Your Ad Here

Friday, April 9, 2010

Sarah, biktima ng magulong producer sa Japan!


NAGPALIWANAG si Sarah Geronimo tungkol sa hindi niya pagda­ting sa ginanap na Philippine Fiesta 2010 concert sa Tokyo, Japan.

Sabi ni Sarah, hindi dahil sa hindi sila nabigyan ng working visa kung kaya hindi sila nakapunta sa Japan, kundi dahil na rin sa producer na kumuha sa kanya at sa ibang performers.


Dapat pala ay kasama ni Sarah sina Jed Madela, Dra. Vicki Belo, Louie Ocampo at Rowell Santiago sa Exhibit Hall 3 ng Tokyo Big Sight. Pero pare-pareho nga silang hindi nabigyan ng working visa ng Japan Embassy.


Ayon sa singer-actress, naguguluhan daw sila sa producer na kumuha sa kanila. Hindi raw ito klaro sa mga dapat nilang gagawin sa show. Pero nakapag-submit naman daw sila ng mga requirements sa embassy.


“Lahat naman po naibigay namin. Hindi po kami nagkulang. Nasa producer po ‘yung problema. Sila na siguro ang dapat mag-explain kasi on our part, ginawa namin ang mga hinihiling nila,” sey ni Sarah.


Nalungkot lang si Sarah dahil napag-alaman niya na maraming mga Pinoy sa Tokyo ang bumili ng tickets dahil sinabi ngang darating siya kasama ang ibang celebrities mula sa Pilipinas. Noong mag-start na raw ang show, doon daw sinabi na hindi na sila makararating.


“Marami nga raw nadismaya kasi sinabi sa kanila na darating kami. Eh hindi pa nga maayos ang mga papers namin dito. Sana hindi nila pinaasa ang mga tao roon kasi alam kong may mga nagbiyahe at gumastos ng malaki para lang mapanood kami.


“Ayokong isipin ng mga tao roon na nambitin kami or inindyan namin ang show. Hindi namin gagawin iyon. Kung naayos lang ng maaga ang papers namin, makakarating kami roon para sa kanila.


“Hindi lang namin nagustuhan ‘yung pinaasa ang marami nating kababayan doon. Hindi maganda ‘yang ginawa nilang ‘yan.”


Kung mabibigyan daw ng pagkakataon si Sarah ay magsu-show siya sa Japan para sa mga Pinoy doon. Aayusin lang daw ang schedules niya dahil sobrang puno na raw ito hanggang kalagitnaan ng 2010.

0 comments:

Post a Comment