Friday, April 9, 2010
PBB Teen Clash of 2010, mag-aapoy sa tag-init!
LALONG mag-aapoy ang tag-init sa pinakabagong edisyon ng Pinoy Big Brother (PBB). Bukas (Abril 10) ay magsisimula na ang PBB Teen Clash of 2010 pero excited na ang marami sa mga bagong sorpresa at pasabog ni Kuya.
Siyempre, hindi nagpahuli sa kasiyahan sina Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez at Bianca Gonzales.
“Kapag kasama ko sina Mariel at Bianca, parang di kami nagtratrabaho,” say ni Toni.
“It doesn’t feel like work at all kung kasama mo ‘yung mga bestfriends mo na halos sisters mo na talaga,” sambit naman ni Mariel.
“Iba yung bonding namin pag nasa PBB kami!” say naman ni Bianca.
Maliban sa mga hosts, siguradong maiintriga ang lahat sa kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng “Clash” sa Teen Clash of 2010. May mga hula na ang “Clash” ay ang pagbabalik-bahay ng mga ex-teen housemates, at may nagsabi rin na may iba’t ibang challengers ang mga makikipag-clash sa mga teen housemates every week.
“When you say clash, pagbabanggain. Siguro, pagsasama-samahin ‘yung mga pareho ang ugali,” hula ni Toni.
Well, malalaman ang ibig sabihin ng “clash” at makikilala na rin ang higit sa 12 teen housemates sa espesyal na kick-off na tinatawag na “Let the Clash Begin.”
Labels:
Pinoy Big Brother
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment