Your Ad Here

Thursday, February 18, 2010

JC de Vera does not know yet if he'll stay as a Kapuso when his contract ends this March


Kinailangang magpalaki ng katawan ni JC de Vera para sa kanyang role bilang Aureus, isang eskrimador, sa bagong primetime telefantasya ng GMA-7, Panday Kids, na mapapanood na simula sa Lunes, February 22, sa GMA Telebabad.



One month lang daw ang inabot bago na-achieve ni JC ang magandang katawan niya ngayon.



"One month lang. Kasi nag-take advantage ako doon sa Christmas season. Nasa 165 pounds ako ngayon. Before 148," banggit ni JC nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa grand launch ng Panday Kids sa Studio 5 ng GMA Network noong February 16.



Maaksiyon ang mga eksena ni JC sa Panday Kids, lalo na't ang role niya ang itinalaga bilang susunod na tagapangalaga ng espada ng Panday.



"Marami akong fight scenes dito. Meron naman kaming wushu instructor from China na nagtuturo sa amin," sabi niya.



Ano ang pinakamahirap na nagawa niya so far sa kanyang mga fight scenes?



"Yung pinakaunang scene na ginawa namin na first day of taping din, yung nagpa-fight scene kami ni Tito Boyet [Christopher de Leon] sa hanging bridge. Seventy-foot po yun, ganun po siya kataas kaya medyo nakakalula. Dahil nga ako ang susunod na protector ng sword tini-training niya ako. Ang pinakamahirap po noon ay naka-blindfold ako," kuwento niya



Dahil siya ang bagong tagapangalaga ng espada, magagamit niya rin ba ito?



"Yes, magagamit ko siya."



Ano ang feeling na nabigyan ulit siya ng GMA-7 ng big role?



"Well, as always, grateful ako. Kung anuman kasi yung ibinigay sa akin, sinisigurado ko na 100 percent din ang ibibigay ko para sa show para makita talaga nila kung ano yung kaya kong gawin. Very grateful ako and happy," sagot ni JC.



WORKING WITH THE PANDAY KIDS. Ang madalas daw niyang kaeksena ay ang mga Panday Kids na sina Buboy Villar, Julian Trono, at Sabrina Man.



"Kasi ako ang magti-training sa kanila. Ako yung maghahanap sa kanila. Ako yung makakasama nila every time na magkakaroon sila ng battle. Nandoon ako sa likod nila. So, parang magiging teacher nila ako."



Ano ang masasabi niya sa tatlong bata?



"Amazed ako doon sa mga bata kasi very focused sila sa work. Buhay na buhay lagi sila, parang hindi sila napapagod at nakakapag-memorize pa sila ng mahahabang linya. At lahat sila, pag sinabi mong fight scene, pag sinabi mong action, bigay todo talaga," lahad niya.



KISSING SCENE WITH JACKIE. First time makatrabaho ni JC si Jackie Rice. Pero first taping pa lang daw nila na magkasama ay kissing scene na agad ang kinunan sa kanila.



"Nagugulat pa kami sa isa't isa kasi binigla kami ng team, kasi kissing scene kaagad. Work naman yun, wala namang malisya yun."



Ilang takes inabot ang kissing scene nila?



"Dalawa po."



Bukod sa biglaan nilang kissing scene, ano pa ang masasabi niya kay Jackie bilang katrabaho?

"She's down to earth," sagot ni JC. "Lately kasi, hindi pa kami nagkakasama sa taping. Yung isang eksena lang yun... Basta yung taping day na yun, two to three scenes lang ang nagawa namin, then tapos na siya. Kaya wala kaming time talaga to bond and to talk."



NO LOVELIFE. Wala ba siyang girlfriend ngayon?



"Girlfriend? Wala, matagal na," sabi niya.



How about dating?



"Dating? Medyo hindi ako nakikipag-date talaga. Mas open lang ako ngayon na magkaroon ng maraming kaibigan at maraming nakikilala sa labas, na usually hindi ko naman nagagawa before. Meron akong nakakasama lately, non-showbiz siya. Pero nothing serious yet," saad ni JC.



Since wala siyang girlfriend, posible bang ma-attract at ligawan niya si Jackie?



"Wala siguro. Trabaho na lang muna kami," sagot niya.



FACING THE CONTROVERSIES. Nabalita noon na lilipat umano ng ABS-CBN si JC after ng gusot sa GMA-7 noong isang taon sa pagitan ng manager niyang si Annabelle Rama at sa Senior Vice President for Entertainment ng network na si Wilma Galvante. Ano na ba ang nangyari dito?



"Sa ngayon po, hindi ko na iniisip 'yan," sabi ni JC. "Naka-focus na lang ako sa show na ito. May ibinigay naman sa aking work, so dito na muna. Ayoko munang magsalita ngayon. Gusto ko munang tapusin yung contract ko. By March 14 pa matatapos ang contract ko sa GMA. After nun, at saka ako magsasalita."



Paano yun, e, lalampas ng March ang airing ng Panday Kids?



"Well, yun ang hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari. Basta magsasalita po ako pagkatapos ng contract ko."



Pero open pa rin ba siya sa paglipat?



"Sa ngayon, hindi ko siya iniisip. Kasi nandito pa yung utak ko, e, sa Panday Kids. So, habang ginagawa ko ito, dito lang muna ako."



Nakalimutan na ba niya yung mga controversies sa kanya before?



"Yung mga controversies, hindi na 'yan mawawala, e. Kumbaga, pag sinabi mo yung pangalan ko, parang kakabit na 'yang mga controversies. So ako, ine-enjoy ko na lang na may trabaho tayo ngayon, na nagte-taping ako. Yung mga controversies, hindi na mawawala sa akin 'yan. Lalo na kay Tita Annabelle, hindi na mawawala 'yan."



Sa tingin niya ba ay magkakabati pa ang manager niya at ang nakabanggaan nitong si Ms. Wilma?



"Hoping pa rin ako na maaayos pa rin lahat at magkakabati," sabi ni JC.



Open ba siya na makipag-ayos kay Ms. Wilma?



"Wala akong problema kay Ma'am Wilma," sagot ng young actor. "Actually, ilang beses na kaming nagkasalubong, nag-meet, nagbatian. Ako, personally, wala naman akong problema talaga. Wala naman akong kagalit, wala akong kaaway. So, bakit ako magwo-worry?"



Kung meron siyang nire-regret noong 2009, ano yun?

"Siguro yung lack of self-esteem. Yung pagkukulang din ng tiwala ko sa sarili ko. Kasi yung buong 2009, inaasa ko lahat sa ibang tao, parang ganun. Maraming bagay na hindi ko talaga hinarap mag-isa. Kinailangan ko ng tulong ng iba. Yun ang medyo na-disappoint ako sa sarili ko.



"So, ngayong 2010, mas tina-try kong maging mas independent. Mas tina-try kong mag-focus muna sa sarili ko, kung ano yung kaya kong gawin mag-isa. Pero siyempre, si Tita Annabelle will always be there," sabi niya.



HATING KAPATID. Bukod sa Panday Kids, nagsu-shoot din si JC ngayon ng Viva Films movie na Hating Kapatid, na pinagbibidahan nina Judy Ann Santos at Sarah Geronimo. Love interest ni Judy Ann ang ginagampanang role ni JC sa pelikula.



"Nakaka-isang araw pa lang po ako ng shooting. Pero yung maging leading man ni Judy Ann, naku, nakaka-pressure! Happy ako kasi big star na si Judy Ann, e."



Hindi ba makakaapekto sa ginagawa niyang movie ang pagpapalaki ng katawan niya?



"Hindi naman kasi kailangan ko ring magmukhang mature."



Ready ba siya kung magkakaroon sila ng kissing scene ni Judy Ann?



"Okay lang po. Work po yun, e. Kung ano po yung hinihingi ng script, e, di gagawin."

0 comments:

Post a Comment