Friday, February 19, 2010
Dingdong Dantes says no "pamamanhikan" happened on his trip to Spain with Marian Rivera
More than two weeks din nawala sa bansa sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Halos one week silang nag-stay sa Middle East—partikular na sa Dubai, UAE at Doha, Qatar—bago sila nagpunta ng Spain. Noong Martes, February 16, lang sila bumalik ng Pilipinas.
Sa pagbabalik nina Dingdong at Marian, nabalitaan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na sumabak na agad sila sa trabaho. Isang araw pagkatapos nilang makabalik ay nag-shoot na sila para sa isang TV commercial at kahapon naman, February 18, ay bumalik na si Dingdong sa taping ng game show na Family Feud.
Sa dressing room ng Family Feud sa GMA Network Center nakausap ng PEP si Dingdong.
Ayon sa aktor, parehong memorable ang trips nila ni Marian sa abroad. Sa Doha at Dubai ay nag-show sila kasama sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid para sa mga kababayan natin doon.
"Yung sa Doha at Dubai, parehong naging masaya, very successful. Like yung sa Qatar, malaki talaga yung capacity ng place, pero halos napuno siya. So, parang dun ka mapapaisip na napakarami ngang Filipino sa lugar na yun. And I believe na natuwa naman sila. On our part, malaking bagay na napasama kami sa isang concert with Regine Velasquez and Ogie Alcasid. Ang sarap ng feeling to be with these artists, also with Rico J. Puno," sabi ni Dingdong.
VIVA ESPAÑA. Pagkatapos nila sa Dubai ay dumiretso na sila sa Spain to meet Marian's father, si Francisco Javier Gracia na isang Español. Kuwento ni Dingdong, hindi na raw sila nagpasundo sa airport at sila na lang ang nagpunta sa restaurant ng daddy ni Marian.
"Okey, e. Kumbaga, the most siguro or the best part of it is seeing them happy together. After almost six years of not being together, e, they were given the chance to be with each other again," sabi ng aktor tungkol sa pagkikita ni Marian at ng ama nito.
Expected naman daw ng daddy ni Marian ang pagdating nila.
"Of course, of course. In fact, there were a lot of arrangements made to make our stay comfortable there," banggit ni Dingdong.
Halatang pigil pa rin si Dingdong sa pagbibigay ng detalye ng mga naging experiences nila sa Spain. Parang gusto niyang ibigay ang chance na yun kay Marian. Aniya, si Marian siguro ang dapat mas magkuwento lalo pa nga't ito talaga ang may dahilan kung bakit kinailangan nilang magpunta sa naturang bansa.
Pero definitely, marami raw magagandang memories and experiences sa naging trips nila ni Marian.
"Sulit talaga!" bulalas niya. "And like what I said, it's the company that matters. Add on na siyempre na maganda ang lugar, very historical, at halos lahat ng magagandang elements are present. So, magandang experience. Something na gugustuhin mong maulit."
HAPPY MEETING WITH MARIAN'S DAD. Naging maganda rin daw ang experience ni Dingdong being with Marian's dad.
"Ako, I believe na sobrang gaan ng kanyang personality. In a way, I see where Marian really came from, may similarities sa daddy niya. Partly, nakita ko ang kanyang kabilang half. So, nakita mo how he is also a bubbly, jolly person. Kumbaga, pagdating sa interes, pagdating sa pagkain, magkakapareho sila. Kahit ang mommy niya na mahilig din magluto," sabi ni Dingdong.
Nagkaroon din ba sila ng "man-to-man talk" ng daddy ni Marian?
"Well, all the time, e, kasama talaga si Marian dahil sila naman talaga ang dapat magkasama. Kumbaga, our main objective to go there is for them to bond and spend time," sagot niya.
Natawa naman si Dingdong sa sumunod naming tanong kung ipinakilala na ba siya ni Marian sa daddy nito bilang "your future son-in-law."
"Siya na lang siguro ang tanungin n'yo kung paano niya sinabi yun," sabi niya.
What about Marian's dad, nagbilin ba ito sa kanya to take care of his daughter?
"Hindi... Kasi nakita naman niya siguro on how much I care for his daughter. Although wala naman talagang sinabi at may mga bagay naman talaga na hindi na kailangang sabihin. Action speaks louder than words," aniya.
Natatawa na lang si Dingdong sa mga balitang kesyo namanhikan or nagpakasal na raw sila nang magpunta sila sa Spain ni Marian.
"Hindi. In fact, sa trip namin na ito, sinigurado ko talaga na makikita niya ang daddy niya. That's why pati sa pag-schedule, we did it properly. So, you know, yun talaga ang main essence ng pagpunta. So, walang nangyaring ganun. But also, if there's one thing that we gained also, nakilala na rin ng daddy niya...ako...someone he can trust, someone na alam niyang nandito para sa anak niya," saad ng aktor.
Hopefully, one of these days ay ang daddy naman daw ni Marian ang makakabisitang muli sa Pilipinas.
Na-meet din ba ni Dingdong ang ibang relatives ni Marian sa Spain?
"Siyempre, yung daddy niya, tita, tito niya. Pati yung sa mother side niya na dun na rin nakatira dahil bihira lang din naming makita rito since they come home, I think, once a year."
Ayon kay Dingdong, naipakilala rin daw niya si Marian sa kanyang tita, kapatid ng kanyang mommy who works and lives also in Spain.
"Umuuwi rin naman siya rito. Pero siyempre, iba yung ako ang pupunta dun. Makita kung ano ang ginagawa niya dun."
Mukhang when it comes to their respective families, parehong walang problema at tanggap kung anuman ang meron sila ni Marian?
"Of course, I would like to see it that way," nakangiting sabi ni Dingdong.
FAIR ELECTIONS ACT. Habang nasa Spain si Dingdong, dun naman lumabas ang paalala ng Comelec tungkol sa Fair Elections Act kung saan nakasaad na ang sinumang artista o celebrity na tatakbo at may iniendorsong kandidato ay kailangang mag-leave o mag-resign sa kanilang mga regular na trabaho. Si Dingdong ang national convenor ng Advocates of Youth and Students for Noynoy Aquino (Ayos Na).
Pero hindi pa man sila nakakabalik ni Marian at pagkatapos magbigay ng kanyang official statement si Dingdong tungkol sa isyu, pansamantalang pinayagan ng Comelec ang mga artista na ipagpatuloy ang kanilang mga ginagawa.
Ano ang masasabi niya rito?
"Oo, but it doesn't discount the fact that we should still know and obey the rule," sabi niya. "Pero siyempre, nagpapasalamat ako and I'm very grateful na hindi na-implement, especially ng network, na i-require ang artists who are active in the campaign to take a leave on their shows. Happy ako na nakita nila na hindi naman kailangang gawin.
"Pero of course, as long as we should also do our part to know that to be responsible, we should not really use our show as a venue to campaign, which is hindi ko naman ginagawa."
Aminado si Dingdong na na-bother din siya when he found out about the news.
Aniya, "Siyempre, parang you're put in a situation on having a decent way of living versus fighting for what I believe in. So, parang nasa peligro ang dalawang bagay na importante sa akin kaya siya mahirap. That's why when I was there, along with others na kailangang umapela rin, e, umapela to have consideration at isa ako sa masaya sa nangyaring yun."
Bakit ba niya ginagawa ang lahat ng ito para sa Ayos Na?
"Well, later on, I believe, number one, as I know myself, if I will participate in this exercise, because unang-una, ang biggest population block sa Pilipinas ay ang mga kabataan. At malaking bagay ang kabataan.
"And now that nai-involve ako sa isang endorsement or isang campaign, ayaw ko lang din naman na maging isa akong celebrity nila as representative. But more [than] that, mas symbolic para sa akin at mas maaalala ko ang isang bagay na ako mismo ang kasama sa kampanya [instead of] madali lang na trabaho. Important thing for me is extra hard work para mas ma-appreciate ko rin siya later on," paliwanag ni Dingdong.
MOVIE & TV SERIES. Sa huli, tiniyak ni Dingdong na matutuwa na naman ang maraming followers nila ni Marian dahil finally ay sisimulan na nila ang mga project nilang sila ang magkasama.
"Well, pinag-uusapan na yung movie project under GMA Films. Definitely, this summer yun. So, posibleng mas maunang maipalabas than Endless Love. Kaya sa aming mga friends, malapit na. Kahit kami ay nae-excite. The vacation is really over. So ngayon, back to work naman," sabi ni Dingdong.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment