old na ngayon si JC at tatlong taon ang contract niya sa TV5. Kung hindi raw siya naipit sa away ng kanyang manager at ng GMA 7 executive na si Wilma Galvante, hindi aalis si JC sa Kapuso network.
Ayon sa aktor, naramdaman niya ang pagbabago ng trato sa kanya nang maging witness siya sa kaso na isinampa ni Annabelle laban kay Galvante.
“Nagbago ang treatment. Basta nag-iba. Nagbago lahat although may mga kaibigan naman ako doon na staff and directors pero ano magagawa nila para matulungan ako?
“Mabigat... Ako ang naiipit. ‘Yung ginawa ko lang na nag-witness ako kay Tita Annabelle, ano na ‘yon eh sobrang ipit na ipit na ako.
“Kumbaga, parang ang kakampi ko na lang doon, si Ma’am Annette (Abrogar), saka si Sir Gozon. Si Ma’am Wilma, wala na. Totally, enemy na ang dating niya.
“Mabigat sa mga tao. Alam kasi nila na may isyu. Alam nila na magkaaway sina Tita Annabelle, saka si Ma’am Wilma.
“Palagi ‘yon. Pagdating sa mga storycon, presscons, mga launching, may politics eh. ‘Yun ang mga effect ng away nina Tita at Ma’am Wilma. Kapag tumagal pa siya nang tumagal, ako ‘yung mahihirapan. Better na rin after my contract, alis na ako (sa GMA 7) para at least tapos na,” ani JC.
Hindi nakialam ang TV5 sa desisyon ni JC de Vera na huwag tapusin ang Panday Kids. In fact, sinabi ni Perci Intalan (TV5 Entertainment TV Head) kina JC at Annabelle na handa sila na mag-adjust sa schedule ni JC hanggang matapos ang airing ng Panday Kids.
Ang buong akala ni Perci, magwawakas sa April 2010 ang Panday Kids kaya napakamot siya ng ulo nang malaman niya na June 2010 pa ang ending ng show dahil magkakaroon ito ng conflict sa apat na shows na ibibigay nila kay JC.
Nalutas ang problema ni Perci nang magpasya si Annabelle na i-pull out si JC sa Panday Kids dahil sa mga nangyari sa launch ng show sa SOP.
Ikinuwento ni JC na ang pagtatagpo nila ni Paulo Avelino ang isa sa mga huling eksena niya sa Panday Kids. Identical daw ang kanilang mga costume sa eksena na kinunan dahil si Paulo ang ipinalit sa kanyang karakter na pinatay.
Labels:
JC de Vera
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment