Your Ad Here

Monday, February 1, 2010

Marian Rivera runs 5K to support Dingdong Dantes's Yes Pinoy Foundation


Hinihingal pa halos si Marian Rivera dahil sa ginawang pagtakbo sa five kilometer (5K) run sa ginanap na book run ng Yes Pinoy Foundation kahapon ng umaga, January 31, sa Bonifacio Global City, pero nagpaunlak na rin ito ng interview nang salubungin ng ilang entertainment press sa finish line.



First time lang daw niyang tumakbo, sabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal), pero from the original 3K lang sanang tatakbuhin niya, bigla siyang nag-decide na tumakbo na rin sa 5K. Pero positive raw kay Marian ang naging experience niya.



"Hindi kasi masusuklian ang experience, e. So, happy ako na ganoon pala talaga ang tumakbo," nakangiti niyang sagot.



Ayon kay Marian, sure na raw siya kahit noon pa na tatakbo siya. "Sigurado talagang tatakbo 'ko dahil unang-una sa lahat, naniniwala ako sa foundation niya [Dingdong Dantes]. At saka, para sa kanya."



Palagi na ba niyang gagawin ang pagtakbo?



"Bakit hindi, okey naman siya. At kung makakatulong, bakit hindi?"



Nangiti naman si Marian dahil sa pagbanggit ng press na todo rin ang suporta sa kanya ni Dingdong, dahil kahit nakarating na ito sa finish line, nagpalit lang ng pang-itaas, pagkatapos ay binalikan na siya kung nasaan man siyang lugar sa pagtakbo.



"Oo nga, e! Dapat 3K lang ako, napasubo ako, naging 5K na rin ako!" natatawa niyang sabi. "Nag-stretching lang ako kanina para hindi ako bumigay. Maaga akong pumunta rito para mag-stretching kami."



Nagulat din daw si Dingdong nang makitang sa 5K run na rin ito sumali.



Nagbigay ng mensahe si Marian sa naging success nga ng book run.



"Congrats, kasi naging successful at saka ang dami talagang tumakbo para rito sa book run na 'to. Kaya sa lahat ng tumakbo, isa na ako sa nagpapasalamat."



Pinaninindigan niyang talaga ang pagiging inspirasyon ng Yes Pinoy Foundation?



"Oo naman, oo naman...dahil isa ako sa naniniwala sa foundation niya."



So, lahat ng projects ni Dingdong, susuporta siya?



"Oo naman! All the way!" nakangiting sabi nga ni Marian.



YES! COVER STORY. Tinanong din si Marian tungkol sa YES! Magazine cover story tungkol sa kanila ni Dingdong (February issue), kunsaan kulang na lang nga ang tahasang sabihin nila na sila na nga.



"Siguro naman sapat na ang nakasulat dun para i-express namin ang mga feelings namin. Hindi na kailangang i-pinpoint na, ay, 'eto 'yan, wala na sigurong ganun."



Ayaw na ring magdetalye ni Marian in terms of sa official anniversary nila, monthsary...



"May ganun?" natatawang reaksyon niya. "Tulad ng sinabi ni Dong, siguro, e, sapat na ang mga salita namin. Hindi na kailangan ng mga ganun. Ang importante, e, naging honest kami, at masaya kami sa mga nangyari sa amin."



Pero para kay Marian, every day naman daw ay espesyal para sa kanilang dalawa ni Dingdong. Pero ano nga ba ang pinaka-memorable na araw para sa kanilang dalawa?


"Memorable? Sa tuwing makikita ko siya, yun ang memorable sa amin."



TRIPS WITH DINGDONG. Kinumpirma naman ni Marian na hindi pa sila matutuloy umalis ni Dingdong ngayong araw, February 1, papuntang Dubai, but instead yung susunod na araw na raw ang alis nila. Pero isang mabilis na "secret," ang sagot nito when asked kung naapruban na ba ang visa ni Dingdong pa-Spain.



Pero bakit nga ba tila sinisikreto pa nila ang biyahe nila papuntang Spain?



"Huwag kayong mag-alala, sasabihin ko naman, at ako mismo ang magsasabi sa inyo kapag natuloy yun at kapag nagkita kami ng daddy ko," sabi ni Marian.



Two weeks din daw silang mawawala dahil pa-Dubai bound muna sila for the Ogie Alcasid and Regine Velasquez show roon.



Kinamusta rin namin kay Marian ang kanyang daddy at kung excited na ba ito sa muli nilang pagkikita.



"Oo! Sabi ko nga, huwag na niya akong sunduin sa airport at baka dun pa kami mag-iyakan."



Nakangiti naman si Marian when asked kung excited na rin ba ang daddy niya na makilala si Dingdong.



"Tingnan natin...tingnan natin."



Five years din daw ang hinintay niya para sa muli nilang pagkikitang mag-ama.



"Paudlot-udlot kasi. Minsan siya ang uuwi, hindi matutuloy. Or ako ang pupunta, hindi rin matutuloy. So ngayon, sana ..."



PAGPAPAALAM SA DARNA. Timing naman daw na ang last taping ng Darna ay natapos ng 5:30 in the afternoon. Maagang-maaga nga naman kung ikukumpara sa usual taping day.



"Natapos nila ako ng 5:30 ng hapon. Kasi, nakiusap talaga ako na sa last day, kontian ang eksena ko para makatakbo pa rin ako rito."



Pero dalawang oras lang din daw ang itinulog niya dahil may party raw sila sa Darna.



How was her last taping?



"Mixed emotion, e. Unang-una sa lahat, malungkot dahil nagtapos na ang Darna. Nalungkot ako kasi ang dami kong nabuong friendship dun sa Darna[. Si Tita Celia [Rodriguez], si Roxanne [Barcelo). Mismong si Tito Eddie Garcia—alam mo 'yun? Lahat kami ru'n talagang nagba-bonding.



Patapos ni Marian, "Masaya siya na natapos siyang walang nangyaring masama. Mamimiss ko lahat, lalo na ang cast."

0 comments:

Post a Comment