Friday, April 9, 2010
Gretchen hindi nagpatalbog, nag-walk out din
SEEN : Marami ang nagbibigay ng tulong sa veteran comedian na si Palito.
Naka-confine si Palito sa Philippine General Hospital dahil sa kanyang karamdaman sa baga.
SCENE : Hindi nakakatawa ang mga gags ng Lokomoko U, ang gag show ng TV 5.
SEEN : Ang pagluha at walk out drama ni Gretchen Barretto nang tanungin ito tungkol sa tampuhan nila ni Claudine. Hindi nagpatalbog si Ate...
SCENE : Pinapanood ni Cheryl Cosim ang Salamat Dok kapag nagigising siya ng maaga.
Si Bernadette Sembrano ang bagong host ng Salamat Dok dahil lumipat si Cheryl sa TV 5.
SEEN : Sina Pokwang at Sam Milby sa Ninoy Aquino International Airport noong Miyerkules ng gabi.
Galing sina Sam at Pokwang mula sa US concert tour ng Heartthrobs & Friends.
SCENE : Insensitive ang pagpapakita sa telebisyon ng video ni Philip Medel na hirap na hirap sa paghinga habang naka-confine sa ospital.
Si Philip ang suspect sa pagpatay kay Nida Blanca noong November 2001.
Namatay si Philip noong Miyerkules ng gabi.
SEEN : May tamang scripted ang mga eksena sa Melason in the City.
SCENE : May kulang sa teaser ng Working Girls 2010. Dapat idagdag sa trailer ang mga wackier scene ng pelikula.
Labels:
Gretchen Barreto
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment