Your Ad Here

Friday, January 29, 2010

Chynna Ortaleza forms an all-girl group with Ryza Cenon and LJ Reyes


Ilang linggo nang napapanood na nagpe-perform sa musical-variety show na SOP ang bagong group nina Chynna Ortaleza, Ryza Cenon, at LJ Reyes na pinangalanan nilang SH3.



Kilala na as solo artists/actresses sina Chynna, Ryza, at LJ, pero bakit nila naisipan to form a sing-and-dance group? Ito ang tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Chynna nang makausap namin siya.



Paliwanag niya, "Kasi nga, di ba, matagal na rin naman kaming tatlo sa SOP? So, parang ako naman, naisip ko, gusto ko lang din naman na may bagong makita ang mga tao sa 2010. Iba naman yung makikita nila sa aming tatlo nina LJ at Ryza."



Ayon kay Chynna, ang nag-conceptualize daw ng kanilang grupo ay walang iba kundi ang kanyang ama, si Mr. Gryk Ortaleza.



"Nakitaan niya kami ng potential sa 'Sayaw One' ng SOP. So, feeling niya, puwede kaming bigyan ng songs na kaya naming kantahin na magki-click sa mga tao. Last year pa namin ginawa, mga November, then kinausap ko sina LJ and Ryza na, 'Ano, gawa tayo ng group?' Luckily, game sila at okey naman kasi matatalik kaming magkaibigan.



"Last year, ni-record namin yung 'Move' at saka isa pang original before end of 2009. Saka kami nag-present sa SOP since yun ang regular show na variety. Okey naman dahil sila Ms. D [Darling de Jesus], Sir Rams [David] and staff, natuwa naman sila sa idea. Then, nagulat na lang kami nang binigyan nila kami ng oppoprtunity."



SH3. Ang SOP na rin daw ang nagbigay sa kanila ng pangalang SH3.



"SOP gave us the name. S stands for sizzling, H for hot sizzling hot female. Kaya 3 sa dulo dahil tatlo kami," paliwanag niya.



Hindi rin daw sila aware na may SHE group din pala sa Taiwan. Although, magkaiba naman sila ng spelling at meaning.



"Yung sa kanila naman yata, parang representation ng pangalan nila, their initials. Kaya gumawa ako ng blog entry sa fan page ng SH3 sa Facebook, dun ko in-explain na hindi namin intention na kumopya. In the first place, hindi kami aware na may ganung group sa Taiwan. Ang focus naman kasi namin, yung dito sa Pilipinas. Kung ano ang existing OPM artist, wala naman," paliwanag ni Chynna.



Anong klaseng group ba ang SH3?



"Pop talaga, tapos aside from that, sing and dance talaga. At nakilala kaming tatlo sa dancing sa SOP. Alam naman natin kung gaano kahirap sumayaw at kumanta. Nasa process kami na every performance namin, pagandahin nang pagandahin. Girl [group] siya na nagpe-perform talaga."



Dugtong pa niya, "Siyempre, kine-cater namin yung existing fans na namin as individual artists. And since artista kami, masa pa rin. Aside from that, siyempre gusto rin namin na sana ma-inspire namin ang teens ngayon."



So far, naka-focus daw sila sa appearances nila para mas lalo pang maging aware ang tao sa kanilang grupo aside sa appearance nila sa SOP. Pero ang ultimate goal daw ng SH3 ay ang magkaroon ng album na ang ire-release nilang tracks ay may halong covers at original compositions gaya ng "Move."



Pero wala bang conflict ang pagiging grupo nila as SH3 sa respective career nila as individual stars?



"Actually, yun din ang kinaiba ng grupo namin. Before kami binuo, individual artists na kami. So, kilala na kami bilang artista na ngayon sama-sama kami sa isang grupo. Kesa yung maiisip ng mga tao na, 'Sino 'yan?' At the same time, nagkakaroon pa kami ng another feather. Kaya sa SOP nga, kapag ini-introduce kami, parang triple treat—singing, dancing, and acting."



Masaya raw si Chynna dahil the first time na nakita silang mag-perform, maganda naman daw ang feedback na natatanggap nila.



"Oo, magaganda naman, happy naman kami," sabi niya. "Siyempre, meron pa rin na hindi natin maiiwasan, may nega feedback, pero that makes us strive better and work harder. So that makita ng mga tao na tama ang desisyon namin na pumasok sa isang territory. Exciting siya at pati kami, nasu-surprise sa sarili namin."



Tungkol naman sa mga kinakaharap na problema ng SOP, naniniwala si Chynna na maiaangat pa nila ito.



"Kami sa SOP, gusto namin, laban lang. Hindi kami nadi-dishearten. Cycle naman sa buhay 'yan. Minsan okay, minsan hindi. So, laban lang kami. Habang nandiyan, laban lang, go!" pahayag niya.
THE LAST PRINCE. Bukod sa SH3 at sa SOP, Chynna is also in the cast of The Last Prince kung saan ginagampanan niya ang papel ni Lourdes, isa sa kontrabida sa buhay ni Kris Bernal. Masaya raw silang lahat sa magandang pagtanggap ng mga tao sa kanilang programa.



"Happy kaming lahat sa set. Kapag nasa taping nga kami, yung mga tao, especially yung mga bata, talagang kilala na kami kung ano ang character namin kahit sabihin na sandali pa lang din naman siyang umeere. So, happy kami na maganda yung feedback sa rating at sa performance na rin ng show," saad ni Chynna.

0 comments:

Post a Comment